Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter XXXI

31.

Hanggang sa nagsimula ang klase, hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang nakita. Alam ko namang hindi imposible na magkasama sila pero 'yung senaryong parehas silang nakangiti... na mukhang nagkakaunawaan sila, na mukhang sa maikling panahon, nagkasundo agad sila... doon ako mas nasasaktan.

Gusto kong ibalik ang oras na tinawag ako ni Dash para ipakita 'yun, sana pala nakinig ako kay Eren.

Nanliit ako bigla... na makitang magkasama si Stacey at Sage, isama mo pa ang mga sinabi ni Dash sa akin tungkol sa kanila.

Hindi ko magawang mag-focus sa klase. Patingin-tingin ang mata ko kay Sage na siyang seryosong nakikinig sa harapan. Gusto ko siyang batiin pero... may kung anong hiya sa loob ko.

Ayokong isipin na si Stacey ang tipo n'ya dahil unang-una, ilang beses n'ya na itong tinaboy.

Pero... bawal bang bumaliktad ang mundo ng isang tao? Paano kung sa loob ng mga araw na wala ako, si Stacey talaga ang nakapagpagaan ng loob n'ya na maaaring... hindi n'ya naramdaman sa 'kin?

Ang sakit-sakit isipin.

"Sakura, hey?"

I snapped back to reality. I turned my head up and found Eren looking at me attentively. Napansin kong dala na n'ya ang sariling bag.

Doon ko lang napagtanto na uwian na pala...

"What is it?" nag-aalala n'yang tanong sa akin.

I shook my head and forced a smile. Saktong pagkuha ko ng bag sa upuan ko ay nakita ko si Sage na palabas na ng kwarto-- at parang may sariling utak ang mga paa ko, namalayan ko na lang palapit na ako sa kan'ya.

Bahala na siguro kung anong isipin n'ya, ang gusto ko lang ngayon, magkaayos kami.

Aabutin ko na sana ang kan'yang kamay para makuha ang atensyon nito pero kusang huminto ang kamay ko sa ere nang makita si Stacey na nakangiti siyang sinalubong sa labas ng kwarto.

Kasabay ng paghinto ko sa paglalakad ay ang paghinto ng mundo ko.

"How’s the class?" galak na tanong ni Stacey.

"It’s good, how about yours?"

Bumungisngis ang isa at sinabit ang isang kamay sa braso ni Sage-- doon ako nagulat.

"It came fine as well! Thanks to you, I feel energized." rinig kong sagot n'ya habang papalayo sila sa akin.

So... Dash was telling the truth...

Para isabit n'ya ang kamay n'ya sa braso ni Sage, means they really...

Nanginig ang labi ko at bigla akong tinamaan ng panghihina dahilan para mapatakip ang mga kamay ko sa bibig. Kumikirot na naman ang puso ko, nasasaktan na naman ako, pero pakiramdam ko ngayon, doble ang sakit na binibigay sa akin.

Sila ba? Kung ako ay hindi nagagawa ang gano'n sa kan'ya pero si Stacey... parang napaka kumportable na nila sa isa't-isa. Akala ko ba ayaw n'ya doon? Talaga bang sa maikling panahon... nagka-mabutihan na sila?

Hanggang sa tuluyan na silang nawala sa paningin ko nang isara ni Eren ang pintuan ng kwarto at maramdaman ko na lang na nakakulong na 'ko sa kan'yang bisig. Doon ako naiyak nang gawin n'ya 'yon. Hindi ko kasi alam na... ganito pala talaga ako kahina. Akala ko kaya ko, e. Pero kapag nasa aktuwal ka na, hindi mo pala kaya... mahina ka pala. Mahina na ang katawan ko, mahina pa ang puso, mahina rin ang loob-- lahat sa akin ay mahina.

Gano'n palang ang nakita ko pero... para sa 'kin, sobra-sobra na ang sakit.

~ × ~

Kinagabihan, imbes na magmukmok sa kwarto ay ginawa kong abala ang sarili sa paggawa ng mga desserts. Sa totoo lang, gustong-gusto ko magkulong sa kwarto at umiyak magdamag hanggang sa magsawa ako, pero sinikap kong pigilan ang sarili ko dahil ayoko nang bigyan pa ng alalahanin sina Ate Hilda at Eren-- at kapag ginawa ko 'yun, lalo kong makukuha ang lahat ng oras ni Eren.

Which is I think, I've already consumed enough... more than enough of his time.

Sa pamamagitan ng pagba-bake ko, atleast, medyo nakakatulong 'to para hindi ko maalala sina Sage at Stacey.

Alam ko namang wala akong karapatan, pero mahirap kasi panindigan 'yon lalo at alam kong si Sage ang una kong minahal ng ganito. Gusto ko siyang lapitan kanina pero... hindi kinaya ng sistema ko ang nakita. Ganito pala ang pakiramdam ng mga taong heartbroken sa pag-ibig.

"Stacey anak, bakit hindi ka pa matulog?"

Napapunas agad ako ng pisngi nang marinig si Ate Hilda sa likuran ko. Humarap ako sa kan'ya at nakangiting pinakita ang ginawa kong banana chocolate cupcake.

"W-What do you think?" I stummered.

Nakita ko ang pilit na ngiti ni Ate Hilda bago kunin ang cupcake sa kamay ko at kagatan 'yun. Hinintay ko ang sasabihin n'ya.

"Banana chocolate?" tanong n'ya, "Pero bakit parang ang mapait?"

Nagulat ako sa sinabi n'ya pero hindi ko na lang pinahalata. Napayuko at sinikap na ngumiti, "But that’s my 6th attempt and still..." mahina kong tugon.

"Excatly."

Napatingin ako sa kan'ya. May maliit na ngiti sa kan'yang labi habang ngumunguya pa rin.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon, e-epekto sa tao ang qoute na, ‘don’t give up,’ minsan, kapag nasasaktan ka na ng lubos at alam mong hindi na maganda sa pisikal at mental mo, kailangan mo nang bumitaw. Parang itong gawa mo, kung hindi mo talaga kayang buuin ang lasa, bitawan mo na." Makahulugan n'yang sabi.

Samantalang hindi ko maiwasang malito. Alam ba ni Ate Hilda? Pagkakaalala ko ay wala akong binabanggit sa kan'ya.

"Kapag nagmahal ka, matututunan mo kung paano kumapit pag alam mong may pag-asa pa, mag-sakripisyo pag alam mong deserving siya, bumitaw pag alam mong wala na talaga." saka n'ya hinaplos ang buhok ko, "Akala mo ba hindi ko nakitang umiiyak ka habang gumagawa ng recipe mo? Siguro kaya... mapait ang lasa dahil sa nararamdaman mo."

"A-Ate..."

"Kaya ka na-ospital dahil kay Sage, ‘di ba?"

Nagtataka ako noong una, dahil hindi nagawa magtanong sa akin ni Ate Hilda kung bakit ako na-ospital, bakit ako hinimatay at bakit ako nasa Brighton Town. Saka ko lang naisip na baka sinabi nga ni Eren sa kan'ya, pero hindi lang 'yun, idagdag pa na nasaksihan n'ya ang pagdadalamhati ko ngayong gabi.

Sa tingin ko bukod kay Eren, alam n'ya ng buo kung gaano ka-importante sa puso ko si Sage.

"Kaya mo ‘yan, anak. Ayokong makialam sa kung anong mayro’n sa inyo pero malalagpasan mo rin ‘yan. Basta magpakatatag ka lang, manalangin ka at doon ka palagi magpunta sa tama."

Magpunta sa tama...

Pero hindi ko alam kung ano na ang tama o mali.

Kapag ba tinantanan ko si Sage ay tama 'yun? Pero paano ko siya masusubaybayan? Makakausap? Paano ko siya maliligtas sa kamatayan?

Kapag ba pinilit kong makipag-ayos sa kan'ya ay mali 'yun? Magmu-mukha ba 'kong sobrang desperada? Mas lalo ba siyang masasakal sa 'kin? Paano kapag ayaw na n'ya akong kausapin?

Pero... una palang desperada na akong sagipin siya.

Alin do'n ang tama at alin do'n ang mali?

Gulong-gulo ang utak ko hanggang sa kinaumagahan na sinundo ako ni Eren sa bahay para sabay na kaming pumasok. Sa klase, hindi ko maiwasang sulyapan si Sage sa gilid ko, pero wala akong ibang nakikita kung 'di ang malamig na awra n'ya na siyang natural sa kan'ya.

Gusto kong makipag-ayos... na kahit ano pang pagtataboy ang gawin n'ya, pipilitin ko pa rin ayusin ito.

Sa tingin ko, ayun ang tama sa oras na 'to.

Mabilis na tumakbo ang oras hanggang sa mag-uwian na. Napapalunok ako sa sariling kong upuan at iniisip ang una kong sasabihin sa kan'ya ngayong binabalak ko na naman siyang lapitan. Nang makita ko siyang tumayo, mabilis akong gumalaw sa upuan ko para lapitan siya.

Humarang ako sa daanan n'ya dahilan para matigil ito sa paglalakad.

Walang emosyon itong tumingin sa mata ko at bahagya akong nakaramdam ng panlalamig. Ayokong alalahanin ang nakita ko kahapon dahil ayokong manghina sa harapan n'ya. Kailangan kong kunin ang oportunidad na 'to.

"S-Sage..." gumagaralgal ang boses ko.

Wala akong natanggap na respunde sa kan'ya kaya nagpatuloy ako.

"This is for you... this is my p-peace offering," inabot ko sa kan'ya ang kamay kong may hawak na lunch box at naglalaman ng ginawa kong pudding, "I’m... really sorry. Please forgive me."

But he still didn't respond.

Napayuko ako at mariing pumikit, "Let’s finish this and make up everything... I really do apologized, Sage."

Sa isip ko ay sana sumagot siya ng 'okay' o kahit anong makakapagpalagay sa akin na ayos na kami pero... hindi pa rin n'ya ako sinasagot.

"I’m really sorry. K-Kalimutan mo na lahat ng sinabi ko sa ‘yo noong nakaraan... but please, don’t push me away again... I want us to---"

"Apology accepted," Sage answered coldly.

Nang dumilat ako para tignan siya ay nakita ko itong nilagpasan na ako kaya naman mabilis akong humabol sa kan'ya para pigilan siya sa laylayan ng likod ng polo n'ya.

"T-Teka!"

He stopped and turned his head to me, giving me those icy stares.

Bakit gano'n? Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging respunde n'ya sa sinabi ko. Akala ko... magiging maayos na kami.

"M-Magbati na tayo, Sage..." mababa kong sabi, umaasang magkakaayos na talaga kami.

Pero nagulat ako nang tanggalin n'ya ang kamay ko sa polo n'ya at sumagot ng, "I don’t need you, Sakura. You looked more desperate than Stacey, real talked."

Sobrang lamig ng pagkakasabi nito sa mukha ko.

At wala akong magawa kung hindi ang mapatulala na lamang sa kan'ya.

Real talk...? Am I really...?

"Leave me alone," he coldly added and turned his back on me, leaving me dumbfounded.

Iyon ang naging simula muli ng sunod-sunod na pagpatak ng luha ko.

~ × ~

"Saan ba ako nagkamali?"

Napapikit ako sa sarili kong tanong habang nandito sa rooftop ng building namin at nilalasap ang sariwang hangin na tumatama sa mukha ko. Alas singko na ng hapon, pero ganito pa rin ang hangin.

Pinunasan ko agad ang tumulong luha sa pisngi ko at nagpatuloy, "Siguro dahil... naging pakielamera ako sa paningin n‘ya? Sumobra yata. Pero, anong magagawa ko? E, kung takot lang naman akong mawala siya ulit. Gusto ko lang naman siya makita sa future kahit na hindi ako ‘yung babaeng pinili n‘yang mahalin. Ang importante sa ‘kin, maayos kami at buhay siya hanggang hinaharap. Iyon lang naman ah? Bakit parang sa dinami-rami kong nagawa, lahat ‘yun ay mali?"

Kumikirot ang puso ko habang sinasabi ang mga 'yan. Kahit nakapikit, patuloy pa rin ang pagragasa ng luha ko pababa.

Mahirap pigilan.

"Hindi naman n‘ya ako kailangan ipagtabuyan, ‘di ba? Anong kasalanan ko?"

Narinig kong napabuntong hininga ang kasama ko, "Nagtataka lang ako..." aniya, "Ano bang nagawa sa ‘yo ni Sage para mahalin mo ng gan‘yan? Hindi ko kinu-kwestiyon ang pagmamahal ah? Pero kasi, ang unfair, kung sino ‘yung madalas nagbibigay ng effort, ‘yun ‘yong hindi napapansin."

Dumilat ako at napapunas muli ng pisngi. Diretso ang paningin ko sa mga estudyanteng nasa ibaba.

"Kung kayo ang magkakatuluyan ni Sage... magiging masaya ako, Sakura." ani pa ni Dash, "Pero kung kayo ang magkakatuluyan ni Eren, mas magiging masaya ako."

Wala namang nakakatawa sa sinabi n'ya pero bahagya akong natawa. Sa gitna ng pagdadalamhati ko, heto at nagawa kong matawa sa sinabi ni Dash.

"Bakit ka natatawa? Tignan mo ‘to, pagnagjo-joke ako, hindi natatawa. Tapos kapag seryoso ako, doon ka natatawa." may bahid ng pagtatampo sa boses n'ya.

"What are you saying?" I glanced at him, "Eren is my best friend, more like a brother to me."

Napailing siya, "Napaka manhid mo." bulong n'ya.

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko masyado narinig ang sinabi n'ya, "What?"

"Wala! Sabi ko ang bingi mo!" anas n'ya.

Hindi ko na siya sinagot at tahimik na lang kaming tumingin sa ibaba. Dito namin naisipang tumambay dahil hinihintay namin si Eren matapos sa meeting nila. Hanggang alas otso naman pwede ang estudyante rito kaya dito na namin napiling maghintay.

Isa pa, gusto ko kasing maglabas ng saloobin ko kay Dash... at 'yon 'yung mga nasabi ko kanina.

Sobrang nasaktan ako kanina sa nangyari sa amin ni Sage at kahit bumagsak ang luha ko ro'n, pinilit ko 'yong kontrolin lalo at ayoko na ulit makita ako ni Eren na humahagulgol. Kahit papaano, napigilan ko naman. Ngayon ko lang ulit nailabas kay Dash.

"Pero ayoko talagang malungkot ka..." biglang usal ni Dash habang diretso pa rin ang paningin.

Maliit akong napangiti, "Thank you."

"Tanggapin mo ‘tong abiso na ‘to mula sa pinaka mabait mong kaibigan," pagtukoy n'ya sa sarili at tinignan ako ng nakangiti, "Kahit ilang beses ka pang ipagtabuyan ni Sage, ‘wag kang susuko. Kasi sa totoo lang, close kayo, e. Sigurado ako na mahal ka rin no’n pero dahil sa mga problema n‘ya, ayaw n‘ya sigurong madamay ka pa." seryoso n'yang salita sa akin.

Natigil ako at napatitig sa kan'ya.

"Sa dami ng nagawa mo sa kan‘ya, imposibleng hindi mo napatunayang mahal na mahal mo siya at alam kong ramdam n‘ya ‘yun."

"P-Paano mo nasabi...?" hindi ko mapigilang umasa sa mga binabanggit n'ya.

Ngumisi siya, "Trust me, Sakura-chan. ‘Wag kang bibigay at magpatuloy ka lang, hindi ka matitiis no’n sinasabi ko sa ‘yo. Darating ang araw na pasasalamatan mo ako rito."

I don't know but I think... those words were all I need for motivation.

Ayokong umasa ng buo, pero gusto kong subukan ang sinabi ni Dash-- na hindi ko akalaing sa kan'ya ko maririnig.

Tuloy ay parang naiiyak na naman ako habang nakatitig sa kan'ya. Mukhang napansin n'ya 'yon dahilan para magulat siya at agad na humalakhak.

"Ganbatte! Sakura-chan!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro