Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter XXVII

27.

Nakarating kami ng metropolitan avenue bandang alas kuatro ng hapon. Sa labas palang ng hall, kita na ang mga naggagandahang tao. Sobrang dami ring camera na aakalain mong may shooting na magaganap, dito palang sa labas ay maririnig na ang RnB music na siyang nakakapagbigay ng good vibes sa mga bisita.

Dumiretso kami ni Eren sa loob ng hall at sinalubong ng malamig na hangin dala ng malakas na aircondition dito. Napayakap ako sa katawan ko, maling-mali na hindi ako nagdala ng jacket.

Kaagad may mga lumapit para kausapin siya at batiin. Sa nakikita ko, puro lalaki ang mga ito at malamang ay mga kaibigan niya.

Hanggang sa mapansin ako ng isa sa kanila...

"Girlfriend mo?" nakangising tanong niya kay Eren.

Kinabahan ako. Napag-usapan na namin ito ni Eren pero hindi ko maiwasang kabahan. Lalo na ng hapitin ako ni Eren sa bewang at ilapit sa katawan niya.

"Yes. My girlfriend, Sakura."

Nagkantiyawan muna sila bago ilahad ang mga kamay sa harapan ko at pormal na magpakilala. Nahihiya kong nilingon si Eren pero binigyan lang niya ako ng isang tango.

Isa-isa silang nakipag-kamay sa akin na siya namang tinanggap ko... nakakailang man.

"Honestly, hindi namin alam na may girlfriend 'to. Ang suplado kasi sa mga babae!" bulalas ng isa.

"Tapos naalala niyo si Lily Salcedo?" usal ng isa sa mga kasama niya, "Takte isa pa 'yun! Patay na patay kay Eren pero itong isa..." binigyan niya pa ng nanunuyang tingin si Eren, "Pumapalag. Tsk, sana sa akin na lang 'yun nagkagusto."

"Pre, in your dreams!"

"Ganitong mukha gusto ni Lily o," Inakbayan ng isang lalaki si Eren, "Kaya kung ako sa 'yo, magpantasya ka na lang!"

At napuno sila ng tawanan-- maliban kay Eren na nakangisi lang at pinapanuod sila.

Kasama namin ang mga lalaking kaibigan ni Eren hanggang sa pagkain, iisang round table lang kami. Nagku-kwentuhan sila habang kumakain, gano'n din si Eren. Ako lang talaga ang nanatiling tahimik dahil sa hiya. Gayunpaman, maya't-maya naman akong nililingon ni Eren para tanongin kung may gusto ba 'kong kainin o okay lang daw ba ako.

Sa kalagitnaan ng party, may lumapit na isang matandang babae at isang lalaki sa pwesto namin para tawagin si Eren. Pagkakarinig ko, sila 'yung commercial agency na gusto kumausap kay Eren.

I feel proud of him, he's very hardworking.

Habang hinihintay kong matapos si Eren sa pakikipag-usap, naisipan kong i-text si Skye kung nasaan si Sage. Hindi na kasi sa 'kin nagreply 'yun matapos ko ulit magpasa ng mensahe.

4:56pm.

"Nando'n pa siya sa ospital. Nandito kasi ako sa school, Ate Sakura. Pero tinawagan ako ni papa kanina, one of these days makakauwi na siya."

Napalunok ako. One of these days...? Walang specific na araw?

"So... gaano na kayo katagal ni Eren?"

Napaigtad ako nang magsalita ang isa sa mga lalaking kaibigan ni Eren. Nakapatong ang dalawang siko niya sa lamesa at nakatingin sa akin. Bahagya akong nailang kaya tinago ko na lang ang cellphone sa bag.

"Ikaw yata 'yung sinasabi niya na... ano nga ba 'yun? Babaeng gusto niya?" marahan siyang natawa sa sinabi.

Anong babaeng gusto...?

"I'm... I'm sorry?" kunwari'y hindi ko narinig.

"Ikaw yata 'yun. Wala, kasi sa tuwing lumalapit sa kan'ya si Lily--- 'yung artista na maganda? Ayun, iniiwasan niya. Tapos syempre tatanongin namin, sasabihin niya lang... "Mayro'n akong babaeng gusto kaya tigilan niyo ako." Hahaha! Epic." napapailing pa siya.

Hindi ko alam na may gusto palang babae si Eren. Alam niya kung sinong gusto ko tapos 'yung sa kan'ya hindi niya sinasabi.

Ngumiti na lang ako sa kan'ya, "S-Siguro nga..."

"See? Ilang buwan ka niya niligawan? Feeling ko romantiko 'yang si Eren, e."

"Huh?"

Bakit niya ba 'ko tinatanong? Nahihirapan ako gumawa ng alibi...

Natawa siya, "Ang cute mo," aniya, "Sabi ko ilang buwan nanligaw? Sweet siya 'no? Mukha kasing romantiko."

Sweet naman talaga si Eren kahit hindi kami...

Napalunok ako at nag-isip ng sasabihin. Hangga't maaari, ayoko sanang sumagot dahil baka magkaroon ng komplikasyon sa pagpapanggap namin. Si Eren dapat ang sumagot nito, hindi ako. But first...

Where is he...?

Bigla silang nawala ng mga kausap niya kanina.

"A-Ano... actually ano..." Pero bago pa ako makasagot ng hindi sigurado, narinig ko na ang boses ni Eren.

"Hey."

"Oy, Eren! Saan ka nagpunta?" nabaling sa kan'ya ang atensyon ng lalaking kumakausap sa 'kin.

"Kinausap lang ako ni Ma'am Anne." kaswal na sagot ni Eren.

"New contract para sa commercial? Swerte mo talaga!"

Hindi na siya pinansin ng isa, nagulat pa 'ko nang hawakan ako ni Eren sa kamay at patayuin. "I'm going to introduce you to my manager, come."

"T-Teka..." pigil ko, "Eren... hindi ko alam kung anong---"

"Babe,"

Natigil ako.

"Call me babe, Sakura. Nando'n si Lily." mahina at seryosong usal niya bago ako marahang hatakin para dalhin sa kabilang table kung saan mas malaki kumpara sa amin kanina.

Lalo akong nahiya nang tuluyan na kaming makalapit ni Eren. Lahat ng mata, huminto sa amin-- lalo na sa akin. Lahat sila nakangiti, maliban sa isang babae na nakaputi at mahabang dress, kitang-kita ang cleavage niya dahil sa suot at... sobrang ganda niya.

Sa tv ko lang siya nakikita...

A sharp female voice rung out through the air, "Eren! Glad to see you!"

I glanced at the woman who called Eren. She's waving her hand. Mukha siyang bata pa, probably around early 30's.

I felt jittery all of a sudden. Eren took my hand like it was the most natural thing ever.

"Don't forget what you agreed to help me with." he whispered to my ear.

Naupo kami ni Eren sa tabi nila. Kahit hawak ang kamay ni Eren, hindi ko maiwasang kabahan ng malala. Hindi ako sanay sa mga tingin na binibigay sa akin ng ilan.

"So, this is the first time our Eren has brought a girl along! Hi! Nice to meet you, I'm Eren's manager, Linda." inabot sa akin ng babae ang kamay niya at nakangiti ko naman 'yong tinanggap.

"Naku, paano na si Lily? Heartbroken na ba?" nagtawanan sila sa pang-aasar ng isa.

Tinignan ko si Lily, nakangisi lang siya habang nakatingin sa sariling tasa na nasa harapan. Pakiramdam ko hindi yata tama na nagpanggap kami ni Eren...

"I'm sorry, guys. You've always worried about my lovelife, but actually, I've already met the perfect one for me." naramdaman kong hinawakan ako ni Eren sa bewang, "And I'm officially introducing her to you today, everyone, this is Sakura, my girlfriend."

Hearing that, everyone got very excited and started whispering to each other again.

"Kaya naman pala mailap sa mga babae... Eren talaga o! Anyway, bagay kayo." pagpuri sa amin ng isa pang babae sa gilid.

"T-Thank you..." nahihiyang usal ko na lamang.

Nadaanan ng mata ko si Lily na tumingin kay Eren. Halata ang pagseselos. Gayunpaman, nananatili siyang tahimik.

"So, babe? Are you still hungry? Do you want me to get you a food?" nakangiting ani sa 'kin ng katabi ko. But by hearing, 'babe,' makes me really feel awkward.

"Y-Yes, babe..."

Eren's lips curved up in a smile, and his eyes softened.

Suddenly, Lily's face twisted in rage, stood up and stormed off without saying anything.

"Aww... so sweet! Hindi ko alam na ganito pala ka-sweet itong alaga ko. You really love her, Eren. I can see it in your eyes." bulalas bigla ng manager niya na kanina pa pala kami pinapanuod.

"Well, yes, of course." he answered back.

"Kailan pa kayo nagkakilala? Ang tagal mo na rito pero hindi mo man lang sinabing may girlfriend ka na pala. E 'di sana hindi ka namin inaasar sa ibang babae, gaya ni Lily." litanya naman ng isa pang babae na katabi ng manager ni Eren. "Ay, umalis na pala."

Eren lowered his head and smiled, "Since highschool. I... had a crush on her."

Napainom ako ng tubig sa sinabi ni Eren. Pakiramdam ko nahihirapan akong lunukin ang iniinom dahil sa mga naririnig sa kan'ya.

"So matagal na pala kayo? Sorry ah ang dami naming tanong, nakakapanibago kay Eren, e. Papunta na bang future 'to?" pang-aasar niya at tumawa.

"It’s okay," he smiled, "It didn't start in highschool, we only started dating a couple months ago. And of course, she's... my world. I'm happy to have met her. So yeah, I'm looking forward for our future together." kalmadong sagot ni Eren sa kanila.

His answer sounded concise and convincing, drawing everyone's attention.

Eventhough this was all for show, my cheeks still heated up. Nakaka-tense, lalo kung hindi ka sanay sa ganitong senaryo... because originally, we are just nothing but bestfriends.

I looked at Eren, I kinda spaced out for a moment.

Whether he's just playing the part, I'm happy too that I have met him.

~ × ~

Maagang umuwi si Eren ngayong araw dahil sa pupuntahan niyang bagong commercial agency. Tinapos lang niya ng mabilis ang ilang reports pagkatapos ay nagpaalam rin agad sa propesor namin.

Katulad ng normal, binilin niya sa akin na magpahatid ako kay Dash pauwi.

Bumalik kami sa dati ni Eren. Simula no'ng natapos 'yung araw ng pagpapanggap namin, heto at mabuting walang ilangan na naganap sa amin-- kahit ang totoo, noong hinatid niya 'ko sa bahay noon, hindi ko maiwasang mailang ng sobra lalo at 'babe' ang naging tawagan namin doon buong gabi. Marami rin kasing kumakausap sa 'min, kaya kailangan naming umakto.

Pakiramdam ko pa, naririnig ko pa rin 'yung mga sinabi niya sa mga kasama namin no'ng oras na 'yun.

But, all my awkwardness that night went swept away when I got a chance to call and talked to Sage. I was happy to know he ate dinner with a healthy food made by his sister, I was happy to know he got home safe from his trip, I was really happy talking to him until we fell asleep that night.

Today, he's still out of class. Nagtext siya sa 'kin kaninang umaga na pupuntahan niya ulit ang mama niya-- at hanggang do'n lang 'yun, hindi na nasundan muli ang message niya.

"Saan kayo galing ni Eren kahapon? Bakit 'di niyo ako sinama? Nakakatampo, Sakura ah." bulalas ni Dash habang naglalakad kami palabas ng campus.

"Bakit ako? Si Eren nagsama sa 'kin." natatawa kong sagot.

"Sus."

Napailing na lang ako. Kung alam lang niya na nagpanggap kami bilang magboyfriend... sigurado hindi na naman siya titigil kaaasar.

"Alam na ba niya 'yung tungkol kay Sage?" tanong na lamang niya.

"Hindi na namin napag-usapan pa 'yon."

Lumingon agad siya sa 'kin at nagtaas ng kilay, "Dahil busy kayo sa isa't-isa? Nag-enjoy naman kayo na hindi niyo 'ko kasama? Gano'n?"

Napunta na naman do'n?

Naalala ko tuloy 'yung mga salita ni Eren sa party, dahilan para matahimik ako at hindi siya sagutin.

Umayos si Dash at napalitan ng ngiti ang nagtatampo niyang mukha kanina, "Pero okay lang, support lang ako sa inyo. Ang importante, nag-telebabad kami ni Lovely Skye kagabi. Yiee!" umakto pa siyang parang kinikilig.

Hindi ko dapat ibibigay 'yung number ni Skye kay Dash pero sa huli, hindi ko rin matiis. Hanggang sa loob kasi ng bahay sinusundan ako, muntik pang hindi umuwi ang mokong.

Kinunutan ko na lang siya ng noo at dinukot ang tumutunog na phone ko sa bulsa ng palda, nakita kong tumatawag sa akin si Skye.

"Hello, Skye?"

"Ate Sakura! Uwian mo na ba? Gusto mong dumalaw sa ospital para makita si Kuya Sage? I bet you miss him!"

"Bakit? Nasaan ka ba?"

"Nandito sa Flavians Town, galing kami ng mga kaklase ko sa isang group project."

"Si Sage?"

Huminto kami sa paglalakad ni Dash na siya namang todo kinig sa cellphone ko, palibhasa narinig niyang si Skye ang kausap ko.

"Hindi pa siya nakakauwi. Dumaan kasi ako sa bahay niya para i-check siya pero wala pa. Ano, tara? Visit him!"

"S-Sigurado ka? Okay lang kaya?"

"Why not? Magkita tayo sa café blast. Bye!"

Bahagyang lumayo si Dash at sumimangot sa akin. Kinunutan ko siya noo bago kami magpatuloy sa paglalakad.

"Hindi ako hinanap ni Lovely Skye?" nakanguso niyang tanong.

"Bakit ka naman niya hahanapin?"

"Kasi... ang sweet kaya namin kaga---"

Pinutol ko siya, "Dash, kapatid 'yun ni Sage. H'wag mo nang isama 'yun sa mga chiks mo." sabi ko, "At--- pupunta ako ng Flavians ngayon, makikipagkita ako kay Skye. Ako nang bahala magsabi kay---"

Nanlaki ang mga mata niya, "Isama mo ‘ko!"

"It’s okay, Dash. You don’t have to. Sa Brighton kami pupunta, mapapalayo ka."

"Pero---"

"Shh," tumigil ako at nilagay ang hintuturo sa kan'yang labi para manahimik siya, "Bibilhan kita ng nude magazine. Akong bahala sa ‘yo." sabi ko na may halong ngisi.

And that remark made him stopped, blinked and smirked.

Hindi ko maipagkakaila na nakakaramdam ako ng excitement na muling makita si Sage, tipong gusto ko siyang ma-solo at makausap ng matagal ulit sa personal.

That's how much I miss him...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro