Chapter XIII
13.
Basang-basa ang buong katawan ko nang umahon ako sa tubig. Para akong tumalon sa ilog sa itsura ko, hindi tuloy maiwasan ng ibang tao ang mapatingin sa akin.
Napaupo ako sa lupa, sakto naman no'n ay ang paglapit ng natatarantang si Dash.
"Sakura naman kasi e!" Singhal niya, "Ano ka ba sana sinabi mo sa ‘kin e ‘di sana ako na ang kumuha sa kuting na ‘yan."
Tinignan ko ito, "I did told you, Dash."
"Kailan? Bakit hindi ko matandaan?"
"Because you were busy playing," napailing nalang ako, "Hayaan mo na, ang importante ay okay na ‘yung pusa."
Hinanap ng mata ko ang kuting at nakita ito sa gilid, napangiti ako. So cute, but at the same time, it looks pitiful.
"O-Okay, my bad," anas muli ni Dash, "Pero sana hinintay mo nalang ako. Tsk! Papunta na si Eren dito sigurado!"
"Then, explain to him."
"Ako? Ikaw na! Sa ‘yo lang naman naniniwala ‘yun."
"No I would not. It’s your fault."
Nanlaki ang mata sa 'kin ni Dash kasabay ng pagsinghap nito, "S-Sakura ang sama ng ugali mo sa ‘kin... hati tayo sa kasalanan."
Napangiti ako sa loob ko. Hindi lang halata minsan pero takot talaga 'tong si Dash kay Eren. I can't blame him, mabait naman kasi talaga si Eren. Sa 'ming tatlo si Dash ang pinaka may problema palagi sa pinansyal, hindi por que nasa private school siya, may kaya na sila. Nakapasok lang si Dash ng Townson dahil sa scholarship. Kaya pag may problema ito sa pinansyal, si Eren ang sandalan niya.
Hindi rin naman bigdeal kay Eren ang pagbibigay ng pera kay Dash pagnangangailangan ito. Kahit pa sabihin ni Dash na utang 'yun, hindi na 'yun pinapabayaran ni Eren.
Kaya ganito ang utang na loob niya sa isa.
"Paano kaya kung umuwi muna tayo sa inyo? Magpalit ka muna tapos---"
Naputol ang suhestiyon ni Dash nang may bumungisngis sa tabi namin. Sabay namin siyang tiningala at nakita ang isang maganda at pamilyar na babae sa mata namin.
Siya 'yung nag-abot ng kamay sa 'kin kanina... I forgot to thank her.
"Ang cute niyong dalawa," bulalas niya saka umupo sa harap namin, may inabot siyang paperbag sa akin. "Here, you don’t need to go home, you can use my clean clothes. Pampalit ko sana ‘yan kanina pero tinamad na ‘ko." Nakangiting anito.
Doon ko lang napansin na nakapang-cheerleading attire siya. Naka-turtle neck crop top ito na may halong kulay brown at white, mini skater skirt na parehas ng kulay sa pang-itaas niya, suot din niya ang malinis na white rubber shoes niya. Nakatali rin ang mahaba at wavy nitong buhok.
Parehas kaming hindi nakapagsalita ni Dash at napatitig nalang sa kan'ya. Kumpara sa mga una kong kita rito, ngayon ako mas humanga ng sobra sa ganda niya kung saan nakikita ko ang mala-perpekto niyang mukha ng malapitan.
Right... she really looks like an angel.
Mahinhin itong natawa, "Hello? You okay?"
I snapped out of my deep reverie when I heard Eren's voice. Before I could take a look at him, I felt a warm palm grasp on my arm.
"What the F happened to you, Sakura?!" Eren asked exasperated.
"E-Eren..."
He hissed, then shifted his eyes on Dash.
Tinaas agad ni Dash ang dalawang kamay na aktong sumusuko, "K-Kasalanan ko. Abala kasi ako sa paglalaro noong nagrequest si Sakura na kunin ko raw ‘yung kuting pero dahil nga sa busy ako... s-siya na ‘yung gumawa tapos..."
"Eren, seriously, I’m fine." Entrada ko nalang.
Ilang sandali pa niya kaming tinitigan ni Dash bago siya bumuntong hininga. Seryoso niya akong tinignan sa mata.
"Kuting?"
Bago pa 'ko makasagot ay muling nagsalita ang magandang babae na tumulong sa 'kin, "Isn’t she nice? I like her." She smiled at me.
"L-Like...?" Nanlalaking mata ni Dash sa kan'ya.
Tumungo ang babae bilang sagot.
"Huh?! T-That’s unfair! Are you a---"
Bumungisngis muli ang babae dahil sa mga tanong ni Dash. "She’s nice. So here, take this clean clothes and change. You’re all drenched!" She let out her soft chuckle.
Eren sighed, "You sure, Stacey?"
She beamed, "Hm-mm! Of course! It’s fine, really."
Magkakilala sila? Pero kung sa bagay, base sa suot na damit ng babae, mukha siyang miyembro ng cheerleading. Kaya malamang, bilang captain si Eren sa sports nila, magkakilala sila.
I see.
Nagpresinta ang babae na samahan ako sa isang fastfood chain para makapag-cr. Nahihiya man ako sa kan'ya ay hindi na 'ko tumanggi, honestly, she's pretty and she's nice. Parang ang hirap niyang tanggihan. 'Yung kuting naman, pinadala ko kay Dash at ako nalang ang mag-aalaga.
Napapaisip tuloy ako kung paano natanggihan ni Sage ang binibigay niyang regalo noong nakaraan...
"There! It suits you," nakangiting bungad niya nang lumabas ako ng cubicle.
Nailang ako sa pagpuri niya. Hindi ako sanay na may pumupuri sa 'king mas magandang babae.
"T-Thank you," nahihiyang ani ko.
Sinuklay ko ang basa kong buhok sa harap ng salamin. Nakasuot ako ng maikling maong skirt at white fitted long sleeve, mabuti nalang nga at nakaitim na doll shoes ako kanina, bumagay sa damit na pinahiram niya sa 'kin.
"You..."
Gumilid ang itim na mata ko sa kan'ya. Nakasandal siya sa lababo at pinaglalaruan ang mga daliri sa kamay.
"You were the girl last time... aren’t you?" Pagpapatuloy niya sa mahinang boses.
Hindi ako nakasagot. Alam ko naman kasi na siya 'yung babaeng may gusto kay Sage... siya 'yung nasa bleachers, siya 'yung nagbigay ng regalo, siya 'yung nakakita sa amin sa gilid ng coffee shop.
Tinignan niya ako. Wala akong ibang makita kung 'di lungkot-- malayo sa itsura niya kanina na masaya.
"That was the first time I saw him with another girl," nagpatuloy siya, "I envy you," she declared sympathetically.
I stay still, not knowing what to say.
"Are you guys lovers?"
Hindi ko inasahan ang tanong niya kaya umiwas ako ng tingin. Hindi naman siya mukhang galit pero hindi ko maiwasang makaramdam ng matinding ilang sa kan'ya.
"H-Hindi..."
I heard him sigh in relief, "I see."
Minadali ko na ang pag-aayos ng sarili. Piniga ko pa ulit 'yung nabasa kong damit at nilagay na 'yon sa plastic. Masyado nang matagal ang hinintay nila Eren sa labas.
Naramdaman kong lumapit sa 'kin ang babae. She extended her right arm to me, "We’re not yet introducing ourselves. I’m Stacey Ynna Enojado. Call me, Stacey."
Dahan-dahan ko namang inabot sa kan'ya ang kamay ko at nagpakilala, "Sakura... Sakura Furukawa."
"Nice to know you," She simpered.
~ × ~
Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ko dadalhin si Eren para kumain. Bilang magaling siya magluto, hindi na namin kailangan pang kumain sa labas. Kung kakain man kami nila Dash, isang beses lang dahil kayang-kaya na gayahin ni Eren ang lasa no'n sa isang tikim lang.
Nakapagpaalam na sa amin si Dash, kasabay niya si Stacey na umalis. Kanina rin, sobrang naiilang na ako sa kan'ya. Ganito pala 'yung pakiramdam kapag mabait sa 'yo 'yung taong may gusto rin sa mahal mo.
Hindi ko nga maiwasang mainggit-- ng kaunti lang naman. Well, who doesn't? She's like a real angel, lalo na sa malapitan.
"So... where are we going?" Tanong ni Eren habang nagmamaneho.
Nakagat ko ang isang daliri ko habang nag-iisip ng lugar. Should I suggest a fastfood? Or restaurant? Hm... pancake house? Pwede ring street food kaya lang gabi na.
Hanggang sa may pumasok sa isip ko.
"How about in Culvur’s Express in Central Plaza? Do you know that?" I asked.
Naalala ko kasi, diyan sa restau na 'yan kami kumain ni Ate Hilda noon, way back... in elementary days? Not sure, but as time goes by that restau was still popular on that area, even in social media. Aside from their foods that's delicious, they also have a big wall covered with hand written post-it-notes.
Hindi naman sa ngayon lang ako nakaalam ng gano'n. For me it's so eye catching.
"I know that restau, but why there?"
I shrugged, "Nagpunta na kami ni Ate Hilda doon noong elementary yata ako? It’s been a long time since I went there, wala lang. Baka nami-miss ko."
From my peripheral, I saw him nodded.
"But that restau usually close before 6pm. Now it’s 7:30 in the evening."
"Let’s swing by," sagot ko, "If they’re close, then let’s eat somewhere else."
Sa tinagal-tagal ko nang hindi nakakapunta ro'n, nakalimutan ko na ang tungkol sa schedule nila. Pero mukhang ngayon palang kailangan ko nang mag-isip ng ibang kakainan namin, after all, I'm hungry.
Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa Central Plaza. Sabay kaming bumaba at nang nilalakad na namin papasok, tanaw ko na ang saradong restau.
Bumuga ako sa hangin nang makalapit kami, "You’re right, Eren. Let’s go look around and find another restau."
Kinuha niya ang phone niya at sandaling may kinausap do'n. After awhile, lumapit siya sa pintuan at kinatok 'yon. Nagulat ako sa ginawa niya kaya mabilis ko siyang sinita.
"H-Hey!"
Pero huli na bago niya ako tignan dahil bumukas na ang pinto at bumungad sa kan'ya ang isang babae na siguro ay nasa 40's ang edad? Nagulat siya nang makita si Eren. Nakita ko silang nag-usap, pero hindi ko na marinig ang mga 'yon dahil sa distansya ko.
Mukha namang walang bakas ng problema sa ekspresyon ng ginang. Gano'n pa man, pakiramdam ko inistorbo namin sila.
Maya-maya ay humarap sa akin si Eren, "Sakura! Come on!"
Pagpasok namin sa loob ay tila bumalik ang alaala ko noong kasama ko si Ate Hilda. Paborito ko pa nga dito 'yung noodles nila, ewan ko ba kung bakit hindi ko nayaya sila Eren dito noon.
Sayang wala si Dash...
Gano'n pa rin ang paligid, though medyo lumuwag lang. Kaagad kong napansin ang malaking board kung saan may mga post-it-notes.
Nawala ang paningin ko ro'n nang marinig ko ang mga tunog ng kutsara sa gilid. Nando'n si Eren at kumukuha ng mga gagamitin namin.
"Umupo ka muna diyan, hija ah? Ayusin lang namin ang pagkain niyo." Nakangiting paalam sa akin ng ginang saka siya pumasok sa kusina.
Tahimik na umupo nalang ako sa upuan. Paanong hinayaan niya kami ni Eren na kumain dito gayong sarado na sila? Is it because he's a model? Pero kahit na. Nakaistorbo pa rin kami.
Eren broke my train of thought by handing me a fork, which I accepted in haste.
"Hindi ba nakakahiya? Sabi ko naman sa ‘yo maghanap nalang tayo e." Mahinang usal ko kahit na wala namang makakarinig.
Bahagya siyang natawa at umupo, "Relax ka lang, I know them."
"Still it’s---"
Naputol ang sasabihin ko nang lumabas na ang babae bitbit ang trey na naglalaman ng dalawang bowl ng noodles. Pakiramdam ko kumalam agad ang tiyan ko nang maamoy 'yon.
"Here’s your food!"
Binaba niya ang bowls sa lamesa. Pagkatapos no'n ay nagpaalam na siya't tawagin nalang kung may kailangan pa raw kami.
Matapos kong magpasalamat ay nilanghap ko ang bango at init ng noodles. Nakalimutan ko na kung anong type ng noodles ang binili ko noon pero parang kakaiba 'to.
Kaya lang... ba't parang mas maraming gulay sa bowl ko?
"Eren, what’s the name of this?"
"Ah, that? Vegetable noodles. You should eat that, it’s good for you." Sagot niya habang hinahalo ang sariling noodles.
"And that’s shrimp ramen?" Turo ko sa pagkain niya.
"Yep!"
Gusto ko 'yung itsura at amoy ng ramen niya pero ayoko namang tanggihan 'to. Napabuntong hininga nalang ako at hinalo na rin ang pagkain ko.
Habang kumakain kami ay ginagala ko ang mata ko sa loob ng restau. Medyo nakakahiya talaga kasi parang ang espesyal ng dating namin, walang ibang tao kundi kami lang ni Eren.
I stopped my gaze on Eren who was busy chowing down and seemed much more at ease. Siguro napagod siya sa mga nangyari ngayong araw.
"How’s your feeling?" Inabot ko ang noo niya ng kamay ko bagay na bahagya niyang paghinto, "Mukhang wala ka nang lagnat. Good for you!" Nginitian ko siya.
"So... are we finally okay? No more hard feelings?" Maingat kong pang tanong.
Humigop siya sa mangkok at nagpunas ng bibig. Ginantihan niya 'ko ng ngiti, "Yeah, thank you very much, Sakura. You don’t know how happy I am."
Natawa ako, "Makapagsalita ka naman akala mo hindi natin ‘to ginagawa dati! Pero kung ang tinutukoy mo ay ‘yung mga pagbawi ko... walang anuman. I just couldn’t take that set-up."
"Sorry."
Saka ko naalala si Sage...
"Sa sabado, could you go at my place?"
Natigilan siya, "H-Huh? I mean, yes. Lagi naman akong dumadalaw sa inyo."
"I need your skills... birthday ni Sage sa sabado at gusto ko siyang gawan ng pagkain. Please help me? I’ll invite him as well," I pleaded, "Hindi ko alam kung matutuwa siya or what but still, I really wanna try to make him happy... as long as I can."
Eren looked taken aback. He was left speechless.
"Sabi mo susuportahan mo ‘ko? Now I want your support on that day, Eren. Please..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro