Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter VI

6.

I awoke beneath the sheets of bed, warm and comfortable. I rolled around lazily, and saw an unexpected figure in the room.

Doon lang ako mabilis na napabalikwas sa pagkakahiga ko at napaupo. Still not fully awake, I had trouble processing the enormity of what I saw just now.

It's Sage, sitting in a couch, with his plain white shirt and a book on his hand. Walang emosyon itong tumingin sa akin.

"So, you're finally awake now." Malamig niyang ani.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa kan'ya, iniisip kung bakit kasama ko siya. And while on that state, naalala ko 'yung letter. Binasa ko 'yun at nawindang sa mga pumasok sa isip... then, I was on my way home when I suddenly passed out.

Ibig sabihin siya 'yung naramdaman kong sumalo sa akin?!

I looked around and realized the manly theme of this room. Mula sa pwesto ko ay nakita ko hindi kalayuan sa 'kin ang maliit na round glass dining table na may dalawang upuan, sa likod no'n ay ang maliit na kulay itim na lababo, maayos na nakasalansan ang mga gamit sa kan'ya-kan'yang lalagyan. Pagtingin ko sa kabilang banda ay ang malaki at kulay itim na black transparent cabinet, I can see the neatly pressed clothes inside, everything is well-arrange.

Bumalik ang mata ko kay Sage na nasa gano'ng posisyon pa rin. I swallowed. His eyes are indimidating as cold.

"What happened to you?" He asked after a moment.

Bumukas ang bibig ko para magsalita pero naalala ko 'yung kaninang panaginip na nangyari... was that a memory of us?

"Nevermind," he uttered, "You need to go home. It's late in the evening."

Hinanap ko agad ang bag ko at nakita ko 'to sa tabi ng kama. Kinuha ko mula sa loob ang cellphone ko at nakitang 10:40 na ng gabi. It's almost 11... doon ko lang rin nakita ang umaapaw na missed call at text galing kay Eren.

4:20pm

"Tumawag ka pala. Something happened? Sorry, I got busy typing the assignment."

4:35pm

"Mukhang tapos na kayo. Galing ako sa library at wala ka na. Are you home already?"

4:41pm

"Medyo masama pakiramdam ko, nababad ako masyado sa training kahapon."

"Iidilip lang ako."

5:02pm

"Sakura?"

5:08pm

"Hey, Sakura! Mag-reply ka naman!"

5:30pm

"Nasaan ka ba?! Sabi ni Ate Hilda wala ka pa sa inyo. Could you please answer your fucking phone?!"

He seemed to be really really pissed in his last message. That was 10:30 tonight.

Nasapo ko nalang ang noo ko. Lagot ako kay Eren, alam ko. Pero wala sana 'ko rito kung 'di lang ako inatake ng matinding stress kanina, dahilan para manghina't himatayin ako.

And that wouldn't happen if it's not because of the letter.

Binaba ko ang phone ko at dahan-dahan tumingin kay Sage. Kumuyom ang kamao ko. Siya lagi ang napapanaginipan ko. Siya 'yung bigla nalang pumapasok sa isipan ko kahit hindi pa kami magkakilala. Iba 'yung pakiramdam ko kapag nakikita siya. 'Yung mga katanungan ko, nabigyan na ng eksplenasyon ng sulat na 'yon... wasn't that enough reason to believe all of this?

That I... came from the future.

And got back to the past to save this guy-- to save our love-- to be with him in the future.

Humagod ang puso ko. Muli na namang nagsi-balikan ang mga alaala naming pumasok sa isip ko kanina. Wala akong matandaan sa kan'ya sa estado ko ngayon, pero 'yung mga pumapasok sa isip ko at ang pakiramdam ko simula mapanaginipan ko siya hanggang ngayon na kasama ko siya, iba... hindi ko maipagkakaila na oo nga... mukhang hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin siya ng puso ko.

"Bakit ka umiiyak?" mahinang bulalas nito kaya agad akong napapunas sa pisngi ko.

Tinitigan ko siya ng maigi. Hindi ako makapaniwala pero wala akong choice kundi ang paniwalaan ang lahat ng nararamdaman ko. Right now I suddenly feel like... I have missed this guy for so long.

Ito pala... ito pala 'yung naramdaman ko noong una ko siyang makita.

And just to make sure that he's the Sage I was talking about in the letter...

"Y-You're Sage Granger Barcelona Valverde?" I remember he haven't introduce his full name yet.

His brows arched slightly in surprise.

"How did you know my full name?" Malalim nitong tanong.

Parang natunaw ang puso ko dahilan para lalo akong maluha habang nakatitig sa kan'ya. So he really is... this man, is the love of Sakura's past life.

Binaba niya ang hawak na libro sa maliit na mesa at humakbang palapit sa 'kin. He looked at me in a serious manner with his hands on its pocket. "I'm asking... how did you know about my full name?"

Natigil ako nang makalapit siya sa harapan ko. Napatingala ako sa kan'ya pero agad din akong nag-iwas ng tingin.

"N-Nakita ko lang kanina sa class record ni Sir."

Hindi siya sumagot kaya naman pa-simpleng bumalik ang mata ko sa kan'ya. Gano'n pa rin ang ekspresyon niya. Honestly, mahirap sabihin na nanggaling ako sa future at matagal na kaming magkakilala. So I have to make an alibi. Sorry for lying, Jesus.

Nagulat ako nang malakas na tumunog ang phone ko. Kinuha ko 'yun at nakita ang pangalan ni Ate Hilda. Pinunasan ko muna ang pisngi ko bago iyon sagutin.

"A-Ate Hilda..."

"Sakura! Juskupo sinagot mo rin! Anong oras na, nasaan ka bang bata ka? Naku, alam mo bang kapag tumawag ang Daddy mo dito at saktong wala ka ay ako ang mapapagalitan?"

"Sorry po,"

"Nasaan ka? Ipasusundo kita kay Eren."

Napalingon ang ulo ko nang ilapit ni Sage ang hintuturo niya sa mukha ko. Umiling ito.

Nagtanong ang mukha ko sa kan'ya. Pero seryoso lang itong umiling sa akin. Parang may gusto siyang sabihin pero ayaw niyang magsalita.

"Sakura??"

"O-Opo, Ate Hilda."

"Sabi ko nasaan ka ngayon at---"

Nagulat ang buong sistema ko nang yumuko si Sage sa akin at basta nalang ibaba ang kamay kong may hawak na cellphone sa kama. Nilapit niya ang bibig sa tenga ko at talagang nagsitaasan agad ang mga balahibo ko sa katawan.

With this close, I can smell his faint caramel-like, bitter sweet on his body.

"Tell her I'll drive you home, no need to come here."

Saka niya binitawan ang kamay ko't umalis sa harapan. Hindi ko na siya nahabol pa ng paningin, dahil ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko.

"Hoy, Sakura! Ano na bakit hindi ka na sumasagot? Nag-aalala na 'ko!"

Umayos lang ako nang muling marinig si Ate Hilda sa speaker ng telepono ko. Nilapit ko muli iyon sa tenga ko. "A-Ate Hilda, sorry ulit."

"Huuuh?! Teka muna nasaan ka ba talaga ha? Bakit ba gan'yan ka makipag-usap?"

Hirap man, humugot pa rin ako ng malalim na hininga. "Pauwi na po ako. 'Wag niyo na po akong ipasundo kay Eren."

"E, nasaan ka nga kasi?"

"Ate Hilda, okay lang ako. Hinimatay lang ako kanina pero ngayon maayos na 'ko."

"Hinimatay?! Anong ginawa mo?!"

"May---" Napapikit ako. "Sobrang init kasi kanina, tapos nautusan pa 'ko ng isang Professor namin. K-Kaya ayun." Sorry again, Jesus.

Bumalik ang paningin ko sa harapan kung saan nakatayo na muli doon si Sage. Nakasuot na siya ng itim na jacket at may hawak na susi sa kamay. Seryoso siyang nakatingin sa mata ko.

"Ang sabi ni Eren sa library---"

"Paalis na po ako." Iyon lang at binaba ko na. Tumayo ako at bahagyang inayos ang buhok pati na rin ang suot kong uniporme. Saka ko kinuha ang bag ko at sinukbit 'yun sa balikat.

Napatitig pa 'ko sa kan'ya ng ilang sandali. Pero hindi rin nagtagal ay lumakad na 'ko. "L-Let's go please,"

Paglabas ko ng pintuan ay sumalubong sa akin ang malakas na hangin. Agad nitong hinipan ang buhok ko kaya bahagya akong napapikit. Noon ko lang na-realize na nasa mataas na lugar pala kami.

Nakanganga ako humakbang palabas, mula sa pwesto ko ay kita ko ang mga ilaw na nasa ibaba, mga bahay at ilang mga puno.

Napansin ko rin na iisa lang ang bahay na nandito-- 'yun ay 'yong bahay ni Sage. Sa paligid nito ay puno ng damo, may mga maliliit na bulaklak din sa gilid. Sa bandang harapan naman ay isang mahabang hagdanan.

Maang na napatingin ako sa likuran ko at naabutan kong nakatingin sa akin si Sage.

He heaved a sigh and look away, "This place is far from Towson University." then he stepped forward to my side, "We're at the city of Flavians,"

My forehead creased. Kung magco-commute ka papuntang Flavians galing ng Compton Town kung saan ako nakatira, ay talagang malayo. Isa't-kalahating oras ang biyahe. Pero hindi na bale 'yun, ang iniisip ko ay bakit nasa mataas na lugar pa ang bahay niya?

Bumaba na siya sa hagdanan kaya naman sumunod na 'ko. At talagang mataas nga ang lugar na ito, nakikita ko sa baba ang isang mahabang street, sa gilid ay napansin ko ang nakaparada niyang itim na motor.

'Yun 'yong nakita ko sa panaginip ko...

"B-Bakit nasa mataas na lugar ang bahay mo?" Tanong ko.

Pansin ko kasing wala pang mga bahay dito sa baba. Puro damo, halaman at ang motor lang niya ang makikita. Isang diretsong daan lang na may mga poste sa gilid ang makikita mo. Siguro ay uusad ka pa doon para makakita ng mga bahay.

Walang anu-ano'y binato niya sa akin ang itim na helmet. Mabuti nalang at nasalo ko iyon.

"None of your business," he retorted.

Sumakay siya sa motor niya't pinagana 'yun. Tumingin siya sa akin na parang, 'ano pang tinutunganga mo diyan?'

Pero... hindi ako marunong sumakay sa motor.

Mabagal kong sinuot ang helmet. Iniisip ko kasi kung paano ako sasakay, saan ako hahawak, saan ko ilalagay ang paa ko. Alam kong ang weird ko pero natatakot talaga 'ko sa motor.

"May ibabagal ka pa ba?" Anas niya bigla kaya sumakay na 'ko sa likod ng motor niya. Naiilang akong humawak sa balikat niya kaya pinigilan kong humawak ro'n.

"B-Bagalan mo lang, Sage." Mahinang usal ko.

Hindi ko nga alam kung narinig niya 'yun dahil halos mapasigaw ako sa andar niya. I was almost falling off the back of his motorcycle, but I didn't dare grab on him for support, I just tightened my grasped on the rack behind me.

Wasn't he aware I'm here to drive this fast?!

"Pakibagalan nama---"

Napapikit ako nang halos may sumalubong na sa aming isa pang motor sa harapan. Startled, I grasped to his shoulder involuntarily.

Pagdilat ko ay nasa maluwag na kalsada na muli kami, nakalagpas na ang motor.

He turned his head a bit to look at me pero inalis rin niya 'yun. He just drove faster.

Tinuro ko sa kan'ya ang direksyon ng subdivision namin at wala pang isang oras nang makapasok na kami sa Meadow Highland Subdivision, dito sa Compton Town.

Sa bilis niyang magpa-andar, heto at nakahinto na kami agad sa harap ng bahay. Hula ko mga 20 minutes lang ang binyahe namin.

Nanginginig ang mga paa ko nang bumaba. Hinubad ko ang helmet at binigay sa kan'ya. Napahawak pa 'ko sa dibdib ko, ang lakas ng kabog.

"Oy, Sakura."

Dumako ang mata ko rito, nakahubad na ang kan'yang helmet at nasa pagitan na ng isang braso niya.

"Don't tell anyone about my place," Malamig nitong ani. "Tayong dalawa lang ang nakakaalam kung saan ako nakatira."

Hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatingin sa seryoso niyang mukha.

Ang sabi sa letter, hindi ko inalam ang mga nangyayari kay Sage... kaya ito nagpakamatay, hindi na nakayanan. Posible kayang may kuneksyon itong sinasabi niya doon?

Pero hindi ko muna siya pwedeng usisain ngayon, kung noon nga hindi niya binaggit sa akin 'yun, e, to think na may nararamdaman na kaming dalawa sa isa't-isa, ngayon pa kaya na hindi pa malalim ang samahan namin?

"Sakura!" Nawala ang paningin ko kay Sage nang marinig ko ang pagbukas ng gate at ang boses ni Ate Hilda.

Kaagad niya akong hinawakan sa dalawang pisngi, alalang-alala. "Buti at nakauwi ka na... pero..." Tumingin siya sa likod ko, "Sino siya? Sa kanila ka ba galing? Siya ba ang tumulong sa 'yo no'ng---"

Nginitian ko si Ate Hilda at hinawakan sa kamay. Magsasalita na sana ako nang marinig ko ang boses ni Eren.

"Where the F have you been?"

Doon ko lang nakita ang pulang Jaguar F-type na sasakyan ni Eren na nakaparada sa tabi. Habang ito nama'y masungit na nakahalukipkip at nakasandal sa pintuan nito.

Looks like he's really annoyed. Sorry...

Lumagpas ang mata niya sa 'kin at dumiretso sa walang ekspresyon na si Sage.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro