Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

~Like a Fairytale~

Lara's POV

Saktong 6 pm kami nakarating ni Xyro sa convention kung saan gaganapin ang JS Promenade 2015. Pi-nark niya muna yung kotse niya sa parking lot bago ako inalalayan palabas.

"Thank you. :)"- sabi ko at tumango naman siya. Wala pa kami sa loob kaya wala pa kaming nakikitang mga tao.

"Oo nga pala,"- napatingin ako sa kanya na may kinukuha sa loob ng kotse,"Binigay sakin ni Paris, yung pinsan mo, kailangan daw ng mask since Masquerade Party daw ito kaya, ayan gold yung sayo at akin ay blue. Para ma-recognize natin ang isa't isa mamaya, baka kasi magkahiwalay tayo eh. Oh."

Inabot niya na sa akin ang mask na gold at may feather na white at kinuha ko naman ito.

"Teka, panu mo pala nakilala si Paris?"- naglalakad na kami ngayon habang nakasukbit ang aking kamay sa kanyang braso papunta sa loob.

"Ah, naalala mo yung time na inaya kita para maglunch sa labas?"- tumango ako at hinintay ang sasabihin niya pa,"Nakita niya kasi tayo nun, tapos ayun tinanong niya ako about you tapos nalaman kong mag-pinsan kayo. Parehas nga kayo ng mata eh. Hahaha."

Ngumiti ako sa sinabi niya,"Ah. Rare ko nalang siya makita sa school kasi diba IV- Boni siya tapos ako Rizal,tapos minsan iba ang sched ko sa kanya. Pero madalas, nagkikita kami sa bahay."

Tumango naman siya. Nakarating na kami sa loob at nakita naman namin si Yara na SSG President. Kumaway naman siya sa amin at lumapit kami sa kanya.

"Wow, Moira! You look so gorgeous tonight! I like your gown, ah?"- tumawa naman kaming dalawa ni Xyro.

(Lara's gown on the multimedia! xD)

"Ikaw din naman eh, ang ganda mo rin kaya! Hehehe."- she really looked different sa gown niyang color blue na may touch of diamonds.

She rolled her eyes,"Whatever. Haha! Anyway, Oh my goshie Xyro. Ang gwapo mo ah!"

Tumawa naman si Xyro sa sinabi niya,"Tss. Wala tayong magagawa diyan. Hahaha."

"Ay! Ewan ko sa inyo, I'll just check your attendance then, maghanap na kayo ng table and you MUST were your masks na okay?"

Tumango nalang kaming dalawa. After that, naghanap na kami ng table. Naka-support naman sa akin ni Xyro by holding my hand at baka mag-tambling na ako dito mamaya. Medyo mahirap maglakad eh, tapos naka-heels pa ako. Nag-thank you ulit ako kay Xyro, at umupo na kami.

"Parang nafi-feel ko na yung pagod eh."- I said once na nakaupo na ako. Kinuha niya ang panyo niya at pinunas sa akin.

"Aruuy, wala pa nga naga-start eh. Hahaha."

Binigyan kami ng waiter ng isang baso ng iced tea. Halos lahat na ng mga tao dito ay naka-mask na, kasama kaming dalawa ni Xyro.

"The program will start in 30 minutes, but before that you can eat your dinner first. Dinner will be served in your table. Thank you."- sabi ng MC ng prom na ito. Yes! Kainan na! Ph4gkhAin Lh4nG ZsAphAt nH4. Okay, ang trying hard ko mag-jeje. Pfft. HAHAHA.

Maraming waiter dito kaya wala pang 5 minutes ay mabilis na na-served yung pagkain namin. After namin kumain, nagstart na rin ang program. Nag-speech muna ang principal, at ayun dance dance chu chu na daw. Pinahiwalay muna ang mga boys sa girls, para maka-aya na daw ang mga boys sa pag-dance. Kasama ko ngayon si Yam, na malakas kumain pati si Irah na text ng text.

"Hoy, CR lang ako ah! Wag niyo ko iwan."- sabi ko at tumayo na. Nag-thumbs up naman si Yam dahil busy nga siya sa pagkain.

"Oo naman! Sus, ikaw pa!"- sambit ni Irah na hindi manlang inaalis ang tingin sa phone niya. Napailing nalang ako at hinanap na ang CR.

Pagkarating ko dun, naghanap na ako ng cubicle at nag-wiwi habang nagmu-muni muni. Haist. Aayain niya kaya ako ngayon?

Aruuy, asa ka naman Lara nuh! Wait wait, sino ba ang tinutukoy ko? Tsk. Ikaw talaga author! Hindi ko pa nga sinasabi ang pangalan eh. Haaay. Inayos ko na ang gown ko at palabas na sana ng may marinig akong familiar na boses.

"Oh my gosh, Leira. You won't even believe this! .......... Yes! Hahaha! Today is our monthsary you know!......... Gift from him? He told me he will be giving me the best gift ever!........... Kyaaah! I'm so excited!....... Huh? Wait, oo nga pala I don't see him pa eh...... Okay. Talk to you later,......... Bye!"- nagtago muna ako sa loob ng cubicle.

Halos lumaki ang mata ko sa nakita ko. Taeeee!!!! BAKIT MAG-KAPAREHAS KAMI NG GOWN NI ALVIANCE! AUTHOR PLEASE TELL ME! HUSTISYAAA!!

Author: Trip ko!

Taragisan ka Author! Pati nga Mask parehas kami. Eh paano nalang mamaya kapag sa dance? Imbes na ako ang partner ni Xyro, si Alviance pa! Whaaaaaay!!

Author: Ganun talaga. :P

Manahimik ka na nga dyan, author! Peste ka. Wala na, sira na ang gabi ko!

Author: Maaayos din yan mamaya.!

Che! I hate you, author! I hate you! Hmp!

Lumabas na ako ng CR at baka mag-taka na ang dalawang gaga kung bakit ang tagal tagal ko na sa CR. Pag-dating ko sa dance area, halos lahat ay nag-sasayawan na with partners. Asan na kaya si Xyro? Naku, sana naman ma-recognize niya ako agad.

"Tae."- pagdating ko sa table, wala na yung dalawa. Wow ah! Sabi wag ako iwan, kainis talaga. Nakita ko naman silang dalawa na nag-sasayaw kasama ang mga partners nila. Edi kayo na! Peste kasi eh, ba't ba kasi may ka-parehas ako ng gown! Hmp.

Umupo nalang ako dun habang naka-cross arms. Geh, mag-sayawan kayong lahat, mamaya makikita niyo nalang ako na ang may spotlight jan. Hmp!

"Alviance?"- naalerto ako agad sa boses na yun at hahanapin ko sana pero nandito na pala, sa harap ko.

Napalunok ako ng ilang beses. Shit shit shit! Anong gagawin ko? He's reffering to me! And yet hindi ako yung hinahanap niya!

"Uhh."

Ngumiti siya at umupo sa tabi ko,"Nagpunta ako sa CR, Babe. Pero hindi kita naabutan eh, san ka ba nagpunta, Babe?"

Gusto ko sabihin sa kanya na 'Hindi ako yung Babe Babe whatsoever mo nuh! Nagkataon ata na magkaparehas kami ng damit pati mask!' Pero, pisting kirit kirit naman oh! Parang natuyuan ata ako ng lalamunan.

"Uhh. Uhm... Di-dito lang naman."- sabi ko at napayuko nalang. Narinig ko naman siyang tumawa kaya napatingala ako.

"Okay lang, Babe ko. I'm just making sure na hindi mo ako iiwan. :)"- parang hindi niya ata napansin ang boses ko kaya nginitian ko nalang din siya. Pakshet! Please umalis kana Trace, pwede?

Nakita kong tumayo siya kaya napatingin ako sa kanya. Inabot niya sa akin ang kamay niya at napalunok naman ako ng ilang beses.

"Can I have this dance?"

dug.dug.dug.dug.dug.

Wait. Wait lang, inaya niya ako? Inaya niya ako. Pakshet! Inaya niya ako!

Oo nga Lara! Inaya ka niya! Pero IKAW ba talaga ang inaya niya? Diba si ALVIANCE which is inakala niyang ikaw siya.

Ouch! Tagos. Oo nga. Oo na! Putspa. Ang sakeeet lang.

Ngumiti ako ng peke,"Yeah. Sure."

"That's my Babe."- sambit niya. For tonight, naranasan ko kung paano maging isang Alviance at kung paano si Trace sa kanya. And ang masasabi ko lang? N.A.S.A.S.A.K.T.A.N A.K.O.

Now Playing: Can I have this Dance - Vannessa Hudgens & Zac Efron (High School Musical 3)

Nakapunta na kami sa gitna kasama ang iba pang nagsa-sayawan. Halos hindi na ako makahinga nang ilagay niya ang dalawa niyang kamay sa bewang ko and drew me close to him. SH-IT KIRIT KIRIT!

"Oh my gosh...."- yan lang ang nasambit ko nang gawin niya iyon sa akin at mas lalo akong hindi nakahinga ng ipatong niya ang ulo niya sa balikat ko.

"I can't explain my feeling right now, Babe."

Ako rin, Trace. Hindi ko na rin maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Gusto ko man yang sabihin ay wala akong lakas ng loob. Hindi kasi ako si Alviance.

Ngumiti lang ako sa kanya at ngumiti rin siya pabalik. Seryoso, ang lamig dito at puro aircon pero bakit ako pinagpapawisan?

"Babe."

Napatingala ako sa kanya. Aruuy, feeler much Lara? -_- Hindi ko naman to ginusto ah! Sh-it.

"A-ano?"

Napakunot siya ng noo,"Ba't nag-iba boses mo? Well, anyways. Just wanna thank you for your gift ah! Really appreciate it."

Sway lang kami ng sway dito. My gosh, buti nalang nahaharangan kami ng madaming tao na nagsasayawan din. Ano ba yan! Naging kontrabida ako for tonight! Pakshet. >o< Wait, ano nga ba ang gift ko sa kanya? I mean, gift ni Alviance sa kanya. Joke lang naman eh.

"Ahe. Uhm.. W-welcome. Ahm.. te-teka ah.. Uhm.. Pwede mag...mag-CR muna?"

Ngumisi siya,"Teka lang naman eh, Babe. Hindi mo manlang ba tatanungin kung anong gift ko?"

Napalunok ako ng ilang beses,"Ah. Ah. Hehehe. Ano.Ano ba. yun?"

He lifted my chin up. Tapos tinitigan niya ako sa mata and napansin kong napakunot ulit siya ng noo pero agad din itong nawala nung ngumiti siya.

"Mas lalo kang gumanda. Sobra. Lalo na ngayon. And do you know what my gift is?"

Tumango ako ng dahan dahan,"Ano------?"

"Ito."

Then. In just one snap?

He claimed my lips. Halos lumuwa na ang mata ko nang makitang kami na ang nasa spotlight at lahat ng nagsisipagsayawan kanina ay huminto at natutuwang nakatingin sa akin.

1 second, 2, 3, 4... Hindi ko mabilang lalo na nung pinikit ko ang mga mata ko at nakisabay sa paghalik niya sa akin.

Lara! No! Itulak mo siya! Mali yung ginagawa mo!

Suddenly, bigla ko siyang natulak. Kinakabahan na ako and I don't know what to do kaya.....

"I'm.....I'm.....I'm going."

Nakita ko na sobrang nagulat din siya sa ginawa ko but I have no time to explain. Bigla nalang akong tumakbo. Malapit na sana ako sa pintuan nang makita ko si Alviance na nakaharang dito.

"Who. Are you?"- nanlilisik ang kanyang mga mata ng tumingin sa akin mula ulo hanggang paa, "And. Why are we wearing the same, dress?"

"WAIT!"

Napailing ako at tumakbo nalang palabas sa sobrang kaba. Hindi ko na kaya. Parang sasabog na ako. Napunta ako sa garden ng convention na ito at dun muna nagpahangin. Sh-it. What have I done! Buti nalang nakamask pa rin ako.

"Sino ka?"

Kinabahan akong tumingin sa kanya. Tumingin tingin ako sa paligid pero wala na, na-corner na niya ako.

"So-sorry."- sabi ko at napayuko nalang. Napansin kong palapit siya sa akin pero mabilis akong umatras.

"Hindi yan ang tinatanong ko! Sino ka ha! Sino!"

Naiiyak na ako. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Pwede bang mahimatay nalang ako dito? Please. Hindi ko na talaga kaya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro