Chapter XVI
16.
Naguguluhan ako sa sinasabi ni Sage. So... we don't deserve each other? Ibig niya bang sabihin ay wala 'kong karapatan tumulong sa kan'ya dahil lang sa 'yun ang tingin niya?
My hands balled into fists. Bahagya akong dinapuan ng inis sa sinabi niya.
"What are you saying?" I asked.
"Stop helping me."
"Why? Anong masama ro'n?" Inis kong pinunasan ang mata ko. Iba talaga ang dating sa 'kin ng salita niya, "A-Anong gusto mong gawin ko? Panuorin ka na sinasaktan ng mga iyon? Gano'n ba dapat?"
Nanatili itong nakatitig sa akin, walang kaemo-emosyon ang mga mata.
Bigla kong naalala 'yung ginagawa kong pakikiusap kay Aden, na kahit iniinsulto nila 'ko... hindi naman sa nagde-demand ako sa lagay niya na 'to pero... wala man lang pakialam si Sage habang nangyayari 'yun.
Dinikit ko ang likod ng palad ko sa bibig, pinipigilan ang sarili na muling maluha.
"Hindi naman ako kagaya mo, Sage." I mumbled.
Hindi ko man pinalaki pero aaminin ko, nasasaktan talaga ako ng sobra kanina pa. Isa 'tong normal na ekspresyon na sa tingin ko, kahit sino, ganito ang iisipin kung sa kanila ito nangyari. Wala man lang akong naririnig sa kan'ya, wala siyang kayang sabihin sa akin o sa mga lalaking 'yun para patigilin, kahit pagtatanggol man lang, pero...
I sighed. What am I thinking anyway?
Wala naman akong karapatan para sa mga gano'ng bagay e dahil unang-una, ako lang ang naghahabol sa kan'ya.
Sa kabila ng mga nasabi ko ay mas pinili ni Sage na manahimik. Tinanggal niya ang paningin sa akin at sinimulan ang motor-- naalarma tuloy ako na iiwan niya ako rito mag-isa.
"S-Sage..."
Hindi siya sumagot hanggang sa paandarin niya na 'yun pero mabuti nalang at nahablot ko pa siya sa dulo ng shirt niya. Huminto ito at blangko akong tinignan sa mata.
"Aalis ka? 'Wag mong pilitin baka ma-aksidente ka lang---"
"Stop being annoying."
Those three words made me shut for a moment. I froze, not knowing what to say.
I bit my lower lip as I tried to hold my emotions in. But before I could speak up, his bike darted off, leaving me no room to hurl back.
Imbes na tumunganga, gamit ang mga paa ko ay tumakbo ako at hinabol siya. Nakikita ko pa naman siya kaya sigurado akong masusundan ko pa ito, isa pa, pamilyar na sa akin ang lugar na ito dahil nanggaling na ako sa bahay niya. Alam kong malapit na rito ang lugar niya.
"Sage!!!" I shouted. Kahit na may mga dumadaan na tao o sasakyan, hindi ko na 'yun pinansin pa.
Hinabol ko siya ng hinabol hanggang sa mawala na ito ng tuluyan sa paningin ko nang bigla akong makatapak ng bato at mapadapa sa lupa. Gumasgas ang balat ko rito dahilan para agad akong makaramdam ng hapdi, lalo na sa pisngi.
Masakit... pero mas masakit kapag nauwi sa wala lahat ng binalikan ko.
Nanatili akong nakadapa. Gusto ko na sanang tumayo pero sinusubukan ko palang, nanginginig na ang mga tuhod ko, gano'n din ang kamay ko.
Shit! Tayo, Sakura! Chase him! Make sure he's fine! Don't end this day like this, please!
"Miss, let me help you."
Bago ko pa siya makita ay naramdaman ko na agad ang magaan niyang kamay sa braso ko habang inaalalayan akong maupo. Hirap na hirap ako hindi lang dahil sa tinamo ko, kundi dahil sa lakas ng tibok ng puso ko, tila isang masamang pangitain ang gusto ipakita sa akin... at 'yun ang pag-atake ng sakit ko.
"Ang dami mong sugat..." mahinang kumento ng lalaking tumulong sa akin nang makaupo ako at pantayan niya ng tingin.
Sinulyapan ko lang ito at pinilit na ang sarili tumayo na agad naman niyang sinuportahan.
"Where are you going? Sa lagay na 'yan hahabol ka pa rin?" Tanong niya nang magsimula akong maglakad.
"Thank you," iyon nalang ang nasabi ko bago siya tuluyang iwan sa kinatatayuan.
Wala akong balak makipag-usap o magtagal sa pwesto ko. Kailangan kong mapuntahan si Sage para masiguro kong walang nangyari sa kan'ya.
Hinihingal man ay pinagsa-walang bahala ko na lamang ito. Habang mabagal na tumatakbo, pinapanalangin ko nalang na sana hindi ako atakihin ng sakit ko... kahit alam kong unti-unti na naman itong nagpaparamdam.
Pero hindi rin nagtagal, tumigil ako sa isang malaking poste at napahawak ro'n. Ang bigat ng paghinga ko at sumasakit ang puso ko, literally.
Napapikit agad ako nang biglang humapdi ang pisngi ko dahil sa luhang tumulo. Hindi ko na napigilan, naging sunod-sunod na ang buhos nito pababa. Hindi ko kasi maiwasang isipin kung... galit ba siya sa akin? Masama ba 'yung ginawa ko? Nasobrahan na ba ako? Nakauwi na ba siya? Paano kung na-aksidente siya dahil sa lagay niyang 'yun? Anong gagawin ko?
Kahit may mga taong pinagtitinginan ako rito, hindi ko 'yun pinagtuunan ng pansin.
It's okay to look like a stupid pathetic... judge me, it's fine. Because yes, I'm desperate.
I'm desperate to save him from his dark abyss.
~ × ~
Nakarating ako sa bahay ni Sage na sa tingin ko'y maggagabi na. Oo, pinanindigan ko. Pumunta ako kahit na namamaga na ang mata ko, marumi na 'ko, may sugat sa pisngi, at sumasakit ang puso. Hindi ko kayang umuwi nalang at pabayaan siya-- hindi pa malinaw sa akin ang sinabi n'ya nitong huli.
"I don't deserve you and you don't deserve me, so please, stop."
"Stop being annoying."
Siguro nga annoying na 'ko sa mata n'ya, pero wala akong choice e. The future me wrote and wished for this second chance, patunay lang na anuman ang mangyari ngayon sa amin, kailangan kong ipaglaban at lumaban.
Nakita ko na ang nakaparadang motor ni Sage sa baba, which means nakauwi na siya. I'm glad to know that but... I'm still worried about his condition.
Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pintuan n'ya. Habang ginagawa ko 'yun, hindi ko maiwasang mag-alala kung makakapag-usap ba kami o paalisin n'ya ako. The door suddenly swang open and there, I met his icy stare filled with its deep emotion.
Mukha siyang umiyak... his eyes are telling.
"I never thought you'd actually run-after me," he said in a flat voice, "What is it this time?"
My lips are trembling from tension. "S-Sage... sumunod ako kasi gusto ko malaman kung nakauwi ka ba ng maayos at para..."
I know I should've said more, like I want to know behind those words he left earlier and... about the guys who beat him up.
"As you can see I'm fine, except for these wounds and scratches." he paused, "And if you're also here to ask me questions regarding about those punks, I'm not interested to open my mouth, sorry."
I should've seen this coming...
Ilang sandali pa kami nagkatitigan. Sobrang blangko ng mata n'ya, malamig ang tingin. Sa kabila no'n, kapansin-pansin pa rin ang mga galos n'ya sa mukha lalo na sa labi. Alam kong sa pagkakataon na 'to, hindi dapat ako magpadalos-dalos lalo't nasa labas ako ng pintuan n'ya. Ayokong masaraduhan, dahil ayokong masayang ang paghihirap ko.
I heaved a sigh, "Then, let me atleast treat your wounds..."
"I can---"
"I insist."
Natigil siya at umiwas ng tingin.
Kahit dama ko ang tensyon sa pagitan namin, hindi 'yun naging dahilan para atrasan ko siya. I held his hand and gently squeeze it, his cold eyes darted me again.
"Sage, I'm always here. You can trust me, okay? I'm not your enemy. I'm on your side. So, please... atleast let me treat you." I pleaded.
After giving me a look, Sage eventually give up, letting me in inside his house.
Thankgod...
Nakita kong may mga kalat na bulak, tela na may dugo at alcohol sa ibabaw ng dining table n'ya. Mukhang bago ako dumating, sinusubukan n'ya nang gamutin ang sarili.
My anxiety suddenly arised again when he sat on his chair and just stared at me. I licked my lower lip and started to fix his things first. Wala siyang sinasabi, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan n'ya pa akong titigan habang inaayos ang mga gagamitin sa kan'ya.
But whatever it is... my heart is beating like crazy.
Mula sa mga sugat n'ya sa mukha hanggang sa katawan nito ay pinasadahan ko ng gamot. Sobrang dami n'ya ngang sugat, I wonder kung ano pang mga ginawa sa kan'ya bago ako dumating. Pulang-pula ang kaliwang braso n'ya na halos magmimistulang pasa na. Isipin ko palang kung anu-ano pa ang pananakit na ginawa sa kan'ya ay nanlulumo na ako. But come to think of it, atleast nakabawi siya, base sa sinabi ni Aden kanina.
Pero gano'n pa man, hindi ko maiwasang magtanong sa sarili... deserve ba ni Sage na nangyari sa kan'ya ito? I mean, yes, he's uncongenial but he's a kind person... I believe that.
But because of money... it happened.
"After that, you can go home. Pinagbigyan na kita." Malamig na saad n'ya kaya napahinto ako.
Saktong kakatapos ko lang balutan ang braso n'ya ng benda. Dahan-dahan umangat ang tingin ko sa kan'ya at nagtama ang paningin namin.
"Are you mad?" Tanong ko.
He shut his eyes and heaved a sigh, "I'm not."
"Then, why are you like this? A-Anong ibig mong sabihin kanina? You don't deserve me? I don't deserve you? We--- I don't understand, Sage. I'm just trying to help you." Pakiramdam ko habang sinasabi ko 'yan, bumabara ang lalamunan ko. Nagsisimula na namang humilab ang puso ko sa mga ginagawa n'ya.
"If there's someone who's more confuse here, that's me." Sagot n'ya habang nasa gano'ng posisyon pa rin.
Kumunot ang noo ko, "What...?"
Slowly, his eyes opened, looking deep straight into my soul. "Why did you do that? Handa ka talaga gawin ang lahat para lang tantanan nila 'ko? Are you really stupid, Sakura?"
Hindi ako nakapagsalita.
"You kneeled down, they insult you, and all you did was to plead so dramatically just for me?" he paused, "Why are you going this far?"
My lips parted. I don't think I can answer that...
Gusto ko sana siyang sagutin nang, 'kasi mahal na mahal kita at ayokong may mangyaring masama sa 'yo' pero... sa ngayon ganito muna, makakapaghintay naman akong sabihin 'yun basta alam kong nandiyan lang siya. Masyadong mabilis kung aaminin ko agad ang nararamdaman ko. Though I know that he's smart, siguro napapansin na n'ya sa kilos ko.
Dahil hindi ko malaman ang tamang sasabihin, hinawakan ko ito sa isang kamay n'ya at nilapit sa bibig ko. I can definitely feel my tears wanting to fall down.
"Because you deserve everything, Sage." I answered, emotionally.
His eyes seemed to be asking me why.
"You deserve to live, you deserve to be love, you deserve to be happy. Kaya kita tinutulungan sa lahat kasi nakikita ko 'yun sa mata mo and natatakot ako na maging miserable ka. What if one day, something happened and I hadn't done anything to help you? H-Hindi ko alam ang gagawin ko no'n, probably I would be so, so, depress." the words just flew out of my mouth from all my pent-up emotions, "So maybe you're right, you don't deserve me because you deserve the best-- the best of the best."
Hindi ko na namalayan na kanina pa pala tumutulo ang luha ko. Hindi ko na napigilan pa, kusa na naman kasing pumapasok sa isip ko ang lahat ng pwedeng mangyari-- lalo na ang pagpapakamatay n'ya.
Pero para sa akin, kahit mahal ko siya, basta mailigtas ko lang siya at mabubuhay siya ay ayos na. Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko, e. Gusto ko lang makasigurong hindi n'ya gagawin 'yun.
Napailing na lamang ito, "I appreciate you helping me but that's not enough reason to disgrace yourself. I appreciate it all, but the same time, I want to hate you." Sage's voice sounded so different than his usual self. He sounded so angry but it seemed like he was controlling it.
He wants to hate me because of what? Because I disgrace myself? I don't think it matters to me anymore.
"I heard them, they killed your brother! Tapos hahayaan mo lang rin ang sarili mong patayin ka? Of course I wouldn't let that happen!"
"So what if I get killed? What if I want to be killed?"
I was left speechless as I stared right back into his cold eyes.
"Are... are you serious?"
His forehead creased, "So what if I am?"
But... he fought back, right? Meaning he still wants to escape.
Tumayo siya at naglakad papuntang sofa pero huminto rin siya para tignan ako pabalik. He looked like he was about to say something more but then he hesitated and held back in the end.
I wiped my tears but it kept on falling. Sumisikip ang dibdib ko at para akong nilalamon ng panghihina bigla. Hindi ko mapigilang lalo mag-alala. Gusto n'ya ba talaga? Ibig bang sabihin kahit na sasagutin ko na ang pera kina Aden ay... magpapakamatay pa rin siya?
Wasn't that all the reason why he would commit suicide?
May iba pa ba...? Bakit hindi mo nalang sabihin sa 'kin, Sage...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro