Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter III

3.

One of our Professor decided to have an activity called, 'Financial Partnership,' ang astig 'di ba? Kauumpisa lang ng klase, may usad kaagad. Gan'yan ang Professor namin sa Financial Engineering.

But it's not an activity you always knew, it's an activity assignment. Kung sino ang magkatabi, sila ang magkapareha para sa activity na 'to. Akala ko pa nga ay si Eren ang makakasama ko, pero... I end up with Sage, who was in my right side.

"Gusto kong magreklamo sa Professor na ‘yon para ilipat ako ng grupo pero nakakahiya. Baka sabihin ang arte ko. "Eren hissed in disappointment.

Nandito kami sa tapat ng malaking court, nakaupo sa bleachers. Since lunch break naman, dito na namin napag-pasyahang kumain dahil ayaw ni Eren sa cafeteria. Bukod sa maraming tumatawag sa kan'ya, masikip pa.

Kanina no'ng palabas kami ng classroom, reklamo n'ya na 'yan. Hindi ko naman kasi siya masisisi, sinama kasi siya sa dalawang babae na halos hindi daw magsalita dahil sa hiya sa kan'ya.

"E, maarte ka naman talaga, e? Babae na lumalapit sa ‘yo inaayawan mo pa!" Hirit ni Dash habang ngumunguya ng chocolate-- isa sa mga pinabibigay ng mga babae kay Eren, pero sa amin din bumagsak.

Inis na napakamot ng ulo si Eren. "Nakakainis!" bumaling ito sa 'kin, "Ikaw, Sakura, ayos ka lang ba? You looked uneasy awhile ago."

Pagkasabi niya no'n ay muli na naman akong dinapuan ng kakaiba. Para akong kinakabahan na ewan. Kanina nang bigyan kami ng pagkakataon mag-usap-usap sa mga ka-partner namin, hindi ko nagawang lumapit kay Sage. Nakatungo lang siya sa lamesa niya at hindi gumagalaw ro'n. Hindi ko tuloy alam kung gising siya o ano.

Kaya sa huli, hindi ko siya nagawang kausapin regarding sa activity. Bukod sa gano'n ang itsura n'ya, nahihiya rin ako.

Pakiramdam ko kasi talaga, kilala ko siya, e. Kung siya 'yung lalaking nakita ko sa isip kahapon at kanina... bakit naman bigla kong maiisip 'yun? Ibig sabihin lang no'n, kunektado talaga kami sa isa't-isa.

Maaaring... nagkita na kami noon at nagkakilala. Hindi ko lang matandaan kung kailan 'yon.

I faltered when Eren suddenly showed up his face in front of me, shaking his one hand, "Hello? Sakura are you with us?"

I'm overthinking again...

I shook my head and gently pushed him. "Y-Yes, of course."

Pinanuod ko nalang ang mga naglalaro ng volleyball na nasa harapan namin-- siguro mga kagaya ni Eren, players ng school.

"Bakit? Ano nangyari?" Usisa ng isa.

"Does that guy rings a bell to you?" Tanong muli ni Eren nang hindi pansinin si Dash.

I looked at him with a worried expression. Nababagabag ako. Dalawang araw lang ang binigay ng Professor namin para ipasa ang activity, pero hindi ko pa nakakausap si Sage. On top of that, is my hopelessly muddled feelings towards our connection.

Do we really have a connection? If no, then why would he appeared in my head that sudden.

Sakura... you're really confuse af.

I was about to open my mouth to speak when a ball suddenly hit me in my head. Narinig kong tinawag ako ni Eren at agad niya akong inalalayan kahit nakaupo pa rin naman ako. I stroke my forehead subconciously.

"Nahihilo ka?" Eren quickly asked.

Umiling naman ako. "Medyo masakit lang---"

hindi pa ako natatapos magsalita nang tumayo ng tuwid si Eren at humarap sa mga babaeng naglalaro ng volleyball, nakatingin sila sa amin, lalo na kay Eren.

He's not saying anything, but he's darting a warning glare with a straight face.

"Pst! Eren! Stop scaring them!" Mahinang singhal ni Dash rito.

Pero hindi nagpatinag ang isa.

They look terrified, hanggang sa magsalita na ang isang babae sa baba, "S-Sorry, hindi namin sinasadya ‘yun. N-Napalakas lang..." mababang aniya.

Kinuha ko ang bola sa paanan ko at pabatong binalik sa kanila 'yon. I smiled at them, "Okay. Apology accepted."

"T-Thank you," saka na sila nagsilayasan.

Dash and I sighed at the relief while Eren, sat beside me with his worried expression, "Don’t hesitate to tell me if you feel something in pain or what."

"Of course she would!" Dash exclaimed, "You dared terrified those pretty girls, Eren!"

"Tch! I didn’t do anything!"

"Your devishly stare! Devil."

"What? You can’t even call that devishly, Idiot."

Napabuntong hininga nalang ako sa kanilang dalawa. Naiintindihan ko si Eren, takot lang siya na may mangyaring masama sa akin. He's always been like that. Hindi na 'yun bago.

Ngayon... kailangan kong isipin kung paano ko malalapitan si Sage. Nahihiya ako. Pero sana mamaya, bago mag-uwian, makausap ko siya kung kailan namin ito gagawin.

Ayoko mapahiya sa Professor dahil hindi namin ito nagawa ng maayos.

~ × ~

Kakatapos lang ng huling subject. Uwian na, pero hindi ko pa rin nakakausap si Sage tungkol sa assignment namin.

Sabi ko kanina, lalapitan ko siya tutal katabi ko naman. Pero... ayaw talaga ako lubayan ng hiya. Sa t'wing babalakin kong lumapit o kahit magsalita man lang mula sa pwesto ko, inuunahan ako ng kaba-- kabang hindi ko alam kung bakit sa kan'ya ko lang nararamdaman.

Hindi pa rin siya tumatayo mula sa upuan niya. Nananatili siyang nakaupo at nakayuko habang nagtitipa sa kan'yang cellphone.

Humugot ako ng malalim na hininga. Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Kakausapin ko lang siya, 'yun lang. Kaya please, makisama ka. Nakakapagtaka lang na bakit parang hindi man lang siya aware na kami ang magka-pareha? Hindi man lang siya nag-aabalang magtanong sa akin.

Pinilit kong iwaksi pansamantala ang hiya at kabang nararamdaman ko para kausapin siya. "Excuse me---"

"Ihahatid na kita, Sakura. Bukas hindi na kita maihahatid, may training na ‘ko."

Entrada bigla ni Eren dahilan para mawala bigla ang inipon kong lakas ng loob.

Tinapunan ko ito ng tingin pero pagbalik no'n kay Sage ay nakatayo na siya at palabas na ng pintuan.

Sinubukan ko pang humabol, "T-Teka lang!" Sumilip ako sa labas ng pintuan pero hindi na siya makita ng paningin ko.

What the hell... Eren...

"Huh?" nakalapit na ito sa 'kin, sumilip din siya ng pinto pero ilang mga babae ang naabutan n'ya na kinawayan siya agad. Bumalik ito agad sa loob, "Geez, bakit sino ba hinahabol mo?" Tanong n'ya sa akin.

I heaved a sigh, "S-Si Sage."

"Okay lang ‘yan. Makikita mo pa siya bukas. Doon tayo dumaan sa likod ang daming nakaharap na babae dito." Hinatak ako ni Eren sa kamay at katulad ng sabi n'ya, sa likod ng pintuan kami dumaan.

"Pero Eren, kami ang magka-pareha sa activity. Tapos mukhang hindi niya pa alam na ako ang kasama niya. Parang hindi siya aware." Bulalas ko habang naglalakad kami sa hallway. Patuloy ang tinginan ng ilang mga babae sa 'min, lalo sa kasama ko na diretso lang ang tingin.

"For sure he knows that," sagot nalang niya.

"Two days lang ang binigay sa ‘tin. I need to talk to him."

Hanggang sa makasakay kami ng elevator. Katulad kanina, marami pa ring tao. Pero dahil nakita nila si Eren ay nagbigay daan sila dito na animo'y isang diyos, nagniningning ang mga mata habang pinupuri ito.

Hindi ko masisisi ang salubong na kilay ni Eren. Siguro, hindi na talaga siya nasanay noon pa.

Saktong paglabas namin ng building nang may lumapit sa amin na dalawang babae. Nakangiti sila pero batid ang hiya sa mukha.

"H-Hi, Eren. Uhm... ano..." nagkakatinginan pa sila ng kasama niya.

"What?" Bagot na sagot nito.

Para naman silang nagulat, "A-Ah! Kasi ‘di ba magka-grupo tayo sa Financial Engineering?"

Sila pala 'yung kaklase namin.

"Bukas sana, sa uwian gawin na natin dito---"

"Go away." He cut her offhand.

Eren dragged me away from the girls who was both shocked from the guy's respond. Maging ako, gusto ko na nga lang mahiya sa sagot niyang walang kakwenta-kwenta.

Go away? So rude!

Binweltahan ko siya nang medyo malayo na kami. "Bakit ka naman gano’n sumagot sa dalawang ‘yun? Mamaya ma-misunderstand nila ang ugali mo!"

"Honestly, those two are so annoying."

"Because they’re shy? Of course they are! You’re a model and a varsity player."

Huminto siya at napabuga nalang sa hangin. Alam ko namang wala siyang interes sa mga babaeng nagkakandarapa sa kan'ya, it's just that sometimes, or should I say always, he has this audacity to show.

He eyed me from the side, "A model and a varsity player, not a famous celebrity. Sino ba namang hindi mauurat? Highschool palang ganito na, hanggang ngayon ba naman? They’re treating me like a goddamn celebrity. Kulang nalang bodyguards! You know, when you’re surrounded by those kinds of people, it’s hard to have a normal life." Saka siya tumigil at ginulo nalang ang buhok sa iritasyon.

Hindi ako nagsalita at bahagya nalang napangiti.

Lumagpas ang mata ko kay Eren, bigla akong dinapuan ng kaba nang makita ko ulit si Sage na nasa likuran niya hindi kalayuan sa amin. Nakatayo ito at may kaharap na babae... isang magandang babae.

Should I talk to him while he's still here?

Biglang bumalik ang nararamdaman ko kanina sa classroom. Parang bigla ay gusto ko nalang sundin ang sinasabi ni Eren na ipagpabukas ko nalang pero... paano kung dapuan ulit ako ng hiya?

Nakakainis. Hindi ko talaga maintindihan kung anong nangyayari sa akin. Bakit ba ganito ang kaba ko? Unang-una, hindi ko siya kilala, pero navi-visualize ko agad ang mukha niya. Pangalawa, bakit noong nakita ko na siya... lalong lumala 'yung nararamdaman ko? Na parang nagkakilala na kami?

Ito na ba 'yung tinutukoy ni Eren no'ng nagkausap kami sa Sunshine Valley?

"Do you wanna talk to him now?"

Noon ko lang na-realize na nakatingin na rin pala si Eren kay Sage.

Umiling ako. I wanted, but I...

"Alright," hindi pa 'ko nakakasagot nang hatakin ako ni Eren bigla sa kamay at dalhin na palabas ng school. Namataan ko na may mga babaeng palapit sa pwesto namin, kaya siguro hinatak na naman ako ni Eren.

Bumalik ang paningin ko kay Sage pero... iniwan na pala niyang nakatayo doon ang babae.

~ × ~

Napabalikwas ako ng upo sa aking higaan. Hingal na hingal ako, pinagpapawisan kahit bukas naman ang aircon ng kwarto. Isa na namang panaginip ang nagpakita...

Katulad ng nauna kong panaginip, para akong bumalik doon at muli na namang nakita ang lalaki sa gitna ng daan. Same scene, same atmosphere, same feelings.

But one thing's for sure...

Napahawak agad ako sa dibdib ko dahil sa malakas na pagkabog nito. Pakiramdam ko, nahihirapan akong lumunok dahilan para mapayuko ako at lumapat ang mga mata sa aking kumot.

Hindi ko alam... I'm fucking desperate to know why is this happening to me. That scene, I saw him dead, he committed suicide. And I was... really heartbroken to saw him soaked in his own blood.

Hanggang ngayong paggising ko, pakiramdam ko ang sakit-sakit ng dibdib ko. Parang totoo ang lahat. Muling bumalik ang lungkot at sakit na naramdaman ko noong unang beses ko 'yong nakita sa panaginip.

He... even appeared in mind suddenly. Noong una ko 'yong napanaginipan, malabo ang mukha niya. But now...

It's very clear.

The guy who cropped ups in me... the guy in my dream... and my classmate-- my partner in one subject activity... were one and the same.

Yes, it may look impossible but yes... he is.

It's Sage Valverde.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro