Chapter VII
7.
Tinanggal ko ang paningin kay Eren at hinarap ang walang kaemo-emosyong si Sage. Base sa tingin ni Eren, alam ko na kung anong nasa isip niya. I guess I'll deal with him later.
"T-Thank you for helping me out, Sage." I sincerely muttered.
He didn't answer, but his eyes are intimidating as cold, bagay na mas lalong nagpakaba sa akin. Pumasok sa isip ko 'yung oras na nando'n ako sa bahay niya't nakaupo sa malambot niyang kama. Parang gan'yan 'yung tingin niya no'n.
Saka ko lang naalala 'yung assignment. Shit, oo nga pala!
"Nakalimutan ko 'yung assign---"
"It's already done."
Bahagya akong nagulat. "D-Done?"
"I'm gonna submit it tomorrow so no need to worry," Then he put his helmet on and start the engine.
Medyo nakaramdam ako ng guilt... by pair ang activity assignment pero siya lang ang gumawa nito dahil sa kalagayan ko kanina. Wala man lang akong naiambag kahit kaunti, to think na pinatuloy niya pa ako sa tirahan niya at hinatid ngayon.
Bago pa siya tuluyang makaalis ay nagsalita na ako, "Sage, I'm going to make it up to you, no matter what."
From under his helmet, he gave me a glance, seemingly satisfied.
"Mm."
"I-Ingat ka."
After that, the motorcycle sped away in a cloud of dust.
Napatitig ako sa dinaanan niya at maang na napahawak nalang sa dibdib. My heart is throbbing so fast. Unlike before that it's throbbing in pain, now, it's throbbing differently.
I can't help but to think what's the first move I'm gonna do. Paano ko siya mapapaiwas sa pagpapakamatay? How will I save that guy?
Nawala ang iniisip ko nang hawakan muli ni Ate Hilda ang kamay ko. "Anong nararamdaman mo ngayon, anak? Nahihilo ka pa ba? 'Yung puso mo anong lagay?"
Marahan ko itong pinisil sa kamay at maliit na ngumiti. "I'm fine, Ate..."
"So where exactly have you been?"
Humahakbang na tanong ni Eren saka ito huminto sa harapan ko, seryoso ang mga tingin.
"I came from---" He cut me in.
"I think I know the answer. Sabi ko na nga ba, e. I shouldn't have left you alone. Paano kung iba ang nakakuha sa 'yo? Say, a rapist? Or a drug person? A killer?"
"W-Wala naman sigurong gano'n sa school kahit pa sa tapat ako ng gate hinimatay."
He bit his lower lip, controlling his anger. "Stop talking nonsense, Sakura. You cannot tell that," He rebuked, "Inasikaso ka ba ni Sage? 'Yung gamot mo ininom mo na ba?" Seryoso niyang tanong bigla.
Umiling ako at napayuko. Ang totoo ay nawala na 'yun sa isip ko kanina dahil sa mga nangyari. Tila kinain na 'ko ng mga 'yon dahilan para makalimutan kong uminom ng gamot.
Narinig ko pang napabuntong hininga si Ate Hilda, hinaplos pa nito ang buhok ko. "Mabuti nalang at siya ang nakakuha sa 'yo. Mukha namang mabait, pero mukha ring masungit. O siya sige, asikasuhin ko muna ang pagkain mo bago mo inumin ang gamot mo."
Bahagya akong napangiti sa sinabi n'ya.
Pagkaalis ni Ate Hilda ay kusang lumapat ang mata ko sa seryosong mukha ni Eren na nakatingin sa akin.
Nakapamewang siya. He heaved a great amount of sigh as his jaw tensed. He looked really upset because of me.
"You fucking made me worried, Sakura..." He uttered queitly.
"I'm so sorry, Eren..."
"I trust that Sage, kahit hindi kami close. Wala naman siyang ginawa sa 'yo, 'di ba?"
I shook my head. Eren just nodded, he pulled my hand and walked over inside our gate, his hand feels a bit hot. Hindi ko na 'yun pinansin dahil sa gusto kong sabihin.
"Do you remember the dream I had last time, Eren?"
We stop on our tracks. He gave a look as his brows furrowed.
I continued, "I dreamt of him twice, same scenario. This time, I saw his face, clearly."
Hindi ko alam kung maniniwala si Eren kapag sinabi ko sa kan'ya ang tungkol sa nakaaran namin ni Sage, sa letter, at sa kung anong nararamdaman ko mismo rito.
Kahit pa bestfriend ko siya, hindi ko pa rin masasabi kung paniniwalaan niya 'ko. Afterall, it's really hard for someone to believe it.
Kahit nga ako nahirapan do'n. Sadyang lumalabas lang ang mga katibayan.
"So what about it?"
Napalunok ako. "It's... Sage himself."
Hindi siya sumagot sa akin kaya naman sinubukan kong ipaliwanag ang nararamdaman ko. "Honestly speaking, I even saw his face noong hindi ko pa siya nakikilala. Doon sa bahay niyo, noong kumakain tayo ng pasta, he suddenly appeared in my mind just like that. Kaya nagulat ako kinabukasan noong makita ko siya na kaklase natin."
"My heart felt really weird when I saw him personally. M-Maniniwala ka ba kung nanggaling na 'ko sa future at bumalik lang sa nakaraan para iligtas siya?" I asked him, hesitantly.
Pero gaya ng inaasahan kong ekpresyon, kumunot lang lalo ang noo nito sa akin.
"You know, you sounds really unrealistic."
"Yes it seems to---"
"Naniniwala ako noong sinabi mong si Sage at 'yung lalaki sa panaginip mo ay iisa. Maybe I'm right when I told you that you two have already met each other in your past life, I guess that's possible--- but not on the last sentence you just said." Seryosong bulalas niya. "Just stick to that thought so you wouldn't have to feel disturbed." Saka niya ako muling hinawakan sa kamay at dinala ng tuluyan sa loob.
I sighed. Just as I thought...
Pero hindi ko siya masisisi. Alam ko namang mahirap 'yun paniwalaan...
A girl who came from the future and wrote a letter for her love, miraculously, that girl really got back-- five years ago, and met again his lover-- who actually died on their past.
Wala talagang maniniwala doon, except to myself, because I am Sakura-- who wished for this.
Bigla nalang pumasok sa isip ko ang walang emosyong mukha ni Sage, tila senyales ng pagpapaalala.
Don't worry, future self, I'm not gonna waste this chance...
~ × ~
Alas otso ng umaga nang lumabas ako sa bahay. Kahit pa alas dose na 'ko nakatulog kagabi, nakakagulat na hindi ako inaantok ngayon. Sa aga kong magising, nakapag-bake pa 'ko ng oatmeal chocolate chip bar.
Nilagay ko ang tatlong piraso no'n sa isang kulay itim na tupperware at pinasok sa bag. Ibibigay ko iyon kay Sage... pambawi man lang.
Paglabas ko ay nadatnan ko si Dash sa harapan ng gate at nakaupo sa fieldstone boulders, naka-uniporme at tulala habang kumakain ng chocolate bar. Noon lang siya tumingin sa akin ng maisara ko ang gate namin.
"Good morning, Sakura!" Bati nito.
Bahagyang kumunot ang noo ko, "Anong ginagawa mo dito?"
Sa 20th street nakatira si Dash, katabi lang ng University namin, and eversince, hindi ako sinusundo nito kahit no'ng highschool pa kami kaya nagtataka ako kung bakit nandito siya ngayong umaga.
"Sasabay ka sa 'kin?"
"Uh-huh," Inubos niya ang hawak ng tsokolate tapos ay tiniklop ang basura't nilagay sa bulsa ng bag.
"What?"
"Tinawagan ako ni Eren kaninang madaling araw, sunduin daw kita." Tumango ito, "Tara."
Sabay naming nilakad ni Dash ang maluwag at tahimik na subdivision namin. Nasa 20 minutes ang paglalakad galing dito papuntang University, samantalang kung galing kina Dash papuntang school, sampung minuto lang. Kawawa naman 'tong lalaking 'to.
"Bakit daw? Kaya ko naman ah." Saad ko pa.
Nagkibit-balikat ito, "Ayoko nga sana e, hindi nga dapat ako papasok. Kaso lang sabi niya hindi na raw niya 'ko pahihiramin ng mga nude magazine niya kaya napa-oo ako. Kaurat 'yun!"
Napangiwi at napailing nalang ako sa kan'ya. Sa kabilang banda, naisip ko na kaya pinagawa 'to ni Eren dahil sa nangyari kahapon.
"Nasaan si Eren?" I asked.
"Oo nga pala," Anas niya na tila may naalala. Huminto kami sa paglalakad, "Masama pakiramdam niya ngayon. Hindi mo ba alam? Kahapon nagsimula pagkauwi niya galing school, nabanggit lang niya sa 'kin kasi tinanong ka niya. Teka, saan ka pala galing kahapon?"
I paused for a second. Ibig sabihin masama na pakiramdam niya kagabi?
Saka ko lang naalala 'yung text niya...
"Medyo masama pakiramdam ko, nababad ako masyado sa training kahapon."
Pero tuluyan ko na 'yun nakalimutan kagabi dahil kay Sage... ni hindi ko man natanong si Eren sa lagay niya.
"Hindi ko lang alam kung papasok siya ngayon." Ani pa ni Dash, "Pero 'di nga? Saan ka nanggaling kahapon?"
Nagsimula ulit kaming maglakad. Nababahala ako ng kaunti. May lagnat si Eren simula pa kagabi pero kahit text hindi ko man lang siya naka-musta o ano. Ang sama ko...
Tsk...
"H-Hinimatay kasi ako kahapon. Pero tinulungan naman ako ng kaklase namin at hinatid sa bahay, kaya nag-alala si Eren..." mababang sagot ko habang inaalala ang kahapon.
"Kaya naman pala, e!" Bulalas niya.
Katulad ng sinabi ni Dash sa akin kanina, mukhang hindi kaya ni Eren ang pumasok dahilan para umabsent siya ngayon. Pagkarating namin ng school, agad akong nagtext sa kan'ya pero isang beses lang siyang nagreply.
"If you need anything, just tell Dash. Don't make me worry today, Sakura."
Hindi niya man lang sinagot ang tanong ko kung ayos lang ba siya...
Alas dose na ng tanghali at mas pinili kong hindi lumabas ng classroom. Hinatiran lang ako ni Dash ng lunch-- kanin at ginisang okra, I'm not really a picky eater so I don't mind what he's going to serve anyway.
Sabay kaming kumain sa classroom tapos ay bumalik na rin siya sa kanila dahil mas mauuna ang klase nila sa amin. 1:30 pa kasi ang sunod naming klase.
Napatingin ako sa kanan ko... wala rin si Sage kanina pang umaga. Nasa kan'ya pa 'yung assignment namin.
Kinuha ko mula sa bag ang hinanda kong oatmeal chocolate chip bar, pero may napansin akong isa pang box sa loob. Doon lang pumasok sa isip ko na binigyan pala ako ng tinapay ni Eren noong isang araw.
Agad ko 'yong nilabas at binuklat. Nakita kong durog-durog na ang lalagyan lalo na ang nasa loob...
May mga pumasok na estudyante sa classroom. Napatingin ako ro'n, huling pumasok ang lalaking tumulong sa akin kahapon... si Sage.
Akala ko absent na naman siya... nakaramdam ako ng galak sa loob ko.
He sat on his chair. Realizing that my eyes were glued to him, Sage turned his head and met my gaze.
My heart thrumped so fast, umiwas ako ng tingin pero saglit lang ay binalik ko rin 'yun sa kan'ya at ngumiti. "H-Hi? Kamusta?"
Wala siyang sinabi at bumuntong hininga lang, saka siya yumuko sa lamesa.
Ang sungit niya... paano ko kaya maibibigay sa kan'ya ito?
Gano'n pa man ay nilakasan ko ang loob ko at nagsalita. Bahagya akong lumapit sa kan'ya, "Hindi ka pumasok kanina, may ibibigay sana ako sa 'yo, Sage."
He didn't respond.
"Gumawa ako ng dessert para sa 'yo... ano, pambawi man lang sa ginawa mo."
I pursed my lips. Akala ko ay hindi na naman niya 'ko papansinin pero umayos ito ng upo at tumingin sa 'kin at sa hawak kong itim na tupperware.
"What's that?" kalmado ang boses niya.
"U-Uhm, here," nilagay ko 'yun sa mesa niya, "That's oatmeal chocolate chip bar. I made it for you," saka ako ngumiti.
Biglang pumasok sa isip ko 'yung naalala ko sa harapan ng C-Factory...
I was wearing my school uniform. In my hand, I have the a box of oatmeal chocolate chip. I turned my head to the side and... smiled at him.
And here I am doing the same thing. Hindi ko agad 'yun napagtanto kung 'di ko lang naalala iyon ngayon.
Nawala ako sa iniisip nang buksan niya 'yun at kagatin ang isang chip bar.
He's chewing it lightly... hindi ko mapigilang mapatitig lalo sa maganda niyang mukha.
Bahagya akong nagulat nang tumingin siya sa 'kin. "Why?"
Lalo tuloy ako napangiti sa sarili, "Thank you sa kahapon and... sa paggawa mo ng mag-isa sa assignment." I said in complete sincerity.
He just nodded, "It's delicious, thanks."
His voice sounded the same as usual-- calm and cold. But just hearing that simple compliment by him felt a soothing warmth wash over me.
Habang pinapanuod ko siyang kumain, nararamdaman ko na unti-unting kumakalma ang puso ko. 'Yung kalma na, pagiging kumportable, pagiging magaan sa pakiramdam.
Nasa gano'ng eksena kami ni Sage nang may seryosong boses na nagsalita mula sa likuran ko.
"So you didn't eat the Pesto Chicken Avocado I made you last time."
Upon hearing those words, I turned and saw Eren's stern face. Nakapasok ang isang kamay nito sa bulsa ng pantalon niya at ang isa'y hawak ang nakababa niyang bag. Nakasuot siya ng puting jacket na hinayaan niyang bukas ang harapan.
What?! Isn't he sick?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro