Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

~Gold and Silver~

Pagkatapos ng klase ay hinatid na ako ni Trace sa bahay. Pagpasok ko ay naamuy ko ang niluluto ni Mama na afritada.. Waah! Nagutom tuloy ako.

"I'm home!"- sigaw ko at ibinagsak lang sa sofa ung bag ko at pati na rin ang sarili ko. Grabe! Pagod na pagod ako ngayong araw.

"Oh. Lara, magbihis ka na at kakain na tayo."

Napa-irap ako sa kawalan. Hay. Nagpapahinga pa nga ako eh! My feet hurts!

"Maya na Ma. Nagpapahinga pa ako oh!"- tapos biglang nag-vibrate yung phone ko.

"Aywan! Kaartehan mo na naman Lara."- tapos pumunta ulit siya sa kusina. Pag-open ko ng phone ko, may text sakin si Trace.

From: Uno, dos, Trace

Panget! May praktis bukas ha. Sunduin kita?

Waah! Ba't parang sumisikip ang dibdib ko! Kakaiba man to! Pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng tubig sa Ref. Pagkatapos ko inumin ay saka ko lang nireplyan si Trace.

To: Uno, dos, Trace

Wow! Nahiya ako sa layo ng bahay niyo ha! Magkapitbahay lang tayo! Ang panget mo!

Ayan! Sent. Hay. Bigla nalang sumikip ang dibdib ko. Pero, nakakahinga pa rin ako nuh! Pero, ang weird lang kasi. Hindi naman ako inaatake nito eh. Ngayon lang.

"Hoy Lara! Kakain na oh! Nakatunganga ka pa diyan!"

"Ngee! May tinitignan kaya ako!"- palusot ko sa kanya. Kinuha ko na ung bag ko at umakyat na sa taas.

"Aywan! Pababain mo na rin yung mga kapatid mo."

Napa-roll eyes ako,"Oo na po!"

Dumiretso muna ako sa kwarto ko at nagbihis. Sinuot ko yung regalo sakin ni Papa na floral sleeveless dress. Namimiss ko na si Papa. Ayun lang, kasama niya na si papa God. Masaya na siya sa heaven. May heart failure siya kaya anytime namatay siya. Pero syempre, may mga huli siyang habilin sa aming lahat. Hay. Nakakaiyak. :( Lumabas na ako ng kwarto at pinuntahan ang aking mga kapatid.

"Gold, Silver kain na daw."

Naramdaman ko na nag-vibrate ulit ung phone ko.

From: Uno, dos, Trace

Ikaw din. Haha. Magkain ka na tapos diretso tulog ha? Sunduin kita diyan bukas.

Napangiti ako. Para siyang si Papa. Lagi niya yang sinasabi kasi ayaw niya daw na magka-tigyawat ako at magkapimples. Ang sweet! :)

Hala! Yuck! Ew! Anong sweet sa sinabi ni Trace Lara ha? Ang gaga mo! Shet.

"Ay ikaw? Dyan ka nalang ha Lara?"- napatingin ako sa loob ng kwarto nila Gold at wala na pala sila doon. Tapos dali-dali na akong bumaba.

-----

"In the name of the Father, the Son and the Holy Spirit, Amen."- pagkatapos ko yun sabihin ay kumain na kami.. 8:22 na rin kasi ng gabi at tsaka kailangan ko pang matulog ng maaga. For sure, puyat na naman ako neto.

"Ate *champ champ* Mi star oh! Look!"- pinakita sakin ni Silver ung star na nakatatak sa NOO?

"Baby? Bakit naman sa noo? Diba dapat nasa kamay yan nakatatak?"

"Galit teatsher ate. Tapos tooksh! Yun ung sounds."

"May sounds ba?"- tanong ni Gold. Ito makapagsalita akala mo manly na manly ang dating eh! Oo nga pala, kambal silang dalawa. Babae si Silver at lalaki si Gold. Grade four sila ngayon sa Infant Jesus Learning Center.

"Oh! Kain na muna.. Gold, kamusta ang quiz niyo kanina?"

Nag-shrug siya,"Easy----ow! Ate!"- binatukan ko naman siya.

"Ikaw ha! Kala mo ke tanda tanda mo na! Makapagsalita toh!"

"He's always ganyan ate. Whenever Tricia asks him about the lessons, he always act like that one."- paliwanag naman ni Silver.

"I'm a big boy said kuya Trace. I'm gwapo rin like him."- psh! Si Trace na naman talaga ang nagturo dito sa bata. Punyemas!

"Oo nga pala Ma. Asan si Tito Joe at Tita Annika?"

"Nasa Bora sila for their honeymoon."- wow! Sosyal si Tita at Tito ha! May pa-ganun ganun pa sila ha.

"Mimi, what's honeymoon? Is that honey on the moon?"- tanong ni Silver.

"No baby, it is the next stage after getting married. You will go to a place and enjoy it with the boy you love."- explain ni Momi kaya I just nodded. Pasubo na sana ako ng magsalita si Gold.

"In short, they are going to make a baby."

"Gold!"- saway ko sa kanya kaya napatawa sila Mama at Silver.

"What? Kuya Blue and Grey told me that one."

"Alam mo pala, eh bakit mo sinabi?"

"-_- Silver's asking ate. So I just answered it. And besides, ang haba ng sinabi ni Mama eh. I just made it short."

*facepalm*

Oh god! Sana hanggang dito palang ang nalalaman ni Gold. Bukas lang kayong tatlo. Bushet talaga! Can you imagine that? Grade 1 alam na ung mga ganyan? Kami nga grade 5 na natutunan eh. Peste.

"Change topic. Anyway, Silver, how's the piano lessons?"

"It's okay Mimi, pero, kailangan you watch me play ok?"

"Of course naman baby!"- I said at ngumiti siya.

"Ate."- tawag sakin ni Gold.

"Oh? Busog ka na?"

"Ang panget mo daw said kuya Trace."- tapos tumakbo na siya paakyat.. Grrr! Kainis ka talaga Trace. Na-virusan mo na ang utak ng kapatid ko!

"Don't mind him Ate. You're beautiful kaya."

I smiled,"Thanks baby."

"Pero, mas parin ako! Bleh! hahaha!"

-_-! Ganun? Shet.

"Oh. Umakyat ka na dun at magpahinga na."- sabi ni Mama. Kaya ayun, umakyat na ako. Nag-vibrate naman ulit ung phone ko.

From: Uno, dos, Trace

Nyt Panget..

Napabangon ako agad. Shet! Umaatake na naman ung heart attack kuno na to! Anyare ba sakin? I check my heartbeat at Pusha! Ang bilis! Shet! Makainom nga ng tubig.

--------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro