Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter XVII

17.

Sa mga oras na ito ay hindi ko na talaga alam ang gagawin. Gusto ko siyang pilitin na buksan 'yun, pero at the same time, nagdadalawang isip ako dahil baka tuluyan n'ya lang akong palayuin, but... I want to atleast try.

I want to know his problems, I really want, pero wala siyang ginawa kundi ang solohin 'yun. Buong akala ko, dahil sa utang kina Aden, kaya siya magpapakamatay-- dahil na rin pinatay nila ang kuya nito.

Pero ngayon napagtanto ko... may mas malalim pa na dahilan.

Tumayo ako at pinilit na magpakatatag sa harap n'ya kahit basang-basa na ang pisngi ko sa luha. I shook my head. "What you're thinking about being dead is certainly wrong! Your brother... hindi por que sa kan'ya nag-umpisa 'to e gugustuhin mo nang---"

He cut me off right away.

"You know nothing so shut your mouth." His cold calm voice retorted.

Sage's expression fiercened, and his deep gaze locked onto me. We stared noiselessly at each other. At this point, I feel nothing but uneasiness.

"K-Kung gano'n bakit hindi mo sa akin sabihin? Bakit hindi mo 'ko pagkatiwalaan? Bakit wala kang tiwala sa akin, Sage?"

I am so... so dejected right now. I hope I could still make my way back home.

"W-Why won't you open it..." I continued, almost a whisper.

Sage just looked at me head on, with pain, anger, confusion and hesitation in his eyes.

Nanatili lang akong nakatitig sa kan'ya habang patuloy na tumutulo ang luha ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko at feeling ko hihimatayin na 'ko, pero tinatagan ko ang loob ko. Kinakausap ko nalang ang sarili na 'wag muna... hindi pa pwede. Hanggang sa...

Napahawak agad ang isang kamay ko sa dibdib ko nang malakas itong kumabog at ang isa'y naitungkod ko sa mesa. Pakiramdam ko hinahatak ang puso ko pababa, literally, bahagya na ring nanginginig ang tuhod ko at gusto nang bumigay pero hindi, hindi pa pwede, Sakura!

I fixed my eyes on him, but unlike earlier, the emotions were gone.

"You're sick."

Natigil ako sa sinabi n'ya. Iniisip kung pang-iinsulto ba 'yun o alam n'yang may sakit ako.

"You're going this far knowing you have a weak heart? You're unbelievable."

"That's not the case here! It's you! Kumpara sa 'kin, mas malala 'yung pinagdadaanan mo. Bakit kasi hindi mo nalang sabihin sa akin na nahihirapan ka kaya mo naiisip ang pagpapakamatay?" I countered.

"E bakit ba kating-kati ka malaman?"

"Kasi ayoko nga ng gano'n 'yung nasa isip mo! Kasi nakakatulong 'yon para maiwasan ang masamang binabalak mo! Kasi ayokong mamatay ka! Isn't that enough reason, Sage? We're friends! I'm here! I can help you. Hindi mo naman kasi kailangan itago. Is it something about your family? Relatives? Your brother's death? What? You can share it with me!"

His jaw tensed up, he stayed silent, an impenetrable mist filling his eyes.

Watching him right now, the feeling of unease deep in my heart only grew larger. I wanted to get mad and shout at him, but I'm too weak to do that.

"A-Ano ba... I only want you to be happy, nothing more, nothing less." Ani ko sa patuloy na pagragasa ng luha ko.

Sage suddenly looked away, not wishing to say anymore.

"Sage---"

"Enough," he cut me in, still not looking at me, "My problem has nothing to do with you. Just be contented that I'm here tagging along with you. You have your own issue, so stop meddling on other people's lives."

Marahas kong pinunasan ang pisngi ko at tinignan siya ng masama, sakto naman lumingon rin siya sa kin at nagtama ang paningin namin. Kahit anong sabihin o gawin ko... matigas pa rin siya.

Gusto ko pa sanang makipag-sagutan sa kan'ya pero bukod sa nag-aalala na ako sa puso ko, baka tuluyan siyang magalit sa 'kin, baka tuluyan n'ya akong palayuin-- bagay na hindi pwedeng mangyari dahil kapag nagkataon, baka tuluyan na akong hindi magtagumpay.

But for the last time, before I decided to step back, I asked him again...

"Do you trust me?"

Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin lang.

"Because me, I trust you." Sabi ko pa.

He swallowed and shook his head, "I trust you, of course." I noticed a pause before he continued, "You can take me anywhere, tell me everything, give me anything you want me to eat, be with me 24/7, but not to the point I'll share you my issues." He remarked.

Hindi na 'ko nakapagsalita at umiwas nalang ng tingin. He trust me, huh? Ano bang pinagkaiba no'n sa tiwalang binibigay n'ya sa akin tungkol sa iba? Ano bang tingin n'ya, ipagkakalat ko 'yun? Pagtatawanan ko siya? Was it really too confidential...?

I heaved a deep and heavy sigh, "Bahala ka."

Tinalikuran ko siya at walang pa-a-paalam na lumabas ng pintuan. Napatakip pa ako sa bibig nang salubungin ako ng malakas at malamig na hangin. Hindi ko mapigilang maiyak na naman.

We didn't end up well tonight, I'm sorry, self.

Pero paano ko malalaman ang tungkol sa pagpapakamatay n'ya at paano ko siya maliligtas kung wala akong ideya doon? Hindi naman pwedeng hintayin ko lang siya, ngayon pa nga lang, sobrang tigas na n'ya kahit naabutan ko na sila ni Aden kanina. Paano pa sa mga susunod na araw? Ni wala akong kaalam-alam kay Sage.

Alam ko lang ang pangalan n'ya, bahay n'ya, pero fuck, kulang na kulang ako sa impormasyon.

Masasagip ko ba talaga siya?

Sa panlalabo ng paningin ko dala ng luha ay hindi inaasahang makabangga ako ng tao. Pagtingin ko sa kan'ya ay doon ko lang na-realize na hindi pa ako nakakababa at imposibleng may iba pang nakakalam ng lugar ni Sage.

"S-Sorry..." mahinang usal n'ya habang nakatulala sa akin.

Hindi ko nagawang magsalita. Napatitig lang ako sa itsura n'ya. Isang magandang babae na may maiki, kulot at itim na buhok, maputi siya't makinis. Nakasuot ito ng ibang unipormeng hindi pamilyar sa akin at may dala itong kulay pink at malaking lunchbox.

"Tayong dalawa lang ang nakakaalam kung saan ako nakatira..."

Bumalik lang ako sa wisyo nang tumulo ang luha ko pababa sa pisngi. Tumakbo na ako pababa at hindi na nagtanong pa. Hindi ko maintindihan, dumoble 'yung sakit ng puso ko.

Ayokong isipin kung sino ang babaeng 'yun... ayoko nang madagdagan pa ang laman ng isip ko sa ngayon... dahil ang sakit-sakit pa. Masakit pa sa akin na hindi ko alam kung maililigtas ko ba si Sage o mabibigo ko lang ang sarili ko. Masakit kapag naiisip kong hindi ako magtatagumpay. Sobrang sakit.

Huminto ako sa isang poste at yumuko, naghabol ng hininga at patuloy rin ang pagbagsak ng luha ko. Tumingin ako ng diresto sa madilim na kalsada, walang tao.

Hindi ko na kaya... bibigay na ang katawan ko dahil sa dobleng sakit sa puso ko. Para akong... hihimatayin na.

Dinukot ko agad ang phone ko at kahit nakitang marami na namang missed call si Eren at text messages si Dash, hindi ko na 'yun pinansin. Tinawagan ko agad ang numero ni Dash, bilang siya dapat ang kasama ko ngayong araw.

"Sakura! Anong nangyari sa---"

"Sunduin mo 'ko dito sa Flavians Town, diamond street. Nasa poste ako."

~ × ~

Katulad ng hinala ko kanina, bago pa makarating si Dash sa sinabi kong address, hinimatay na 'ko. Saktong pagbaba ko ng cellphone ko nang makaramdam na 'ko ng panlalabo ng paningin hanggang sa dumilim na ito. Hindi ko lang alam kung may pumulot pa ba sa akin o wala. Basta nang magising ako, nasa kwarto na ako ng bahay namin.

"Alam mo ba na inugat na 'ko doon sa 'Driff Café' na pinaghintayan ko sa 'yo? Pukingina bumili pa naman ako ng nutella coffee kasi akala ko darating si Sakura pero ayun, 'yung dala kong 200 nawaldas din." Bulalas ni Dash habang kumakain ng cucumber salad na gawa ni Eren.

Kinunutan siya ng noo ng isa, "So you mean siya dapat ang magbabayad ng nutella coffee?"

"G-Gano'n na nga. Bakit? Ikaw nga dapat, e! Ikaw mahilig mag-utos sa 'kin tapos wala namang kapalit." ngumuso pa ito, "Ilang beses mo nang kinakalimutan 'yung nude magazine ko ah!"

"H'wag ka mag-alala sa birthday mo, reregaluhan kita ng babae."

Nangningning ang mata ni Dash rito, "Totoo ba 'yan?! As in sexy? Malaki boobs, makinis maputi siya pero ba't gano---"

"Ikaw naman, Sakura, saan ka galing? Saan ka na naman nagpunta?" Baling n'ya sa akin at hindi pinansin si Dash.

Salubong ang kilay ni Eren habang nakatingin sa akin. Magkaharap kami sa bar stool ng kusina, nakapatong ang siko n'ya, may hawak na tinidor at nakatusok doon ang isang cucumber.

Sa totoo lang, alas diyes na ng gabi pero hindi pa rin sila umuuwi. Hinintay daw ako magising ni Eren kahit na kanina pa uwing-uwi si Dash. Inasikaso rin n'ya ako agad, pinakain, pinainom ng gamot at ginawan ako ng cucumber salad-- itong kinakain namin ngayon. Ang ending, doon tuloy si Dash matutulog kina Eren dahil anong oras na rin.

I sighed. How am I going to tell him? Lalo na naman siyang magagalit sa akin.

"S-Sorry, nakita ko kasi si Sage kanina, e. Pinagtutulungan siya ng mga lalaki. N-Narinig ko pa na papatayin nila si Sage." Mababang sagot ko.

Napasinghap si Dash, "Papatayin?! Bakit naman?! Ano sila, sindikato?"

I shook my head, "May malaking utang si Sage at ang kuya n'ya doon. B-But don't worry, I got him."

"What do you mean you got him?" Eren's brows knitted.

"Kinausap ko 'yung leader nila, I told him to leave Sage alone and... ako na rin ang magbabayad ng utang nila." bago pa sila mag-react ay inunahan ko nang muli sila, "It's not a big deal, actually. Maliit na halaga lang naman 'yun..." I lied flawlessly.

"Maliit na halaga like how much?"

"3 million."

Nagulat ako nang biglang mabuga ni Dash ang iniinom na tubig sa harapan ko dahilan para kaagad mabasa ang harapan ng damit ko. Naubo-ubo pa siya na parang may pumasok pa na tubig sa ilong n'ya.

Susuwayin ko sana siya sa ginawa n'ya pero mabilis na nakalapit sa akin si Eren na may dalang tissue. Pinunasan n'ya ang leeg ko pababa sa shirt.

Suddenly, he paused and his lips parted.

"Eren..." I murmured.

"S-Sorry," nilagay n'ya sa kamay ko ang tissue saka bumalik sa pwesto, "Wipe your shirt."

Hindi ko alam pero biglang natahimik si Eren sa pwesto n'ya at sunod-sunod na sumubo nalang ng cucumber. Napansin kong namumula ang tenga n'ya at hindi na 'ko inaangatan ng tingin.

Huh?

"Hoy! Foul 'yon ah!" Sigaw sa kan'ya ni Dash.

Eren shot him a glance, "Ikaw 'yung foul! Binugahan mo ng tubig si Sakura! Baboy."

"Hindi 'yon sadya! Masama ba magulat?!"

"Act like a gentleman, Dash. Atleast to Sakura." Eren countered in a calm but deep voice.

"Tch!" sumiring siya at tumingin sa akin, "Sorry, Sakura. Kasi naman, sino bang hindi magugulat? Hindi biro ang 3 million ah." Anito.

Ngumiti nalang ako't pinagpatuloy ang pagpupunas ng shirt, "Wala 'yun, okay lang. Hindi naman ako nasaktan."

Sakto no'n ay naalala ko ang eksena sa bahay ni Sage kanina, na kahit anong sabihin ko, gawin ko, hindi pa rin n'ya binubuksan sa akin ang problema n'ya. Kulang pa ba 'yung effort ko? Wala pa ba 'kong napapatunayan sa kan'ya?

"Sakura, are you alright?" Eren asked.

I looked at him and nod hesitantly, "Y-Yes."

Unexpectedly, pumasok ang isa pang alaala kanina. 'Yung babaeng maganda... mayro'n siyang dalawang lunchbox na malaki. What's the meaning of that?

Bukod ba sa 'kin, may iba pang nagbibigay ng pagkain sa kan'ya?

"You don't look okay. What happened? Bukod sa nakita mo, ano pang nangyari?" Seryoso n'yang tanong. "Did he hurt you?"

"What? No---"

"Well what's that?" Him, pointing on my cheeks.

I subconciously reached it and felt a tiny stuff on my cheek, a band-aid.

Dash gasped, "Sinaktan ka ni Idol Sage?!"

Sinaktan... he didn't hurt me, but his words does.

Siguro nga nasasaktan ako sa mga nangyari kanina. Kahit nga yata lumuhod at lumuha ako ng dugo kay Sage, hindi n'ya sasabihin ang bumabagabag sa loob n'ya, e. Idagdag mo pa 'yung babae kanina...

Who is she? Bakit alam n'ya ang bahay ni Sage? Matagal na ba silang magkakilala? 'Yung lunchbox na dala n'ya parang... pagsasaluhan nila 'yun dahil sa laki.

Fuck, I can't help it, hindi ko mapigilang makaramdam ng sakit.

"Sakura..."

Umangat ang tingin ko kay Eren. Nakita kong nakatulala siya sa akin habang kunot ang noo, samantalang napanganga nalang si Dash. Hanggang sa na-realize ko kung bakit. Kanina pa pala tumutulo ang luha ko...

Seeing me like that, Eren reached and gently wiped my tears. He was biting his lower lip as his expression deepened.

"That asshole..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro