Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter XXI

21.

Habol hininga ang inabot ko pagkabagsak ko ng mga libro sa lamesa ng isang propesor na hindi ko naman kilala at hindi ako estudyante pero nagawa akong utusan bitbitin ang mga ito patungo sa faculty room.

I blew a loud sigh of relief as I wiped the sweat in my forehead. The books I carried was not a joke-- an 8 pieces of bookbind works!

Whew.

Sa dinami-rami ng mga estudyante, ako pa talaga ang nakita ng propesor na 'yun. Samantalang tahimik na naghihintay nga lang ako sa labas ng room nila Dash.

Dinukot ko ang cellphone ko at tinignan kung may message na ba galing kay Sage, but as expected, he didn't replied.

Pagkatapos ng usapan namin sa ilalim ng puno noong nakaraang araw, naging mas kumportable kami sa isa't-isa. I mean, mas nagiging kumportable siya sa akin which I value more than before. Hindi na mawawala sa mukha niya ang pagiging sobrang seryoso, pero ang nakakatuwa do'n ay nagiging mas madalas na ang pagngiti niya, hindi lang sa 'kin, kung 'di syempre sa mga nakakasalamuha namin sa klase.

But that was in the past 3 days...

Ngayong araw, hindi na naman siya pumasok sa eskwela sa hindi ko malamang kadahilanan. Hindi tuloy siya nakapag-take ng quiz at nakapagpasa ng assignment sa risk management. I tried to reached him but his line was busy. So naisip kong i-text na lang siya kanina pero hanggang ngayon, hindi nagrereply.

Hindi ko na naman tuloy maiwasang mag-alala sa kan'ya. Pero sana ay nasa maayos na lagay lang siya.

Hanggang sa maalala ko 'yung babae...

Sino ba siya? Bakit ayaw sabihin ni Sage kung ano talagang mayro'n sa kanila ng babaeng 'yun? Isa rin ba siyang kagaya ni Stacey?

Napabuntong hininga na lamang muli ako sa mga naiisip. Aaminin kong nakakapang-hinala, nakakapang-selos, pero... hindi ko pagmamay-ari si Sage para sabihin 'yun. Kaya kahit kumikirot ang puso ko dahil do'n, tinitiis ko na lang.

Sanay naman na 'kong masaktan sa puso, literal pa nga... basta mabubuhay si Sage, sapat na sa akin 'yun para maging masaya. I want to be with him in the future, but I'm not going to force his heart.

Napausod ako ng kaunti nang may lalaking maglagay ng mga libro sa lamesa. Kagaya 'yun ng mga binitbit ko.

Aksidente siyang napatingin sa akin kaya inalis ko ang paningin sa kan'ya at naglakad na palayo. Babalik na sana ako sa paghihintay kay Dash nang biglang magsalita ang lalaki.

"Kumusta na sugat mo sa pisngi?"

That stopped me on my tracks.

I turned to look at him with my forehead creased, "Excuse me?"

His closed fist landed on his lips as he let out a soft chuckle. "Hindi mo na agad maalala? Kumusta? Nahabol mo ba ‘yong hinahabol mo?"

Hinahabol...? So, siya pala 'yung tumulong sa akin noong araw na hinabol ko si Sage at nadapa ako.

Dahil na rin siguro sa iyak at pagmamadali ko, hindi ko na naaninag ng maayos ang itsura niya kung kaya't hindi ko siya makilala ngayon. But now I fully remembered.

I swallowed and lightly shook my head, I gave him a smile. "H-Hi? Okay lang... nahabol ko naman."

"That’s good," he grinned, "Hindi ko akalaing dito ka pala nag-aaral. Anong course mo? Wait, buti naman at wala ka nang sugat diyan."

I winced when I suddenly felt the tip of his forefinger on my cheek where the bruise was now left with a mark.

A smile crept on his lips, "Magaling na... sa tingin ko padalos-dalos ka." anito na akala mo ay alam ang tungkol sa nangyari noon.

"T-Thank you." I can't help but to feel shy, "I haven’t thanked you properly so... thank you for helping me up that time." nahihiya ako dahil sa sinabi niya 'cause honestly, it's quite true.

"Okay lang, okay lang. So, anong course mo? Teacher mo rin si Ma’am Asiatico?"

Napatingin ako sa lamesang nasa harapan namin. Ah, 'yung nag-utos sa 'kin ng sangkaterbang bookbind.

Umiling ako sa kan'ya nang tignan muli, "Financial Engineering ako at hindi ko siya Prof."

He slowly nodded, "Akala ko Prof mo. By the way, I’m Veejay, tourism management." he then extended his left hand to me.

Aabutin ko na sana 'yun nang biglang bumukas ang pintuan sa gilid niya at iniluwal no'n ang walang kaemo-emosyong lalaki... si Sage.

Wait, what? He's absent, right?

"S-Sage..." Natutulala kong saad rito.

Pagsara niya ng pinto ay tinapunan niya ng tingin ang lalaking kaharap ko, saka niya ito binalik sa akin. "What are you staring at?" bagot niyang tanong.

Napangiti ako. Wala siyang bagong sugat, hindi gusot ang suot niyang uniporme, ibig sabihin walang nangyaring masama sa kan'ya.

Thank God...

"Bakit hindi ka pumasok kanina? Saka anong ginagawa mo diyan sa loob?" I asked.

"I woke up late, that’s why. But I already taken the quiz and passed the assignment just now." he paused, "How about you? What are you doing here?"

"Ah," tinuro ko 'yung mga bookbind, "Pinadala sa akin ‘yan ng isang Professor. Nakakahiya naman kung tatanggihan ko, may edad na rin kasi saka nagmamadali raw siya sa meeting."

"With him?"

Napatingin ako sa lalaking kausap ko kanina. Ngumiti siya kay Sage at siya na ang sumagot.

"Nagkataon lang na nagkita kami rito. Sige, babalik na ‘ko sa klase." bahagya siyang tumalikod at tumingin sa akin, kinawayan ako nito, "Una na ‘ko! Bye!"

Ngumiti nalang ako bilang sagot.

Lumipat ang tingin ko kay Sage, "Buti at nakahabol ka sa quiz at sa assignment. Nag-alala ko sa ‘yo, akala ko kung napaano ka na naman."

"Well, what’s new?"

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng faculty. Nakapamulsa siya habang diretso ang mata habang tinatapon-tapunan ko ito ng tingin sa gilid. Napapansin ko kasi na nawawala na 'yung mga sugat niya noong nakaraan. Sa malapitan, mapapansin talaga ang mga peklat niya, pero hindi 'yun nakabawas sa kagwapuhan niya.

"Am I that really good looking?" he suddenly grunted as his eyes shifted on me, "Why do you keep staring at me?"

I chuckled, "Has anyone ever told you that you’re like a cat?" My hand flew up to cover my mouth as I giggled.

I heard him groaned, "Never."

"Of course who would have guts to do that."

"Dummy. What made you think I’m like a cat?"

Tanong niya nang saktong makababa kami ng hagdan. Napaisip tuloy ako't napatingin sa kan'ya. Baka mamaya mainis siya, hindi ko naman intensyon na maisip 'yun pero naalala ko kasi 'yung pusang napulot ko.

"Hmm... may nabasa kasi akong libro, it says that cats are talented, smart, elegant and self-absorbed. To gain a cat's trust, one must treat it with kindness and patience." sinilip ko siya sandali at ngumiti, "So you’re like a cat--- aloof and distant. But you warmed up once someone gets to know you better."

Natawa ako, "But you probably just turn up your nose at those facts anyway."

I noticed his eyes narrowed, "Turn up my what? You really do think I’m a cat, don’t you?"

"Gano’n ba tingin mo---"

"Maybe it’d be nice to be a cat. No school, no problems, no worries about a certain moron and her dumb actions." He rebutted.

"I can tell you’re insulting me again."

"Aren’t you used to it by now?"

Napangiti nalang ako at hindi na nakasagot. Nakalabas na rin kami ng campus at nandito na sa tapat ng motorcycle niya.

"But if you’re an animal, I’d say you’re like a dog." Dagdag niya habang hawak na ang itim na helmet at nakatingin sa akin, nakangisi.

Tumaas ang kilay ko, "A dog? Not bad."

"Cute, clever, emotional, and full of effort." he went on, "That’s one of the things I like about you."

Natigil ako at ramdam kong uminit bigla ang pisngi ko. Hindi ko inaasahan ang mga salitang 'yun mula sa bibig niya. Minsan lang niya 'ko purihin kaya masarap na makarinig ng ganito mula sa kan'ya.

Ito na yata ang pinaka magandang puri na nasabi niya sa 'kin...

Naiwas ko ang paningin sa kan'ya, pakiramdam ko namumula ako, "That’s the most heartening words I ever heard from you."

"Don’t take it to heart. It was mostly to boost your self-esteem."

I can't help but to look at him as my lips pouted. "Okay lang, atleast sinabi mong cute ako."

Sinuot niya na ang helmet at sumakay sa motor, sinimulan niya na ang makina. "May hinihintay ka pa ba? Do you want me to drop you home?"

My eyes widened when I realized something. Shit, lumagpas ako sa classroom ni Dash!

"I forgot about Dash!" I shrieked at the thought.

How could I ever forgot him?! Gusto kong makasama pa si Sage at patulan ang alok niya pero may usapan pa rin kami ni Dash lalo't utos na naman ni Eren 'yun sa kan'ya.

Umatras ako ng isa at nagpaalam na kay Sage, "Drive safe, Sage! Please let me know if you got home!"

Pagtalikod ko sa kan'ya ay saktong nakita ko si Dash na nakatayo sa gilid at nakatutok sa cellphone niya. Umangat lang ang tingin niya nang may kumalabit sa kan'ya na mga lalaki at nagpaalam, nagtawanan pa nga sila at pagkatapos, doon na lumingon ang paningin ni Dash sa akin.

Nanlaki ang mata niya, "Sakura! Nandiyan ka na pala!"

Uwian na pala niya... sorry!

I sighed. Maglalakad na sana ako palapit sa kan'ya nang dumaan ang motor ni Sage sa gilid ko at muling magsalita na siyang kinangiti ko.

"I’ll call you when I got home, take care on your way home, Sakura."

~ × ~

Kinabukasan ay nabalitaan naming nagkaroon ng meeting ang mga major subjects namin at ang mga minor ay pina-attend kami sa grand theater para manuod ng quiz bee, pero syempre, dahil ayaw ni Eren do'n at may training siya, nagpa-attendance nalang kami at hindi na pumunta. Salamat kay Eren na malakas ang hatak sa ilang kababaihan sa klase namin.

Si Sage naman ay umuwi na lang agad dahil wala naman nang gagawin dito. Gusto ko nga sana siyang yayain na manuod sa training ni Eren pero inaantok daw siya at gusto niyang matulog na lang.

Speaking of him, ginawa niya kung ano 'yung binilin niya sa akin kagabi. Hindi pa 'ko nakakauwi sa bahay nang tawagan niya na ako at sabihing nakauwi na raw siya. Nakakatuwa lang na ang dami naming napag-usapan kagabi. Sa totoo lang, sobrang saya ng puso ko dahil do'n.

Nang sumenyas ng break ang coach nila Eren ay nagkan'ya-kan'ya na muna sila. Tagaktak ang pawis ni Eren pero hindi no'n napigilan ang ibang babae na lumapit sa kan'ya at harangan siya.

Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila dahil nasa itaas ako ng bleachers at nakaupo pero kapansin-pansin ang pilit na ngiti ni Eren sa kanila, lalo na no'ng mag-take sila ng picture.

Napangiti na lang ako rito.

I handed him a clean towel as he snuck up next to me, looking a bit wearied.

"Hindi ko masisisi ‘yung mga babae na ‘yon, kahit pawis na pawis ka na, nangingibabaw pa rin ‘yung halimuyak ng pabango mo." Nakangiting anas ko sa kan'ya.

"Well, I don’t really care." he heaved a weary sigh and fixed his eyes on me, "Gusto mo na umuwi? Sobrang init dito, Sakura. Hanggang 5pm pa ‘yung training, malapit na kasi ‘yung laro."

Umiling ako, "You must be really exhausted from work and training."

Pero bilib din talaga ako sa kan'ya, he's rich and everything but still working hard.

Naging mabagal ang pagpupunas niya ng pawis habang nakatitig sa akin. Kumunot tuloy ang noo ko at maang na napangiti.

"Bakit?"

He shook his head and look away.

"Bakit nga?" Tanong ko pa muli.

"I just thought... since you noticed about that, mind if you go on a date with me?"

My smile suddenly froze. What?

"I mean with Dash, of course." pagbawi niya agad, "Let’s unwind. Besides, I just missed going out with you two." Ngumiti siya sandali at uminom ng tubig sa tumbler bottle niya.

I sighed and agreed. Kailan ba 'yung huling labas naming tatlo? Last month pa yata? Or last last month.

"Saan tayo pupunta no’n?" I asked.

"Anywhere, ikaw saan mo gusto?"

"How about a theme park?"

He nodded, "As long as you’re there."

I chuckled as I keep my eyes forward, "Sigurado ma-e-excite na naman ‘yong si Dash."

Dahil sa 'ming tatlo, kapag lumalabas kami, si Dash ang pinaka appreciative. Kahit saan mo siya dalhin, basta may pagkain, kuntento na siya at masaya na do'n. Bukod sa maaasahan, isa 'yun sa pinaka magandang ugali niya.

"But, Sakura..." mahinang tawag niya, nakatingin siya sa gitna ng court.

I looked at him and pursed my lips, "Hm?"

Matagal bago siya sumagot. "I need your help on something."

Nagbago tuloy ang tingin ko't bahagyang nag-alala sa sinabi niya. "Help? About what? Sure, I can help you."

Instead of answering, he just stared at me wordlessly with a soft glint in his eyes.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro