Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter XL

40.

Sumunod si Dash sa labas para samahan si Eren at naabutan n'ya ito sa tapat ng isang convinience store-- nakasandal sa ilalim ng poste at umiinom ng canned beer.

Napaglapat n'ya ang kan'yang labi nang mamataan ito bago lapitan.

"Eren, ano ‘yan?" tanong n'ya kahit alam naman n'ya ang sagot.

Hindi sumagot ang kausap.

"Sobrang... sakit ba ng nararamdaman mo ngayon para bumili ka n‘yan at uminom?" dagdag n'ya pa.

Hindi kasi nito alam na umiinom pala si Eren ng ganoon, o kung umiinom nga, hindi naman ito sanay na makitang umiinom si Eren ng beer. Bukambibig kasi ni Eren ang pagiging healthy ng katawan hindi lang para sa kan'ya kung 'di para na rin sa kanila ni Sakura.

Kaya naman naalala n'ya ang senaryo kanina...

Tumabi na lamang si Dash kay Eren at parehas nilang pinanuod ang mga sasakyan na nasa harapan. Bumuntong hininga siya at muling nagsalita, "...okay ka lang?"

Tumungga si Eren at pinunasan ang labi gamit ang kamao, "Damn it, Dash," matigas n'yang asik.

"Eren, naiintindihan ko ‘yung part mo. Pero ‘di ba sino ba ‘yung sinusuportahan natin una palang? Hindi ba at si Sakura ‘yon?"

Matagal bago makasagot si Eren, "I know that but---" Kumuyom ang kamao ni Eren dahilan para mayupi ang hawak nitong lata.

Napansin naman 'yun ni Dash, "H-Hoy natatapon na ‘yung laman..."

Pumalatak si Eren at bigla na lang tinapon ang lata sa kalapit na basurahan. Nilabas n'ya ang panyo mula sa bulsa ng pantalon at pinunasan ang natapong beer sa kan'yang kamay.

"Eren..."

"Gusto ko lang namang humaba pa ang buhay ni Sakura. What’s wrong with that? Why can’t they understand? What the hell..."

"Sang-ayon ako sa ‘yo, pero ngayong nagpakita na si Sage... siguro pagkatiwalaan na lang natin siya na hindi n'ya uulitin ang ginawa n'ya dati. Sa gano’ng paraan, mababawasan ang... inis mo--- kung inis man ‘yan."

"What?" iritado n'yang tugon, "Of course I’m annoyed. And what again? Trust that jerk? I cannot trust him anymore. He’ll hurt Sakura again, that’s for sure."

"Eren..."

"Nakakasawa na kasi, Dash. Una palang ganito na, e. Hahabol si Sakura, magkakasundo sila ni Sage, tapos in the end, sasaktan n'ya lang si Sakura. Pagkatapos, gano’n na naman ang mangyayari. Back to start, hahabol--- magkakasundo--- mag-aaway," anas nito, "Pag may nangyari, ako ‘tong nagkukumahog tulungan si Sakura. Wala naman sana sa akin ‘yun pero bakit pakiramdam ko hindi man lang ako na-a-appreciate ni Sakura? Bakit puro si Sage na lang? Por que mahal n‘ya? Paano tayo? Paano naman ako na marami nang naitulong, nagawa, para sa kan‘ya?" hindi na napigilan pa ilabas ni Eren ang nararamdaman.

Napatitig na lamang sa kan'ya si Dash. Makikita ang halu-halong nararamdaman ni Eren sa kan'yang itsura. Pero mas nangingibabaw dito ang sakit para sa kaibigan.

"...saan ka ba talaga nagdadamdam? Kay Sage dahil nagpakita na siya kay Sakura... o kay Sakura dahil hindi ka n‘ya napapansin?" mahina at nababahalang tanong ni Dash.

Bumalik sa pagkakasandal si Eren sa poste, ipinahinga n'ya ang likod ng ulo rito at pumikit na lamang.

"Anong... gagawin mo, Eren?"

"I don’t know. I feel tired. But... I can’t let her go." dumilat ito, "I mean, I can support her as long as she’s happy. But... at times like this where her life is on the line, even when it hurts for me, I can’t let her alone with Sage." emosyonal nitong sagot.

Mapait na napangiti sa kan'ya si Dash, napailing at hindi na sumagot. Sa isip n'ya ay masuwerte talaga ang babaeng makakatuluyan ni Eren.

Gusto n'ya mang magalit kay Sakura sa pagiging manhid nito, hindi rin n'ya magawa dahil iniisip din n'ya ang kasiyahan nito sa piling ng iba. Pakiramdam n'ya, siya ang naiipit sa dalawang kaibigan n'ya.

Si Sakura na mahal na mahal si Sage kahit pa ilang ulit na itong nasaktan...

Si Eren na mahal na mahal si Sakura kahit pa ilang ulit nang nasaktan...

"Alin ang alin?" tanong ni Dash sa kan'yang isip.

Pakiramdam n'ya ay nababahala siya na hindi na maibabalik ang dating masayang samahan nilang tatlo sa hindi n'ya malamang kadahilanan. Nangangamba ito.

"Gusto ko kayo makitang masaya ni Sakura, Eren." bulalas ni Dash habang nakatanaw sa kanilang harapan, "Kahit... sa ‘yo na si Skye. Ipapaubaya ko na siya sa ‘yo--- maging masaya ka lang. Gano’n kita kamahal, Papa Eren."

Napailing si Eren sa kan'yang narinig at hindi na napigilang mangisi, "The F?"

"Seryoso ako..."

"Idiot," kumento ni Eren, "I will be happy as long as Sakura’s alive and happy. So, I don’t need your consent about Skye. I don’t prefer kiddie meals though."

Napatingin sa kan'ya si Dash at nanlaki ang mata, "Sinasabi mo bang child abuse ako?!"

Tinaasan siya ng kilay ng isa, "May narinig ka?"

"Whew! Kiddie meal, ano siya pagkain?"

"Pagkain mo."

"Pwede rin."

Sa maikli at simpleng usapan lamang nila ay bahagyang nabawasan ang bigat sa loob ni Eren. Gano'n pa man, alam n'yang kapag bumalik na sila sa loob ay masasaktan na naman siya. Ngunit dahil alam n'ya ang lugar n'ya kay Sakura ay pipilitin n'yang ayusin ang sarili at h'wag nang magpalamon muli sa selos.

Bagay na palagi naman n'yang ginagawa.

~ × ~

Sa loob ng ospital ay nagkaroon nang oras si Sakura kasama ang kan'yang magulang. Hindi maipaliwanag ang tuwang nararamdaman nila na makita isa't-isa. Pero kahit gano'n ay nasa mata pa rin ni Carol ang lungkot para sa anak.

"Baby... I told you to take care of yourself. Do you have any idea that we almost lost you? We were so worried."

"I’m sorry..."

"Ogenkidesuka?" (How are you?)

Nahihiyang ngumiti si Sakura sa kan'yang ama at sumagot, "Ē to... koko ni..." (Uhm... here...)

"Anata ga koishii desu." (I missed you.)

Hinawakan ni Carol ang asawa sa braso, "Anata..." (Darling...)

Lalong napangiti si Sakura sa narinig. Imbes na sumagot ay niyakap na lamang n'ya ito. Makikita rin ang pamumuo ng luha sa mata n'ya dahil sa lubos na pagka-miss sa mga ito.

Dumako naman ang paningin ni Carol sa sofa, kung saan doon ay nakaupo si Sage at tahimik na naghihintay sa pag-uusap nila ni Sakura.

Gusto pa sana siyang lapitan at kausapin ni Carol, ngunit inisip n'ya na mas mabuting silang dalawa na muna ni Sakura ang mag-usap bilang sa kan'ya naman nagsimula ang lahat. Saka n'ya na lamang ito kakausapin kapag tapos na silang magharap.

Matapos ang ilang sandali nina Sakura at nang kan'yang ama, niyaya na ni Carol ito na lumabas muna saglit upang makapag-usap naman sina Sakura at Sage na siyang sinang-ayunan naman agad ng kan'yang asawa. Ngunit bago ito tuluyang lumabas, humarap ang lalaki kay Sage at nag-iwan ng bilin.

Nang makalabas sila ay naging tahimik nang muli ang kwarto. Nakatayo si Sage sa gilid ng kama ni Sakura at emosyonal na nakatingin sa kan'ya. Hindi tuloy malaman ni Sakura ang unang sasabihin.

"A-Ah, ‘yung sinabi ni daddy--- he said he will hunt you the next time you hurt me--- pero ‘wag mo na lang isipin ‘yon. Nandito ka na para linawin ang lahat... I mean, isang sorry mo lang ay makukuntento na ‘ko." Nangingiting bulalas ni Sakura.

Hindi nagsalita si Sage.

Nakaramdam tuloy ng pagkailang ang isa, "Uhm... wala akong balak manggulo sa inyo ni Stacey. Nagulat lang ako at... nasaktan. P-Pero okay na ako. Gusto ko lang sanang siguraduhin mo sa akin na hindi mo ipapahamak ang sarili mo. Titigil na ako, Sage. Siguraduhin mo lang sa ‘kin."

"Why do you have to be so kind?" biglang tanong ni Sage, "Aren’t you mad? Aren’t you going to curse at me? You suppose to hate me, Sakura."

Umawang ang labi ni Sakura, bumaba ang kan'yang paningin. "I should be... but I can’t. Because I can’t blame you. This is all my fault in the first place."

"Bakit palagi mong sinasabi na malaman mo lang na buhay ako hanggang dulo... okay ka na? Anong ibig mong sabihin do’n?"

Natigil si Sakura. Naalala n'ya ang tungkol sa sulat na kan'yang natanggap.

"Uhm..."

"Iyon ba ang dahilan kung bakit pilit mong dinidikit ang sarili sa ‘kin? Dahil alam mong may mangyayari sa ‘kin?"

Tinignan n'ya ito sa mata, "H-Hindi it’s just..." pero sa huli, imbes na itanggi ay napabuga na lang siya ng hangin, "Sage, this may sound unrealistic but... please believe to what I am going to say."

"About what?"

"About us."

Hindi n'ya alam kung magiging kagaya rin ba ito ni Eren na hindi naniniwala sa kan'yang sinabi tungkol sa sulat at nakaraan nila ni Sage, pero mas umaasa ito ngayon na sana ay paniwalaan siya nito nang sa gayon, bago man lang n'ya bitawan si Sage ng tuluyan ay nalaman nito ang dahilan sa mga ginagawa ni Sakura-- bukod sa totoong pagmamahal n'ya rito.

"Listen to me," umayos ng upo si Sakura paharap sa kan'ya, "We... we actually met, a long time ago--- same year, same age, same place, same scenario. Believe it or not but we’re lovers back then."

Hindi sumagot si Sage pero kapansin-pansin ang pagkunot ng kan'yang noo.

"Itong Sakura na nakikita mo ngayon... galing ako sa future. Bumalik ako ng limang taon para sa ‘yo dahil patay ka na sa future, Sage," aniya, "I mean, namatay ka na sa unang taon palang nang pagkikita natin."

Unti-unting umawang ang labi ni Sage, hindi makapaniwala sa narinig. Gayunpaman ay wala na sa isip ni Sakura ang huminto. Gusto n'yang paniwalaan siya ni Sage, bagay na hindi binigay ni Eren.

"I know it's hard to believe, but it’s true. H-Hindi kita nailigtas sa nakaraan natin kaya ako nandito. Bumalik ‘yung oras, Sage. Bumalik ito para bigyan ako ng pagkakataon na mabuhay ka."

"What...?"

Nilibot ni Sakura ang paningin para hanapin ang kan'yang bag, pero bigo siya nang malaman na wala ito ngayon sa kan'ya.

"May... may letter akong natanggap bago magsimula ang klase. Kulay itim--- at nakasaad do’n ang mga sinulat ko mula sa hinaharap. Lahat ‘yun tungkol sa pagsisisi ko dahil sa pagkamatay mo... Sage, nagpakamatay ka dala ng mga problema mo." pinunasan n'ya ang tumulong luha sa pisngi n'ya, "Ngayon alam mo na kung bakit palagi kitang kinukulit sa kung anong problema mo? Ngayon alam mo na kung bakit ayoko malayo sa ‘yo kasi gusto kong mabuhay ka..."

Sa rebelasyon na sinabi ni Sakura, hindi na alam ni Sage kung papaano 'yun sasagutin. Sa loob n'ya ay napaka imposible ng sinabi ni Sakura, pero may nagsasabi sa kan'ya na maaaring totoo 'yun dahil sa katotohanang binalak talaga n'ya ang magpakamatay.

Kaya naman nahihirapan siyang hindi paniwalaan ito.

"Pero sa kabila nang mga iyon, lahat nang mga pinakita ko sa ‘yo--- magmula sa mga salitang binitawan ko, hanggang sa mga kinilos ko para sa ‘yo, lahat ‘yun ay totoo."

Nakatitig lamang si Sage sa lumuluhang si Sakura. Gusto n'ya itong patahanin sa pag-iyak pero hindi n'ya magawang magsalita.

"...mahal kita, Sage. Mahal na mahal kita simula’t sapul palang nang pagkikita natin."

~ × ~

Pipihitin na sana ni Eren ang pintuan nang marinig n'yang humihikbi si Sakura mula sa loob ng kwarto. Kaagad na pumasok sa isip ni Eren na baka sinaktan na naman ito ng mga salita ni Sage.

Pero sa paghawak n'ya palang sa doorknob ay kusa na siyang natigil dahil sa narinig...

"...mahal kita, Sage. Mahal na mahal kita simula’t sapul palang nang pagkikita natin."

Alam naman n'ya na ito talaga ang nararamdaman ni Sakura, alam n'ya na kahit hindi noon sabihin ni Sakura, ramdam n'yang mahal na nito si Sage. Pero ang marinig ito ngayon matapos nang pagdadamdam n'ya kanina...

...ay tila nagdulot na naman sa kan'ya ng kakaibang sakit sa puso.

"Hindi pa yata sila tapos mag-usap," bulalas ni Ate Hilda na nakaupo sa upuan na nasa gilid, katabi n'ya ay si Dash na ngumunguya ng chocolate candy.

"Kanina pa po ba sila?" tanong n'ya.

"Hindi pa naman gano’n katagal."

Tumingin si Dash sa nakatigil na si Eren. Nakatitig ito sa hawakan ng pinto.

Samantala, muli n'ya na namang narinig ang nag-uusap mula sa loob.

"Let’s stop talking about that, Sakura." boses ni Sage, "It doesn’t matter if I should believe that or not. I’m here to apologize... I’m here to tell you something."

"What is it...?"

Sandaling natahimik sa loob.

Lumapit na si Dash kay Eren para tanongin kung anong problema nito.

"Huy, bakit?"

Hindi siya tinignan ni Eren. Dapat ay kumilos na siya para umalis at hindi na marinig pa ang usapan ng dalawa, pero may kung anong nagpapatigil sa kan'ya na para bang nararapat lamang na pakinggan ni Eren ang nasa loob.

"What you guys saw at my house... was just a lie."

Bahagyang nanlaki ang mata ni Dash sa narinig. Naalala n'ya 'yung oras na pumunta sila ni Sakura doon.

"Hindi totoong... may nangyari sa amin ni Stacey. Hindi rin totoong may namamagitan sa amin o may gusto ako sa kan‘ya. None of those is true. The truth is... that time, I just want to keep myself away from you. I cause you a lot of trouble, I insult you for how many times, I pushed you away, I hurted your feelings... sa tingin ko noon, kahit binigyan ako ng pagkakataon ni Eren na kausapin ka ay hindi ko kaya dahil sa mga nangyari. Sobrang bait mo sa ‘kin, Sakura. Sa tingin ko hindi talaga kita deserve kahit pa... kahit pa may pagtingin na ‘ko sa ‘yo. Sinubukan ko pa ring palayuin ka."

"May... pagtingin ka sa akin?"

"It wasn’t really obvious, right? Or maybe you just didn’t noticed."

Napatingin si Dash kay Eren, dahan-dahan kumunot ang noo n'ya sa nakikita mula sa reaksyon nito kaya naman hinatak n'ya na ito sa pulsuhan.

"Let’s go."

"What?" halos pabulong na tanong ni Eren sa kan'ya.

"Masama ‘yan. Nakikinig ka sa usapan nila, let's leave them alone, Eren."

Hindi pa man nakakapagsalita si Eren nang muli na naman nilang marinig ang boses ni Sage.

"...yes, I love you, Sakura. Noon ko pa man nararamdaman ‘to, wala lang talaga akong lakas ng loob para aminin sa ‘yo dahil---"

Naputol ang linya ng sasabihin ni Sage at walang kaide-ideya sina Eren kung bakit at anong nangyari.

Basta ang alam n'ya, bumagsak na ang kan'yang luha.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro