Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter XXIX

29.

Katulad noong una, heto at nagagalit na naman siya sa akin dahil nagawa ko na naman siyang ipagtanggol. Pero bakit? Kung no'ng una ay naiintindihan ko ang point n'ya, ngayon, ano talaga ang kinagagalit n'ya?

Is it really about me defended him?

Or because I saw everything he's been hiding?

Nanatili siyang nakatayo at mataman na nakatingin sa akin. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip n'ya ngayon. Hindi ko mabasa ang mga mata n'ya.

"Sage, I know you think that sometimes, you want to just disappear. But the truth is, all you really want is to be found." I spoke gently, "I’m here. You can always have me. No need to... hide the pain."

Umaasa ako na ngayong alam na n'yang alam ko na ang tungkol sa mabigat na problema n'ya ay magbubukas na siya sa 'kin.

Pero...

"Pinilit mo ang kapatid ko na sabihin sa ‘yo?" walang kaemo-emosyon n'yang tanong.

Mabilis akong umiling, "Hindi, she volunteered because she wants me to help you---"

"Like this...? Was it helpful?"

"Kahit naman hindi n‘ya sa akin sabihin, e. Nakita ko na, Sage. Nakita ko na kung gaano ka-sama ‘yung papa mo! What if I didn’t come? Who will save you? Will you really let him break your neck?" I was really frustrated.

"And you think I’m fine with you saving me?"

I was taken aback, but still managed to answer, "Why not? Hindi ko maatim na sinasaktan ka, Sage! Bakit ba gustong-gusto mo na sinasaktan ka?"

He didn't respond. The cold light in Sage'e eyes solidified into a sharp, bone chilling blade.

I tried to reached him but he immediately step back.

"S-Sage..." my lips are trembling.

"Sakura, this is why I don’t like sharing my issues with anyone else..." he retorted calmly, "Why? Because it just clearly shows how pathetic, miserable, and hopeless my life is. Tanggap ko pa no’ng una na pinagtanggol mo ‘ko kina Aden. But this time, it’s a different matter. This is about me and my own father. Do you understand?"

Mabilis ko siyang kinontra, "I didn’t see your life like that! Please don’t---"

"Since you know and witnessed everything... yes, Sakura. I am the reason why my brother sacrificed his life just to get me a comfortable home. The money he got from Aden, was the money I used for my tuition. He bought me a motorcycle for my transportation, he build me home, far away from our evil father--- and died."

"Which triggered the health of our mother. Her heart got her commatose for who knows how long and it’s all our fault--- actually, it’s my fault." he emotionally explained, finally. "I was so weak that my brother’s always ends up saving me because of my shits. Kung bakit kasi hindi namin masunod-sunod ang mga gusto ni papa kaya ayun, sa huli, nasasaktan kami parehas ni kuya... until my brother decides to run away."

Sa buong pagku-kwento n'ya ay hindi ko na maiwasang maluha pa. Finally, he opened it up. Gano'n pa man, nananatili pa rin ang malamig na tingin sa mata n'ya.

"So... bakit ko ipagdadamot na saktan n‘ya ako ulit kung unang-una, sa ‘kin o sa ‘min naman ni kuya nagsimula ito?" he added in measured tone that was provocative and mocking.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko... kaiba sa una naming sagutan.

Bakit gan'yan ka... Sage?

Napayuko na lamang ako habang ramdam ko pa rin ang pagragasa ng luha sa mata ko. "I’m... sorry, Sage. Pero sana maintindihan mo na walang masama kung nalaman ko man ‘yun. I’m willing to save you anytime, as long as you’ll be okay." nasasaktan ako ng lubos para sa kan'ya.

"Again, I’ll ask you this..." aniya, "Why are you going this far? Because I deserve everything? Because of my importance to you? Because you don’t want me to die? What?" malalim ang kan'yang boses.

Umangat ang tingin ko sa kan'ya. Is he not satisfied with my first answer?

I took a deep breath, "Y-Yes. Totoo naman, e. You deserved to live, Sage. Gano’n ka ka-importante sa akin..."

Bahagyang tumagilid ang ulo n'ya na tila hindi kuntento, "Really?"

"Yes..."

"Or is it because you have feelings for me?"

Doon ako tuluyang hindi nakapag-salita. I know I'm too obvious pero... hindi ko inaasahan na itatanong n'ya 'yun. Alam ko sa sarili ko na hindi ko pwedeng sagutin 'yan, hindi pwede dahil ayokong maging selfish sa kan'ya.

Paulit-ulit at sasabihin ko ulit ngayon...

Dahil bumalik lang naman ako para iligtas siya. I can never tell if he’ll love me just like in the past... or we’ll just remain friends. I don't know.

That hurts, really.

"I..." I tried to speak as a tear rolled down my face silently.

"Didn’t I told you that you don’t deserve me and I don’t deserve you?"

Para akong sinaksak sa puso dahilan para unti-unti akong manghina. Iyon na naman? Gusto kong kumontra pero... somehow, he's certainly right.

He deserve someone better than me.

Ito lang naman ako, e. Demanding, panay ang habol, desperada. Hindi ko mapigilang isipin pero pakiramdam ko, hindi talaga ako 'yung tipo n'ya.

"S-Sorry..."

Gusto ko pa sanang magsalita at sabihin sa kan'ya na hindi mahalaga ang nararamdaman ko pero tila umurong na yata ang dila ko at naubos na ang enerhiya kong mag-explain nang dahil do'n. Sabi ko sa sarili ko, tanggap ko 'to. Pero nakakainis, sa puntong 'to ay bakit hindi ko magawang matanggap?

Sobrang sakit... bakit parang pinapa-mukha na naman n'ya sa akin na tumigil na ako?

We stood there, neither of us moving. The cold wind stung on my face, I seemed to have fallen through a crack in the ice.

I sobbed queitly as my trembling hands wiped my tears, it's hard for me to even swallowed, "Sage... it’s over. Pwede bang ‘wag ka na lang magalit sa akin at mag-ayos na tayo? And promise me not to harm yourself? I want you to be happy. I really do."

With my last ounce of hope, I wanted him to atleast assure me after all what happened tonight.

"Sage..."

He heaved a sighed, put his both hands on his pocket and stared blankly at me. For a moment I thought we just settled it but...

"Leave me alone."

That froze me. What did he say...?

"In that way, you’ll realize that I’m not deserving for your feelings. You always told me I deserve everything, but honestly, it’s you who deserves it all." he spoke flatly.

Kumuyom ang kamao ko sa sinabi n'ya, "What are you talking ab---"

"Your efforts are higly appreciated by me, Sakura. Don’t worry, no matter how broken I am, I won’t harm myself... so relax and from now on, leave me alone."

He stood there, aloof and cold, with all emotions swirling in his eyes that I never understood before.

Leave him... alone?

"B-Bakit? Bakit ko kailangan sundin ‘yan? We’re friends, right? Bakit parang pinagtatabuyan mo na naman ako?" my quivering voice was like a dull blade.

"Pinagtatabuyan? I failed to do that, if I remembered correctly."

Hindi ko siya maintindihan...

"But now, I’m officially requesting you... leave me alone, forget about me, stay away, and don’t ever try to approach me again." nagsalubong bigla ang kilay n'ya, "You deserve someone better. I don’t need you."

Those words... were like a knive. Stabbing hole after hole in my heart.

Bago pa ako kumontra sa mga masasakit na sinabi n'ya ay tumalikod na ito at nagsimulang maglakad, pero agad din siyang huminto na parang may naalala.

He turned his head a bit, "Let’s not talk anymore and thank you for everything," he paused and went on, "Goodbye."

"Sage---" I tried to chase him but my heart suddenly stopped me. Nakaramdam kaagad ako ng masakit na pagtibok sa puso ko. Sa isang iglap, bigla'y parang mauubusan ako ng hininga. Wala akong nagawa kundi ang mapahawak sa dibdib ko at mapaluhod sa lupa habang pinapanuod siyang makalayo.

It's... very, very, very painful inside.

Sunod-sunod ang naging buhos ng luha ko. Naitungkod ko na lang ang isang kamay ko sa lupa habang ang isa ay lumipat sa aking bibig para pigilan ang hagulgol na gusto nang kumawala sa bibig ko.

Where did I go wrong for him to pushed me away just like that? Was it... because he knows I love him...?

Shit, Sakura, it's your fault for being so obvious. It's my fault.

Mariin akong napapikit habang ramdam na ramdam ko ang sobrang lakas na tibok ng puso ko. Hindi ko na mapakalma pa ito, sa mga iyak na nilalabas ko, sa paulit-ulit na paglalaro ng mga salita ni Sage sa aking tenga, sa bigat ng nararamdaman ko, sa sakit ng puso ko... nahihirapan na akong labanan ito.

Hanggang sa tuluyan na 'kong mapadapa sa lupa at magdilim ang paningin.

It's ironic how our hearts can still get hurt by something we’ve seen coming...

~ × ~

Nababahala ako. Kanina no'ng pumasok kami ni Eren ng classroom, napansin ko agad ang mga bagong sugat ni Sage sa mukha n'ya. Nakakapagtaka nga na kahit anong gawin kong tanong dito ay hindi man lang sinasabi.

Para siyang walang tiwala sa akin samantalang ilang beses na kaming nagkakasama kung saan-saan.

Nakakuha ako ng tiyempo na tanongin muli siya nang siya na lang ang maiwan sa classroom. Nakikita ko na para siyang nahihirapan kumilos.

"Sakura, may photoshoot ako ngayong hapon. Hatid na muna kita?" tanong sa akin ni Eren.

"Uhm... sige, mauna ka na."

Kumunot ang noo n'ya sa akin, "Bakit? May pupuntahan ka pa ba or..." hindi n'ya na naituloy ang sasabihin nang makita naming palabas na ang nahihirapang si Sage.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Bakit parang hirap na hirap siyang kumilos?

Bumuntong hininga ako at hinarap muli si Eren, "Tutulungan ko si Sage. I’ll call you when I get home."

"Wait, tutulungan?" pahabol n'ya.

Tumango ako, "As you can see..." nilingon ko si Sage, "Looks like he got into trouble again. I wanna help him." nginitian ko si Eren at tinapik sa balikat, "Drive safe."

Tumalikod na 'ko agad at nilapitan si Sage. Bahagya itong napangiti sa 'kin nang mamataan ako sa tabi n'ya kaya naman kinuha ko ang braso n'ya at inalalayan ito sa paglalakad.

"Something happened? Look at yourself," sabi ko habang naglalakad kami, "Bakit ba palagi ka na lang napapaaway? Who is it this time?"

Hindi agad siya sumagot kaya tinignan ko ito mula sa gilid. Ang lala ng mga natamo n'ya, kung no'ng nakaraan ay gumaling na ang iba n'yang sugat, ngayon naman ay napalitan na naman ng bago.

If you could only share it with me, Sage...

Naupo kami sa bleachers para saglit na magpahinga. Sinasabihan ko siya kung ba't pa siya pumasok kung hindi naman pala n'ya kaya. Inabutan ko ito ng bottled water na hindi ko nainom kanina.

Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang pawis n'ya sa noo, "Sage... anong nangyari sa ‘yo? Sino na namang bumugbog sa ‘yo?" nag-aalala kong tanong.

"Are you that worried?" he asked as he gave me a small smile.

"Of course!"

"This is nothing, Sakura. Don’t worry too much. You might get stress, ako pa sisihin mo." may bahid ng pang-aasar sa boses n'ya.

I pouted, "Bakit naman kita sisisihin? I only want to know what happened to you..."

"Hindi ba nga may mga nakaaway ako noong nakaraan? Binalikan ako. E, ang dami nila kaya hindi na lang ako lumaban."

Pumalatak ako sa inis, "Sino ba kasi ang mga iyon?! Grabe na sila. Alam mo, sabihin mo na kaya ito sa parents mo. Baka magawan nila ng paraan at tigilan ka na."

Nawala ang ngiti sa kan'yang labi at sumandal na lang sa bleachers. Sa isang iglap, biglang nagbago ang emosyon sa mata n'ya.

"They were so busy... that can’t be help."

"Well, then maybe I can help you?" suhestiyon ko pa.

Gumilid ang itim na mata n'ya sa akin, "Talaga?"

"Oo naman! I can help you with everything I’ve got." saka ko siya nginitian ng matamis.

Bumuntong hininga siya, "Will you miss me when I leave?"

Nagulat ako sa tanong n'ya, "Ano ba sa tingin mo?"

"Sakura..." sumeryoso ang boses n'ya at inalis ang paningin sa akin. Umayos naman ako ng upo at hinintay ang sasabihin n'ya.

"Yes, Sage?"

"This is just a random question," he spoke nonchalantly, "Paano kung isang araw... nabalitaan mong patay na ‘ko? Will... you cry for me?" saka tumigil ang mata n'ya sa akin.

Sandali akong natigil at napaisip sa sinabi n'ya. Gusto ko siyang bulyawan sa mga iniisip n'ya pero... to be real, hindi ko yata alam ang gagawin ko pag nangyari 'yun.

Napaglapat ko ang labi ko, "Who wouldn’t cry? I’m sure pati parents mo iiyak pag nangyari ‘yun."

"You think so?"

"Yes. Isa pa bakit ka naman mamamatay? Mas malaki ang possibility kong mauna sa ‘yo so don’t ever think about that again." napapailing ko bulalas at tumingin na lang ang mga tao. "I’m sure you didn’t brought your vehicle in that state. Should I walk you home? I don’t mind doing that." sabi ko na lang para hindi na mapag-usapan pa 'yun.

Ayoko nang pinag-uusapan 'yun...

Tumayo ako at inalok ang kamay ko sa kan'ya, "Let’s go, my prince." saka ko siya nginitian.

Ngumiti siya sa akin pero pansin kong hindi 'yun umabot sa mata n'ya.

"Okay fine, my princess."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro