Chapter XXII
22.
Isang araw makalipas nang napag-usapan namin ni Eren at ngayon, sunday, nasa isang theme park na nga kami kasama si Dash na parang batang tuwang-tuwa sa mga nakikita.
"Nakakuha na ‘ko ng mapa!" Abot tenga ang ngiti ni Dash habang winawagayway ang mapang tinutukoy niya. "Dito muna tayo sumakay sa 'xtream coaster' para suka agad!"
"At sino namang may sabing sasakay tayo diyan?" Masungit na bulalas ni Eren sa kan'ya.
"Bakit? Kaya nga tayo nandito, ‘di ba?"
"No way."
"Yes way!"
"Tch," his eyebrows met in exasperation, "Are you nuts or just incredibly stupid?"
Napakamot na lang ng ulo si Dash.
"Alam mo namang may sakit si Sakura, e. Just go on your own." Dagdag pa ni Eren.
Napailing na lang ako sa kanila at pumagitna, parehas ko silang hinawakan sa magkabilang balikat at tinignan si Eren, "Stop chiding him, okay?" saka ako lumingon sa nakasimangot na si Dash, "And you, stop being so childish, we can ride somewhere else."
He muttered, "Saan naman? Sa carousel?"
Natawa tuloy ako, "Hindi," kinuha ko sa kan'ya ang hawak na mapa, "Let’s see... how about in a horror train?"
"Horror train? Tanghaling tapat."
"Here?" turo ko sa isang bahagi ng mapa, "Pirates of the caribbean?"
Nanlaki ang mga mata niya at lumabas agad ang malaking ngiti sa kan'yang labi. "Iyon ba ‘yung may tubig tapos nakasakay tayo sa bangka at papasok sa parang kweba tapos madilim at may nagku-kwento sa loob?"
Tumango-tango ako bilang sagot.
Dash bit his lower lip to help him suppress his excitement. He turned to Eren, "H’wag mo sabihing bawal? Si Sakura na nagsabi!"
Humalukipkip lamang ang isa at blangko kaming tinignan. "Are you sure? Is that safer than grand carousel?"
"Grand carou--- Papa Eren naman seryoso ka ba?" asik agad ni Dash.
"Sakura’s safety first."
"As if naman lalabas ang puso ni Sakura sa pirates of the caribbean?! Ano ba ‘yan! E, mamaya mahulog pa si Sakura sa kabayo, o, paano ‘yun?!"
"E, ‘di sasaluhin ko siya." Eren answered nonchalantly.
"Luh okay ka lang? Paano mo masasalo e nakasakay ka rin sa kabayo? Hays!"
"E, ‘di doon kami sa may upuan. Ano, may angal pa?"
I heaved a loud sigh and stared at them. Seryoso, hindi na talaga nagkakasundo kung saan talaga sasakay. Ang KJ nga ni Eren.
"Both of you, please stop." I interrupted.
Nagmaktol na naman si Dash sa akin, "Sakuraaa! Ano ba naman ‘tong kaibigan mo? Hindi pa ‘ko nakakasakay sa pirate of the caribbean kaya pagbigyan n‘yo na ako. Parang awa mo na... pilitin mo ‘to."
"Dash, ano ka, bata?" sabat ni Eren.
Inis niyang tinignan si Eren, "Mukha lang akong bata pero ‘di ako bata!"
"Okay fine, guys, tama na." muli kong pasok, tinignan ko si Eren sa mata, "Come on, wala namang masama kung sasakay tayo doon. We’re supposed to have fun, not to quarrel. And since I haven’t tried it, now’s the great chance."
Eren just gave me a long stare.
I sighed and crept a smile, "Magkasundo na kayo, ayoko rin sumakay ng carousel."
Biglang umugong ang malakas na tawa ni Dash habang nakaturo kay Eren. Lalo tuloy siyang sinamaan ng tingin nito.
"Carousel naman kasi ah! Ano tayo, 10 years old? Hahahahahahahaha laptrip!"
"It’s not only for children. And I’m not also pertaining on a little carousel you’ve thinking, you idiot." Eren huffed.
Bago pa sila magkasagutan na naman, parehas ko na silang hinatak sa kamay at hinila sa rides na gusto naming sakyan ni Dash. Pumila kaming tatlo ro'n, hindi naman gano'n kahaba ang pila kaya sa tingin ko'y hindi rin naman nakakainip.
Halata ang excitement kay Dash, hindi mawala-wala ang ngiti sa labi niya habang nagku-kwento ng kung anu-ano, kesyo sa perya lang daw siya noon nakakasakay ng ganito, pangarap lang daw niya dati 'to, and so on.
Hindi ko siya masisisi, eversince naman talaga nang magkakilala kaming tatlo, hindi pa kami nakakaisip na magpunta sa may mga rides.
Si Eren talaga ang dapat pasalamatan dito dahil siya ang nakaisip ng date na 'to.
Just then, when we're about to step on the boat ride, Eren reached out and grabbed my hand. The sudden warmth took me by surprise.
"If you feel just a little anxious, you can hold my hand, Sakura." he whispered.
I nodded at him and proceeded.
Sa bangka na ito ay anim na tao lang ang pwedeng sumakay, dalawang tao kada upuan at napili ni Eren na sa dulo kami pumwesto. Si Dash naman ay nasa gitna-- kung saan nasa harapang pwesto namin at bakante ang katabing upuan. Sa pinaka harapan ay pumwesto ang sa tingin ko'y magkasintahan.
Humarap sa amin si Dash at nag-thumbs up, "Okay ba kayo diyan?"
"Ikaw okay ka lang ba na walang katabi?" Tanong ko.
"Sanay na ‘ko!"
Nagsimulang umandar ang sinasakyan namin. Dahan-dahang pumasok sa isang madilim na kweba, sakto no'n ay biglang may nagsalita mula sa speaker na nanggagaling marahil sa bangkang sinasakyan namin, para itong nagku-kwento. Kasabay no'n ay ang biglang paglabas ng usok mula sa magkabilang gilid ng entrance.
Sobrang dilim sa loob na aakalain mong gabi talaga. Sa labas ay mistulang kweba ito pero pagpasok mo sa loob ay isang madilim at malawak na tubig ang bubungad sa inyo. Mga tunog ng kwago ang maririnig, una rin naming nakita ang mga nagtataasang puno ng niyog sa mga gilid na akala mo talaga ay nasa karagatan ka, idagdag mo pa ang amoy ng tubig dagat.
Habang umaandar kami, may mga nadadaanan na kaming mga kubo, 'yung iba ay may mga nakatayong estatwa pa. Patagal ng patagal, napapalitan ang mga tunog ng kwago ng isang malumanay na tunog ng ukelele. Sobrang kalmado ng lahat.
Ang tanging nakapagpa-kaba sa amin lalo na sa akin ay noong dumaan na kami sa pinaka madilim na parte nito, wala na kaming nakikita at tanging tunog na lang ng tubig ang maririnig. Hanggang sa biglang magsalita ang speaker sa bangka namin at magbigay warning sa susunod na papasukin.
Doon ako napakapit bigla sa kamay ni Eren, nang medyo bumilis ang bangka papasok sa isang kweba kung saan makikita sa itaas ang malaking skull-- kagaya sa pirate of the caribbean talaga.
I felt his warm hand as his long fingers intertwined with mine. Hindi ko na 'yun pinansin dahil nag-e-enjoy na 'ko sa nakikita namin.
Sinalubong kami ng isang masayang kanta ng mga pirata. The song will make you feel like you're in a real pirate ship and your crews are happily singing your pirate song.
Madilim pa rin at tanging mga liwanag na kulay asul na lang mula sa mga bato na nasa itaas ang makikita.
Once we get deeper, a lot of pirate things appeared before our eyes. May nadadaanan kaming parte ng mga buhangin kung saan may mga treasure box, may kalansay pa na nakasuot ng pang-pirata. May nadaanan rin kaming waterfalls.
And the best part of it is when we got closer to a big ship where a human pirate statue started a battle with another ship on the side. They were announcing to set sail but then the other ship was trying to make them sink by throwing a sound of bomb. For a moment I actually thought it was real, mayro'n kasi talagang umapoy sa pagsabog nito sa gilid.
Pinaggi-gitnaan namin sila, malayo rin ang agwat nila. I'm telling, you'd actually feel like you were in a middle of a battle ship. Ang lawak ng tubig, madilim at tanging mga ilaw lang sa barko nila ang liwanag, isama mo pa ang makatotohanan na apoy at ang palitan nila ng salita.
Until our boat proceeds to another area of the sea.
Sulit na sulit ang rides na ito. The money you will spent would actually give you a real satisfaction and a glimpse of experience at the movie, "Pirates of the caribbean."
If you're a fan of that great movie, you would really, really enjoy the atmosphere.
Paglabas namin ng rides na 'yun ay hindi maipaliwanag ang saya ni Dash. Sinasabi niya pa na kung pwede lang daw sana mag-cellphone ay vinideohan na niya ang loob no'n, sa kasamaang palad, gadgets are not allowed-- except kung mayroon kang Go Pro na suot sa ulo.
Napagpasyahan naming kumain sa restaurant matapos no'n. Balak naming magpa-abot hanggang gabi at masakyan ang iba pang rides. 'Yun nga lang, sobrang pili dahil kay Eren.
Kontra niya, "Sakura’s safety first."
Nang dumating ang mga inorder namin, na libre lahat ni Eren, ay nagsimula na kaming kumain. Umiinom ako ng orange juice nang kalabitin ako ni Dash at ituro ang susunod na destinasyon namin sa mapa.
"Habang maliwanag pa, try natin dito sa 'balloon wheel' para makita naman natin ‘yung ganda ng buong theme park."
"Hindi ba’t nakakalula diyan?" Tanong ko.
"Natural, feris wheel e? Pero ‘wag ka na lang sumilip. Tamang sandal ka lang."
"Tapos ikaw lang mag-e-enjoy?" Pagsingit bigla ni Eren habang ngumunguya ng garlic bread at bagot na nakatingin kay Dash.
Binaba ni Dash ang mapa at ngumiwi rito, "Grabe ka talaga sa ‘kin, Papa Eren."
Eren turned to look at me, ignoring Dash's rumbles, "Do you wanna go and take a look at the souvenirs? Baka may magustuhan ka."
Napangiti agad ako sa kan'ya, "Oo nga pala, let’s buy a shirt! Remembrance!" I exclaimed.
"A couple shirt?"
Umangil agad si Dash, "Couple shirt n‘yo? Kailan pa naging kayo?" Nagtataka ang tingin niya sa amin na akala mo may tinatago kami.
Bago ko pa siya kontrahin ay nauna na si Eren.
"E-Excuse me, it’s not what you’re thinking."
"Sus, e bakit couple shirt?"
"Ang ano?"
"Sinabi mo ‘di ba?"
"Was that a big deal? Syempre tatlo tayo!" Nagsimula na ulit kumain ang naiiritang si Eren dahil kay Dash.
"Tatlo, e ‘di sana ang sinabi mo, triple shirt. Tss!"
"Walang gano’n. Triple shirt your ass."
Muling ngumiwi si Dash rito, "Crush mo ‘di ka type. Bleh!" Dumila pa ito bilang pang-asar.
I took a deep breath and let out a sigh. Heto na naman sila sa pagtatalo na parang aso't pusa, hindi na nagkasundo kahit saang bagay.
"Dash, Eren, please..." I pleaded.
Sa huli, nakinig naman sila sa 'kin at kumain na lang ng mga nakahain sa harapan. Mahaba pa ang araw, marami pa kaming pwedeng gawin lalo at bonding namin 'tong magkakaibigan. Isama mo pa na malapit na ang laro nila Eren, umaasa ako na makakatulong ito sa kan'ya pampagaan ng loob sa kabila ng busy schedule niya.
Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa souvenir's store para maghanap ng bibilhin. Gusto ko sanang bumili ng shirt kung saan pare-parehas kami ng disenyo, remembrance namin sa magandang pasyalan na ito.
Pero sa kalagitnaan ng pamimili namin ay may isang pamilyar na pigura akong namataan 'di kalayuan sa pwesto namin.
Habang nasa loob kami ng souvenir's store, mula sa transparent glass window, ay nakita ko si Sage na may hawak na cotton candy at nakaupo sa isang long wooden chair...
...kasama ang isang magandang babae na nakasalubong ko sa bahay niya.
Just a passerby, Sage?
At that very moment, as I stared at them, I can't help but to felt a stabbing pain in my heart. The girl was laughing with her cotton candy as Sage has, while he remains quiet but eyes fixated on her.
Gusto kong magpakita para maalala niya 'yung sinabi niya sa akin... pero teka, wala kang karapatan magselos, Sakura, 'di ba? Ano 'yan?
"Do you like this?"
Humugot ako ng malalim na hininga bago harapin si Eren na may hawak na puting shirt at may nakaukit na pangalan ng theme park. Ngumiti ako sa kan'ya at tumango na lamang kahit deep inside, gusto kong mag-walk out.
"I... I like it." I spoke quietly.
But Eren, is Eren.
Binaba niya ang kamay na may hawak na shirt at nagbago bigla ang ekspresyon ng mukha nito sa akin. Sa isang iglap, parang alam na niya na may mali.
"Sakura..."
I smiled, still trying my best to fake it. "W-What? You know let’s buy this. Nasaan si---"
"What is it?" Matigas niyang tanong na kinatigil ko.
My forehead creased as I tried to laugh, "What do you mean, ‘what is it’, Eren? I’m fine."
"Not a good liar."
Dahil sa sinabi niya ay awtomatikong nawala ang ngiti sa labi ko. Napatitig ako sa seryosong mga mata niya, hindi alam ang sasabihin.
Such an observant gentleman, is he?
Napayuko na lang ako habang hindi malaman ang sasabihin. Sasabihin ko ba na nandito si Sage at may kasamang ibang babae na minsan na niyang sinabi na 'passerby' lang ito? O hindi...? Kasi bakit ko naman sasabihin?
I don't have the rights to feel jealous. But... can you really control things like that? I guess, no.
"I see," Eren sighed and run his fingers through my hair, "Lapitan mo na, magpakita ka. I believe they’re not in a romantic relationship."
Hearing that, I gradually looked up and met his warm eyes.
"Eren..."
But he just replied with a soft smile.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro