Chapter II
2.
Hindi ko sinabi kay Eren kung anong nakita ko kagabi sa isip ko nang mamataan ang isang produkto sa C-Factory, 'yung oatmeal chocolate chip bar. Gusto ko kasing mamasyal pa sa ganda ng lugar doon at kapag nalaman ni Eren na may nararamdaman ako sa katawan ko o may nakakapagpa-bahala na naman sa 'kin ay pipilitin ako nitong umuwi.
Sinabi ko nalang sa kan'ya na nagandahan at humanga lang ako sa mga disenyo ng chocolate sa store. Hindi pa siya naniniwala no'ng una, pero sa huli ay tumango nalang ito sa 'kin.
Ngayong araw ay wala si Ate Hilda. Atleast once a week, dumadalaw siya sa pamilya niya na nasa probinsya-- kaya nandito ako ngayon sa bahay nila Eren.
Habang babad ang mga paa ko sa swimming pool nila ay biglang may tumalon sa tubig, agad akong napapikit dahil sa lakas ng talsik na tumama sa mukha ko-- at lumapit sa akin ang malaki at makulit na aso-- si Nere, ang golden retriever ni Eren.
Obvious naman na walang maisip na pangalan 'yung amo niya, 'di ba?
Hindi ako madalas nandito pero alam kong palagi itong ginagawa ni Nere, ang magtampisaw sa pool. Sa init ba naman ng panahon, e.
Naging malikot ito sa paa ko, galak na galak na muli akong nakita.
"Hello, Nere, you missed me?" Tanong ko kahit na alam ko namang hindi ako sasagutin nito.
"Nere!" I heard Eren yelled. May dala itong trey na naglalaman ng pagkain, "Sakura, you’re soaking wet." Saka niya binaba ang hawak at lumapit sa amin.
Paglapit ni Eren ay siya namang langoy ni Nere sa gitna, sakto namang nando'n ang bolang laruan nito.
Napangiti nalang ako kay Nere habang naglalaro sa tubig. Narinig kong napabuntong hininga si Eren at umupo sa tabi ko. Nakatingin rin siya sa alagang aso.
"Makulit na aso," Lumingon ito sa 'kin, "May pasta at orange juice do’n, let’s eat?"
Inalalayan akong tumayo ni Eren saka dumiretso sa lamesang nandito lang din sa tapat ng pool nila. Siya nama'y pumasok muna sa loob ng malaking bahay nila-- and yes, we're at the same exclusive subdivision. Mayaman ang pamilya ni Eren. Politician ang daddy niyan kaya madalas ring wala rito habang ang mommy naman niya'y CEO ng kumpanya nila na balang araw, si Eren din ang magmamana.
Hindi lang gano'n ka-halata kay Eren. He's a humble gentleman, atleast to my eyes.
Sa kalagitnaan ng pagkain ko ng pasta ay naramdaman kong may malambot na bumalot sa balikat ko, isang malaki at puting towel.
Then Eren sat beside me, "How do you like the pasta I made? Delicious?"
I nodded, "Feeling ko talaga magiging sikat na chef ka sa future."
"Well, if you support me,"
"Of course I’ll support you. Dash and I will always support you, because we are bestfriends."
I noticed him paused for a seconds, I was about to ask him when he shrugged and whisk his pasta. "Silly, I’m not going to be a chef. I’m gonna take the place of mother’s position in her company."
Sasang-ayon sana ako sa kan'ya nang biglang may pumasok na imahe sa utak ko...
Isang lalaki na may itim at bagsak na buhok, matangkad, maputi... at walang emosyon ang mga mata.
Natulala nalang ako sa kinakain kong pasta at pilit na iniisip kung 'yun ba ang itsura ng lalaking una kong napanaginipan at lalaking pinagbigyan ko sa isip ng oatmeal chip. Kung iisa nga 'yun... bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang kunektado siya sa akin?
Sa nakaraang buhay ko ba talaga 'yon? O baka naman normal lang ito? Pero hindi, hindi ito normal para sa 'kin.
These has an explanation.
"Ereeeeen! Sakuraaaaa!"
Napatingin ako sa tumatakbong si Dash patungo sa direksyon namin. Mayro'n siyang dalang tatlong piraso ng pulang rosas at puting papel. Huminto ito sa harapan namin at naghabol ng hininga.
"B-Bastard! How did you come in?!" Eren yelled at him in slight annoyance.
Humawak ito sa dalawang tuhod niya at saglit pang naghabol ng hininga. I wonder what happened to him.
Nang makabawi ay inangatan niya ng tingin si Eren, "P-Para sa ‘yo..." Inabot niya ang bitbit ng rosas at papel.
Hindi naman nagbago ang itsura ng isa.
Umayos ng tayo si Dash sabay bagsak ng sarili sa upuan. May halong ngisi ang labi n'ya, "Bilib talaga ‘ko sa mga babae mo, pre. Alam na alam nila lahat tungkol sa ‘yo. O eto, pinabibigay ng isa sa kanila."
I see...
Tinanggal ni Eren ang paningin kay Dash at pinagpatuloy kumain. "Throw them away,"
"Eren my boy, pumili ka na kasi ng isa sa kanila para tantanan ka na. Alam mo bang alam na nila agad na sa Towson University ka papasok bukas? For sure, hindi na naman magkakanda-ugaga ang mga iyon kapag nakita ka."
Eren seemed to choke on his own food, "Fuck?!"
Maging ako ay nagulat sa sinabi niya. Aware kaming dalawa ni Dash na high school palang, pinagkakaguluhan na itong isa. Maniwala kayo't sa hindi, babae ang nanliligaw kay Eren.
Paano pa ngayong college? Lalo't parte pa rin ng varsity si Eren.
Nilapag ni Dash ang mga hawak at sumeryoso. "Minsan gusto ko talagang makipagpalit ng mukha sa ‘yo. How to be you, Papa Eren?"
Naiiling nalang ako sa problema ni Eren. Minsan, hindi rin talaga nakakabuti kapag sobrang gwapo ng isang tao. Lalo na't pinalilibutan siya ng mga babaeng patay na patay sa kan'ya.
"No way,"
"Yes way!" bulalas ni Dash. Sinamaan siya ng tingin ng isa.
"Why do you keep accepting their gifts?! I don’t need those!"
"Papa Eren, ayoko lang na nakikita silang malungkot. It breaks my heart!"
"Tss! Itapon mo ‘yan!"
Suminghap si Dash na kunwari'y nagulat. "Devil,"
"Paano ka ba nakapasok dito?! Sarado ‘yung gate ah!" Singhal ni Eren.
"I climbed up?"
I looked at him perplexingly, "Pero mataas ang gate nila Eren, ‘di ba? Paano ka nakaakyat?"
Tumawa ito ng malakas, nangunot tuloy ang noo ko at lalong naburyong ang itsura ni Eren sa kan'ya.
"Kasi pag nag-doorbell ako, baka ‘di ako pagbuksan nitong si Papa Eren. Hirap-hirap pumasok dito sa subdivision niyo ‘no! Sorry na, Papa Eren, akin nalang ‘yan." Hindi pa nakakapag-react ang isa nang kunin niya na ang pinggan at kainin ang pasta.
Eren sighed resignedly and let him eat his pasta. His eyes suddenly shifted on me.
I couldn't help but to smile. Sigurado ako na iniisip na niya 'yung sinabi ni Dash kanina... the perks of being a good-looking and fine man.
~ × ~
Paalis na 'ko nang may iabot sa aking itim na sobre si Ate Hilda. Ang sabi niya sa 'kin, may nag-iwan daw no'n sa mailbox at naka-pangalan sa akin. Hindi na daw niya binuksan ang letter dahil masyadong silyado ang labas, isa pa, hindi talaga ugali ni Ate Hilda ang mangialam ng gamit na hindi para sa kan'ya.
1st day of school kaya naman maraming tao sa loob at labas ng building. If I'm not mistaken, my room number is 615, located at 6th floor.
I was really upset to see the line in the elevator-- ang haba! Nakakahilo ang dami ng tao, ingay at sikip dito sa ground floor.
Dahil ayokong maghintay sa mahabang pila, umakyat nalang ako ng hagdan. Kada dalawang floor, humihinto ako para magpahinga ng sandali. Mahirap na, unang araw, baka mapauwi ako ng maaga.
Pagdating ko sa 6th floor ay kakaunti nalang ang estudyante. Malamang nasa loob na ang iba, ang tanging magulo at kumpulan nalang ay ang tapat ng room ko-- 615.
Humakbang ako do'n habang pinupunasan ang pawis ko. Then I saw Eren...
"Naaalala mo pa ba ‘ko? Classmates tayo no’ng elementary! I’m Rose ann."
"Gumawa ako ng spaghetti para sa ‘yo. Sabi ko na nga ba dito ka mag-aaral. Ito oh, para sa ‘yo."
"Pwede ka bang makasabay mamaya sa lunch? Sige na oh..."
What the hell...?
I saw him surrounded by his fangirls again. His face looks fretful, undeniably troubled by these ladies.
"Katibayan na hindi lang puro sikat na artista ang pwedeng pagka-guluhan. Eren my boy is the living proof." Hindi ko namalayan na katabi ko na pala si Dash at nakatingin sa kanila.
I sighed, "We’re used to that,"
I was about to enter the room when Eren called me, "Wait, Sakura!" He excused himself and approached me, fixing his neck tie, "Damn it,"
Sabay naming pinasok ang classroom. Napapailing nalang ako sa kan'ya. Lalo kasing sumama ang mukha nito nang makita na hinahabol siya ng paningin ng mga babae sa loob. Everyone's looking at him intently.
Pabagsak siyang umupo sa likod, tabi ng bintana. Sumalumbaba siya at dinako ang mata sa gilid nito. Pero maya-maya ay hindi rin niya natiis ang mga tingin.
"H’wag niyo nga ‘kong tignan!" Singhal niya sa mga ito na kinagulat ng ilan.
"Eren..."
"Hmph," humalukipkip na lamang ito at humarap sa 'kin na salubong ang kilay. "Uminom ka na ba ng gamot mo?" tanong niya.
"Of coure I do,"
Magsasalita pa sana siya nang marinig naming sumigaw si Dash mula sa labas ng pinto. Napaamang ang bibig ko do'n samantalang narinig ko namang napa "tsk" nalang si Eren.
Dash showed his smile hesitantly, prompting those chocolates, lunch box and paper bags in his arms.
"Para sa ‘yo, Eren!" He mouthed.
Katulad kahapon... mayro'n na naman siyang bitbit galing sa mga taga-hanga ng isa.
I shook my head while Eren on the side whispered soft curses before licking his lower lip dramatically.
"Not again, Dash..."
Gusto mang magpaka-totoo ni Eren sa mga fangirls niya ay siya namang tutol ni Dash rito. So since he cannot just throw away those presents, at the end, Dash and I are the one's who benefited it.
Nang dumating ang Professor namin, doon na nagkaroon ng samu't saring pagpapakilala. Saktong pagkatapos no'n ay may kumatok sa labas ng pinto.
Sumilip ang Professor namin doon at niluwagan ang pintuan, kasabay no'n ang pagpasok ng isang lalaki.
Suot ang uniporme, naglakad siya papunta sa gitna at huminto. He has this perfectly angled jaw, his nose is high and proud, has a fair skin and an intimidating jet black eye. Medyo mahaba ang buhok nito dahilan para bahagya na itong umabot sa kan'yang walang emosyong mata. And he's... somewhat seems to be familiar.
Then for the second time, a sudden flash of image came in my mind.
The image of a guy I saw yesterday...
"I am Sage Valverde,"
My hand flew to cover my mouth in surprise. I couldn't take my eyes off him. My heart suddenly start to beat rapidly. For some reason, I feel like... I knew this guy.
Have I met him already?
Why... the guy in my head from today and yesterday... and this guy... have the same face? Ibig bang sabihin nito... iisa lang sila? But, why? I mean, what the hell?!
"Sakura," Eren nudged me, "Are you okay?"
Bago pa ako makasagot sa kan'ya ay naramdaman kong umupo na ang lalaki sa tabi ko. I looked at him. I feel nothing but coldness brought by his presence. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ramdam ko na parang kilala ko siya matagal na pero hindi ko alam kung bakit, kailan o paanong nangyari 'yun. Parang hindi ko maialis ang paningin ko sa kan'ya hangga't hindi ko nakukuha ang sagot. Pakiramdam ko kasi, may naaalala ako na hindi ko alam. Parang may gusto pumasok sa isip ko na hindi matuloy-tuloy.
Sage Valverde... who are you...?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro