Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter VIII

8.

Alas tres ng hapon nang matapos ang huling subject. Natapos rin ang ilang oras na hindi kami nagpapansinan ni Eren.

Kanina noong dumating siya, sinabi ko naman sa kan'ya na nakalimutan ko 'yun kainin, pero tanging pag-iling lang ang sinagot nito sa akin at naupo na sa upuan niya. Sinubukan ko pa siyang lapitan para kumpirmahin ang lagnat niya pero hindi na siya nagsalita pa.

He just sat in a sulky silence.

Nakita ko sa labas ng room si Dash at kausap ang matamlay na si Eren. Nang mamataan ako ni Dash, tinawag niya 'ko dahilan para lingunin din ako ng isa.

Palapit na 'ko sa kanila nang makita kong nagpaalam si Eren sa kan'ya at hindi na 'ko hinintay pa.

Kung sobrang sama ng pakiramdam niya, bakit pa siya pumasok? Tapos hindi naman mamamansin sa 'kin.

"Hindi niya ‘ko pinapansin," usal ko nang makalapit habang nakatitig sa papalayong si Eren.

Kumuha ng maliit na tsokolate si Dash mula sa bulsa niya, binuksan at kinain niya 'yun. "Mukha ngang bad mood, e. Pero sabi niya, ihatid daw kita sa bahay niyo."

Napatingin ako kay Dash, "Pero mamaya pang alas singko ang uwi mo..."

"That was Eren’s order." Nagkibit-balikat ito sa 'kin, "Bodyguard duty, baka pag tumanggi ako hindi niya na ‘ko pahiramin ng---"

"Hey,"

Sabay kaming napalingon ni Dash sa tumawag sa akin. Nasa harapan ko ang nakatayong si Sage habang blangko ang ekspresyon nito. Hawak niya ang itim na tupperware na pinaglagyan ng oatmeal chocolate bar.

"You forgot to get this," aniya.

Sandali akong napatitig sa hawak niya. Saka ko 'yun dahan-dahan kinuha. "S-Salamat..."

Pauwi na siya... paano kaya kung sabayan ko siya palabas ng gate?

He was about to leave when I called his name. Tumingin siya sa 'kin ng nakapamulsa. Napalunok naman ako.

"Sabay na tayo palabas," Sabi ko dahilan para manlaki ang mata ni Dash sa akin.

"Sakura!" Mahinang singhal niya sa akin, "Paano ‘yung nude magazine ko?!"

I shot him a stern look that said loud and clear, 'Zip your mouth,' hindi naman na siya sumagot pero nanatiling nanlalaki ang mata nito sa akin.

I heaved a sigh. "Tara?"

Sumabay ako na maglakad kay Sage pero pa-simple ko munang nilingon ang nadidismayang si Dash. Sinenyasan ko nalang siya na magte-text ako sa kan'ya. Sa ngayon, kukunin ko muna ang bawat pagkakataon para kay Sage.

Tahimik lang kaming naglalakad palabas ng building. Bahagya akong kinakabahan, pero mas nananaig ang tuwa sa loob ko-- siguro dahil, mahal siya ng puso ko-- I mean, me as well. Oo, hindi ko na iyon ipagkakaila, dahil siya naman talaga ang binalikan ko rito sa nakaraan.

Hindi ko maiwasang silipin ang mukha niya. Walang kaemo-emosyon ang mga iyon. Gusto ko rin sana siyang tanongin tungkol sa sinabi niya kagabi sa akin pero hindi ko alam paano magsisimula.

I mean, syempre baka barahin niya 'ko, katulad kagabi no'ng paalis na kami.

"Ba’t ka nakatingin?" Biglang tanong niya kaya inalis ko agad ang mata rito.

Sakto namang may nakabangga akong babae. Agad akong humingi ng pasensya, pero nakanganga lang ito at napatitig sa kasama ko.

Napatitig din tuloy ako sa babae... siya 'yung magandang babaeng nasa bleachers noong P.E. namin.

'Yung may gusto kay Sage.

"S-Sage..." mahinang aniya rito.

Hindi sumagot si Sage at nanatiling blangko ang tingin sa babae.

Ngumiti ang babae at may inilabas sa bag niya, isang maliit at kulay pulang paper bag. "Hinahanap kita, gusto ko lang ibigay sa ‘yo ‘to, alam kong birthday mo na sa sabado. Advance birthday gift ko."

Birthday sa sabado ni Sage...?

Napatingin ako kay Sage, siya nama'y nakatitig lang sa inaabot ng babae. Maya-maya ay kinuha rin niya 'yun na siyang kinatuwa ng babae.

"Galing ‘yan ng Europe, pinabili ko kay Mom dahil gusto kong iregalo sa ‘yo. That’s Montblanc Timewalker Urban Speed. It cost 1,184 dollar, it’s really expensive so I hope you’ll like it." Masayang bulalas ng babae habang nakalagay ang mga kamay sa likod.

1,184 dollar...? That's 59,922 in peso!

"Sakura!" Napalingon ako at kumunot agad ang noo nang makitang humabol pa talaga sa 'kin si Dash.

"Wait lang! Hindi mo ba ‘ko---"

Nagulat kami lalo na ang babae nang isalpak ni Sage ang paperbag sa dibdib ni Dash. Tumingin ako sa kan'ya at tila dumilim ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin sa napanganga at nanlalaking mata ng babae.

"W-Wait, I don’t understand---"

"I’m not really interested." His words were like a razor-sharp blade, pointed at her. After that, he left her dumbfounded.

Maraming napatingin sa kasungitang ginawa ni Sage at mahahalata ang pagka-pahiya ng babae dahilan para dahan-dahang kumunot ang noo niya't mapayuko nalang. Tinakpan niya ang mukha at 'di rin nagtagal ay hindi niya na natiis ang mga tingin sa paligid, umiling siya sabay takbo paalis.

Sa huli, naiwan kay Dash ang mamahaling regalo.

I turned to him, he looked really surprised. "Sabihin mo kay Eren na hinatid mo ‘ko. Sasabay ako kay Sage ngayon." 'Yun lang at tinalikuran ko na siya pero narinig ko siyang nagsalita.

"A-Akin na ba talaga ‘to? Wala nang bawian?" Nanlalaki ang mata niyang tanong.

I sighed. "I’m not sure, una na ‘ko."

Mabilis akong bumaba sa hagdan at hinanap si Sage. Nilibot ko na rin ang paningin sa labas ng building pero... mukhang nauna na talaga siya. Sayang, may gusto pa naman akong itanong, nagbabakasaling sagutin niya.

Nang makalabas ako ng campus ay lumingon-lingon pa 'ko sa paligid, pero naalala ko rin, may motor nga pala siya. Malamang wala na 'yun dito sa labas.

Bukas nalang talaga siguro...

Lumakad ako sa bandang gilid at pumara ng taxi, binuksan ko 'yung pintuan sa likod para sabihin kung saan ako magpapahatid pero bago 'yun, namataan ko ang isang pamilyar na pigura sa gilid ng coffee shop na nasa kabilang kalsada lang.

It's Sage... leaning his back on the wall with both hands on his pocket. Medyo madilim rin sa bandang pwesto niya pero hindi 'yun naging hadlang para makilala ko siya.

Anong ginagawa niya diyan? Akala ko ay umuwi na siya...

"Kuya, pasensya na pero hindi nalang po." Ngumiti at nagpa-umanhin ako sa driver. Nang makalagpas ito sa 'kin ay tumawid na ako ng kalsada para lapitan si Sage.

Hindi niya kaagad ako napansin hanggang sa tumayo ako sa harapan niya. When he got to look at me, his brows arched slightly in surprise.

"Akala ko umu---"

"What are you doing here?" He sounded furious.

Natigilan ako ro'n. Suddenly, he took me by the hand and pulled me beside him. Sumulip siya sa labas na parang may pinagtataguan.

Naisip ko tuloy, hindi kaya 'yung babae kanina ang pinagtataguan niya?

Bumalik siya sa pagkakasandal at napabuntong hininga. Ginala ko ang mata sa mukha niya. Pumikit siya at nanatiling tahimik. Parang kanina lang ay wala siyang kaemo-emosyon, but now, he looked really uneasy.

"What’s wrong?" I asked quietly.

Dumilat ito at tumingin sa 'kin. Before he could answer, a baritone voice resonated somewhere outside.

"Hayup na Sage ‘yan, hindi pa rin ba lumalabas? Tangina mukhang nakatakas na naman! Babalian ko talaga ng buto ‘yon mahawakan ko lang."

"Makikita rin natin ‘yun, Boss. Chillax ka lang. Pag alas siyete wala pa, saka na ulit natin huntingin."

Pagkatapos no'n ay ang tunog ng malakas na pagbasag ng bote.

"Tara do’n sa 18th street. Subukan natin!"

Automatic na kumunot ang noo ko at napatakip ng bibig. What the hell is that? Sino ang mga 'yun at anong kailangan nila kay Sage?

Mukhang nabasa ni Sage ang pagtataka sa mukha ko dahilan para humigpit ang kapit niya sa kamay ko. "Don’t you dare..." he whispered critically.

Don't dare what? Ano bang akala niya? Ibibisto ko siya sa mga iyon?!

Ilang sandali pa kaming nanatili sa gano'ng posisyon. Matapos no'n ay muli siyang sumilip sa gilid kaya naman kinuha ko na ang pagkakataon na 'yun para magtanong.

"Who are they? Bakit ka nila hinahanap?" I asked, bewildered.

Mukhang pagkatapos ng ilang sandaling 'yon ay nakalayo na ang mga lalaking narinig namin.

Hinarap niya ako't binitawan, nagsalubong bigla ang kilay niya. "I asked you first, remember? What the hell are you doing here?" mahina pero may diin niyang tanong.

"Aksidente lang kita nakita rito, isa pa ‘di ba sinabi ko sasabay ako sa ‘yo palabas? Natural lang na hanapin kita kasi umalis ka agad kanina."

Sage said nothing. He just looked at me, I couldn't read his expression, but I felt he was livid.

Sa pakikipagtitigan niya sa 'kin ay siya rin ang pumutol no'n. Sumandal siyang muli sa pader at bahagyang minasahe ang tulay ng kan'yang matangos na ilong, tila nai-stress.

Napaisip tuloy ako, nalaman ko ba 'to dati? Natulungan ko ba siya sa bagay na 'to? Isa ba 'to sa mga dahilan niya? Kung bakit naman kasi hindi buo ang alaala ko, e...

"You better go," he then mumbled. "Please go,"

"What? How about you? Dito ka lang hanggang sa masiguro mong wala na sila?"

"That’s none of your concern."

I looked at him in a serious manner. Siguro nga hindi ko 'to nalaman dati, for sure this is one of the reasons...

He snapped back at me, noticing my gaze. "What?"

"I have an idea," ani ko, hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako, "Imbes na maghintay ka rito hanggang sa tuluyan na silang mawala... bakit hindi tayo lumayo muna rito sandali--- syempre malayo sa 18th street." suhestiyon ko para na rin mas makasama ko pa siya ng matagal at... baka sakaling may malaman ako sa kan'ya.

Unti-unti ay nangunot ang noo nito sa 'kin, "Are you stupid?"

"Of course not!"

He was silent for a few seconds until he spoke again, "If you wanna go somewhere, go by yourself. This is no joke."

"As if I’m joking, Sage?"

"Still, I refuse."

Bukod sa nakilala ko siya bilang cold-blooded sensible person, I realized too that he is definitely hard to win over... like this.

Kaya yata hindi rin ako nag-abala noon na pilitin siya sa kung anong mga problema niya dahil sa attitude niyang ganito.

I pursed my lips as I'm trying to think of how will convince him. Naglakad ako palabas at lumingon sa paligid, wala naman mukhang kahina-hinala at bukod do'n, masyado na ring madaming estudyante.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa kan'ya, "Come on, Sage. I’m trying to help you get away from here."

"Nasa parking pa ‘yung motor ko, so I’ll stay here."

"Until 7pm?!" I exclaimed.

Napailing nalang ako sa kan'ya at talagang nawawalan na 'ko ng pag-asang kumbinsihin siya nang magpakita ang babaeng kaharap lang namin kanina sa loob. Kumunot ang noo ko, naglalakad sila ng mga kaibigan niya papunta sa katabi naming coffee shop, umiiyak ito.

Hindi pa nagiging sila ni Sage pero brokenhearted na agad siya...

"What are you looking there?" Sumilip si Sage sa pader at sakto no'n ay nagtama ang paningin nila no'ng babae.

Now what?

"Sage..." lumipat ang tingin nito sa 'kin, nagpabalik-balik sa amin ng kasama ko. "You two..."

"Dummy," Sage whispered and before I knew, he took me by the hand and walked out of the girl's vision.

"Hey," Pagtawag ko sa kan'ya. Mabibilis ang mga hakbang niya, tila nagmamadali.

"So, Sakura, as I recall, you’re planning to go somewhere with me. Saan ‘yon?" Bulalas niya habang tinatangay ako sa kamay.

Natigil ako sandali, pero maya-maya ay napangiti rin. Looks like he's sick and tired of that girl's love confession. Naalala ko 'yung sinusumbong niya sa kaibigan niya sa court, na 'thank you' lang daw ang sinagot ni Sage sa kan'ya.

Atleast, I won him this time.

Thanks to you, whatever-your-name-is.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro