Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter XVIII

18.

Kasalukuyan kaming nagta-take down notes sa subject na 'Corporate Finance'. Ito 'yung reviewer na magagamit daw namin hanggang midterm kaya kailangan talaga isulat since magkakaroon din ng quiz next meeting. Ngayon pa nga lang nababahala na 'ko, alam ko namang kaya ko 'to pero sa ngayon... hindi ako makapag-focus.

Pa-simple akong lumingon sa kanan ko para tignan si Sage. Tahimik lang siya habang nakasandal sa upuan at bagot na nakatingin sa papel. Pinaglalaruan lang niya ang ballpen sa mga daliri niya.

Gusto ko siyang tawagin, pansinin, pero nahihiya ako. Tila bumalik na naman kami sa umpisa.

Pagkatapos ng nangyari kahapon, para na 'kong nawalan ng lakas ng loob para muli siyang lapitan. Nahihiya ako dahil sa mga nasabi ko. Pakiramdam ko, galit din siya sa akin. Kahit kaninang umaga, hindi kami nagpapansinan. Ni hindi ko rin nakikitang tumitingin siya sa akin.

Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa nang mag-vibrate ito. Nakita ko ang text mula sa unregistered number.

1:39pm.

"Si Aden ‘to. Mamaya, h‘wag mong kalimutan ‘yung usapan natin."

Nireplayan ko nalang ito ng 'oo' at tinago na ang phone sa bulsa. Huminto ang tingin ko sa sahig. Bitbit ko na ang tseke na naglalaman ng tatlong milyon. Bitbit ko na rin ang mga katanungan na ibabato ko sa kan'ya mamaya.

We're not yet done, Sage... I still have my card.

Pero kailangan kong maging maingat dahil kasama ko si Eren mamaya, sasamahan kasi ako nito magpa-check up. Ayokong malaman niya kung paano ako nakiusap kahapon sa harapan nila Aden. Baka magalit na naman ito sa akin.

I startled and snapped out of my deep reverie when I heard the Professor called my name. When I look up, I realized they're all staring at me.

"W-What?" I asked unknowingly.

Bumaling ang atensyon ko nang tumayo ang Professor namin sa kan'yang upuan habang may hawak na libro. Tumaas ang dalawang kilay ni Sir Lamata, tila may hinihintay sa akin.

Dahil wala akong kamalay-malay, tumayo ako't nahihiyang tumingin sa mata niya. "Yes... Sir?"

Bumuga siya sa hangin, "Hindi ka nakikinig ah, nagre-recitation tayo, Ms. Furukawa."

Recitation?!

Parang kanina lang nagsusulat lang kami tapos ngayon... gano'n na ba kalalim ang mga iniisip ko para hindi mapansin 'yun? Hayy.

"Ulit," aniya, "Corporate Financial has three areas, what are those? Give your idea."

Binuklat ko agad ang notebook ko pero muli na naman akong nagulat nang magsalita siya.

"I believe it’s not written in your notebook. New lecture tayo, Ms. Furukawa."

I bit my lower lip. Nakakahiya. Tumitibok ng malakas ang puso ko sa pagkapahiya. Dahil sa paglipad ng isip ko, hindi ko namalayan na nasa panibagong lecture na kami-- at sakto pang ako ang unang natawag.

Dahil ideas lang naman ang tinatanong ni Sir Lamata, nag-isip ako ng pwede. Personal... government... competitive environment... global business. Baka pwede na 'yon?

Muli akong tumingin sa kan'ya at handa na sanang magsalita nang may magtaas bigla ng kamay. Pagtingin ko, nakita ko si Eren.

"Call a friend for her, Sir Lamata." Pormal niyang ani.

What?

"Bakit naman?"

"Kakagaling lang niya sa ospital kahapon, Sir. She’s not fully recovered. She has a serious---"

"Eren." I cut him quickly.

What? Is he going to announce my heart problem?!

I saw him glance at him.

Sir Lamata nod consecutively, "Ah gano’n ba? So, you have no idea, Ms. Furukawa?" Tanong nito sa ‘kin.

"I--I have, Sir." I took breath and opened my mouth, "I guess the three areas of Corporate Financial are... global business, competitive environment, and uhm, government." I answered hesitantly.

Napangiti at muling napailing si Sir Lamata. Doon palang alam kong ang layo na ng sinagot ko.

Muling nagtaas ng kamay si Eren, "Call a friend."

"Okay, Mr. Del valle, go ahead."

But before Eren stood up, Sage answered the question smooth and nonchalantly. Sabay-sabay kaming napatingin sa kan'ya.

"Those three areas are, Capital Raising, Working Capital and Capital Budget." After spilling those words, I noticed him took a quick glance at me.

Seemingly satisfied, Sir Lamata nodded and gave a compliment to Sage who answered exactly to his question.

Umupo ako at napabuntong hininga. Tumingin ako sa kan'ya na siya namang prenteng nakaupo habang nakatutok na naman sa papel ang mata niya at pinaglalaruan ang ballpen sa kamay.

Nakakahiya na sinalo niya ako doon... Pakiramdam ko tuloy, kailangan ko nang gumawa ng paraan para magpansinan kami.

~ × ~

"Sakura, you need to focus on studying. Paano kung wala ako kanina?" Nakasimangot na saad ni Eren habang ngumunguya ng fries, "More on, 'paano kung hindi nangialam si Sage kanina,' tsk."

"Yeah, thanks to him." I answered quietly.

Nandito na kami sa Brother's Burger, kung saan may usapan kami ni Aden na magkikita. Pinili ko rito dahil gusto kong maging formal ang usapan namin about Sage, hangga't maaari rin, gusto kong matapos ang araw na 'to na wala na talaga siyang habol pa kay Sage.

"I know you should thank him, but don’t forget, he made you unhappy."

I looked at him, "I understand. But I have to understand him more. We need to settle this, I have to approach him after this."

"Tapos ano? Masasaktan ka na naman?" He responded right away.

Umiwas ako ng tingin at uminom nalang ng orange juice. Gano'n naman yata talaga 'yun pag nagmamahal ka... kailangan mong masaktan.

"Look, Sakura, if he doesn’t want to open it up to you, stop. Kung ikaw din ‘yung nasa kalagayan niya malamang gano‘n din ang gagawin mo. What if doon siya kumportable? What if naiinis na siya sa ‘yo? O ‘di ba mas masakit isipin?"

Eren's words were like a sharp blade pointed on me. Bakit hindi? He's certainly right.

He continued, "Let him be, if you really want to look after him, go. But not to the point na parang pinapabayaan mo na ‘yung sarili mo. Dalawang beses ka nang hinihimatay sa isang linggo, Sakura. Hindi ako natutuwa."

Is he mad? I look cautiously at his expression. It didn't seemed any different from usual.

"Eren..."

He sighed and solemnly shook his head, "But can I really stand in your way? Of course not."

Naiintindihan ko si Eren. Naiintindihan ko kung anong pinupunto niya pero kailangan ko pa ring gawin kung anong dapat. Hindi man sabihin ni Sage, alam ko naman na kailangan niya ng tulong.

At... ako lang naman ang pwedeng gumawa no'n dahil sa nakaraan namin.

I reached for his hand and held it tightly, I smiled at him. "I’m sorry, Eren. Alam kong nai-stress ka na sa ‘kin pero nandiyan ka pa rin, nakaagapay. Pero... pagnagkaayos na kami ni Sage at nalaman ko na ang kalahati sa dinadala niya, babawi ako sa ‘yo ulit."

A ghost of a smile formed on his lips, "Babawi ka na naman..."

"Yes, because I know how hard it is to be with me. You know what I mean..."

Naging blangko ang itsura nito, "Are you telling me that you’re just a burden?" he lean backward and turned his eyes forward, "Don’t say that again, silly."

I nodded without hesitation, "Am I?"

"You’re not a burden, Sakura. And if ever you’ll still insist because of that’s what you believe, then I don’t mind as long as you’re my burden." He spoke in his usual nonchalant way, but I heard a hint of alienation in his tone.

I pursed my lips to suppress a smile, staring at him intently.

Napansin kong bahagya siyang nailang kaya kumuha siya ng fries at sinawsaw 'yun sa ketchup, tinapat niya 'yun sa bibig ko. "Open your mouth, eat this and quit staring."

I did what he said, he put the fries in my mouth.

"You’re sweet," I muttered.

Hindi nagtagal ay may lalaki nang tumapat sa pwesto namin. Napatingala kami sa tangkad niya. Nakaitim na leather jacket ito at may itim na sando sa loob. Kung titignan, mukha siyang gangster-- may nakakatakot na awra sa kan'ya katulad ng naramdaman ko kahapon.

"Usap na tayo?" Tanong niya agad.

Huminga ako ng malalim at tumango, sinenyasan ko siyang maupo sa harapan na upuan namin ni Eren na siya namang ginawa niya.

"M-May gusto ka bang kainin?" Tanong ko muna.

"Kung ililibre mo ‘ko e ‘di ililibre mo rin ‘yung mga kasama ko sa labas." He jerked his thumb on his back and saw the same guys from yesterday-- nando’n din ‘yung nambastos sa akin.

"Excuse me?" Kunot noong entrada ng katabi ko.

Sinanggi ko siya, "Don’t."

Tumingin ako kay Aden at pilit na ngumiti, "Sure. Call them, para naman makakain din sila."

He smirked triumphantly, "Richkid talaga..."

He turned and prompt them to come in, afterwards, they chose the table that's next to us. Medyo maingay sila, nagtatawanan sila sa hindi ko malamang kadahilanan. Tuloy, napapatingin ang mga tao sa kanila.

"Just order," I spoke.

Tinanguhan ni Aden ang grupo niya, "Narinig niyo? Orderan niyo nalang din ako ng pinaka masarap, with dessert ah!"

Nang magsimula silang pumila, doon na kami nagsimulang mag-usap ni Aden. Nilahad niya sa akin ang palad niya na parang may hinihingi. "Ano na?"

I swallowed. Dinukot ko ang tseke sa bag ko at bago ko 'yun iabot sa kan'ya, nagsalita muna ako.

"Paano ako makakasiguro?"

"Anong paano? ‘Di ba sinabi ko sa ‘yo, pera lang habol ko kay Sage. Wala nang iba."

"Assure me first."

His smile froze and busted out in a roaring laugh.

Nagkatinginan kami ni Eren. Nananatiling kunot ang noo niya.

Sinandal ni Aden ang isang braso sa upuan matapos ang pagtawa niya. "Hindi ako taga rito, Sakura. Hindi ako taga Flavians, hindi taga Compton. Ibig sabihin, wala na ‘kong dahilan para manatili rito at hanapin si Sage. Nagpunta lang naman kami rito para huntingin sila, e. Dahil sa... alam mo na, malaking utang nila."

My forehead creased, "Now that you mentioned, may I know why they had to borrow a big amount of money from you?"

"Ang alam ko lang, wala silang pera. Isa si Blaze, ‘yung kuya ni Sage, sa mga kasama ko sa mafia group-- kaya kami nagkakilala. Base sa kwento niya sa amin, wala na silang pamilya. Sumali siya sa amin, matagal na panahon na. Nito lang naman nagka-aberya. Simula no’ng pumalpak siya sa pinagawa sa kan‘ya ng pinaka boss namin, doon na siya nagsimulang mangutang."

"Alam mo kasi, kapag nasa mundo ka ng mafia at pumalpak ka, pwede mong ilagay sa panganib ang pangalan ng organisasyon niyo. Bilang kapalit ng katangahan niya, hindi siya binayaran ng boss namin at bukod do’n, pinatikim siya ng... medyo magaan na parusa lang naman."

"What do you mean?" I asked curiously.

He shrugged and gave an annoying smirk. "Binalian lang naman ng buto."

I gasped in shock. Binalian lang naman? Seriously?

"Dahil do’n, nagsimula na siyang mangutang. Hindi ko alam kung para saan, e. Pero dahil kaibigan ko siya dati, pinautang ko. ‘Yun nga lang, ang usapan namin, isasauli niya agad sa akin ‘yun sa loob ng tatlong linggo pero putangina umabot ng isang buwan. ‘Di ‘yon pwede!"

"Kaya niyo siya pinatay?" Diretso kong tanong.

Pasimple siyang tumingin sa paligid at bahagyang yumuko sa akin, nagsalubong ang kilay niya. "Pwede ba maraming tao rito! Kapag may nakarinig niyan sasamain sa ‘kin si Sage." Mahinang banta nito.

"Boss! Chill ka muna." dumating na ang mga lalaki na may bitbit na maraming trey, hindi lang 'yun, may binalikan pa sila sa counter.

Mukhang sinadya nila...

Nilapag ng isang lalaki ang tatlong trey sa mesa namin. "Lahat ‘to para sa ‘yo, boss! Shrimp burger, pizza burger pie, panela cheese fries, garlic parmesan potato saka... ano nga pangalan nito pre? Ah! Rum and coke chicken wings!" may binaba pa siyang dalawang malaking dessert, "Peppermint mocha frappe at carrot cake roll. Enjoy! May take out pa kami."

Mahina ako nitong tinapik sa balikat, "Salamat, syota ni Sage." Saka sila nagtawanan at nagsimula nang kumain sa mesa nila.

Hindi ko mapigilang ilibot ang paningin ko sa mesa namin at mesa nila. Samantalang kami ni Eren, simpleng french fries at juice lang ang kinakain. Nilubos-lubos masyado...

Nakita kong lumapit sa pwesto nila ang isang waiter at may inaabot na resibo, tinuro naman ako ng isang lalaki kaya naman nakangiting lumapit sa akin ang waiter.

"Hi Ma’am! Bill po." Magalang na bulalas niya't inabot sa akin ang resibo.

Bumuntong hininga ako at tinignan ang mahabang papel na 'yun. Dito palang alam ko nang malaki na naman ang ilalabas kong pera.

And I'm not shock. My bill reached 10,569.75 pesos.

I was about to get my card when Eren extended his arm to the waiter. Nagulat ako nang makita na hawak na ng waiter ang card niya't pabalik na sa counter.

"Hey?" Baling ko rito.

"That’s nothing compare to 3 million, so it’s fine."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro