Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter XXVI

26.

Napuno ng sigawan at tilian ang buong school court ngayong araw dahil sa laro nila Eren. Dito sa Towson ginawa ang laban kung kaya't mas nangingibabaw ang boses ng mga kababaihan na sumusuporta sa team ni Eren, lalo na sa kan'ya.

Hindi rin kami pumasok ni Dash sa mga klase namin para manuod ng laban dito. Bukod sa tapos naman na ang mga long test, siguro naman walang masama kung umabsent muna kami para suportahan ang isang kaibigan.

"GO PAPA EREN! PAPA EREN! PAPA EREN!" Dash begun cheering in our seats. "IPANALO MO PARA SA AMIN NI SAKURA! PAGNANALO KAYO IBIGAY MO NA 'YUNG NUDE---"

"What the heck, Dash!?" kaagad ko siyang hinatak sa kamay para manahimik sa sasabihin. Tinignan ko siya ng masama.

"Bakit? Atleast ako, nagche-cheer. Ikaw nga ayaw mo sumigaw, e." nakanguso niyang sagot.

"That's not my point."

Nagsimulang maghiyawan ulit ang mga tao. Halos mabingi na 'ko at parang hindi ko rin mapanuod ng maayos si Eren dahil sa malilikot na babae sa harapan, may hawak pang banner.

"GO PAPA EREN DEL VALLE!" sigaw muli ng katabi ko.

Napabuga na lang ako sa hangin at sumandal sa bleachers habang nakatingin sa mga naglalaro. Hindi ko mapanuod ng maayos si Eren, dapat kasi nasa unahang baitang kami ni Dash pero dahil pinalipat kami ni Eren rito, wala kaming choice. Ika niya, baka matamaan daw ako ng bola.

Ginawa ni Sage ang sinabi niya sa akin. He keeps updating me, atleast three times a day. Pero tila nakalimutan niya na ang tatlong araw na pagliban niya. Ika-limang araw na ngayon pero hindi pa rin siya pumapasok.

Sinabi sa akin ni Skye noong huling usap namin na nando'n si Sage sa Brighton city para bantayan ang lumalalang kalagayan ng mama nila.

So far, hindi pa naman daw umuuwi ang papa nila na nasa probinsya para sa trabaho. I really hope they won't cross each other's paths.

"Naiinggit talaga ako sa kan'ya, girl. Balita ko bestfriend ni Eren 'yan, e."

"Hindi kaya... magka-developan sila?"

"Ewan ko. Pero kung ako sa babaeng 'to, baka noon pa man nahulog na ako kay Eren. Tanga na lang niya kung hindi niya pa gugustuhin 'yan."

Gumilid ang tingin ko sa dalawang babaeng nasa likuran ko at pinag-uusapan si Eren... at malamang, ako.

Hindi ko mapigilang mapakunot noo sa narinig. Anong pinagsasabi nila? Magka-developan...? Kami ni Eren? Bigla tuloy akong napailing at natawa sa sariling naisip.

Bestfriends will always remains bestfriends. I'm his sister, he's my brother. That's the only bond we have.

Sa muling pagkaka-shoot ng bola ni Eren ay nagsigawan na naman ang mga nagwawalang estudyante rito. Lalo nilang tinaas ang banner kung saan may nakasulat na 'Towson University' at 'Eren Del valle'. Lalong yumanig ang pagche-cheer ng mga babae sa kan'ya.

"ANG POGI POGI MO, PAPA EREN!" Dash cheered deafeningly.

Nakita kong lumingon sa pwesto namin si Eren, para siyang may hinahanap, sa kabila nang malakas na hiyawan ng mga babae para sa kan'ya-- 'yung boses ni Dash ang siyang nakakuha ng atensyon niya.

Eren then gave me a grin when our eyes suddenly met.

"Sino 'yung nginitian niya be?! Ako ba?!" tanong ng babae sa katabi niya na nasa harapan ko.

"Gaga! Ako 'yun!"

"Eeh?! Bakit ka naman niya ngingitian e hindi ka naman niya kilala?"

"Hindi naman kailangan kakilala pa!"

Napailing na lang tuloy ako sa mga narinig. Hindi nila alam na nasa likuran lang nila ang binigyan ng ngiti ni Eren.

Tila napagod si Dash sa kakasigaw niya kaya naman sumandal siya sa bleachers at uminom ng tubig. Hingal na hingal siya at napapahawak pa sa lalamunan niya.

I can't help but smirked, "Ano? Pagod ka na?"

Dash lifted his eyebrow and looks at me smugly, "Sino may sabi?" sagot niya, "Oo nga pala, sinabi mo na ba kay Eren 'yung tungkol kay Sage?"

My forehead creased, "Why?"

"Anong why? Grabe ka naman kay Papa Eren..."

"Bakit grabe?"

"Syempre! What are friends for?!" proud niya pang bulalas sa akin.

Lalo tuloy kumunot ang noo ko, "Pinagsasabi mo?" bumuntong hininga ako, "Sasabihin ko sa kan'ya kapag nagtanong siya. Pero 'di ba binilin ni Skye na 'wag ipagsasabi."

"Tinatanong na nga niya ako, e."

"O, anong sabi mo?"

Ngumisi siya sa akin, "Sabi ko ibigay muna niya 'yung nude magazine na hinihiram ko tapos ike-kwento ko sa kan'ya." kumindat pa talaga siya.

Whew, Dash.

"Pero sabi niya, wala raw akong kwentang kausap kaya sa 'yo na lang daw siya lalapit. O 'di ba, effective?" saka pa siya natawa sa sarili. "Pero seryoso, ang ganda ng kapatid ni Sage 'no? Takteng lahi 'yan... pinaliligiran ako ng magagandang tao."

Hindi ko na siya sinagot dahil naalala ko na naman 'yung naging usapan namin ni Skye. Naiisip ko talaga na kapag nalaman ng papa nila na dumadalaw ito sa bahay ni Sage, baka nga... pagbuhatan niya ng kamay ito. Hindi 'yun malabo dahil nanggaling na 'yun mismo kay Skye.

At kapag nangyari 'yun... posible rin na madagdagan na naman ang bigat sa loob ni Sage at doon niya na gawin ang...

"Sakura,"

Nabaling muli ang atensyon ko kay Dash nang magseryoso ito bigla. Ano na namang ka-wirduhan ang sasabihin nito?

"Pahingi ako ng number ni Lovely Skye."

"Lovely Skye...? Kung anu-anong dinudugtong mo sa pangalan ng mga nakikilala mo." usal ko.

Tumaas ang dalawang kilay niya sa akin, "Lovely Skye! Isn't she lovely? Isn't she wonderful? Isn't she precious? Less than one minute old, I never thought through love we'd be---"

"Shut up." putol ko sa liriko na sinasabi niya.

~ × ~

Eren sent me a message telling I should wear a party casual dress for today's event party. And because I don't usually attend parties, I don't know what party casual dress he means. Should it be a mini dress or a long dress?

In the end, nagpatulong na lang ako kay Ate Hilda ng susuotin ko. Siya ang naghanap ng dress na gagamitin ko ngayon...

And here's what I got. It's a baby pink sling sleeveless dress together with a plain pointed toe stiletto heel lace-up.

As I see it's too sexy...

Nakapusod ang mahaba kong buhok at nag-iwan ng ilang hibla sa gilid, bahagya ring kinulot ni Ate Hilda ang buhok ko. Samantalang hindi ako naglagay pa ng make up. Tamang sunblock, loose powder at red lipstick lang ang nilagay ko since hindi rin naman ako sanay sa make up.

"Ate Hilda... isn't a bit short?" tanong ko habang pinagmamasdan ang sarili sa full length mirror na nandito sa kwarto ko.

Hapit na hapit sa katawan ko ang dress, malayo rin siya sa tuhod ko na feeling ko kapag tumuwad lang ako, makikita na ang panloob ko. Idagdag mo pa na ang baba niya sa dibdib. Alam kong flat chested ako pero kahit papaano naman ay may laman 'to.

Hayy...

Inisprayan ako ni Ate Hilda sa katawan ng pabango na binigay sa akin ni mommy galing Japan. "No it's not. Bagay nga sa 'yo, o!" saka niya ako pinaharap sa kan'ya, "Ngayon lang kita nakitang nakasuot ng gan'yan. Saka, mukhang enggrandeng party ang pupuntahan niyo ni Eren, dapat magmukha ka ring elegante."

Sinangayunan ko na lang si Ate Hilda at ngumiti. Wala rin naman akong maisip na isusuot kaya siguro, pwede na 'to para mamaya.

Nabaling ang atensyon ko nang umilaw ang cellphone ko na nasa kama. Kinuha ko 'yun agad dahil kanina ko pa inaabangan ang text ni Sage pero biglang nawala ang ngiti ko sa labi nang mabasa ang kan'yang mensahe...

2:21pm.

"I cannot still come to school tomorrow, Sakura. I’m sorry. Don’t worry too much."

Sage has been absent for one whole week. Ang sabi niya, tatlong araw lang siya mawawala. Hindi ko naman inasahan na ganito pala siya katagal na liliban.

Honestly... I miss him.

"Sakura? Si Eren nasa labas na."

Tumango ako kay Ate Hilda nang sabihin niya 'yun. Kinuha ko ang white sling bag ko at pinasok na doon ang cellphone. Matapos no'n ay nagpaalam na rin ako.

Nakita ko agad ang pulang Jaguar F-type na sasakyan niya, nakaupo si Eren sa loob at nakasuot ng black shades. Bahagya niya pa itong tinaas sa noo nang makita ako.

"Eren, mag-ingat kayo ah? Iuwi mo agad si Sakura." habilin ni Ate Hilda.

"Of course, Ate Hilda." sagot ng isa.

Pagkapasok ko sa loob ng sasakyan ay nginitian ko kaagad siya. Pasimple ko pang binababa ang maikli kong dress, kitang-kita masyado ang balat ko sa hita.

"What the F are you wearing?" He took off his shades and intently glanced at me.

Napangiwi ako, "I know right?"

Doon ko siya napagmasdan. Suot ang itim na formal long sleeve, tinernuhan niya ito ng khaki sleeveless vest, may suot din siyang red necktie na nakatago sa loob, black slacks and black formal shoes.

Akala ko ba casual party...? Bakit siya naka-formal?

Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko dahilan para magsalita siya.

"It’s a casual party but I want to look formal. Darating kasi doon ang isang commercial agency, they want to meet and talk to me formally so I just guess this will be best." blangko niyang paliwanag kahit na wala pa man akong nasasabi.

I sighed, "So anong mayro’n bakit kailangan mo pa ako isama?"

"Right," humawak siya sa manibela, "Ito ‘yung tulong na hinihingi ko sa ‘yo. ‘Di ba nagsabi ako sa ‘yo noong nakaraan?"

Naalala ko, may sinabi nga siya tungkol diyan noong nanunuod ako ng training nila sa court.

I pursed my lips and nodded.

"Sana maintindihan mo, Sakura. ‘Yung event na ‘to ay 12th anniversary party ng agency ko. Lahat ng models na hawak nila, dadalo. And..." he trailed off.

"And...?"

"May isang artistang babae na... may gusto sa ‘kin. Palagi niya akong pinupuntahan sa studio pag alam niyang nando’n ako at nagpo-photoshoot. She texted me, a week ago that she’s coming today to see and have fun with me."

My hands flew on my mouth. Artista?

Eren seems to find it hard to explain, but still goes on. "Iniiwasan ko siya pero makulit talaga siya. Hindi niya ma-gets na... ayoko sa kan‘ya."

"Bakit hindi mo diretsahin?" I asked.

"It’s not really easy to do that..."

"So... how is that connected to me attending the party?"

He turned to look at me, his eyes full of worry. "Sakura... we’re bestfriends right? And you trust me?"

"Oo naman."

"Then..."

My hand was automatically covered by Eren's, he lightly pinched my finger and say...

"Be my girlfriend... just for today, Sakura."

My mind went blanked instantly. Completely overwhelmed by those words.

"To get her back-off, I need to show I have a girlfriend. C-Can you...?" bahagya siyang nag-alinlangan, iniisip na baka tanggihan ko ang tanging option na naisip niya.

A strong feeling spread from my heart to the tips of my fingers. I've had a friendly dates with Eren many times, but this is the first time we'd go out and pretend to be a 'couple'.

I took a deep breath and held his hand in return. I smiled at him, "You were helping me a lot. This request is a small thing for you to be nervous." I giggled.

He looked away, "I’m not nervous."

"Okay!" saka pa ako muli natawa. Pakiramdam ko kasi, ngayon ko lang nakitang ganito si Eren. Siguro dahil na rin sa tulong na hinihingi niya.

Para kasi sa akin, kumpara sa mga nagawa niya sa amin ni Dash, walang-wala 'to. I mean, siguro nga kung si Dash ang inaya niya maging boyfriend sa ngayon ay walang pagda-dalawang isip 'yon na pumayag.

Nakakatawang isipin na naisip ko pa 'yun. Silly...

Nagsimula na kaming bumyahe ni Eren papunta sa venue. Medyo kinakabahan ako, pakiramdam ko makakakita ako ng ilang artista, gaya na lang ng nagkakagusto sa kan'ya.

Hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon, sa kabila ng mga nagkakagusto at umaamin sa kan'ya ay wala pa siyang napipili. Kung si Dash, alam ko ang dahilan kung bakit ayaw niya muna mag-girlfriend, itong kay Eren ay hindi. He never wanted to talk about that thing whenever we try to open it up.

Wala rin akong kaalam-alam sa tipo niya sa babae. Hmm, maybe I should try ask him later?

Naisip ko tuloy si Sage.

Ano kayang gusto niya sa isang babae? Posible kayang... katulad ko? O hindi?

I shook my head at the thought. I shouldn't be thinking about that. All I have to think is his safety. Hope he's feeling fine today.

Nagsimula akong magtipa ng mensahe kay Sage. Sinabi ko na aalis ako kasama si Eren para isang event. Sinabi ko rin na i-text niya ako kung nalulungkot siya o kailangan ng kausap. I can be one call away for him.

3:30pm.

"Okay, thanks for the gesture. Take care of yourself and be safe."

I pressed my lips to suppressed a smile. His reply were always short, but this last message from him made my heart beat like a drum.

I really miss him so much.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro