Chapter X
10.
As soon as he went inside the parking area, that's when I decided to call Ate Hilda...
"O, Sakura? Nasaan ka? Alas siyete na at wala ka pang bata ka." Iyan agad ang bungad niya sa 'kin kaya napabuga nalang ako sa hangin.
"Pauwi na rin po ako. By the way... anong dinner natin?"
"Nagluto ako ng bicol express at... ano nga pangalan ng isa na 'to teka sandali," Narinig ko na parang may pinipindot siya sa phone, saka siya bumalik. "Spicy sautéed sesame garlic broccoli-- pinaluto sa 'kin ni Eren para sa 'yo."
I was a bit dumbstruck upon hearing that.
'Di ba at hindi niya 'ko pinapansin? Then all of a sudden magpapasuyo siya ng masustansyang pagkain para sa 'kin...
"I see,"
"Umuwi ka na. Nakahanda na ang pagkain dito at malilipasan ka na naman diyan. Kasama mo ba si Dash? Pakainin mo muna 'yun dito."
"Ate Hilda, pwede bang magtabi ka ng ulam at gulay sa glass box container na nandiyan? Palagyan na rin ng kanin, pakidamihan na rin. May pagbibigyan ako."
"Ano? Sino naman?"
Napalingon ako sa motor na papalapit sa pwesto ko. Nakilala ko ang motor ni Sage.
"Pakigawa nalang po, I'll hung up." Pagkatapos kong ibalik ang phone sa bag ay sakto namang huminto si Sage sa harapan ko.
Kahit nasa ilalim ng helmet, kapansin-pansin pa rin ang walang emosyong mata niya. Hindi naman siguro masama ang loob niya dahil nagpapaka-demanding ako 'no? May ibibigay naman ako sa kan'ya mamaya, e.
Ngumiti ako rito, "So you're taking me---"
Sa ikalawang pagkakataon, hinagis niya sa akin ang isa pang itim na helmet. Mabuti nalang at medyo mabilis ang reflexes ko. Tsh!
"Hindi mo naman kailangan ibato!" singhal ko sa kan'ya.
"Hop in, quickly."
Sinuot ko na ang helmet at heto na naman tayo sa pag-angkas ng motor... the first time I experienced it was so hideous. Pero wala akong magagawa, ginusto ko 'to and... of course I gotta trust him. I remember in one of my dreams, I stated, 'I trust him,' but of course, this time, hindi ko ipagkakatiwala sa kan'ya 'yun ng buong-buo. Dahil ayoko na siyang mamatay.
Katulad ng una, naging mabilis pa rin ang pagpapatakbo niya na akala mo hindi aware na may kasama siyang babae. Gusto ko sana siya ulit sigawan na bagalan, but I threw that off away.
Dumating kami sa bahay ng wala pa sigurong kinse minutos. Pagbaba ko ay nasa akin ang panginginig ng tuhod. Dapat na 'kong masanay...
Pag-abot ko ng helmet ay nagsalita ako, hindi sigurado sa itatanong. "Uhm, sure ka ba na... wala na doon 'yung mga lalaking naghahanap sa 'yo kanina?"
"I'll be fine."
Akmang aalis na siya nang pigilan ko siya sa braso. "T-Teka muna," nahihiya akong magtanong sa kan'ya ng ganito pero bahala na. "Saan ka kakain pag-uwi mo? Magluluto ka pa ba? Magsasaing? Or bibili ka nalang ng pagkain sa labas?"
Sandali siyang hindi nagsalita. Pero narinig ko nalang siyang napabuntong hininga, "I haven't really thought of that."
"Really? Could you wait here for awhile?"
"What?"
Para makasigurado na hindi siya aalis, tinanggal ko ang bag ko sa balikat at basta nalang pinatong sa kan'ya. "Wait a second!"
Narinig ko pa siyang umangal pero malibis kong nabuksan ang gate. Tinignan ko pa siya at nginitian bago ako tumakbo papunta sa loob ng bahay. Kaagad kong nakita si Ate Hilda na mukhang kakatapos lang sa pinapagawa ko.
"Ate Hilda! Okay na po?" Tanong ko nang makalapit.
Nilapit niya naman sa akin ang may kalakihang glass box container. Mula sa labas, ay kita ko ang mga masasarap na nakahaing pagkain doon. Pinasok ko na iyon sa paperbag.
"Sandali, nasaan si Dash? At kanino mo ibibigay 'yan?" Usisa ni Ate Hilda.
Ngumiti ako sa tanong niya. "Naalala niyo 'yung naghatid sa akin kagabi? Hinatid ulit niya 'ko ngayon kaya bilang ganti, gusto ko siya pabaunan nito."
"Iyon bang mukhang masungit?"
Tumango-tango ako. Bahagya pang napanganga si Ate Hilda na akala mo may naisip na kakaiba tungkol sa sinabi ko. Naglakad na 'ko palabas ng pinto pero nagsalita siya. "S-Sakura... manliligaw mo ba 'yon?"
Natigil ako at kunot noo siyang tinignan pabalik. Gayunpaman, may bakas ng ngiti sa labi ko. "Gano'n po ba ang dating sa inyo?" Mapaglaro kong tanong.
Ang advance nila mag-isip tungkol sa 'min.
"Hindi ko siya manliligaw, Ate Hilda."
Pagkalabas ko ng pintuan at gate, naabutan kong nakatanggal na ang suot na helmet ni Sage, bagot na nakatingin sa akin. Pero nakangiti pa rin akong lumapit sa kan'ya. Mukhang effective 'yung pag-iwan ko ng bag.
Tinapat ko ang hawak na paperbag sa harap nito. "Because you haven't decided about your food, heto, kunin mo."
"What the hell, Sakura?"
Kinuha ko ang kamay niya at pinilit na ipahawak 'yun sa kan'ya para wala na ulit siyang magawa. "Sa 'yo 'yan. Because you did dropped me home. Saka para hindi ka na ma-morblema kung anong kakainin o saan ka kakain mamaya. Wala ring lason 'yan so it's edible."
Sage stared at me wordlessly. I stared back merily.
Sa huli ay napabuga nalang siya at tuluyan nang tinanggap ang hawak. "You dummy," He mumbled. Sinout niya ang helmet at pinagana ang motorsiklo. Sa isang iglap, bigla ko na naman tuloy naalala 'yung mga lalaki kanina.
Gaano katagal na kaya 'yon naghahanap kay Sage? I really can't help but to worry.
Tumalikod na siya at handa nang paandarin ang motor nang tumingin ulit ito sa akin. "Sakura,"
"Y-Yes?"
"Thank you."
This isn't the first time he say thank you to me but this time, it felt really good. Pakiramdam ko na-a-appreciate niya 'yung ginagawa ko-- at masaya ako do'n.
"Drive safe." Kumaway ako rito nang tuluyan na niyang paandarin paalis ang sinasakyan.
I stayed there for a little longer. Sa totoo lang, masaya ako kapag kasama si Sage. Ilang araw ko palang siya nakikita pero ang lakas na agad ng impact niya sa 'kin. Thanks to my heart that's still inlove with Sage after how many years of not being able to see him. But the downside here is, syempre, hindi ko alam kung kailan siya mahuhulog sa akin. Would he confess? Or would he just show by action?
I don't know. But the real question is... would he really fall in love with me since I'd just redo the past?
Medyo masakit isipin kung hindi. But I'll make sure to date him, even if he refuse. I'll make sure to know his burden, to share with me. And I'll make sure he won't choose to die, to be with me in the future.
~ × ~
Lunch break nang balakin kong lapitan si Sage. Saktong pagyuko niya nang tawagin ko siya, he looked at me from the side and met his cold gaze.
I smiled at him. "Did you eat what I gave you last night? How was it?"
"Yeah, it’s edible." Bagot niyang tugon.
"Of course it is," Kunwari'y natawa nalang ako. "What I meant is how does it taste for you? Si Ate Hilda ang gumawa no’n so I bet you’d say delicious."
He sighed, "It’s delicious."
"Great!" I beamed, "What’s your favorite food? I can make you one if it’s possible."
"And why would you do that?"
"Because you deserve everything." My smile froze and I felt kind of awkward at that line. Masyado yata akong nadala?
He didn't respond.
"I-I mean who doesn’t---"
A smile crept accross Sage's face, "And now you’re doing sweet-talks."
Wait, he smiled?! Isang beses ko lang siya nakitang ngumiti, sa panaginip at alaala pa. But now, it's my first time seeing him smile. Hindi kaagad ako nakasagot ro'n. My eyes blinked. I was about to compliment him when he shook his head and looked at me stoically, smile was gone.
"What? Your face looks like its leaking shit."
Imbes na ma-insulto, natawa ako rito. "You sure have a sharp-tounge, Mr." I began to think that smile I saw was really a hallucination.
Nawala ang paningin ko kay Sage nang biglang sumulpot si Dash sa pintuan. May hawak siyang maliit na paper bag at kinawayan pa 'ko nang magtama ang paningin namin. Oo nga pala, sa kan'ya pala nakasalalay ang lunch ko.
"Excuse me," Usal ko bago tumayo at lapitan si Dash.
"Bagay ba, Sakura?" Bungad nito at pinakita pa sa akin ang suot na relo. Kinunutan ko 'to ng noo. Mukhang 'yun 'yong inabot sa kan'ya ni Sage. "Wala nang bawian ‘to! Ano nga ba pangalan no’ng lalaking nag-abot nito? Hmm..." Kinagat pa niya ang ibabang labi at tumingin sa taas, tila nag-iisip.
Hindi ako sumagot at nanatili lang na pinapanuod siya.
"Ah! Slade ba?" Tumawa ito at napatingin sa loob ng classroom, "Slade! Salamat rito ah! Hindi ko alam kung bakit mo ‘ko binigyan ng relo pero ang ganda sobra! Wala nang bawian kundi hindi ko na papasamahin sa ‘yo si Sakura!"
"Dash!"
"Bakit? Simula ngayon lodi ko na ‘yan si Slade. Hehehe."
I sighed and rolled my eyes at him. Tinapunan ko ng tingin si Sage na nakaayos na ng upo at bagot na nakatingin sa amin dahil sa ginawa nitong si Dash. Nakakahiya...
Kinuha ko na ang paper bag sa kamay niya para matigil na siya. "First of all, ako ang kusang sumasama sa kan‘ya. Second, hindi Slade ang pangalan niya. It’s Sage!"
Tinaas niya ang dalawang kamay na aktong sumusuko. "Okay. My bad. Pero lodi ko pa rin siya, dalawa na sila ni Papa Eren na lodi ko."
Ugh, my goodness, Dash.
"Speaking of Papa Eren, dala ko pala ‘yan kaninang umaga no’ng sinundo kita. Nakalimutan ko lang sabihin pero galing ako sa mansyon nila at inabot niya ‘yan sa ‘kin. Pagkain mo raw, samantalang kahit isang kendi wala man lang binigay sa ‘kin."
Eren's still out of class today. May lagnat pa raw. Hindi ko lang siya nakaka-musta dahil hindi naman ako nirereplayan.
Naalala ko tuloy 'yung kagabing pagkain. Nagpaluto siya ng gulay kay Ate Hilda para sa akin. Tapos ngayon, heto at nag-abala pa siyang pabaunan ako.
Normal naman na sa 'kin ang magkaroon ng pagkain galing sa kan'ya, ang hindi lang normal ay 'yung hindi niya ako pinapansin pero nag-aabala pa siya sa pagkain ko, pinapasundo at hatid ako kay Dash. I really bet no one can beat his thoughtfulness even when he's sick and... I guess morose.
"He’s still not speaking to me," Naiusal ko.
"Tsk, tsk," Umiling-iling ito, "Bad mood pa rin? Bisitahin mo na. Ikaw kasi, e. Pa-late late ka ng uwi."
Dahil ba do'n? O dahil sa hindi ko nakaing tinapay? Either way, I guess calling and texting him cannot really be help. Pupuntahan ko na lang siguro gaya ng sabi nito.
Kailangan ko na munang tapusin ang nasa pagitan namin ni Eren, because I need to focus on one guy.
~ × ~
Umuwi muna ako sa bahay at nagpalit ng damit. Sinubukan kong tawagan 'yung phone ni Eren, pero kagaya ng inaasahan, hindi niya sinasagot. Hindi ko tuloy alam ang iisipin. Para namang ang laki ng kasalanan ko sa kan'ya?
Alas singko ng hapon nang dumating ako sa bahay nila. As usual, wala pa ang parents niya kaya si Ate Gigi na siyang katulong nila ang nagpapasok sa akin.
"Kumakain naman siya pero sobrang kaunti lang, hija. Kapag papasok ako sa kwarto niya, puno ng balat ng junkfoods. Sa ngayon, hindi ko pa siya napupuntahan." Litanya sa akin ni Ate Gigi kaya tumango ako't nginitian siya.
"Sige po, aakyatin ko nalang."
Pumunta ako sa second floor ng bahay at diniretso ang mahabang pasilyo. Pagtapat ko sa pintuan niya ay pinakiramdaman ko muna, mukhang tahimik. Kaya naman maingat akong kumatok rito.
Ilang sandali pa ay walang sumasagot. Pinihit ko ang doorknob at sinilip ang madilim na kwarto niya.
"Eren?" Binuksan ko ang switch ng ilaw pero wala akong nakitang tao sa loob.
I heaved a sighed. Magulo 'yung kwarto niya, parang binagyo. Kawawa naman ang dalawang kasambahay na nag-aayos palagi ng mga kalat niya.
Afterwards, I decided to go upstairs. Believe it or not, three storeys ang bahay nila Eren. Ang alam ko mayro'n siyang isa pang kwarto sa 3rd floor, 'yun ang ginawa niyang gaming studio.
Pagtapat ko sa pintuan ay kumatok lang ako ng tatlong beses tapos ay pinihit ko na ang doorknob. Nakita ko siyang nakasandal sa headboard ng maliit na kama niya, doon nagtama ang paningin namin.
"Sakura..." bakas ang panghihina sa boses niya.
I zoned out for a moment. Bukas ang computer niya at nakalagay sa hindi ko mapangalang online game, maraming nagkalat na balat ng sitsirya, may canned softdrinks pa na nakatumba sa sahig. Totoo nga ang sinabi ni Ate Gigi...
"The F are you doing here? I can’t drive you home," humiga siya at tumalikod sa 'kin, "If you’re here to check on me, I’m fine."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro