Chapter IV
4.
Hanggang sa makarating ako ng school ay binabagabag pa rin ako ng iniisip ko. Hindi pwedeng namamalik-mata ako sa panaginip ko. I saw him, patently, on the point of death.
Pero... bakit? Ang daming bakit na tumatakbo sa isip ko ngayon. Tila dinagdagan ang ka-lituhan sa isip ko.
Bakit dalawang beses siyang pumasok sa panaginip ko? Bakit iba 'yung pakiramdam ko sa paggising ko? Bakit pakiramdam ko totoo ang lahat? No'ng hindi ko pa nakikita si Sage, bakit lumabas na ang imahe niya sa isip ko? Bakit feeling ko kunektado kami? Bakit ganito 'yung nararamdaman ko sa kan'ya? At... bakit si Sage?
Sa sobrang lalim ng mga iniisip ko, hindi ko namalayan na nakapasok na pala ako sa classroom-- at nakatingin kay Sage.
Nakayuko na naman ang ulo niya sa mesa.
"Sakura!"
Napatingin ang mata ko kay Eren at naglakad na sa upuan ko. Bigla niyang inabot sa 'kin ang isang maliit na kulay puting box.
"Look what I made you," binuksan niya ang box at agad bumungad sa akin ang tatlong pirasong tinapay, "This is 'Pesto Chicken Avocado Panini,' Sakura. I made you a healthy breakfast." He winked.
Napaamang ako. Naramdaman ko sa palad ko na mainit-init pa 'yung tinapay. I smiled at him, "Thank you, Eren. I think I'm gonna eat this later after the P.E."
"No problem. Drink your meds."
I nodded, "Of course."
Hindi naman na bago sa akin ang ganito. Since pasyon ni Eren ang pagluluto, highschool palang marami na siyang alam do'n. Minsan magdadala siya sa school para ipatikim sa amin ni Dash, pero mas madalas kapag nando'n kami sa kanila, pinagluluto talaga niya kami ng mga best dishes niya. Pagdating sa pagkain, walang hindi masarap sa mga gawa niya.
I turned to Sage, only to find out he's now in his proper sit, his cold frigid eyes are on the board.
Well, should I... uh, talk to him?
I conciously cleared a throat, but he isn't looking my side.
I heaved a deep sigh. My heart is starting to pound rapidly. Para bang sasabak ako sa isang graded recitation, nakakakaba.
Mas humarap pa 'ko sa kan'ya. "S-Sage!" Gusto kong pukpokin ang ulo ko dahil napalakas 'yung tawag ko sa kan'ya dahilan para mapatingin 'yung apat na lalaking nasa harapan lang namin. Pero agad din naman nila 'kong binalewala.
At ayun, nakuha ko rin ang atensyon ni Sage.
He shot me with those unexpressive eyes. I tried to smile at him. "S-Sage... ano kasi, 'yung activity natin sa Financial Engineering, tayo 'yung magka-pares." There you go, hays.
Lalo akong kinakabahan sa tingin niyang walang kaemo-emosyon. Pero hindi 'yun, e... kinakabahan ako sa presensya niya. Kumakabog ng malakas ang puso ko.
"Right," he answered quietly and continue, "Is it fine if we start tomorrow?"
Before I could speak a word, he cut me in.
"I need to go home early today." Kalmado niyang ani.
"K-Kung gano'n, okay lang..."
"Thank you," he went on, "Tomorrow. 3:30pm, at the library."
Matapos niyang sabihin 'yun ay muli na siyang humarap sa whiteboard. Sakto no'n ay ang pagdating ng Professor namin. Pero kahit gano'n, hindi ko mapigilang sumulyap-sulyap sa kan'ya.
Walang emosyon at sobrang lamig ng mga mata niya. Pero sa kabila no'n, ay ang pagiging kalmado ng boses niya.
Napahinga ako ng malalim. Tama nga ako. His face really look the same with the guy in my dream. I remembered it crystal clear. But if he is, bakit naman gano'n ang nangyari? He... would really commit suicide?
Anyways, since the class started, medyo nawala na ang kaba ko. Mayro'n pa rin naman pero hindi na sing-lala ng kanina.
I wonder why did I always feel nervous with him.
~ × ~
Dumausdos at sumubsob ako padapa sa lupa matapos habulin ang bola. Sa sakit ng tinamo, napakagat agad ako sa ibabang labi ko. Nag-umpisa na rin bigla ang pagtaas-baba ng dibdib ko.
Naramdaman ko agad ang paglapit ng ibang kaklase namin-- lalo na ang nag-aalalang si Eren na agad akong inalalayan paupo.
"15-06!" Sigaw ng kaklase naming lalaki.
Narinig ko ang ilang daing ng mga kaklase ko, lalo na 'yung mga babae. Tila nanghihinayang sa inabot naming puntos sa basketball-- P.E. namin. Nahati kasi ang klase sa dalawang grupo, team A at team B. Sa kasamaang palad, hindi ko kasama doon si Eren o kahit man lang si Sage.
Pumito naman ang Professor namin pagkalapit. "Are you alright, Ms. Furukawa?"
"O-Opo," Saka ako napahawak sa dibdib ko.
"May 10 minutes pa tayo pero sige, idi-dismiss ko na kayo. Akin na 'yung mga index card ng bawat team. Free style game lang 'yung pinagawa ko ngayon, class, pero next week magtuturo na 'ko ng laro." Anas niya sa lahat habang binibigay ng mga leader ang index cards.
"Swerte natin, nasa atin si Eren saka Sage!" Usal ng kaklase kong babae sa kaibigan.
"Yeah! I know right! Galing kaya nila kanina. Balita ko varsity player at Captain 'yang si Eren, e. Sheeet, we're lucky."
"Oo! Kaya nga crush na crush ko 'yan, e."
At saka sila naghagikgikan sa gilid.
I feel them. Kung tutuusin kanina sa laro, lugi kaming team B. Kaya nga 06 ang score-- idagdag mo pa na hindi ko nakuha 'yung bola kaya sa huli sumubsob lang ako sa sahig.
Matapos magpaalam ng Professor namin ay inalalayan na 'ko ni Eren na maupo sa unahang baitang ng bleachers. Binitbit niya pa 'yung gamit ko at dinala sa 'kin. Matapos no'n ay lumuhod siya sa harapan ko at tinignan ang sugat sa tuhod ko-- na hindi ko napansin agad.
"We should go to the clinic," aniya.
Aksidente namang napatingin ako sa likod ni Eren. Nakita ko si Sage na nakatayo doon at kausap ang dalawang kaklase naming lalaki, 'yung ka-team nila. Mukha naman silang nagtatawanan-- except kay Sage na walang ekspresyon at hindi ngumingiti.
Mukhang wala talaga sa vocabulary niya ang ngumiti.
"Sakura?"
Bumalik ang mata ko kay Eren na nakatingala sa akin. "I said we should go to the clinic. By the way how are you feeling?" Inusisa pa niya ang braso ko at siko kung may sugat pa.
I let out a heavy sigh. "Actually I'm kinda exhausted."
Dala ng pagod at pagkadapa ko, nag-iiba bigla ang tibok ng puso ko. Para na naman akong maghahabol ng hininga maya-maya. Perks of having a heart disease...
"Here," He handed me a warm bottled water. Ininom ko naman 'yun.
"Feeling ko hindi mo kaya ang basketball-- or any kind of sports. Please, next week, umupo ka nalang. Ako nang bahala makipag-usap kay Sir."
Nakipagtitigan pa ako kay Eren. Gusto kong ipahiwatig na hindi ko gusto ang suhestiyon niya pero dahil kailangan ko rin isipin ang sakit ko, sa huli, tumango nalang ako.
He nodded and let out a smile.
Umayos siya ng tayo at akmang aalalayan niya na ako nang may tumawag sa kan'ya at lumapit sa amin.
"Captain Eren!" bulalas ng lalaki.
"Jeff?"
"Pinapatawag ang mga Team Captain sa faculty ni Coach. Punta ka na."
His eyebrows knitted, "What for? Malapit naman na ang training ah?"
"Meeting niyo yata," Pagkibit-balikat niya.
Nilagay ni Eren ang isang kamay sa bewang at tila nag-isip pa, saka ito lumapat sa akin. I smiled at him, telling I'll be fine alone here.
Alam ko naman kasing 'yun ang iniisip niya. To think na may sugat pa 'ko sa tuhod. Wala rin kasi si Dash dahil oras ng klase nila ngayon. Kami nama'y last subject na itong P.E. ngayong araw.
Eren turned again to the guy, "Can I atleast take her to the clinic? As you can see she's wounded."
Bahagya akong nahiya sa sinabi niya kaya tinakpan ko ng bimpo ang sugat ko. Umiling-iling ako sa kasama niya. "O-Okay lang ako. Eren, sumama ka na. I'll be fine."
"No you're---"
"I’m fine. Magpapahinga muna ‘ko rito tapos uuwi na rin. You go ahead." I uttered. Convincing him. Alam ko kasing sa mga ganitong senaryo, mahirap mapa-payag si Eren. He's always caring, both Dash and I knows that.
Matapos ang ilang sandali ay napabuga nalang siya sa hangin. "Alright,"
Nilagay niya ang sariling bag sa tabi ko, "I'll be right back,"
Kumunot ang noo ko agad. "Huh? What time is your training?"
"4pm. 3:35 palang. Magpapahuli muna 'ko mamaya sa training, I'll drive you home first." Hindi na 'ko nakapag-salita nang tanguhan niya na ang kasama at sabay na silang lumakad palayo.
Makulit talaga...
I heaved a long sigh the moment he was out of my sight. Rest my back at the bleachers and gazed in front-- that's when I knew Sage has already left.
Uminom nalang ako ng tubig at kinalma ang sarili. Sana lang ay 'wag umatake ng sakit ko sa nangyari kanina lalo't nag-iiba ang tibok ng puso ko ngayon. Baka dahil sa 'kin, hindi makapag-training si Eren. Ayoko mangyari 'yun.
Kumuha ako ng tissue sa bag at dahan-dahan pinunasan ang sugat ko sa tuhod. Hindi naman gano'n kalaki, pero madugo.
"Hindi ako makapaniwala, Bonnie. High school palang nag-confessed na ‘ko sa kan‘ya pero ang sinagot lang niya, 'thank you?' Tapos ngayong 1st year college, 'thank you' na naman?" Hindi ko namalayan na may dalawang babae na pala ang nakalapit at umupo malapit sa tabi ko. Base sa boses ng isa, mukha siyang nag-aamok.
Minadali ko ang paglilinis ng sugat ko. Ayokong magmukhang nakikinig sa usapan nila.
"I feel sad about that, Stacey. Pero baka ibig sabihin nito ay tama na?"
"He dumped me twice, ngayon pa ba 'ko titigil?" Napatakip siya ng mukha, "Mahal ko siya, e... gusto ko siya makasama sa date. Kahit isang beses lang, Bonnie. Atleast kahit hindi kami, maramdaman ko sa kan'ya na parang kami talaga."
"How long are you gonna dream, my friend?"
"It might look a dream but I love Sage! I’m not gonna give up."
Saktong pagkatapos kong maglinis ay narinig ko ang pangalan na iyon. Natigil ako at dahan-dahang napatingin sa kanila. Nakita ko ang dalawang babae, pero mas napansin ko 'yung isa na kulay brown ang mahaba at kulot na buhok. Mala-porselana ang kutis niya at matangos ang ilong. Natural din ang mahaba niyang pilik-mata na talagang nagbigay ganda lalo sa kan'ya. She's... totally gorgeous.
She pouted, "Hindi ba siya nagagandahan sa ‘kin? Mabait din naman ako..."
Natawa ang kasama niya sa kan'ya. "That’s a challenge for you, my friend. Pa-hard to get talaga si Sage. Buti nalang gwapo siya, atleast bumagay." At muli itong natawa.
Inalis ko ang tingin sa kanila nang biglang tumibok ng malakas ulit ang puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko at lumunok. Umaatake na ba ang sakit ko? Cannot be!
"Ang hirap din kasi niyang lapitan. Parang walang gana makipag-usap lagi."
"Hahaha! May mga kakilala din akong type si Sage, pero hindi naman to the point na nagco-confess sila! Ano kaya kung ikaw na ang manligaw? That would be hilarious! Hahaha!"
"N-Nakakahiya ‘yun ano!"
I bit my lower lip as the beat came with a slight sting in my heart. Humigpit ang kapit ko sa bag ko habang nakatingin sa sahig. No, this isn't about my disease. I can still breath properly.
Tumayo ako at binitbit ang gamit namin ni Eren palayo sa dalawang babae. Lumipat ako sa pang-apat na baitang ng bleachers, sa harapan nila. Atleast malayo ako't hindi naririnig ang mga boses nila.
Naupo ako do'n at inubos ang tubig sa bote. Umihip ang hangin sa gilid ko. Napapikit ako do'n at pinakiramdaman ang sarili.
'Yan... I feel a bit better.
Ewan ko kung ba't biglang naging gano'n ang dating kanina sa loob ko. Para bang may sariling isip ang puso ko. Samantalang hindi ko naman ma-gets kung anong gustong ipalabas nito. Alam ko kung inaatake na 'ko ng sakit ko at hindi 'yun gano'n. Hindi ako nahirapan huminga, o kahit man lang paghihilo wala. 'Yung puso ko lang talaga 'yung kakaiba.
It's really weird, I know.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro