Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

~Standout~

Wala kaming pasok ngayong araw dahil prom na namin mamayang 5:30 pm. Ang venue ay sa Skylight Convention Centre. Nagising ako ng bandang 9:30 am at nag-check pa ng facebook. Wew, ang saya sana mag-confirm ng friend requests kung hindi lang puro lalaki ang nangre-request eh nuh?

"MOIRA! HALIKA MUNA DITO!"

Haist. Kailangan talagang nakasigaw ha? Para namang wala akong tenga. Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na.

Nakita ko namang nakaupo sa sala si Xyro. Napakunot ako ng noo, greeh. Ang aga niya naman ah? So maaga pa sayo ang magte-10:30, Lara? +_+ Sabi ko nga.

"Ui, Xy."- umupo na ako sa harapan niya. Medyo nakakahiya lang dahil naka-sando at shorts lang pala ako.

"May date ka na ba mamaya?"

Umiling ako,"Wala pa eh. Ikaw?"

"Pwede ba kitang maging ka-date?"- nagulat naman ako sa tanong niya. Syempre, sino bang hindi magugulat diba? Sabi ko nga ako lang ang nagulat.

"Ahe. S-sige, tutal parehas naman tayong wala pang partner. :)"- medyo ang awkward na pala. Phew! Pinagpapawisan ako ah! Chos. Di pa kasi ako nakakaligo. Sorry ah! Kakasabi lang kasi kanina na kagigising ko lang. -_-

Okay, back to story. Peace! Hahaha.

"Great. Sunduin kita around 6 pm."

"6 pm? Akala ko 5:30?"

Ngumiti siya,"Wala lang. Hindi mo ata alam ang salitang pa-V.I.P. nuh? Tsk. Tsk."

Binatukan ko naman siya,"Oo na! Hahaha. Siraulo ka talaga kahit kelan."- tumawa tawa lang ang gago. Kahit kelan talaga to. Tsk.

Tumayo na siya at inihatid ko naman siya sa labas,"Sinabi mo bang susunduin mo ako mamaya?"

Tumango naman siya,"Bakit? Ayaw mo ba?"

"Di nuh! So, san tayo sasakay?"- nae-excite kong tanong. Nakakapagtaka lang, tumatawa na naman siya. "HOY! Baka gusto mong sapakin kita?"

"Tinatanong mo kung san tayo sasakay? HAHAHA."

"-_- Ay hindi, tinatanong ko kung saan tayo lilipad."

"Wait and see. Laters, Lara!"

At umalis na siya. Walang hiya yun! Mamaya sasakay pala kami ng jeep tapos naka-gown ako tapos pagtitinginan ako ng mga tao tapos magtataka sila kung bakit ang ganda ganda ko (sariling puri ba!) dun ako sasakay! Putspa. Wag nalang ui! Mag-aala Cinderella nalang ako mamaya. Bahala na talaga.

***
Trace's POV

(Bago nalang ulit siya nagka-POV! Wahahaha.)

Nandito ako ngayon sa Greenwich, kumakain ng brunch kasama si Vian. Magte-ten A.M. na kasi bago ako nagising eh. Tapos sakto pang kagigising lang din ni Vian kaya, ayun I invited her to have a brunch date with me, and luckily she said yes.

Hindi talaga matanggal sa alala ko yung pag-aya ko kay Vian kahapon sa prom. Kinakabahan nga ako sobra dahil wala akong ka-ganun ganun sa katawan eh. Buti nalang, tinulungan ako ng mga kaibigan ko. Tae. Nae-excite ako para sa mangyayari mamaya.

Nakakapagtaka lalo yung ginawa ni Lara kahapon. Bigla nalang siyang tumakbo eh, ano kaya nangyari sa kanya? Sabi ni Blue, baka daw naiihi na kaya hindi na nakapagpaalam. Oh well, mamaya nalang yan.

"Uhm, Babe? Do you have your tux na?"- she said sweetly. Ang cute niya! Tae.

Tumango naman ako,"Yep, Babe. Meron na, ikaw? May gown ka na?"

"Yes! It's so beautiful, Babe. Oh my gosh, kung makikita mo lang talaga. Kyaah! I'm super duper excited for the prom!"

Napatawa ako sa sinabi niya. Siguro, siya yung pinaka-maganda mamayang gabi.

"Really? Hahaha. I can't wait to see you wear that."

Ngumiti siya ng malaki,"Me too, Babe. And I can't also wait for your gift, tonight."

I smirked,"Wait until tonight, Babe. I'll give you the best monthsary gift you've waiting for."- she just bite her lip and can't help but to smile. Oh god! Ang swerte ko talaga kay Vian. She's my everything.

Lara's POV

Kanina pa ako naririndi sa paguusap ng dalawang malalandi dito sa likod. Peste! May pa best monthsary gift you've been waiting for pa! Sh*t. Sabi naman kasi sa inyo na WALANG POREBER! KAY GOD AT SA PRENDSHIP MERON! PERO KUNG KAYO ANG PAGUUSAPAN? WALA!

Okay, medyo bitter ang dating ko. Oi, hindi ako bitter ha? Slight lang.

Nagbayad na ako sa counter at agad ng umalis. Tsk. Sa lahat lahat ba naman kasi ng makakainan, dun pa! Eh pasensya naman ah? Dun ako nag-crave eh. Pfft. Makaalis muna nga.

***
Paguwi ko sa bahay ay todo sermon ang inabot ko kay Mama. Bakit daw? Kasi daw naglakwatsa pa daw ako eh dapat nagbu-beauty rest daw dapat ako para hindi ako mapuyat at antukin mamayang gabi. Sus, edi sana siya nalang pala ang natulog! Beauty rest pang nalalaman, asan ang beauty dun? Sa kama?! xD De joke lang. Lab ko Mama ko. Hahaha.

Inutusan naman ako ni Mama na maligo na daw ako dahil 1 pm na daw at malapit na daw ihatid yung gown ko. Parang nakakatamad nga eh, kung pwede lang 'wag na magsali eh, kaso oo nga pala, inaya na pala ako ni Xyro, so sige na nga.

*AFTER 30 MINUTES*

Pagkatapos ko maligo ay sinabihan ako ni Mama na mag-bath robe nalang daw muna (syempre may undies!) kasi nandyan na daw yung hi-nire niya na stylist. Bumaba na ako at nakita ko yung stylist. Nginitian niya ako at nginitian ko din siya.

"Hello po."- bati ko sa kanya at tumango naman siya. "Wow, ang dami niyo naman pong dala!"- na-amaze ako kaya lumapit ako sa isang maleta na black at dalawang maliit na box.

"Hahaha. Ganun talaga yun, Lara. Lara right?"- ngumiti ako sa kanya.

"Opo, hehehe. Pero parang familiar po kayo eh."- familiar talaga siya. Parang nakita ko na siya somwhere.

"Ah oo, classmate ako ni Dexter."

Ah! Kaya pala.

"Ah oo nga po haha."

"So, start na tayo?"- tumango nalang ako at umupo na sa harapan ng salamin.

***
Xyro's POV

Quarter to 6 pm na kaya naman inayos ko na ang lahat ng dapat ayusin.

"Wow Pre, eng gwepe me nemen!"

Sinapak ko naman si Daryl,"Tngn* mo, bakla ka! Hahaha!"

Nanggugulo sila dito sa bahay dahil gusto nila masilayan kung paano daw mag-ayos si Jasper Xyro Villafuerte. Tss. Kalokohan.

"Nainlab na ata sayo si Daryl, Xy! BWAHAHA!"

"Manahimik ka dyan, Patrick Alonzo ah! Put* ka."- sambit ni Daryl.

"HAHAHAHA!"

Binitbit ko na ang tux ko at huling sumulyap sa salamin.
Pinuntahan ko muna si Mommy na nagka-kape sa gilid.

"Mi, alis na po ako."

Ngumiti naman siya,"Ang gwapo naman ng anak ko, ikaw ba yan? Hahaha."

"Oo naman po, Mi. Hahaha. Sige po, gotta go!"- I kissed her cheek and bid goodbye.

"Oi! Xy, yung susi!"- binato sa akin ni Pat yung susi at na-catch ko naman ito. "Goodluck ha!"

I smirked,"Thanks tol! Gotta go!"

Dumiretso na ako sa parking lot at sumakay na ako sa kotse. This car is very important to me, why? Kasi ito ang gift sa akin ni Dad na ngayo'y nasa Sweden. I drive carefully papuntang bahay nila Lara. Kinakabahan ako, I don't know what to react once nakita ko siya, ngayon.

After 5 minutes ay nakarating na rin ako sa kanila. Magka-village naman kami kaya madali lang makapunta sa kanila. Bago ako lumabas ay sinuot ko na yung tuxedo ko at lumabas na. Di-nial ko muna yung number niya to make sure na nandyan pa siya.

In Call:

"Hi Lara. :)"

"Oh, Xyro. Nandyan ka na ba? Kanina ka pa?"

"Hahaha. Bago lang naman. Are you done?"

"Y-yeah. Uhm. Medyo, nakakahiya l-lang eh."

"Sus. Kahit hindi pa kita nakikita, para sakin ikaw ang pinakamaganda. :D"

"NGEE! Hahaha. Thank you. O sige na, lalabas na ako."

"Okay. Bye."

Binaba ko na ang tawag at naghintay sa paglabas niya. Mga 20 seconds after parang hindi pa rin siya lumalabas. Tsk. Matawagan nga ulit. Di-nial ko na ulit ang number niya.

"Xyro!"

Bigla akong napatingin sa tumawag nang pangalan ko.

Ang...... ang..... ang Sh*t! Ang ganda niya!

Hindi ako nakasalita at nakatunganga lang sa kanya. Fvck. Ba't ang ganda niya? Mas lalo siyang gumanda nung naka-make up na siya, naka-gown at naka-ayos ang shoulder level na buhok. Tae. Sabi na eh, para sa akin, siya talaga napakaganda.

Yumuko siya,"Ui. Nakaka-offend naman yang mga tingin mo, pangit na nga ako! Hmpf!"

Tumawa ako at lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at tinitigan siya habang nakatingin din siya sakin.

"Pangit? Hindi nuh. Sabi ko na eh, hindi pa kita nakikita, alam ko nang ikaw ang pinakamaganda at wala nang iba. Panu' ba yan, para sa akin, ikaw na ang nag-stand out ngayong gabi. :')"

Yumuko lang siya and I saw she hid a smile. :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro