Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

~Paperbag~

Moira's POV

Nagdaan na ang Christmas Day, New Year at January 3 na ngayon pero di ko pa rin nagagawa yung mga requirements na kailangan para sa darating na pasukan ulit. Kaya ngayong sabado ay dapat magahangout kami ni Paris ay pinostponed ko muna dahil nga kailangan ko nang magawa yun dahil mababagsak ako sa science class kapag pinairal ko pa ang katamadan ko.

"Hey, sure ka Ira na di ka sasama sa akin?" - sabi niya. Nakatuon lang kasi ang mga mata ko ngayon sa laptop na nasa harap ko at sa powerpoint presentation na di ko alam kung paano ko sisimulan.

"Oo, sure na talaga Ris. Sorry ha, next time babawi ako. Graduating pa naman tayo eh, buti ka pa natapos mo na bago pa mag-Christmas Eve. Eh ako, tuloy nase-stress ako!"- grabe kasi, ito rin kasi ang isang disadvantage kapag nasa first section ka ng Sci Class eh. Imbes na magenjoy kami sa christmas break eh puro mga output at requirements ang binabaon sa amin. Palibhasa kasi na porket Rizal kami, ineexpect nila palagi na kayang kaya talaga namin lahat. Putcha.

"Oh sige, tapusin mo na yan para di ka na ma-stress okay?"- nagnod nalang ako at tinuloy na ang research.

Okay, medyo nagka-idea na ako kung paano ko sisimulan ang presentation ko. Ginawa ko na ang best ko para maging maganda ang topic na binigay sa akin ng English teacher namin. Oh gosh, nakaka-limang slide palang ako! >3< Maga- 7 pm na at isang topic palang ang natatapos ko. Dalawa pa kasi ang binigay tapos ang dami daming hinihinging explanations! ::>_<:: Grrr! Pagod na pagod na ako, ang sakit na ng likod ko tapos sumasakit na rin ang mga mata ko. Huhuhu..

Trace's POV

"Thanks for the ride, Trace ha. And uhmm.. I enjoyed a lot in our... first... date.. :)"- tumango nalang ako sa sinabi niya at ngumiti ng bahagya. Syempre, masaya din ako dahil na-enjoy ko yung mga moment naming dalawa sa Plaza Eulalia kaninang 4 pm at 7 pm na bago palang kami umuwi.

"Ako rin naman Vian eh. Nagenjoy din ako, at ang dami kong nalaman tungkol sayo. Napahaba tuloy ang kwentuhan natin at ngayon lang kita naihatid."

She smiled,"Oh It's okay. Hindi naman magagalit si Mom eh, as long as ikaw ang kasama ko at ikaw ang naghatid sa akin."- then nabigla nalang ako ng niyakap niya ako. Niyakap ko naman siya pabalik.

"Thanks ulit, bye!"

Bumitaw na kami sa isa't isa,"Bye. You should now rest, okay? Don't stress yourself too much."- sabi ko at pumasok na ako sa loob ng kotse at siya naman ay nagsarado na ng gate.

"Okay! You take care ha! Drive carefully. Bye ulit."- hinintay ko muna siyang pumasok sa loob ng bahay nila. Pagpasok niya ay napanatag na ang loob ko at inistart na ang engine ng kotse at nagdrive na pauwi. As I drive, I open the radio and connected the flashdrive where there are a list of my favorite songs.

*NP: Thinking out Loud - Ed Sheeran

When your legs don't work like they use to before

And I can't sweep you off of your feet

Will your mouth still remember the taste of my love

Will your eyes still smile from your cheecks

Thinking out loud is one of my favorite song kaya ito ang pinakauna sa list sa flashdrive ko. Why? Kasi dahil sobrang nakakarelate sa akin itong kantang 'to.

And darlin' I will be lovin' you, till we're 70

And baby my heart could still fall as hard at 23

And I'm thinking 'bout how, people fall in love in mysterious ways

Maybe just a touch of a hand

Well me- I fall in love with you every single day

And I just wanna tell you I am

"So honey now, take me into your lovin' arms.... Kiss me under the light of a thousand stars... Place your head through my beatin' heart... Thinking out loud.. that maybe, we found love, right where we are."- and I can't help but to sing kaya sinabayan ko na ang tugtog sa radio. Papasok na ako ng village namin at nadaanan ko ang bahay nila Lara at may naalala ako kaya bumaba muna ako saglit at kinuha ang paperbag.

Pumasok na ako sa gate nila at kumatok sa pinto at bumungad sa akin si Gold na naka-gray na hoodie,"Oh, Gold. Saan ate mo?"

Pinapasok niya naman ako,"Nasa kwarto niya po, kuya. Akyat ka nalang kasi---"

"Kuya Goooold! Mi nagorder na dun sa table 5! She's hungry na daw! Hurry up na! Hi kuya Trassshe!!"

Napaface palm naman si Gold,"Tsk. I hate it. Makes me gay. Sige po kuya, akyat ka nalang."- napatawa naman ako at napailing nalang. Ang cute nilang tignan, naglalaro pala silang dalawa. Kaya pala nakabusangot ang mukha ni Gold kanina eh. Haha. Pag-akyat ko sa kwarto niya ay naka-half open ito.

"Panget?"- kumatok muna ako bago tuluyang pumasok. "Panget?"- nagpalinga linga ako at nakita ko nalang siya na nakatulog sa may paanan ng sofa sa kwarto niya sa harap ng laptop na nakapatong sa lamesa. Ibinaba ko muna ang paperbag na hawak ko sa mesa at pinuntahan si Lara.

"Bagsak na nga."- mahinang bulong ko at binuhat nalang siya papunta sa kama niya. Sh*t! Hindi ko sinasadyang mapatingin sa suot niya. Pamura isa lang, p*ta. Naka-sando na puti at maong na shorts lang siya kaya nakalantad sa akin ang legs niya.

"F*ck! Wag ka nang tumingin, Trace. Shit."- binaba ko na siya dun at hinanap ko agad ang comforter niya at kinumutan siya. Napapahid naman ako sa noo ko. Tae, naka-aircon na't lahat, pinagpapawisan pa ako! Pumunta nalang muna ako dun sa table niya kung saan nandun ang kanyang laptop. Binasa ko muna ang nakaipit na paper sa gilid.

"Powerpoint presentation about the festivals and dances of India."- tapos napatingin ako sa laptop niya. I scrolled down to see if she's already finished with this. "Oh, festivals palang to ah, wala pang dances."- medyo mahirap ang na-tuon na topic sa kanya, akin kasi beliefs at holidays lang kaya medyo madali at unti lang. Eh yan, festival yan, meaning bawat city sa India may kanya kanyang festival. P*ta. Malapit na ang pasukan ah? Ito palang ba ang nagagawa niya?

------*

Moira's POV

*booogsh!*

Napamulat ako sa kumalabog na kung anu man yun pero agad akong napabangon dahil narealize kong di ko pa natatapos ang powerpoint ko! Waaah!

"Oh, gising ka na pala."- napalingon ako sa nagsalita- oh wait! Abs. Abs? Abs. Oh shoot! Abs! O_____O Wowowow! Pagtaas ko ng tingin ay nakita ko si Trace na malapad ang ngisi niya. Ay sus! Siya lang pala. O_____O

"Puteek! Trace!!!!!"- tuluyan na akong napabangon sa higaan ko nang makita ko siya. "A-anong ginagawa mo dito?! *tingin sa abs niya* B-ba't ka nakahubad?!!"- sunud sunod kong tanong pero napatawa lang siya.

"Relax, Panget. Kung ano man yang iniisip mo, wala yun."- nakahinga naman ako ng maluwag. Alam ko naman na hndi siya nagsisinungaling eh.

"Awh. So, ano ngang ginagawa mo dito?"- nakapameywang kong sabi habang papunta ng CR para maghilamos.

"I just wanna hand you something!"- sigaw niya mula sa labas ng CR.

Napasmirk ako,"Oh talaga? Himala naman sayo ah."- at lumabas na ako pagkatapos. Nakaupo na siya ngayon sa sofa at nakabihis na rin ng orange na shirt.

"Napadaan kasi kami ni Vian sa may isang shop sa Robinsons tapos nagtingin tingin kami and that one, caught my eye."- he said habang kumakain ng cake at nanunuod ng TV. Hawak ko na ngayon ang paperbag ngunit hindi ko pa ito binubuksan.

Napakunot ako ng noo,"Really? Oh tapos?"

Nagshrug lang siya ng balikat,"Tapos naisip agad kita."

Napahawak nalang ako sa dibdib ko at isinantabi muna yun nang may maalala akong mas importante. Napatingin ako sa relo ko at 9:45 pm na!

"Aaaah! Yung powerpoint ko pa pala!!"- sabi ko habang binubuksan ang laptop ko. Habang nagloloading ay napasabunot nalang ako sa sarili ko. "Pusha naman oh."

"What are worrying about? Eh nagawa ko na yan kanina. Tapos ko na, nagawan ko na rin ng mga explanation."

Wait, wait.. Hndi magsink in sa akin!

10 percent.......

21 percent......

65 percent.....

99-----

Nakatalikod ako sa kanya at unti unti ko siyang nilingon at biglang lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya, "A-anong s-sabi mo??"

Tinap niya lang ang balika  ko,"Your presentation is done. :)"

Talaga? Kinuha ko ang laptop ko at chineck nga kung tapos na and to my surprise, tinapos niya nga. Sa tuwa ko ay napatayo ako at niyakap siya.

"Waaah! Trace, thank you! Thank you talaga.! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko eh. Buti nalang nandyan ka. Thank you."- niyakap niya din ako pabalik. Napabitaw naman ako agad dahil narealize kong medyo awkward na.

Napatawa naman siya ng bahagya,"Okay lang yan, bestfriends tayo diba? Pagod na pagod yung mukha mo pagdating ko dito kaya naisip ko na tulungan nalang kita sa powerpoint mo."

"Pero parang ikaw na ngang gumawa ng lahat eh. Pero salamat talaga ah? Sa sunod ako naman tutulong sayo."- sabi ko habang nakangiti. Pagtingin ko naman sa kanya ay napangiti siya ng pilit.

"No need, Lara. Nagtutulungan din kami ni Vian."- napatikom naman ako ng bibig doon.

Ngumiti nalang ako ulit kahit medyo nasaktan ako sa sinabi niya, "Ha-ha-ha. Ganun ba?"

Tumango nalang siya sa sinabi ko at nagpokus nalang sa panonood sa TV. Niligpit ko nalang muna ang mga kalat ko sa may table. Nilagay ko na rin sa kama ko ang aking laptop.

"Ui, gabi na, 10:30 na. Hindi kaya hinahanap ka na ni Tita?"

"Oo nga pala, baka sabihin nun ang tagal naman ng date namin ni Vian. Haha."

Wow. Naga-date na pala sila. Bopols Moira, malamang eh mag-jowa na sila eh. Haist. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Wala eh, hindi ako napana ni Kupido. -_-#

"Hahaha. Sige, ingat ka. Teka, ihahatid kita."

Umiling lang siya,"Hindi na. Magpahinga ka nalang. Okay na 'ko. Bye."

Ngumiti nalang ako,"Bye din."

*baaam.*

Pagkalabas niya ng kwarto ko ay pumunta na ako ng banyo para mag-half bath. Pagkatapos ay nagsuot nalang ako ng black sando at pink na pajamas. Habang nagsusuklay ako ay napansin ko ang dalang paperbag ni Trace.

"Ay, oo nga pala. Ano kaya 'to?"

Tinanggal ko na yung scotch tape at pagbukas ko ay isang violet na mahabang box ang nakita ko. Napakunot ako ng noo at pagbukas ko, namangha ako sa nakita ko.

"Napadaan kasi kami ni Vian sa may isang shop sa Robinsons tapos nagtingin tingin kami and that one, caught my eye."

"Really? Oh tapos?"

"Tapos naisip agad kita."

Napangiti ako nang maalala ko ang sinabi ni Trace. "Greeh. You also caught my eye. ^O^"

Isa iyong necklace na may pendat na word na Panget.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro