Chapter V
5.
Kinabukasan ay nagkaroon kami ng group activity sa isa sa mga subjects namin. Tungkol 'yun sa pagkaka-kilanlan ng bawat isa. Hindi tulad nitong mga nakaraang araw ay medyo nagkaka-hiyaan pa ang iba, which is normal lang dahil first week palang ng klase.
Hanggang sa nag-dimissed na ng klase ang huling subject. Walang emosyon akong lumingon sa bakanteng upuan ni Sage.
There was a part of me hoping I will get to know more about him, but he didn't show up.
I feel so puzzled-- about our connection. Gusto ko sana siyang kilalanin sa oras ng paggawa namin ng activity mamaya pero... mukhang absent siya.
Have he forgotten?
"Sakura, kailangan na naming tapusin ‘yung assignment. How about you? Did you speak to Sage?" Tanong ni Eren na nakatayo na sa harapan ko bitbit ang itim niyang bagpack.
I let out a sigh and look up to him. "I did. I guess I’ll just wait for him at the library. Afterall, we had an accord about this."
Tumayo ako at kinuha na ang bag ko. Napatitig ako kay Eren. He's giving me a disquieted look. Mukhang nag-aalala na naman sa akin por que maghihintay ako sa walang kasiguraduhan.
"Eren..."
"Do you want me to join you?" He asked.
Bigla tuloy ako napatingin sa dalawang babaeng nasa likuran niya at mukhang nahihiya. 'Yun 'yong mga lumapit sa amin noong isang araw na ka-pares niya sa assignment.
Muli, napabuntong hininga ako. "Don’t be silly. You have your own group. Work with them,"
"Are you sure?"
I patted his shoulder, "I’ll just sit and relax while waiting." Bahagya tuloy akong natawa sa kan'ya, "Ginagawa mo ‘kong baby masyado."
"Yes you’re my---" he stopped.
That took him aback.
Tumaas ang dalawang kilay ko at napailing nalang. "I know, Eren, I know."
"Y-You what?"
Bahagya akong lumapit sa tenga niya, "I’m your sister. Your baby sister," nginitian ko siya matapos muling i-tap sa balikat.
Kilalang-kilala ko na 'tong si Eren. Ayoko naman nang maulit 'yung kahapon na nagpa-late siya sa training ng dahil sa akin. Tapos ngayon ano? Sasamahan niya 'ko sa library at magpapahuli rin sa mga ka-grupo niya? To think na hindi sila natuloy kahapon sa groupings dahil sa training niya. I understand him being so caring and thoughtful, pero ayoko namang sa akin na lang siya palaging nakatutok-- of course because of my disease.
Hindi ko na tinignan pa pabalik si Eren at dumiretso na 'ko sa labas para pumunta ng library. Sa totoo lang, nag-aalala rin ako. What if hindi talaga pumunta si Sage?
Hanggang sa nakarating ako sa paroroonan. Medyo maraming tao, malamang ay dahil uwian na ng ilan at dito nakatambay. Mabuti nalang at nakakita ako ng bakanteng upuan sa pinaka sulok-- tabi ng transparent window.
Pag-upo ko ay nilabas ko na ang notebook ko nang may malaglag mula rito. Napansin ko pa nga 'yung binigay sa aking tinapay ni Eren kahapon, hindi ko pala nakain. Pero mas napansin ko 'yung nahulog sa notebook ko kaya pinulot ko 'yon at do'n ko lang naalala... ito 'yung sobreng inabot sa akin ni Ate Hilda no'ng isang araw.
Hinaplos ko ito at pinagmasdan. Sakura Furukawa lang ang nakalagay, wala nang iba.
Sa sobrang pag-iisip ko sa mga nangyayari sa akin ay nakalimutan kong may ganito pala akong natanggap. Pero ang tanong, kanino naman 'to galing?
Maingat kong tinanggal ang pagkaka-silyado ng sobre. Habang ginagawa ko 'yun, bigla akong nakaramdam ng ka-wirduhan, hindi ko alam kung saan o bakit.
Hanggang sa nailabas ko na ang matigas at kulay puting papel na nasa loob. Nakatiklop ito sa tatlo at naamoy ko agad ang halimuyak na bango na dala nito.
Nangunot pa ang noo ko nang buklatin ko iyon. Kamukhang-kamukha ng sulat ko... Pero mas nagulat yata ako nang makitang nakasulat doon ang isang pamilyar na pangalan.
Hello, Sage Granger Barcelona Valverde.
So you... finally left me. Bakit naman hindi mo sinabi sa akin ‘yung nararamdaman mong problema? I was always there for you, but you never tell me about your pain. I thought, those kind of question was just a joke. Hindi ko naman akalain na sign na pala ‘yon. But, actually it was my fault too. Kung ano lang ‘yung nalalaman ko sa ‘yo, kuntento na ako. Hindi man lang ako naghangad na alamin ang totoong buhay mo. If ever I did, siguro hindi mo nagawang itapon nalang ang buhay mo ng gano’n.
Akala ko napapasaya kita, sinasabi mo kasi sa ‘kin na kuntento ka na sa kung anong mayro’n tayo. Pero hindi pala. May mga bagay pala ‘kong hindi alam sa kabila ng pagmamahal na akala ko, naibibigay ko ng maayos. Ang dami nating dates na naudlot dahil sa akin. Sabi ko dadalhin kita sa isang exhibition. Pero hindi natuloy. Binalak pa nga natin magpunta ng Sunny Coastal, sa may Mill Town, roadtrip sana, pero... hindi na naman natuloy.
Noong nakita kitang magpapakamatay, all I do was to look at you, surprised. Hindi man lang ako tumakbo para iligtas ka. I was there, standing like a dumb... at iyon ang pinaka malaking pagsisisi ko sa buhay ko.
I... let you die, in front of my eyes.
Fuck. I miss you. I miss every fucking part of you. Your presence, your voice, your eyes, your touch, your eyes, your lips... how I wish I could go back to the past and redo it better with you.
If only there’s a chance, a miracle that would grant this wish, I will make sure that I would not do the same mistake, same regrets, again.
Mahal na mahal ko si Sage. Sobra. Limang taon na ang nakakalipas but still, walang pagbabago. Kaya kung mabibigyan talaga ‘ko ng pagkakataon maulit ang lahat sa amin, kukunin ko na. Kung kailangan kong maging makulit sa mata niya, gagawin ko. Lahat ng hindi ko nagawa noon, gagawin ko. Lahat ng pinangako ko, tutuparin ko. ‘Yung mga dinadala niya, aalamin ko mabawasan lang ‘yung bigat sa loob niya-- bagay na hindi ko nagawa noon.
And lastly, sisiguraduhin kong hindi siya mamamatay, for the second time. I want him... with me in the future.
This letter will be sealed inside a mini treasure box and thrown off to the river of Sallingsund Bridge. I want you to carry our memories... until we meet again.
Love, Sakura.
And just like that, my heart skipped a beat. For a moment my body felt so numb. Parang hinahatak ang hininga ko pababa. Then suddenly, isa-isang nagpasukan sa isip ko ang mga bagay na hindi ko akalaing makikita ko.
It was... the memory of me together with Sage. Iba-ibang eksena. Hindi ko mawari sa bilis pero tumatatak sa utak ko na magkasama kami, na masaya kami sa piling ng isa't-isa.
Until the last picture that appeared... I saw him... smiled.
Mabilis akong napayuko at napahawak ang dalawang kamay sa ulo. Pakiramdam ko pumipintig ito, kumikirot, dahilan para mapapikit ako ng mariin. What is the meaning of this...? Am I the one who really wrote that? But... how? Ibig sabihin 'yung panaginip ko kay Sage ay totoo? Ibig sabihin 'yung biglang paglitaw ng imahe niya sa isip ko kahit hindi ko pa siya kilala ay dahil sa... may namagitan sa amin dati?
The letter says, limang taon na ang nakakalipas... so does that mean I came from the future and wrote the letter to him?
Tapos ngayon... nagkatotoo at heto, bumalik ako sa nakaraan?
Umiling-iling ako na parang nababaliw na. Hindi alintana na nasa library ako't maraming tao. Para sa 'kin, wala na akong pakialam. Ang gulo-gulo ng sitwasyon ko. Nitong mga nakaraan ay naghahanap ako ng eksplenasyon tungkol sa mga nangyayari sa 'kin, pero ngayong nasagot na, hindi naman ako makapaniwala.
Kaya ba... gano'n nalang ang pagtibok ng puso ko noong una ko siyang napanaginipan? Kaya ba nakakaramdam ako ng kaba kapag nandiyan siya dahil dito?
Fuck. This is not fucking normal.
Pinilit kong iangat ang ulo ko at ipasok sa bag ang mga nilabas kong gamit-- kabilang na ang sulat na nabasa ko. Tumayo ako at marahas na pinunasan ang mga luhang nagsibagsakan. I'm outta' here, I can't take it anymore.
Nakayuko akong naglakad ng dire-diretso. Kahit alam kong may mga tumitingin sa 'kin ay hindi ko na pinagtuunan ng pansin. Hanggang sa tuluyan akong makalabas ng building.
Humawak ako sa dibdib ko't napasinghap. Nararamdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko, sa isang iglap, para 'kong kinuhaan ng lakas.
Dahil do'n ay napayuko ako at napahawak sa dalawang tuhod ko. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak sa gano'ng posisyon. Hanggang ngayon, naka-rehistro pa rin sa isip ko si Sage at ang nakaraan namin na kanina lang nagsi-pasukan sa isip ko, at nasasaktan ako sa hindi malamang kadahilanan.
Kinuha ko ang cellphone sa bag, nanginginig ang kamay ko habang tinatawagan si Eren pero hindi ito sumasagot. Pinunasan ko ang mata ko bago lumipat na tawagan si Dash pero... hindi ko siya ma-kontak.
The fuck with that assignment. I need to go home!
Sa huli ay wala akong choice kundi ang maglakad palabas ng campus habang nananatiling nakahawak ang isang kamay ko sa naninikip kong dibdib. Unti-unti na rin nagpaparamdam ang hilo ko at parang pagod na pagod ang katawan ko.
Grabe 'yung epekto sa akin ng sulat... lalo na ng mga alaalang pumasok sa isip ko.
Sinikap kong maglakad ng normal hanggang sa makalabas ako ng school. Pwedeng lakarin ang subdivision namin mula rito pero hindi ko na kaya. Nag-abang ako ng taxi, o kahit tricycle pero lahat ay may sakay.
Naglakad pa 'ko ng kaunti, pero mukhang hanggang doon nalang ang kaya ng katawan ko dahil sinakop na ng panlalabo ang mga mata ko hanggang sa tuluyan nang naging blangko ang lahat.
Huli kong naramdaman ay ang mga braso na sumalo sa akin.
~ × ~
It was afternoon, as I took a step outside the campus, the humid air turned cold. Looks like a storm is expected.
Hindi pa naman pumasok si Eren ngayon dahil sa photo shoot niya. Si Dash naman ay busy sa kanilang gaganapin na play next week. At dahil hindi ako girl scout, wala akong payong.
I guess, magta-taxi nalang ako.
At that moment, a black motorcycle pulled up beside me. He slided up the face shield, exposing Sage stony expression.
"Hop in before the rain starts, I’ll take you home."
Sandali pa 'kong natulala sa kan'ya pero dahil sa pag-ihip ng malakas na hangin ay pumayag na rin ako. Mukhang hindi magandang maabutan sa labas ang paparating na ulan.
Inabot niya agad sa 'kin ang isa pang itim na helmet na agad ko namang sinuot. Sumakay na rin ako kahit na kinakabahan. Ilang beses na niya 'kong naisakay rito pero hanggang ngayon natatakot pa rin ako.
But of course, I trust this man.
Wala pa sigurong trenta minutos nang makarating kami loob ng subdivision at huminto sa mismong tapat ng bahay ko. When the rain suddenly poured.
"Shit," he cursed.
Sa pagmamadali ay pinababa ko muna siya at pina-parke ang motor sa gilid. Pinapasok ko siya sa bahay. Hindi naman siya tumanggi dahil sa lakas na rin ng ulan, delekado.
Dumiretso kami sa visitor's lounge, kung saan may mahabang wooden chair at table. Sinara ko ang malaking transparent glass door at kumuha agad ng towel para sa kan'ya. Binuksan ko na rin ang cooler at nilagay sa warm.
I felt so sorry. He just took me home, and now he's all wet. Actually we're both soaking wet.
"Hey, I’m sorry for getting you out in a rain like this." I sighed.
"It’s okay..." Him, drying up his hair.
Napatitig ako sa kan'ya. He looks really handsome and all. But he's more good-looking when he smile.
Bagay na mailap makita sa kan'ya. But don't get me wrong, he's undeniably a good person.
"I love you," At that moment, my mouth worked faster than my brain. Naiwas ko tuloy ang mata sa kan'ya. I should've not said that! Nakakahiya...
"I-I mean, who doesn’t?" I trailed off. My heart palpitated. Geez.
Sage stood up after drying his hair, he folded the towel and handed it to me. Wala naman akong nagawa kundi ang kunin 'yon.
But when our eyes met, I froze.
He suddenly smiles... he is smiling at me.
"I’ll keep that in mind," He muttered. There was a hint of joy in his voice.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro