Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

Thanks for the super duper ultra mega ganda ng book cover by @nostalgiababy. Dito nalang kita ni-dedicate kasi phone gamit ko. Balik ako ulit sa book cover shop chuchu mo okay? Haha. Natawa pala ako sa tawag mo sakin na 'krung krung' but I like it since totoo naman diba, so here's for you. Thankies~

~Antagonist~

Monday. Ilang araw na ang lumipas nung nangyari yung celebration sa bahay. Malapit na ang graduation namin kaya wala na ring kaming masyadong klase. Naga-prepare nalang kami para sa graduation march at clearance.

Kanina pa ako nandito sa room. Gumagawa kasi ako ng list ng mga payment na kailangang bayaran para mapirmahan ang clearance.

"Moira!"

Napatingala ako sa nagsalita. Si Camille pala. Kumuha siya ng upuan saka umupo sa harap ko.

"Ui, Cams. Bakit?"

Nginitian niya ako na ikinataka ko ng husto. Ano na naman ba ito? Nagsulat na ako ulit habang hinihintay ang sasabihin niya.

"Wala lang. Balita na kasi sa buong school yung mystery girl na nakipaghalikan sa bestfriend mong si Trace eh, hindi niya ba nabanggit sayo kung sino?"

O////O

Napatigil ako sa pagsusulat pero tinuloy ko lang ito para hindi niya mahalata.

Kalat na daw sa buong school. Sh-it. Ano bang kagagahang pumasok sa utak ko para gawin yun? Kasi naman Lara pwede ka namang tumanggi eh, diba? Bakit kasi hindi ka nalang nagsalita nung gabing yun? Ang laking gulo na pinasok mo.

"Moira??"

"Ay. Ahmm. W-wala naman siyang binanggit. Ah, Cams. Sino daw ba yung hinala nila?"- kinakabahan kong tanong.

Nagpahalumbaba naman siya,"Hmm. Ang alam ko kasi, pinapalabas ng iba na si Alviance daw yun. Eh kaso, may nakakita naman na nung time na nasa dance floor si Trace pati yung mystery girl, nasa CR daw si Alviance kaya sobrang magulo."

"Ah. Ganun?"- bumalik na ulit ako sa pagsusulat. Buti nalang hindi niya nahalata na kanina pa nanginginig at namamawis ang mga kamay ko eh. Parang suspect lang ang peg ko ngayon. >.

Halos lumabas ang puso ko nang kalabitin niya ako,"Pero alam mo, mas bet ko pa nga yung mystery girl eh. Hihi. Secret lang natin to ah?"- napangiti ako saka tumango,"Kasi buong school halos bukambibig siya. Kesyo ang ganda ganda niya kaya mas lalo siyang naging mysterious. Tapos, ibang iba ang itsura nung gabing yun kaya walang kahit na sino ang mamukhaan siya. Ang astig rin nuh? Kasi halos magkaparehas lang sila ni Alviance pero mas nag-stand out talaga yung si mystery girl. Hays. Sana one day makilala ko siya. What do you think??"

Nafa-flatter naman ako bigla. Pero hindi ko kailangang ipahalata. Alam kong apat na tao lang dito sa school ang nakakaalam na ako nga yung tinutukoy nilang 'mystery girl': si Trace, Xyro, Paris at Alviance.

Sinarado ko na yung memo pad ko saka sumandal sa upuan. Nginitian ko naman si Camille,"Sayang lang at hindi ko siya nakita."

"O___O Seryoso ka, Moira? Eh halos nung gabing yun sa kanya lang ang atensyon!"

Haist. Eh paano ko malalaman eh nalunod ako sa titig at halik nung bwisit na bestfriend-ewan ko kung anong- lalaking yun.

Nagkibit balikat nalang ako,"Nag-CR ako eh. Sorreh naman ha?"

"Haha! Sige. Balik muna ako sa upuan ko."

Nagthumbs up lang ako saka niligpit na ang mga gamit ko.Wala na kaming klase, kung maglakwatsa kaya ako?

*saranghaeyo!*

Ni-palitan ko na nga pala yung sms ringtone ko kagabi. Cute tapos maliit kasi ng boses nung bata na koreana eh. *^▁^*

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ng bag saka nakitang si Manager Kylie ang nagtext.

Manager_Kylie:

Lara, we're here at the practice room. We need something to talk about.

Automatic namang bumilis ang tibok ng puso ko. Makikita ko na naman pala siya. Eh may atraso pa yun sakin nung sinubuan niya ako eh. -_-

Dali dali akong pumunta sa practice room pero nung malapit na ako ay nagsimula akong magdahan dahan.

dugdug.dugdug.dugdug.

Pinihit ko na yung door knob at naramdaman ko ang salitang SILENCE nung nakapasok na ako sa loob.

Nakita ko si Trace na nakasando at nakasampay naman ang polo sa balikat. Si Grey naman ay paunti unti ang inom ng juice pero nakatingin sa sahig. Si Blue naman, paikot ikot lang ang tingin sa paligid.

Umupo ako sa tabi ni Manager Kylie saka nilagay ang bag sa sahig.

"Ahm... M-manger. Anong....anong meron?"- tanong ko

"Merong nag-invite satin, specifically may gig kayo sa Saturday sa CCE Park. Kailangan kasi ng government na i-promote yung park na yun kasi padami na ng padami ang mga tourist na pumupunta dito."

"Eh, bakit ang tahimik niyo?"

Nagkatinginan naman yung tatlo,"Ang laki kasi ng ibibigay nila na pera! Kaya kailangan maging maayos ang takbo ng gabing yun!"- sabi ni Blue na may malaking ngiti sa labi.

O_o

"Talaga Manager???"- ako

Tumango ng ilang beses si Manager Kylie,"Mmm. Kaya simula bukas ng hapon magseselect na tayo ng mga kanta para sa gig tapos gagawa tayo ng invitation sa mga students ng East High para magkaroon tayo ng support."

"Pero hindi lang tayo ang magpeperform. Pati ang Fierce Stream kasama."- seryosong sabi ni Trace

Naparoll eyes naman ako,"Eh ano rin? Gig naman ang ipu-punta natin dun hindi competition."

"Tama! Tama!"- Grey

Tumayo si Manager Kylie,"Well, sa Saturday na yun and we should consult yung kabilang band in terms sa pagselect ng mga kanta kasi may tendency na magkaparehas ang mga pipiliin natin."

Tumango kaming lahat. Grabe, namiss ko na ang mga gigs namin. Nahinto kasi ito dahil puros kami fourth year students kaya tuwing hapon naga-practice kami para sa graduation. Luckily pahinga week namin ngayon kaya swerte kami.

^_^||

*

Kagagaling ko lang sa library. May binalik kasi ako na libro na ginamit ko nung finals week. Magfa-five thirty na rin nung lumabas ako nang makita ko sa di kalayuan si......... Alviance.

Napahinto pa ako sa paglalakad nung tumakbo siya papunta sa pwesto ko.

"I need to talk to you, Lara."- medyo cold niyang sabi kaya wala akong nagawa kundi tumango.

Dinala kami ng aming mga paa sa pool area ng school. Wala na ring nagpa-praktis ngayon dahil uwian na.

Nagulat nalang ako ng ibagsak niya sa sahig ang bag niya saka nilagay ang mga kamay sa bewang. Ibinaling niya ang tingin sakin, kitang kita sa mga mata niya ang galit at......sakit?

"What do you want, Lara?"- mariin niyang sabi

"H-huh? Alviance. H-hindi kita maintindihan."

Nagsimula nang bumilis ang tibok ng puso ko. Kinagat niya ang iba ng kanyang labi saka pinasadahan ng mga daliri ang buhok.

"Why did you do that....Lara?"

That. Alam ko ang tinutukoy niya.

"A-alviance, hindi ko intensyon yun. Ni wala akong idea na gagawin yun ni Trace. H-hindi ko yun pinlano, Alviance maniwala ka."

Huminga siya ng malalim,"Yes, I believe in you Lara. And I believe na kaya mo rin sigurong tumanggi at magsabi ng totoo. Pero ano, alam mo kung anong ginawa mo?! You just go with the flow, Lara! Dammit. Ano?! Ginusto mo diba?! Hindi mo sinadya, hindi mo pinlano pero ginusto mo tama ba?!"

Umiwas ako ng tingin. Nanatili lang akong tahimik. Naiinis ako sa sarili ko. Nararamdaman kong ginusto ko nga ang mga nangyari. Mula sa pagaya niya sakin hanggang sa halikan na niya ako. Oo, ginusto ko. Pero wala na akong lakas ng loob para sabihin yun.

The moment na tumingin ulit ako sa mga mata niya, nangingilid na pala ang mga luha sa kanyang mga mata. Nakaramdam ako ng guilt, sobra sobrang guilt.

"You know what Lara? *sob* Everything.......was almost.......perfect--"- dahan dahang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata,"--sana. Pero ng dahil sa ginawa mo, you broke it. Because you came, you're out there dancing with him, kissing with him and I'm here......watching you two standout that night. *sob* Ako dapat yun eh! Ako dapat yun, Lara! You.....don't know kung gaano ko hinintay ang gabing iyon. *sob* It's my dream, and will always be my dream. And I'm not stupid para hindi malaman na mahal mo siya. Kung paano ko nalaman? I've been stalking you everyday. It's very obvious dahil babae ako at madali kong natukoy ang nararamdaman mo. *sob*"

Nagsimula na ring bumagsak ang mga luha ko. Humihikbi na siya at gayun na din ako.

"M-mahal? H-hindi.... Alviance.... H-hindi ko siya..... hindi ko siya--"

"Don't try to deny it, Lara! Alam ko ring your not stupid enough para hindi mo malaman kung ano ang nararamdaman mo. Kaya nga diba ginusto mo yung mga nangyari nung gabing yun diba?! Ano?! Ide-deny mo pa?!"

"OO NA! MAHAL KO SIYA, MAHAL NA MAHAL KO SIYA. *sob, sniff* Pero hindi mo alam kung gaano kasakit para sa akin kung gaano ka ipagmalaki sakin ni Trace. Alam mo yung feeling na para kang sinasaksak ng paulit ulit?! Yun ang nararamdaman ko, Alviance! Oo, may parte sakin na ginusto ko nga yung pangyayari pero alam mo yung pinakamasakit?! Ako nga ang kasama niya pero Ikaw ang tinutukoy niya. *sob* Ang sakit eh, maski yung paghalik niya sakin masakit. Kasi hindi niya ako hinalikan bilang ako! Hindi niya ako inaya bilang ako! Kundi ikaw! Ikaw palagi! Simula nang maging kayo, nawalan na ako ng karapatan para maging bestfriend niya. Eh bakit pa ako sisingit?! Eh kaya mo na rin namang gampanan ang tungkulin na maging girlfriend slash bestfriend diba?! Kaya wag mo sakin isumbat yung kagagahang ginawa ko nung gabing iyon. Oo, kasalanan ko na hindi ako tumanggi pero kasalanan mo yun kasi hindi mo kami pinigil."

Kinagat ko ang labi ko saka pinunasan ang mukha gamit ang mga palad. Napatigil lang ako ng lumapit siya sakin na nakayuko saka tumingala.

*SLAAAP!*

Halos naka-squat na ako dahil sa lakas ng impact ng pagsampal niya sakin. Napahawak ako sa pisngi ko sabay ng mabilis na pagtulo ng mga luha sa pisngi ko.

I really deserve this. Fvckshit.

"I WANT TO HURT YOU SO BAD! I WANT TO SLAP YOU AGAIN AND AGAIN! NAIINIS AKO SAYO! NAKAKAIRITA KA! MALANDI KA! *sob* I want to tell you something.......something that really hurts me a lot."- huminga muna siya ng malalim saka ako ulit tinignan. Binaba ko na yung kamay ko na nakahawak sa pisngi ko. "Mahal ka din niya. Matagal na. At matagal ko na ring alam na mahal mo din siya. It really kills me a lot. *sob* Dati, I always think na ako ang kontrabida pero not until paunti unti, minamahal niya na din ako. *sniff* But it didn't last for too long, wanna know why? Kasi mahal ka pa rin pala niya. Akala ko napalitan na kita sa puso niya, pero hindi pa rin pala. As I said, everything was almost perfect. Kahit kunti nagaalala na siya sakin, ginugusto niya na rin ako. *sob* Pinakamasakit?!? Let's use the term 'panakip butas'. I see myself as that. Pero sa totoo lang? Nung gabing yun, dapat magco-confess na talaga siya sakin. Pero ito na naman, ikaw at ikaw pa rin. And then one day I realized, hindi ako ang kontrabida. Kundi ikaw, Lara. Ikaw na ang kontrabida. Dahil sa mga sinabi mo, dahil sa ginawa mo nung gabing yun, ikaw na ang nagmukhang kontrabida. *sob* Sinira mo lahat eh. Hindi mo manlang inisip yung pwedeng maramdaman ko! Akala niyo ba kayong dalawa lang nung gabing yun?! Marami kami! Nagreact na ang lahat lahat pero ako ito. Ni hindi manlang malaman kung anong irereact. *sniff* I tried to understand, Trace. Pero hindi ko kaya.....kasi ramdam kong naramdaman niyang hindi ako ang kasama niya nung gabing yun. He tried to love me, but it's always you, always been you. *sob* Kaya wag mo ring isumbat sakin kung nasasaktan ka sa lahat ng kung anong meron samin kasi kung tutuusin, ako ang mas nasasaktan sa pinanggagawa niyo."

Kinuha niya na ang bag then she walked away leaving me here dumbfounded.

Mahal ka din niya.

And then one day I realized, hindi ako ang kontrabida. Kundi ikaw, Lara. Ikaw na ang kontrabida. Dahil sa mga sinabi mo, dahil sa ginawa mo nung gabing yun, ikaw na ang nagmukhang kontrabida.

Kaya wag mo ring isumbat sakin kung nasasaktan ka sa lahat ng kung anong meron samin kasi kung tutuusin, ako ang mas nasasaktan sa pinanggagawa niyo.

Hindi ko ininda ang patuloy na pagbagsak ng aking mga luha. Mahal niya din ako. Pero kontrabida ako. Tama si Alviance, isa akong kontrabida. Alam ng lahat ang tungkol sa relasyon ni Trace at Alviance pero sinira ko na ang lahat ng kung anong meron sa kanila at kapag nalaman pa ng lahat ang tungkol sakin, lalabas talaga na ako ang kontrabida.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro