Chapter 6
~Avoiding each other~
Nakalabas na si Silver sa hospital kaya balik school na siya after 2 days na pagkaka-confine dun. At dahil sa wala kaming praktis ngayon ay tumambay muna ako sa school kahit 6:50 am palang. Wala na kasi akong magawa sa bahay eh. Tapos ang aga ko pa magising. Nakaka-miss lang kasi walang Trace na nanggulo at nangasar sakin kaninang umaga. Pero naiinis rin ako kasi sanayin ko raw ang sarili ko ng wala siya sa tabi ko. Para ngang may ipinapahiwatig siya eh. Na dadating ang araw na hindi na ako ang lagi niyang kasama. Puro nalang yung babae niya. Ang bitter ng dating nuh! Wala eh.. Selosa ako ay este nasanay ako. -_- Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa bench kung saan kami naupo ni Phoenix dati. Tama siya, ang fresh ng hangin dito. Kaya pala madalas dito ung tambayan niya. Pumikit muna ako saglit para damhin ung simoy ng hangin. Tuma-titanic ang lola niyo! Haha.
"Angele.."- napamulat naman ako sa gulat dahil sa may nagsalita..
Waah! Ang gwapo niya ngayon! In all fairness ha!
"P-phoenix. Kanina ka pa dyan?"
"Hindi rin. But I saw you. You're cute."
Eeh! Kapag nakapikit lang ba? Wahaha.
"Sira! Nambola ka pa."- tapos umupo na siya sa tabi ko at naglabas siya ng libro. Mukhang horror ata. Hmm. Killer something something kasi yung nakita ko eh. Oh well. Boy siya eh.
"Bakit pala ang aga mo dito?"- tanong ko.
"Wala lang. Ngayon lang kasi ang mga free time ko ng ganitong oras. Stressed pa rin."- he smiled. Enebe! Wag kang ganyan!.
"Ah. "- un nalang ang nasabi ko at nagtingin tingin muna sa paligid.
"How 'bout you? Ang aga mo rin eh."
Napatingin ako sa kanya,"Ah kasi boring sa bahay,. Haha! Joke. Wala kasi akong magawa sa bahay tapos ang aga aga ko pa nagising."
Ginulo niya ang buhok ko,"Ano ka ba! Dapat natutulog ka ng mahimbing. 8 am pa naman ang start ng klase. Aantukin ka niyan. Hahaha!"- napatawa ako sa sinabi niya. I never thought na magiging close ko si Phoenix ng ganito. Dati kasi, kontento na ako sa simpleng pagngitian namin sa isa't isa at pagbati ng "hi or hello." Oh diba! Iba talaga kapag may pangarap ka! Haha.
"Oo na po! Hahaha."- at nagkwentuhan pa kami sa mga bagay bagay. Nasabi niya rin na nagbabasa siya ng wattpad pero horror nga lang. Tapos mahilig siyang magbigay ng mga advices katulad ng "Everything happens for a reason." at kung anu-ano pa. Sabi ko nga na try niyang maggawa ng love at teen fiction na story tapos sabi niya ita-try niya daw. Meron rin siyang nakwento sakin na nagfield trip daw sila at nung papunta sila ng EK ay nahiwalay siya sa mga classmates niya. Tapos, tin-ry niya sumakay sa roller coaster at iba pang rides. Nakakainggit lang at hindi ko maranasan ung mga ganung bagay. Baka kasi hindi pa umaandar eh atakihin na ako sa puso! Haha.
Tumayo na kaming dalawa,"Let's go? 5 minutes nalang.Grabe, ang dami kong nakwento sayo."
Napasmile naman ako,"Haha. Ok lang yun nuh! At least that way masasabi kong close na tayo."- nagsimula na kaming maglakad papuntang room.
"Hmm. I hope na maulit ito. I had fun talking to you."- at ngumiti na naman siya,. Yieee! Ang lucky ko naman hahaha!
"Sure! Haha.."- at pumasok na kami sa room. Naghiwalay na rin kami dahil ung seat niya ay sa left side at akin naman ay sa right side at sa kasamaang palad, katabi ko ang bestfriend ko na si Trace. Ok, *inhale, exhale* Wag mong ipakita sa kanya na you're weak. Kahit tapang tapangan lang ayos na. Then naramdaman kong dumating na siya at nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin siya sakin pero dineadma ko yun.
"Class, kung iniiwasan kayo ng taong mahalaga sa inyo, ano marahil ang gagawin mo?"- tanong ni Ma'am Caabay. At dahil sa may pagka-KSP ang kaklase namin na si Ivan, ayan tumaas na naman siya ng kamay.
"Oh! Tigres!"- tapos tinuro siya ni Ma'am kaya tumayo siya.
"Eh Ma'am.. Syempre iiwasan ko rin siya nuh! Pa-iwas iwas siyang nalalaman jan!"- napatawa naman kami sa sinabi niya. Gags talaga to si Ivan-tot! Haha. Puro kalokohan.
"Oo nga naman. Other ideas? *tumaas si Phoenix* Yes, Mr. Lazaro?"- tapos tumayo na si Phoenix.
Go Kyle! Kaya mo yan! for the 1st time! Hahaha.
"Gagawin ko po ay I'll try to talk to her/him kung ano ang problema para matulungan ko po siya sa bagay na iyon at kung may nagawa man akong kasalanan, I'll say sorry kung ano man ang nagawa ko."
"Ayun! yun oh!"
"Wow dude! Ikaw ba yan?"
"Gre! The best pare!"
Suddenly, tumingin siya sakin and he winked. He What???!! WINKED! Oo sakin! Alangan naman kay Trace diba? Pero, sakin! Sakin nga! Kaya, iniwas ko nalang ang tingin ko. Pesteng buhay oh! Shet.
"Wow. It's very nice to hear that from you Mr. Lazaro. Last idea. Oh yes! Mr. Palero."
O_O anu daw? Palero? As in Trace Angelo Palero? Wow ha! Kunwari'y deadma at di ko narinig na siya ung tinawag ni Ma'am.
"Ang gagawin ko, I'll give her space dahil hindi niya naman ako iiwasan kung wala akong nagawang mali o kasalanan."- he paused kaya hindi ko inaasahang mapatingin sa kanya at gayun din siya sakin. "Gustuhin ko mang kausapin siya ay hindi ko magawa dahil panay ang iwas niya sakin. So, I'll give ourselves separate time and space para makapagisip isip."- tapos nung pagtapos niya ay tumingin siya ulit sakin kaya napaiwas ako ng tingin at kunwari'y di ko alam na sinabi niya un.
"Ayiee! Dude! sino yun?"
"Wew! Hugot pa more Trace! Ang cute mo!"
"Iba na yan dude ha! Haha."
Pero wait lang ha, ako ba ang pinapatamaan niya? Oh. Not actually patama pero, parang ako ata ung tinutukoy niya eh. So, gusto niya pala akong kausapin. Hah! Ako din. :( Gusto ko rin siyang kausapin.
"Well, I was waiting for that answer Mr. Palero. By the way, are you referring to someone? Parang ang lalim ng pinanghuhugutan mo ha,Mr. Palero."- pabirong sabi ni Ma'am,. Sus! May paganyan-ganyan ka pa! If I know, gusto mo lang makasagap ng chismis! tss.
"Yeah. kind of."- tipid na sagot ni Trace. Pa-englesh englesh ka pa ha! wow!
"Ok. So, wala na rin namang masyadong time so quiz nalang tayo bukas. Goodbye Class."
Tumayo na kami,"Goodbye Ma'am Caabay."
Isang subject nalang ngayong umaga at lunch break na. Haist. Dahil sa wala akong masyadong gagawin, nag-basa nalang ako ng wattpad sa phone ko. Binasa ko yung Graveyard Lovestory ni Ate ChinitaSai.
A/N: Basahin niyo rin guys! Kakaibang lovestory to pramis! Hahaha.
Habang nag-babasa ako ay walang tigil sa pag-chismisan ang kaklase kong sina April at July.
"Ui pril! Grabe nuh! May dinedate na pala si Trace."
-_- Tss.. Huli ka na teh sa balita!
"Oo nga. San na ngang section yun?"
"Taga-bonifacio Pril! Grabe, spotted un sa canteen!"
Taga Boni? Sino kaya un?
"Oo nga Ly. Tsk! Kawawa naman si Phoenix my labs!"
Ha? Kawawa? Bakit naman nasama si Phoenix?
"Grabe nuh! Ang sakit sa part ni Phoenix! Tsk."
"Wala eh. Nag-padate na agad ung Alviance na yun! One month palang sila nag-break. Saklap!"
"Tara. Gora muna tayo sa Canteen. Baka andun sila."
At umalis na ung dalawang babae. Buti na nga lang at wala dito ung dalawang lalaking pinaguusapan nila eh. Pero, wait! Kaka-break lang ni Phoenix at ano yun? Beyonce? Ah basta! Yun one month ago! So, ex niya ung Beyonce na dinadate ngayon ni Trace? Waaah! Ang saklap naman oh! Kaya pala parang nagkakaiwasan na ung dalawang lalaki kasi dahil sa iisang babae. Tsk! Sino kaya ung Beyonce? Maitim din ba katulad ni Beyonce? Hahaha. Ang bad ko.
"Guys! Wala na daw next subject kasi may meeting ang A.P. department so Lunch time na!"- sigaw ni Kashie, ung president ng room namin.
"Don't shout! Para namang hindi ka namin naririnig!"- malditang sabi ni Lucy-fer. Demonyita kasi siya! Pati na rin kontrabida!
"Bingi ka daw kasi kaya no choice siya kaya sumigaw! Wahahaha!"- asar ni Blue sa kanya kaya nagtawanan ung mga naiwan sa klase including me.
"Urgh! You're always making sabat! Hindi naman kausap!"- sabi ni Lucy-fer with matching flip ang hair.
"Don't english me! Lucy-fer! You're so trying hard! Wahahaha!"- hindi na nakaimik si Lucy-fer. Tss. Masyado kasi siyang conyo magsalita! Akala mo sobrang kagandahan! Hay. At dahil sa wala naman akong mapapala sa sabatan nung dalawa, ay lumabas ako at yun naman ang pagpasok ni Trace kaya ang tendency, ay nagkabungguan kami.
"Ow! Ingat naman dude! Wahaha!"
"Sorry."- sabi niya.
"Sorry saan? Sa pagkakabungguan natin o sa sabatan natin kahapon?"- hindi ko na siya inantay pang magsalita at lumabas na ako. Wow! Nilamig ako dun! Shet.
"Excuse me Miss."- tapos napalingon ako sa kumalabit sakin.
"Yes?"- I said with a smile on my face.
"Is Trace inside your room?"
Uminit ulit ang ulo ko and nawala ang ngiti ko. So ito pala si Beyonce. Tss. Mukhang maarte. At dahil si Trace ang pinagusapan,
"Check it. May mata at bibig ka naman."- tapos mukhang nagulat siya sa inasal ko kaya umalis na ako.
Sorry, Miss Beyonce. Pero hindi ko maiwasang isipin na malandi ka.
-------*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro