Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

~Unknown Feeling~

Maaga ako nagising kaya eto ako, kumakain ng breakfast. Nagtext naman sakin si Trace na pupunta daw siya dito. Alangan namang pigilan ko pa, eh kapitbahay lang namin yun. Tapos, exclusive village kasi yung tinitirhan namin kaya mayayaman lang yung nakakatira dito. Wala eh! Mayaman kami. *smirk*

"Goodmorning Panget! Pwedeng pumasok?"

"Hindi. Bawal ang panget dito."

"Eh bakit nandito ka?"- sarcastic niyang sabi kaya binato ko siya ng orange.

"Aw! Grabe ka naman panget!"- tapos lumapit siya sakin at ibinalik ung orange sa lalagyanan ng prutas.

"Pakain!"- sabi niya tapos upo sa harap ko.

"Aywan!"- sabi ko kaya tumawa siya ng bahagya.

"Oo nga pala panget. Last practice na natin ngayon. Galingan mo ha?"

Nagpunas ako ng table napkin sa bibig,"Matagal na akong magaling Panget."

Tapos nagtawanan kami. Nagkwentuhan lang kami about sa practice, ung mga songs at ung mga chords. Tapos paminsan minsan, kumukuha siya ng kutsara at kakain sa bowl ng koko crunch ko.

"Oi Panget!"

"Hmm?"

Tapos pinunasan niya ung gilid ng bibig ko kaya medyo parang may kakaiba na naman akong nararamdaman. Eto na naman! Ano ba kasing nangyayari sakin?? Hindi ako masyadong makahinga. Sumisikip ang dibdib ko.

"Ui Panget, para kang bata! Hahah----H-hoy.. A-anong nangyaya-ri sayo?"

Tumayo ako at dumiretso sa ref para uminom ng tubig. Bakit ba ganito? Anong nangyayari sakin? Hindi kaya namana ko ang heart attack na meron si Papa? Naku. Please wag naman sana. Marami pa akong pangarap sa buhay ko.

"Panget, anong nangyari sayo?"

I smiled sadly,"Wala.. uhm.. Nabulunan lang ako. Ha-ha-ha. Tara na."

"Oh Moira, Trace. Aalis na ba kayo?"

Kinuha na ni Trace ung bag niya,"Yes Tita. Last practice na po kasi namin ngayon sa band eh."

"Ah ganun ba? Osha. Take care ha! Wag magpapatuyo ng pawis Moira ha!"

Naparoll eyes ako at kinuha na ung bag ko at isinukbit sa balikat ko at dahil wala akong balak magsalita ay si Trace na yung nagsalita.

"Ako na pong bahala sa kanya Tita. Sige po, una na kami."

"Oh sige.. Bye."

"Bye po!"

Lumabas na kami at dumiretso naman ako sa kotse ni Trace. Hawak ko pa rin yung dibdib ko. Hoy! Hindi yung b**bs ha! Ung chest na nga lang! Sheez. Nakalimutan kong magtanong kay Mama tungkol sa sakit ni Papa. Sana hindi namamana. :(

Sumandal muna si Trace sa may hood ng kotse,"Ui. Pa-check up tayo mamaya."

"H-ha? Pinagsasabi mo? Wala lang to nuh."

"-_- Panget, kanina ka pa kasi nakahawak sa dibdib mo eh. *sabay tingin dun*"

Hinampas ko naman siya,"Hoy! Iba na ata ung tinitignan mo ha! Bwst ka!"

Tapos sumakay na siya sa kotse,"Hoy! Feeler ka panget ha! Hindi kaya un!"

"Eh pano mo nasabi na yun ung tinutukoy ko?"- pangungulit ko habang nagsusuot ng seat belt.

Tapos napaiwas siya ng tingin,"H-ha? Hoy Lara ha! Kung anu-anong iniisip mo.Daldal mo talaga!"

Sinapak ko naman siya ng mahina,"Tara na nga! Dami mong satsat. Late na tayo oh! 6:45 na."- then he started the engine.

-----------*

"Lovin' him was blue like I've never know

Missing him was dark grey all alone

Forgetting him was like trying to know

Somebody you've never met

But lovin' him was red

Re ee ed Re ee ed

Burning red

Re ee ed Re ee ed

Lovin' him was like driving a new Maserati

Down a dead end street."

"Ok. Guys, I hope na sana sa araw ng laban, you show them what you've got. Right?"- Manager Kylie said.

"Yes Manager!"- sabay na sabi nung kambal. Ayan! war freak na naman.

( ˋˍˊ) - Blue (ˋ︿ˊ )- Grey

"Gaya gaya ka dude!"- banat ni Grey

"Gwapo lang talaga!"- sabat naman ni Blue.. Mukhang alam ko na ang sasabihin ni Grey kaya nagkatinginan kami ni Trace at napatawa ng bahagya.

"Ang panget mo kaya!"- Grey

"Wow! Kambal tayo tanga! Kung panget ako, panget ka rin!"- Blue

"Sige lang. Gwapo lang talaga ako."- si Grey kaya ang resulta, ayun sila nagwre-wrestling sa sahig. Hahaha! Loko talaga ung mga yun. Nag-ring naman ang phone ni Manager Kylie.

"Excuse me."- she said tapos tumango nalang kaming dalawa ni Trace.

"Oo nga pala Panget. Hindi ako makakasabay sayo mag-lunch."

Nag-iba ung aura ko. Ba't parang nadisappoint ako bigla? Ah kasi nasanay ako sa presence niya kasi lagi kaming magkasama. Pero bakit ganito? Nakakadisappoint.. :(

"A-ah.. Sige ok lang nuh! Yes! Wala nang manggugulo sakin!"- plastik kong sabi.

Ginulo niya ang buhok ko,"Panget mo talaga hahaha!"

Kinurot ko naman siya at sinapak sapak.

"Guys, good luck satin sa Friday ha? Do your best and God will do the rest."

"Yehey!! For the win!"- tapos nag-group hug kaming lahat.

-------*

"Class dismissed!"- tumayo na ang lahat at ako? Naka-upo pa dito. Lilingunin ko sana si Trace kaso.

"Asan yun?"- kaya nagmadali ako ng labas para mahanap siya. Sadly, wala ung panget na yun. Ang lungkot. Wala akong kaaway. Asan kaya un nagsusuot? Dumiretso nalang ako sa canteen dahil gutom na rin talaga ako. Koko crunch lang kasi ang kinain ko kanina. At syempre, ilang oras kaming nagpraktis kaya nawala agad ung kinain ko. Pagdating ko sa canteen, waah! Naglalaway na ako! Ang sarap ng chicken barbeque! Waah.. Naghanap muna ako ng table pero may nakita ako na dapat sana hindi ko nalang nakita.

Ang saklap! Kaya pala hindi niya ako sinamahan kasi, may iba siyang kasama.

"Ang saya mo. Ang panget mo."- bulong ko at mukhang hindi niya ako makita. Lumabas nalang ako ng canteen dahil nawalan na ako ng gana. At dahil hindi ko rin naman pala nadala ung wallet ko, wala pa ring saysay.

"Angele Moira?"

Napalingon ako at nakita ko si Phoenix na nakaupo sa may bench kaya umupo din ako sa tabi niya.

"Oi, Phoenix, I mean Kyle. Anong ginagawa mo dito?"

"Nothing much. Wala na kasing klase eh kaya eto tambay muna."

"Ah. ganun? Haha. Kumain ka na?"

Nag-nod siya,"Ung Manager kasi namin, tin-reat kami ng lunch sa Max's."

>o< Ba't parang nagutom ako bigla! Waah.

"Hahaha.. Yaman ha!"

"Wala eh. Manager namin daming pera. How about you?"

﹋o﹋ Ayan. Ang lakas mong magtanong-tanong. Ikaw pala tong hindi pa. Wait! Anong sasabihin ko?

"Oo naman! 12: 08 na oh. Kaya kumain na ako kanina sa.... sa.... sa room kasama ang mga classmates ko."

Jusko Lord! Patawad po ha! Nakapagsinungaling ako! Nakaka-turn off naman kasi diba kapag sinabi kong hindi pa kasi wala akong dalang pera.

"Oh. How's your practice?"

"Ok lang. Stress pa rin. Hahaha. Ikaw?"

"Me too. Ang hirap maging vocalist. Ang daming bawal diba?"

"Ay naku! Tama ka jan. Haist. Parang habang tumatagal padami ng padami ang bawal! Hahaha!"

Tumawa na rin siya,"Rhyme yun ha! Hahaha!"

-----

Trace's POV

Pagkatapos ng klase kanina ay nagmadali na akong lumabas at dali daling pumunta ng canteen. Ka-turn off naman kung mauuna ang babae dun at maghihintay. Pagdating ko doon, wala pa siya kaya nagreserve muna ako ng table para sa amin. After 5 minutes, nakita ko na rin siya.

"Trace? I'm sorry I'm late."- tapos inalalayan ko siyang umupo.

Ngumiti ako,"It's okay Alviance. Are you hungry?"

"Yes. *pout* I'm on my diet kasi kanina kaya I didn't eat a lot. Kaya, ngayon. I'm so hungy."

Napatawa ako ng bahagya. Ang cute niya pala talaga.

"So dapat, you should eat a lot okay? My treat."

"Really? Thanks Trace."

I just nodded at pumila na sa mga bilihan ng foods. Siya nga pala si Alviance. Pronounce as Al-viyan-sey. Siya ung babaeng gusto ko at nililigawan ko ngayon. Hindi pa nga alam ni Panget eh! Hahaha. Sa sunod nalang at baka aasarin na naman ako ng kung anu-ano.

"Here you go, Vian."- tapos nilapag ko na yung tray sa lamesa namin. And I saw her eyes twinkled.

"Let's eat!"- sabi niya kaya kumain na kami. Marami kaming napagkwentuhan. Sabi niya pa, gusto niya daw na maging isang vocalist ng isang banda. Naisip ko agad. Sana pala, nag-audition siya. Para kung ganun, edi matagal na sana kaming nagkakasama. Hay. Marami pa siyang naikwento sa akin kaya 12:08 na kami natapos kumain. Palabas na kami ng canteen at ni anino ni Panget di ko nakita. Dito lang yun kumakain kasi ayaw niya ng pagkain sa labas at mas lalong hindi yun sa room kumakain kasi wala siyang baon.

"Trace, thanks for the treat."

"It's nothing Vian. Thanks for joining me in my lunch."

"Ikaw pa! Haha."

Napatigil kami sa paguusap nang may marinig akong familiar na boses."Ay naku! Tama ka jan. Haist. Parang habang tumatagal padami ng padami ang bawal! Hahaha!"

Kasama niya ang vocalist ng Fierce."Rhyme yun ha! Hahaha!"

Napalingon ako sa right side ko at nakita ko siyang tumatawa pa.

-_-|| Tss.. Hindi na naman siya kumain. Nakipagdaldalan pa! Inuna pa yan kesa pagkain?

"Trace? Let's go?"

Iniwas ko nalang ang tingin ko,"Tara."

Tss. Nakakainit ng ulo.

-------*

A/N: Putulin ko muna! Hehe! This is my second story guys!

Suport niyo po to pati ung If I Fall in Love! Haha.

Vo-mments are highly appreciated.. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro