Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

~Dreaming~

Nagkaroon ng celebration dito sa bahay. Saturday naman ngayon kaya kahit magpagabi ako ng tulog, okay lang. Nandito lahat ng college friends and classmates nila kuya Dex at Pj. Pati nga yung mga ex-es nila inimbita nila. Loko loko talaga.

Well, nandito rin ang mga ka-village namin. Yung family nila Daryl, Patrick, Xyro at.......Trace. Pero hangga't maaga pa, hindi ko siya dapat makita at hindi niya dapat ako makita.

Sa totoo lang, may kakaiba na talaga akong nararamdaman. Pero hindi ko lang makumpirma sa sarili ko.

*

"Ui, Moira. Hindi ka pa kakain?"- tanong sakin ng pinsan ni Trace na ka-village din namin.

Nginitian ko siya,"Hindi, okay lang mamaya pa ko. Ikaw kumain ka na."

"Naks. Hinihintay mo pa ba si Insan?"- napatigil ako agad ng banggitin niya yun,"Naku. Mukhang wala atang plano yung pumunta dito eh. Ewan ko ba dun."

Pinilit kong tumawa,"Di, okay lang Macy. Baka busy siya yaan mo na."- tumayo na ako,"Ah sige, punta lang ako sa garden."

Sumubo siya ng spaghetti,"Uhm! sige sige."

Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko. Sa totoo lang, sa 16 years na magkababata kami, ngayon lang to nangyari. Wala na naman akong ibang nararamdamang special sa kanya maliban sa pagturing ko sa kanya bilang isang matalik na kaibigan eh.

*sigh*

Napaupo nalang ako sa damuhan. Walang tao dito dahil lahat sila nagpa-party party sa loob. Tumingin ako sa langit, at nakitang ang daming bituin.

"My love from the star? Sheez."- bulong ko sa sarili ko.

Napahiga nalang ako. Malinis naman dito at walang uod. Napapikit ako saka dinama ang malamig na ihip ng hangin.

Hay. Trace, ano bang ginawa mo saking panget ka???!

Naalala ko yung paguusap namin ni Paris kanina sa kwarto ko.

"Ira, please I want you to make amin to me."

"Huh? Ris, ano namang aaminin ko sayo?"

"You like him, don't you?"

O__O...

"Ha? Hindi nuh! Ris naman!"

Nagulat ako nang tinawanan niya ako then pinat niya ang shoulder ko.

"Really???"

Tumayo ako saka iniwas ang tingin sa kanya at kunwari maghahanap nalang ng susuotin sa closet.

"Oo nga. Bakit ba lagi mo akong hina-hot seat sa kanya?"

"Pft. Wait lang ha Ira. I just remembered na wala pa akong sinasabing name. So, may I know kung sinong tinutukoy ng aking dearest cousin?"- sabi niya habang nakangiting aso

⊙△⊙

Hindi ako agad nakasagot dun agad. Wait. Sino nga bang tinutukoy ko?

Wala nang iba kundi si Tra---*takip ng bibig*

Tama. Siya talaga ang tinutukoy ko kanina. Hay! Ewan ko ba kung bakit siya ang tinutukoy ko dun. Eh siya agad yung pumasok sa isip ko eh.

[THIRD PERSON'S POV]

Nananatiling nakapikit si Lara habang patuloy bumabalik sa kanyang isipan ang pinagusapan nilang dalawa ni Paris.

"Going out tonight

Changes into something red

Her mother doesn't like that kind of dress

Everything she never had she's showing off"

'Shet..Alam kong nakapikit ako pero takte, nananaginip na ba ako agad? Ba't parang naririnig ko ang boses niyang kumakanta ngayon?'

"Driving too fast

Moon is breaking through her hair

She's heading for something that she won't forget

Having no regrets is all that she really wants"

Hindi namalayan ni Lara na may lalaki palang kumakanta dahil akala niya'y nananaginip siya.

'Hays. Ayoko munang magmulat. Ie-enjoy ko muna tong panaginip na ito.'

Sumabay na rin sa pagkanta si Lara kaya sumilay ang ngiti sa mukha ng lalaki.

"We're only getting older, baby

And I been thinking about it lately

Does it ever drive you crazy?

Just how fast the night changes

Everything that you ever dreamed of

Disappearing when you wake up

But there's nothing to be afraid of

Even when the night changes

It will never change, me and you"

Napangiti si Lara sa inaakala niyang panaginip. Pero hindi niya talaga alam na si Trace talaga ay totoong kumakanta.

Hindi niya rin alam kung bakit siya kumanta ng ganun. Dapat hindi talaga siya pupunta ngayon pero kusa siyang dinala ng mga paa niya dito.

'Lara.....'- bulong niya sa sarili. Gusto niyang lapitan ang nakapikit na si Lara pero hindi niya magawa. Tumalikod na lang siya saka pumasok na sa loob.

'Trace....'- bulong din ni Lara sa sarili niya

Napamulat siya saka nilibot ang tingin sa paligid at nagbabakasakaling totoong may kumakanta. Pero nanlumo siya ng makitang wala dun ang hinahanap niya.

"Walang Trace, Lara. Nababaliw ka na talaga."- sambit niya saka tumayo at pinagpagan ang likod at pwet.

Pumasok na siya sa loob saka naghanap ng makakain. Hindi niya manlang namalayan na nahaharangan ng kurtina si Trace na malapit lang sa kanya.

Naramdaman ni Trace kung gaano bumilis ang tibok ng kanyang puso nang ngumiti si Lara.

Naalala kasi ni Lara ang inaakala niyang panaginip at umaasang sana mangyari yun ulit.

T^T

*

[Lara's POV]

"Cause I'm dreaming of you tonight

And tomorrow, I'll be holding you tight

And there's no where in the world I'd rather be

Than here in my room

Dreaming about you and me"

Pakanta kanta ako habang hawak ang isang plato na may pagkain. Akin to eh, di pa kasi ako kumakain. Magti-ten pm na ng gabi pero party party pa rin sa loob.

Hays. Sa dami ng tao dito, wala na akong pagasa pang makita siya.

(*^__^*)

Pero, okay na rin yun. At least nakajackpot ako ng panaginip kanina. Nyaha!

Bagay talaga kami.---ng magduet. Kasi maganda boses namin parehas.

Kayo talaga ha. Hmm..

Sa garden ako ulit tumambay, may mesa naman kasi dun at upuan na pangdalawahan. Pero sad to say, mag-isa lang ako dito ngayong uupo.

Kakain na sana ako ng mapansin ko yung mga kinuha kong pagkain.

Carbonara.

Lumpiang shanghai.

Maja blanca.

Haist. Parang biglang nagflashback sakin yung time na may party sa bahay nila Trace two years ago.

"Panget, ano sayo?"

"Kung ano lang sayo, panget."

"Sige. Basta kapag may mga party tayong pupuntahan, parehas tayo ng kukunin ha?"

"Hm! sige sige!"

Aish. Iniling ko ang ulo ko at nagsimula nang kumain. Gutom na rin ako, hindi pa ako nakalunch kasi nagtulong ako kila Mama magluto.

"Angele! Andyan ka pala, naku."

Napalingon ako sa tumawag sakin,"Oi, Kuya Pj. Bakit po?"

"Kanina ka pa namin hinahanap eh."

"Eh kuya-----"- napahinto ako saka nalaglag yung tinidor ko sa damuhan.

"Trace, nandito pala si Angele. Angele, samahan mo nga muna tong bestfriend mo. Tsk. Ikaw talaga, akala ko ba mag-bestfriend kayo?"

=_=

Ang sarap sapakin talaga nito ni Kuya Pj eh. Wala na akong nagawa kundi tumango. Tinulak tulak pa ni Kuya si Trace para makaupo at ngayon, magkaharapan na kami.

Oh ngayon, hindi ka na nagiisa Lara ha.

Hindi ko naman magawang tumingin sa kanya dahil feeling ko anytime pwede rin siyang tumingin sakin.

Hanggang sa napatingin ako sa pagkain niya. At sa pagkain ko. Tapos sa pagkain niya. At sa pagkain----!

"MMMMPP!!!"

"Tsk. Nakanganga ka dyan. Hindi mo kasi ginagalaw yung pagkain mo, kaya sinubuan na kita."

*glare*

*smirk*

"Sasapakin kita."- sabi ko habang ngumunguya.

^_^)Y

Pero lihim akong napangiti dahil sa ginawa niya.

Tae lang.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro