Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter XXV

25.

"I'll have 6 pieces of soy garlic chicken with rice, spicy coconut milk clums and 3 chocolate peanut butter ice cream--- with water, please."

Mula university, lumipat kami ng lugar ni Dash kasama ang babae na siyang mismong nag-request ng hapunan namin para lang daw makausap ako. Gusto ko mang tumanggi dahil nakakahiya pero wala na akong nagawa dahil si Dash na ang nagsilbing bibig ko rito.

Alam kong masaya si Dash na makakakain na naman siya ng libre lalo at nasa magandang restaurant kami. Ayoko man siyang isama kanina, pero syempre, kailangan ko pa rin ng kasama lalo't hindi ko kilala ang babaeng ito.

Humugot ng malalim na hininga ang babae at nakangiti kaming hinarap, "I'm sorry if kailangan ko pa kayong dalhin dito... mas malapit kasi 'yung uuwian ko. My home is in Brighton city pa, e."

Tumawa si Dash, "Okay lang 'no! Pero, kung taga Brighton ka... bakit ka napadpad dito? Malayo ang city niyo ah?" may bahid ng kuryosidad sa boses niya.

"Because of her." Saka niya ako tinapunan ng tingin.

"May atraso ba sa 'yo si Sakura?"

Napahagikgik ang babae sa tanong niya, "Ano sa tingin mo?"

"Huh?" Kumunot ang noo niya pero agad din 'yun nawala, "Ah sa tingin ko hindi. Itsura mo palang mukhang mabait na, e. Saka 'di mo kami ililibre dito kung may atraso siya sa 'yo. 'Di ba, Sakura?" baling niya pa sa akin.

Tamad ko lang siyang tinignan. Siguro mabuti na rin na kasama ko siya dahil kung nagkataon, pakiramdam ko maiilang ako ng malala kapag kami lang ng babae na ito.

"Pero ilang taon ka na?" Tanong na naman ni Dash.

"Hm? I'm 16 years old. Ikaw?"

Nanlaki ang mata ni Dash sa gulat, "16 ka lang?!" Pinagmasdan niya pa 'tong mabuti, "Mukha ka lang 15."

Geez...

Hindi na napigilan ng babae matawa sa sinabi ng nakangangang si Dash. Hindi ko alam dito sa lalaking 'to, ano bang pinagkaiba ng 16 sa 15 years old? Wala pa naman yata.

Hindi rin nakaligtas ang isang pumasok sa isip ko... hindi ko alam na mahilig pala sa mas bata si Sage.

Napailing ako sa naisip ko. Ano ba 'tong pinagsasabi ko?

"You're funny!" aniya habang tatawa-tawa pa rin sa katabi ko.

"B-Bakit? Totoo naman ah? Ang ganda mo kaya."

Tumigil ito sa pagtawa habang nananatili pa rin ang ngiti sa labi niya, "Bolero."

Tinungkod ni Dash ang isang braso sa lamesa at bahagyang nilapit ang mukha sa babae. Napaatras ito ng kaunti pero hindi mahihimigan ng pagkailang.

"Hindi totoo 'yan. Marunong lang ako humimas ng bola pero hindi ako bolero. Isa pa, malabo lang ang mata ng magsasabing hindi ka maganda. H'wag kang maniniwala paggano'n." malumanay at seryosong usal ni Dash habang nakatitig sa babae.

Hindi ko mapigilang mapangiwi sa nakikita. Ang dami niya nang babaeng sinabihan niyan.

Lumipat ang bahagyang nakakuyom na kamao ng babae sa kan'yang sariling labi habang nakikipagtitigan sa isa. Kung pagmamasdan, para siyang na-touched sa sinabi ni Dash.

"T-Thank you... are you serious?" she asked, almost a whisper.

Dash nodded, "Sobrang seryoso. Kita naman 'di ba?" tinuro niya pa ang sarili.

Naikot ko na lang ang mata ko at tinanggal ang paningin sa kanila. Dash never had a girlfriend and he doesn't want that. He's more on flings rather than a serious relationship.

Ewan ko rin ba kung bakit.

"Ibig sabihin... malabo pala mata ng kuya ko?" nanlulumong sagot ng babae.

"Teka, ibig sabihin sinabi ng kuya mo na hindi ka maganda?!" bulalas niya nang makalayo ang mukha rito.

Umiling siya pero nanatili ang ngiti sa labi, "Hindi naman sa sinabihan ng gano'n pero... kahit isang beses hindi niya pa ako pinupuri. Napaka niya..." mahihimigan pa ng pagtatampo sa tono niya.

"Sino 'yang kuya mo? Dapat pinupuri ka rin niya! How dare he..." kunwari'y naiinis pa si Dash.

Whew.

"Si Sage."

Parehas nanlaki ang mga mata namin ni Dash nang tignan siya. Nakangiti siya sa amin at tumango-tango na parang sinasabing, "Tama ang narinig niyo."

Pero mas hindi ko maiwasang magulat. Hindi ko tuloy maisip kung nagloloko lang siya para sabayan si Dash o ano, e. Para sa akin kasi... parang hindi kapani-paniwala. Kaya sa mga oras na 'yun, mas tinitigan ko siya.

Her eyes... look really the same as him-- they were in deep, jet-black.

Dahil sa parehas kaming natulala ni Dash ay natawa ito sa amin. Sakto naman na dumating na rin ang mga order niya. Matapos niyang magpasalamat sa waiter ay binalingan niya kami.

"Kain na tayo?"

"T-Teka muna, kapatid mo talaga si Sage?" noon lang nakabawi si Dash.

She nodded in response, "There’s no way I’m gonna lie. Believe it or not, we’re siblings."

"Kung gano’n... anong kailangan mo kay Sakura?"

Nang magtama muli ang paningin namin ay umiwas ako at gumilid. I can't believe how hilarious I am! Ito 'yung pinagselosan ko, ito 'yung isa sa nakapagpasakit ng damdamin ko. Pagkatapos malalaman kong...

This is embarrassing.

"Sakura..." she calmly called my name, "I really want to know the score between you and my brother."

Pagkasabi niya no'n ay automatic na bumalik ang paningin ko sa kan'ya. Ang daming tumatakbong tanong sa isip ko.

"What?"

"Noong nakabangga kita, ang totoo niyan... nagulat din ako dahil ang alam ko, hindi nagpapapunta ng bisita si kuya sa bahay niya--- lalo na pag babae. Doon palang, inisip ko nang may namamagitan sa inyo. Totoo ba?"

Hindi kaagad ako nakapagsalita kaya naman tinignan ako ni Dash. "Sakura... bakit hindi mo sa amin sinabi?"

I hardly swallowed and shot him a stern look, "Please zip your mouth for a moment, Dash." I sighed before looking at her, "We’re not in a romantic relationship. Nagma-malasakit lang ako sa kan‘ya. That time, he was beaten so badly and I had to helped him treat those wounds."

"I know," she says, "Hindi naman ‘yun papayag na magpatulong sa ‘yo ng gano’n lang kung wala siyang tiwala sa ‘yo. I’m glad that he’s finally moving forward even a little."

"H-He doesn’t fully trust me."

Nagulat pa ako nang hawakan niya ang kamay ko na nasa lamesa. Mataman niya akong tinignan sa mata, "I believe in you. Sobrang ilap ni kuya kumpara dati. Madalas ko siyang dinadalaw diyan sa bahay niya, dinadalhan ko siya ng pagkain at panggastos kahit napapalayo ang byahe ko."

Kumunot ang noo ko, "Pagkain at panggastos?"

Isa pa 'yun sa mga tanong ko... saan siya kumukuha ng pera pangkain? Pambayad sa tuition? Maintenance ng motor niya?

"Yes. Twice a week akong dumadalaw sa kan‘ya para doon. Sa totoo lang ayaw niya nga, e. Ayaw niya, kasi... alam niyang galing ‘yun sa pamilya namin." lumungkot ang boses niya't bumagsak ang dalawang balikat, "Since I’m believing in you, I will tell you everything... everything you don’t know about him and his issues."

Napatitig ako sa itim na mga mata niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero gusto ko 'yung ideya niya, nang sa gayun, maging aware ako sa kalagayan ni Sage.

Ang iniisip ko lang ngayon ay baka magka-problema sila ni Sage.

"Why are you... believing in me?" naitanong ko na lang.

Ngumiti siya, "Walang nakakaalam ng tirahan ni kuya except me and you. Ngayon, kung nagawa niyang dalhin ka ro’n, it’s because he trust you--- yes, not fully, but believe him when he says he trust you."

Naalala ko agad ang sinabi sa akin ni Sage noong nando'n ako sa bahay niya. Pinagkakatiwalaan daw niya ako sa lahat, pwera lang sa problema niya na hindi ko na raw dapat pang malaman.

Tinignan niya kaming dalawa ni Dash, "Magku-kwento ako pero promise me na hindi niyo ipagsasabi ito o sasabihin kay kuya. Gagawin ko ito dahil gusto kong maramdaman niya na may mga nagmamahal sa kan‘ya kahit gano’n si papa."

Muli akong napalunok. Lumalakas ang tibok ng puso ko kahit na wala pa man. Hindi ko mapigilang... masaktan para kay Sage.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakakapit sa akin, "You can trust us." litanya ko.

Tumango siya at lumabas ang malungkot na ngiti sa kan'yang labi. Sa isang iglap, napalitan ang masayang awra niya ng lungkot.

"Tatlo kaming magkakapatid. Panganay si Kuya Blake, pangalawa si Kuya Sage, at bunso ako. Lahat kami ay nakatira talaga sa Brighton city. Bumukod lang sila kuya rito dahil... ayaw nila sa mga magulang namin." sandali siyang tumigil, "Kontrolado kasi ni papa ang buhay namin. Pulis si papa, samantalang baker naman si mama. Ang gusto ni papa para kina kuya ay kumuha ng military na kurso ngayong college. Pero... hindi iyon ginusto ng mga kapatid ko."

"Hindi nila naging gusto ang pangongontrol ni papa. Sobrang strikto, sobrang higpit, nakakasakal. Dama ko lahat ‘yun dahil doon ako nakatira hanggang ngayon sa bahay. Ayokong sumunod sa yapak nila kuya na naglayas dahil naaawa ako sa mama ko. May sakit ang mama namin, c-cancer sa utak, stage 4." bahagya pa siyang pumiyok sa huling linya, tila nahihirapan.

"Tapos noong nalaman pa nilang naglayas sila kuya, inatake si mama sa puso dahilan para mas lalong mag-apoy sa galit si papa. Umalis sila kuya dahil... ang daming nasasabi ni papa na masakit sa kanila--- bukod pa sa pangongontrol sa buhay namin. Nandiyan pa ‘yung kinulong sila sa bodega dahil pinagtanggol ni Kuya Blake si Kuya Sage noong binubugbog siya ni papa."

Napahawak ako sa bibig ko at hindi makapaniwala sa mga naririnig. Kaya ba ayaw niya 'tong sabihin...?

"Matagal na nangyayari ‘yun, paulit-ulit. Simula elementary hanggang ngayon gano’n pa rin si papa. Sinisisi niya sila kuya sa nangyari kay mama. Pwede mong sabihin na... tinakwil na sila ni papa, kaya ganito si Kuya Sage ngayon."

"Lalo na noong namatay si Kuya Blake. Hinanap man ni papa ang grupo na pumatay kay Kuya Blake, hindi naman siya nagtagumpay. Kaya sa huli, nagpatong-patong ang galit niya, lalo na sa naiwang si Kuya Sage."

Naalala ko sina Aden at 'yung ginawa nilang pambubugbog kay Sage... naalala ko rin na sila ang pumatay dito.

"Nalaman ko na kasali pala si Kuya Blake sa isang mafia group. ‘Yung pera na inutang ni Kuya Blake sa mga ito, ‘yun ‘yong pinang-tayo nila ng bahay ngayon at pinambili ng motor, pagkain, tuition. Pinipigilan ko siya noong una pero... parehas kasing mataas ang pride ng mga kuya ko. Hanggang sa... nabalitaan kong pinatay si Kuya Blake."

Pinunasan niya ang nakatakas na luha sa pisngi niya saka nagpatuloy.

"D-Dahil do’n, inatake na naman si mama sa puso pero mas malala ngayon dahil... commatose siya at hindi namin alam kung kailan siya gigising. Lahat ng galit at sisi ay na kay Kuya Sage."

Agad akong umatungal, "Bakit naman? Hindi ba nalaman ng papa niyo na nangutang ng pera si Blake?"

Umiling ito, "Nanatiling sikreto ‘yun maliban sa akin na palagi silang pinupuntahan. Ayaw nilang malaman ni papa ang anumang aktibidad na gagawin nila. Sabi ni Kuya Blake, naglayas na sila at wala na silang karapatang malaman ang nangyayari sa kanila ngayon. Kaya ako, pumupunta ako rito kapag may free time ako at nagbibigay ng pera sa kan‘ya--- which is ayaw ni Kuya Sage dahil ang pera daw na ‘yun ay galing sa isang demonyo."

"Pero hindi naman gano’n katigas si kuya." bahagya pa siyang natawa habang nagpupunas ng pisngi, "Tumatakas siya para dalawin si mama sa ospital at dalhan ng bulaklak. Palagi niyang sinasabi kay mama na mahal na mahal niya kami at palagi raw kaming mag-iingat. Iyon nga lang, kapag naabutan siya ni papa doon, siguradong magkakaroon ng away."

"Tinakwil na talaga ng papa mo sila Sage...?" mahinang tanong ko.

"Yes, wala na raw siyang anak na ang pangalan ay Blake at Sage. Noong nakaraan, nakita ni papa si kuya na palabas ng ospital at kasama ako. Nakakagulat man pero... pinag-buhatan niya na naman ng kamay si kuya. H-Hindi lumalaban si kuya, kahit ang daming sinasabi sa kan‘ya, hindi siya sumasagot."

Biglang pumintig ang puso ko. Pakiramdam ko lalo itong kumirot...

"Hindi ko rin kasi alam kung kailan ang dalaw lagi ni papa. Madalas kasi siyang nasa trabaho at nagpapaka-busy. Kaya ayaw ni kuya na pumupunta ako sa bahay dahil pag nalaman ‘yun ni papa... pwede akong bugbugin ni papa--- at ‘yun ang kinaiinis ni kuya sa akin ngayon dahil pumupunta pa rin ako."

"Just a passerby..."

Ngayon malinaw na sa akin ang lahat.

Malinaw na sa akin kung bakit siya magpapakamatay. Sigurado akong oras na malaman ng papa niya na pumupunta si Skye rito... doon na iyon gagawin ni Sage.

Pinisil ni Skye ang kamay ko at malungkot na ngumiti, "Kaya please... make him happy, okay? He’s going through a really rough time. So please, atleast be an excemption to him."

Sage...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro