Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter XII

12.

Saktong pagkatapos ng klase ay nagsabi na sa akin si Eren para sa training. Sinubukan ko pa nga siyang pigilan dahil hindi pa naman siya totally na magaling, pero ika niya, captain siya at kailangan niyang magpakita.

"Hindi ako maglalaro, Sakura, pero ngayon lang. Kailangan kong gabayan ‘yung teammates ko. May mga bagong salta rin kasi, saka malapit na ang laro." Aniya kasabay ng paghuhubad nito ng polo para magpalit ng pang-itaas na panlaro.

Napabuntong hininga nalang ako at inabot sa kan'ya ang lalagyan ng salted caramel pudding na siyang ginawa ko.

Bahagya itong napahinto sa ginagawa, tinignan niya 'ko at ang hawak, "A-Ano ‘yan?"

"Gumawa ako ng salted caramel pudding kaninang umaga. Para sa ‘yo." Kaswal kong sabi rito.

"Pudding?" Saka niya 'yun kinuha at pinagmasdan.

Humalukipkip ako at sumandal sa mesa, "Bawi ko sa pagmamaktol mo kagabi," anas ko, "Tapos mamaya kakain pa tayo."

Kita ko ang galak sa mata ni Eren. He scratched his head and looked a little bit shy, "I didn’t expect to have this pudding so early. Thank you, Sakura."

Napangiti nalang ako, "You’re welcome."

Pero agad ko ring naalala, hindi ko pa pala nabibigay ang isang pudding kay Sage. Simula kasi kanina pagpasok niya, sakto no'n ay dumating na ang Professor. Hindi na kami nakapag-usap hanggang sa matapos ang klase. Hindi ko na rin siya nalapitan dahil tinawag ako ni Eren.

Lumingon ako sa pintuan. Kaming dalawa nalang ni Eren ang nandito. Siguro nakauwi na si Sage...

Sayang naman itong pudding.

Humarang sa pintuan ang isang grupo ng mga kalalakihan, sa tingin ko'y nasa anim sila. Pare-parehas silang nakaitim na jersey at nagtatawanan. Tumingin sila sa amin at tinawag agad nila ang kasama ko.

"Oy! Captain!"

Pumasok sila sa classroom at agad inakbayan si Eren. May isa pang pabirong sumuntok sa dibdib nito.

Nakikilala ko sila, sila 'yung mga teammates din ni Eren noong senior high.

"Dalawang araw kang wala ah! Anong trip mo ha?" Litanya ng nakaakbay sa kan'ya.

"Gagu hindi mo nakita si Red na kumuha ng mangga doon sa likod ng building. E ‘di ba bawal nga estudyante do’n sa likod? Magnanakaw ampotah!" Bulalas ng isang lalaking nakasuot ng pulang cup at nakaupo sa mesa.

"Ulul! Inutusan nga ‘ko!" Saka niya bahagyang sinuntok ang isa sa braso.

"Hahaha! Inutusan ng Professor na crush niya! Gago ‘di ka papatulan no’n! Kuripot ka kasi, e!" Saka sila nagtawanan.

Nabalik ang paningin ko kay Eren nang maisuot na ang itim na jersey, kagaya ng sa kanila. Kung 'di ako nagkakamali, 'yun 'yong suot panlaro nila noong senior high.

Natawa ito sa mga kasama, "Morons."

"Hindi ka crush ng crush mo, Captain!" Sabat ng isa at pinagtawanan ito.

"Hello, Sakura! konichiiwa! Arigatougozaimasu!" Bulalas sa akin ng isa sa kanila.

Napangiti nalang ako sa kan'ya lalo na nang magsalita pa ang iba sa kanila ng nihongo.

"Ohayo gazaimasu!"

"Yappari!"

"Yatta!"

"Kakkoii!"

"Ai shiteru!"

Napailing nalang si Eren sa mga ito saka sinukbit ang bag sa isang balikat. Tinanguhan niya ang mga 'yon. "H’wag niyo ngang niloloko si Sakura, mga ulupong kayo. Tara na nga," nakangising sita niya.

"Gomennasai," sabay-sabay nilang sabi.

Naiiling na natatawa nalang ako sa mga inaakto nila. Makukulit pa rin... palibhasa, alam nilang may lahing hapon ako.

"Sige na umalis na kayo, kukulit niyo ah," natatawa kong ani.

Sabay-sabay kaming lumabas ng kwarto nang hawakan ako ni Eren sa pulsuhan, hinayaan niyang mauna ang mga ka-team niya.

"Doon mo na ‘ko hintayin sa Roe Alley, sa labas. Susunduin kita. Mas maaliwalas kasi do’n kaysa dito lalo na at mag-uuwian na ‘yung iba. Hintayin mo saglit si Dash diyan, pasasamahan kita, okay?"

Tumango ako bilang sagot.

"Right, see yah!"

Saka siya umatras at kinaway ang isang kamay, patakbong sumunod sa mga kasama.

I pursed my lips, still eyes on him.

Iniisip ko kung matutulungan ba 'ko ni Eren sa darating na sabado. I need his help. Pero 'di ba, sinabi naman niyang susuportahan niya 'ko?

Napabuga ako sa hangin at sumandal nalang sa railings, niyakap ko ang bag ko. Simula pa kanina hindi na talaga nawala sa isip ko 'yung nakita ko kay Sage. He has been beaten by those guys, that's for sure. Sana lang ay nagkaroon ako ng pagkakataon pa kaninang kulitin siya, pero nandiyan si Eren at bumabawi palang ako. I need to make it up to him first, saka ako babalik sa pangungulit kay Sage.

Hindi ko rin maiwasang madismaya sa sarili ko. Sa tingin ko, kulang 'yung effort na ginagawa ko kay Sage, kaya hindi niya rin ino-open ang nasa isip niya. Pero kung sosobrahan ko naman 'yung pagtatanong, baka naman lumayo siya.

Napapikit nalang ako at hinintay na dumating si Dash. I'll do anything, as long as I can. Tingin ko tuloy, bawat araw, oras at segundo, sobrang halaga sa panahon na 'to.

Haayy, Sage... why do you have to be so private?

As my eyes opened, I saw Sage's stupefied face. He had this look like he was looking at an idiot.

S-Sage?!

I suddenly flinched, "N-Nandiyan ka pala." I stummered. Parang kanina lang, iniisip ko siya tapos ngayon...

He heaved a sigh. "Bago ako umuwi nautusan ako ng isang Professor, then here, I saw you, looking like an idiot."

See? I'm right.

Bago ko pa makalimutan ay dinukot ko na ang pudding sa bag ko at inabot sa kan'ya. Dumako ang mata niya ro'n.

"Take it. It’s salted caramel pudding. Uh, para sa ‘yo talaga ‘yan." I said.

After giving me a look, Sage took it from my hand, "This is for what?" Walang emosyon niyang tanong.

"Because... that’s one of my specialty. I can also make oreo pudding, butterscott pudding, chocolate pudding cake and many more." I smiled at him, "Ikaw, baka may paborito kang pudding, I can make you if you want."

"Thank you for this," saka binaba ang kamay niya, "But I have no favorite at all."

My smile turned sheepish. "O-Okay."

Bahagya niya akong nilagpasan, "Sabay ka?" tanong niya.

I was stunned for a moment. Ito yata ang unang pagkakataon na tinanong niya ako ng gan'yan. Sa bagay, ako lang naman palagi ang sumasama.

Binuksan ko ang bibig ko para sabihin sanang hinihintay ko si Dash pero...

I cannot refuse him! Sorry!

"Sige."

Napakagat ako sa labi ko nang magsimula kaming maglakad. Katabi ko lang siya, diretso ang tingin habang nakapasok ang mga kamay sa bulsa. Gusto kong tanongin ulit 'yung sa sugat niya pero baka balewalain na naman nito.

Gano'n pa man, sinubukan ko.

"Sage, really, what happened to you?" Pasimple ko siyang nilingon, "They beat you... right?"

Hindi siya nagsalita, gaya ng inaasahan ko.

"H-Hindi ko naman ipagsasabi kung sakaling sabihin mo sa ‘kin. You can trust me, Sage," dagdag ko pa.

"Sakura," malalim ang boses niya, "If you really wanna tag along with me, then quit asking about that stuff, please?" Hindi man lang niya 'ko tinapunan ng tingin.

Napakapit nalang ako ng mahigpit sa strap ng bag ko. Sabi ko na nga ba e...

Tahimik kami hanggang sa makalabas ng campus. Sinamahan ko pa siya hanggang makuha niya ang motor niya at nang magsimula siyang magpaalam, may naalala ako.

"Wait, Sage." Pigil ko rito.

Bagot niya 'kong tinignan mula sa helmet niya.

Bumuga ako ng hangin. Pinilit kong ngumiti, "Then can I atleast have your number?"

Nakakahiya man, pero kailangan kong gawin 'to. Para kahit papaano, kapag nag-aalala ako, makakapag-komunikasyon agad kami.

Hindi siya nagsalita at basta nalang dinukot ang phone sa bulsa, saglit niya 'yun kinalikot bago ibigay sa 'kin. Kinuha ko 'yun at mabilis na nilipat ang number niya sa cellphone ko.

"Salamat. Akala ko ipagdadamot mo pa ‘yon," ani ko pagkaabot ng phone niya.

"Go home," usal niya at sinimulan ang sasakyan.

Umiling ako habang nakangiti, "I’m gonna meet my friend. You go ahead, drive safe."

Wala na 'kong narinig sa kan'ya. Umatras siya saka nagsimulang paandarin ang motor. Nilagay ko ang isang kamay sa gilid ng bibig ko at sumigaw pa 'ko sa kan'ya.

"Eat my pudding!"

Pero agad din ako napatuptop sa kinatatayuan ko. May mga taong lumingon sa 'kin, 'yung ibang dumaan nakita ko pang nagtawanan.

Nakakahiya, nasobrahan yata ang lakas?

~ × ~

5:30 ng hapon, nandito na kami ni Dash sa Roe Alley, kung saan may usapan kaming magkikita ni Eren. Nakaupo lang ako sa malalambot na damo habang nakatitig sa mababaw at malinaw na tubig. Samantalang si Dash, gigil na gigil sa nilalaro niya sa phone.

"Packing tape! Bakit ako nakita no’n sa gilid?! Ayos talaga ‘tong mga kano na ‘to! Cheaters!"

Paulit-ulit na sigaw niya at halos hindi na maalis ang mata ro'n, kulang na nga lang, ibato niya sa tubig 'yung phone niya.

"Dash, hindi por que tayong dalawa rito sa pwesto na ‘to ay magsisi-sigaw ka na diyan." I told him.

"Sorry, Sorry, wait--- putapete!"

He bawled and didn't even give me a look.

Napailing nalang ako at binaling ang paningin sa screen ng cellphone ko, specifically, sa mobile number na nakuha ko kay Sage. Lumabas tuloy ang hindi ko matagong ngiti sa labi, even when he's grumpy, atleast he can really be nice to someone as me.

I-text ko kaya? Tanongin ko kung nakauwi na siya?

Sinimulan kong magcompose ng message para kay Sage. Medyo nag-aalinlangan pa nga 'ko, baka kasi isnabero siya sa phone. Hindi naman imposible 'yun.

Pero sa huli, nakapagtype ako at ipinasa sa kan'ya. If he would reply, then great. If not, it's okay. I can call him later.

"Did you eat my pudding? How was it? - Sakura."

Sent.

I heaved a sigh. Balak ko mamaya pag uwi, tatawagan ko siya. I'm... gonna ask him something he desires.

Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng 'meow,' ng isang pusang pakiramdam ko, malapit lang sa pwesto namin. I roamed around to look for it and saw a white kitten sitting helplessly in the middle of the big boulder rock on the water.

Mababaw lang naman kasi ang ilog na ito, mababaw pero malinis na halos makikita mo na rin ang maliliit na batong nasa ilalim. Tantya ko nasa 3ft ang taas nito.

Kumunot ang noo ko at napatayo nang makita siya ro'n. Sinong tao naman ang maglalagay ng kawawang pusa sa gitna ng tubig? Tsk!

Tinawag ko ang kasama, "Dash, could you please put your phone down for a minute and help that cute kitten out of there?"

Pero parang wala lang sa kan'ya. Nakakagat pa ito sa ibabang labi habang kunot na kunot ang noo.

"Dash."

"W-Wait lang gagantihan ko lang ‘tong 'Pinasokowalangdaplis' na ‘to kanina pa nandadaya, e!"

I arched my eyebrows at him. I was about to open my mouth when I heard the helpless kitten meowed. I turned to look at the white cat.

Hindi ko mapigilang maawa sa kan'ya. Paulit-ulit itong humihingi ng tulong pero iilan lang ang makikitang nakatambay dito-- worst, hindi pa siya pinapansin.

Poor little cute cat...

Napagtanto ko na nakalapit na pala ako sa harap ng pusa. I heaved a deep sigh. May mga bato na nakahilera papunta sa kan'ya pero medyo malayo ang distansya. I wonder why the kitten cannot jump out of there and walk through those rocks?

Dahan-dahan kong nilapat ang paa ko sa unang bato. "Just wait over there! Kukunin kita." Sabi ko kahit na hindi naman ako naiintindihan nito.

Naging maingat ako papunta sa kan'ya, medyo magalaw ang mga bato pero kaya naman. Hanggang sa makalapit na 'ko ng tuluyan sa kan'ya. Dahan-dahan ko siyang binuhat, doon ko lang napansin na may pilay at malaking sugat ito sa kanang paa, nakalaylay lang ito, parang napagtripan.

Palapit na ako sa lupa nang marinig ko ang sigaw ni Dash sa akin.

"Sakura! Anong ginagawa mo diyan?! Ano ba ‘yan lagot pa ‘ko kay Eren nito e!"

"Sinasabihan kasi kita kanina!" Sigaw ko pabalik.

Pero sa huling hakbang ko ay tila nagkamali ako dahilan para manginig ang bato. Sandali akong napatigil at tumingin do'n, sinusubukan kong ibalanse ang paa ko pero...

"Ahhh!"

Bago pa ako mahulog ng tuluyan ay binato ko na 'yung pusa sa lupa. I know, the kitten has a wound and I hurt him but I think it's better than falling into the river.

Like what happened to me.

Napahiga ako sa mga maliliit na bato sa ilalim ng mababaw na tubig. I felt the pain on my back and cover my mouth. Hindi nagtagal ay nakakita ako ng isang taong sumilip sa akin mula ro'n.

Inabot niya ang isang kamay sa 'kin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro