Chapter 14
~What's going on in Him?~
Nagsimula na ang klase namin sa Advance Physics kaya medyo tinatamad ako makinig. Habang nagsusulat sa board ang teacher namin ay kinuha ko ang maliit ko na salamin at malamang, tinignan ko ang sarili ko. Tss. Hindi ko nga pala masyadong nasuklay ang buhok ko kanina. Kamamadali kanina. Linshak! Ako lang ata ang Paz na pangit. Namimiss ko na ang dalawa kong Kuya na nasa Sitio Princesa ngayon. Si kuya Pj at kuya Dexter. Nasabi ko dati na dun kami lumaki ni Kuya Pj ko kasi si kuya Dexter sa Manila siya lumaki kasama ni Papa pero simula nung namatay si Papa ay pumunta siya sa Sitio Princesa. Sabi nila sa akin na ngayong December dun sila sa bahay! Yey! Nae-excite ako.
"Kopyahin niyo nalang iyan lahat at may meeting pa ako. I'll check your notebooks tomorrow. Goodbye."- pagkaalis ni Maam ay parang pasok sa kaliwang tenga labas sa kanan ang sinabi ni Mam dahil nga highschool kami ay ganito ang gawain namin. Ke haba haba naman kasi ng pinapakopya niya. Tss. T_T Naramdaman ko na nagvibrate ang cellphone ko.
From: Mama
Uwi ka maaga. Parating na sila Kuya mo.
O____O Napanganga ako sa text ni Mama. Waah! Napangiti ako ng sobra sa text niya. Eeeh! Mga kuya ko nandito na sila!
"Moira."- napalingon ako sa tumawag sa akin and I smiled sweetly. "Xyro."- nasa may pintuan kasi ako kaya siya na ang kusang lumapit sa akin.
"Nagtext si Tita Mira. May welcome party daw ung mga kuya mo. She invited me to come over your house."- he smiled kaya napangiti ako. Nakakahawa naman ang ngiti niya.
"Wow! Talaga?! Hahaha. For sure maraming taga-village ang nasa bahay mamaya."- I said while grinning. Si Trace kaya, tinext din kaya siya ni Mama?
"Ah Moira, talk to you later. Makikipagkita kasi sa akin yung Manager ng Fierce."
Tumango nalang ako sa kanya,"Ok lang… Sige mamaya."- tumango nalang siya at pumunta na somewhere. Habang nagiisip ako ng pasalubong nila Kuya ay bigla kong naalala si Trace. Napatingin ako bigla sa kanya. Kasama niya sina Grey at Blue na nakikipagtawanan sa iba pa naming mga kaklase. Lumapit naman ako sa kanya at agad niya naman akong napansin.
"Trace."
Nagpaalam siya saglit kila Grey kaya naman lahat sila napatingin sa akin.
"Yieeeeee!"- napasapo ako ng noo. Sabi na nga ba't alam ko na ang mga iniisip nila eh. Binigyan naman namin sila ng death glare.
"Ang dumi ng isip niyo."- asar na sabi ni Trace kaya napatahimik sila.
"Oo nga! Ang dumi ng isip niyo! May girlfriend na si Trace oh!"- napalingon naman kaming lahat sa nagsalita. Si April pala. Tsk. Ngumiti nalang ako para hindi na lumaki ang gulo.
"Oh my gosh April! You is very right! They is very bagay!"- saad ni May na ni head to foot pa ako. Aba! Napataas naman ako ng kilay at magsasalita na sana ng hilahin ako ni Trace sa wrist palabas pero may nagsalita ulit kaya napatigil kaming dalawa.
"Oh my gee Lara, wag mo nang pangarapin na magiging kayo ng bestfriend mo. Hindi ka naman maganda eh. Hindi ka nga nagsusuklay ng buhok eh!"- sabi ng ever most kontrabida na si Lucy-fer. Psh. Binawi ko yung kamay ko na hawak ni Trace at tinaasan si Lucy ng kilay habang tawang tawa naman ang mga gaga sa sinabi niya.
"Eh di ikaw na ngang MAGANDA! *sabay head to foot* Grabe, Standout Beauty!"- sabi ko ng malakas na may halong sarcastic habang nakataas ang mga kamay sa ere.
"Ooow!!!!!"- sigaw ng mga boys sa room pati ibang girls at binebelatan at binoboo sila Lucy.
"Let's go, Lara."- sabi ni Trace sabay hila sa akin palabas ng room. Inirapan naman ako ng ilang beses nung tatlo kaya pinangirapan ko rin sila.
"Wooh! Grabe! Ang init pala talaga sa IMPYERNO nuh?!!"- parinig ko dahilan para mapalingon ng marahas si Lucy-fer sa akin kaya I made faces para maasar siya lalo. Kinuha ko naman ang tali ko sa bulsa ko at nagtali ng buhok ng walang suklay suklay. Kainit ng ulo shet! Hindi ko naman pinapangarap na maging kami ni Trace ah! At wala akong balak agawin si Trace kay Alviance. Sa kanya na yun!
"Are you okay?"- napabaling ang atensyon ko kay Trace na ngayo'y hawak pa rin pala ang wrist ko. Hinablot ko ang kamay ko at nagkunwaring inaayos ang tali ng buhok ko.
Ngumiti ako ng pilit sa kanya at nagthumbs up,"Medyo."
"Oh my gee Lara, wag mo nang pangarapin na magiging kayo ng bestfriend mo. Hindi ka naman maganda eh. Hindi ka nga nagsusuklay ng buhok eh!"
Napabuga naman ako ng hangin ng maalala ko ulit yung sinabi ni Lucy kanina. Halos buong klase ang nakarinig at nakasaksi nung nangyari kanina. Naglakad lakad lang kami ngayon at napunta kami sa field at pumunta sa bleachers.
He sighed,"I hate seeing you like that Lara. I know you're not okay."- ngumisi nalang ako sa sinabi niya.
"Ang talas talaga ng dila ng babaeng yun. Ang sakit magsalita. Grabe makapanghusga. Alam ko namang may relasyon kayo ni Alviance eh. Ako pa nga ang unang mong sinabihan diba? Kasi mag-bestfriends tayo. Bakit ba hindi nila maintindihan yun? At tsaka, grabe naman sila makapanghusga. Oo alam ko naman sa sarili ko na hindi ako kasing ganda ni Alviance eh, hindi nila kailangan paulit ulitin."- hindi ko nagawang pigilan pa ang mga luha ko at lumabas na ito ng kusa. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang mga palad ko.
"Never compare yourself to others or to Alviance. You have your own beauty. At tsaka, hindi natin maiiwasan ang mga ganyan sa room lalo pa't-----"
"Lalo pa't ano? May girlfriend ka? Eh bakit hindi mo sila kayang pagsabihan?"- kunot noo kong sabi. Mainit ang ulo ko ngayon putek!
Tumayo sa bigla at binigyan ako ng malamig na tingin,"Hindi lang naman ako ang naiisue sa'yo."
Napatayo na rin ako sa sinabi niya,"Ano?!"
Tumalikod siya,"Pati kayong dalawa ni Xyro na yun. Ewan ko ba't anong meron sa inyo."- malamig niyang sabi at magwa-walk out na sana pero hinarangan ko siya agad.
"Teka teka teka, at sino namang nilalang ang gumawa ng issueng yan ha?! Linshak na kare kare naman Oo!"- napabuga ako ng hangin habang iniisip kung sino ang naggawa ng issue na yan. Puteek ha!
"Bakit, wala ba?"- napatingin ako sa kanya at napanganga.
"Oh my gosh Trace! Don't tell me ikaw ang gumawa ng issue na yan?!"- napanganga nalang ako sa sinabi ko.
Nagkibit balikat naman siya,"Ewan ko. Hindi lang naman kasi ako ang nakakapansin eh. Pati na rin sina Grey at Blue."
"Eh sa wala nga! Mag-childhood bestfriend lang kami nuh! Linshak talga oo! Trace naman!"
He smirked,"Awh. Okay."- at nagsimula na siyang maglakad. So ganun? Ganun na lang yun kadali? Sarap batuhin ng sapatos eh! Tss.
"Moira!"- napalingon kami ni Trace ng sabay at narinig kong napamura si Trace.
"Ah mauna ka nalang Trace. May pupuntahan pa kami ni Xyro."
Umiling siya,"Where on earth are the two of you going?"
Nagkibit balikat lang ako,"Kung saan kami dalhin ng mga paa namin."
Nagkaway nalang ako sa kanya pero tinignan niya lang ako ng matalim. Lokong tao to. Lumapit na ako kay Xyro na ngayo'y may bitbit na Fruit shake. Ngumiti nalang ako sa kanya and I mouthed 'thank you'.
"So, san pala tayo pupunta?"
Nagkibit balikat lang siya at umupo sa may bench sa field kaya napaupo na rin ako doon.
"Actually, I need your help, now."
Napatingin ako sa kanya at napakunot ng noo.
****
"Tsk. Wala talaga akong mahanap na pwedeng ibigay sa kanya eh. Uhm.. Ay eto! Eto."- binigyan ko lang siya ng bored look ng ipakita niya sakin ang nahanap niyang pangbigay 'daw' sa nililigawan niya.
Tinaasan ko siya ng kilay,"Srsly? A diary? Tsk. Cheap!"- tapos binalik ko nalang ulit ang tingin ko sa mga kumikinang kinang na bracelet dun. Haist. Kahit mayaman kami, hindi pa rin ako marunong magwaldas ng pera unless kasama si Paris.
"Eh ano pala? Ano bang dapat kong ibigay sa kanya?"
Nagkibit balikat nalang ako at napatingin sa kanya,"Sino ba kasi yang nililigawan mo at parang napaka-special naman?"
Binigyan niya lang ako ng ngiting aso,"Secret."
"Asus! tamo to, may pa-secret secret pang nalalaman. Bigyan mo nalang ng love letter yan! Tapos!"- sabi ko nalang at nagpaka-bitter ng tone. Nakakainis lang kasi yung mga babaeng may lovelife eh. -_-
"Ay! Alam ko na, bibigyan ko nalang siya ng flowers at kakantahan ko nalang siya! Ang astig diba?"
Binigyan ko siya ng srsly look at itinaas ang kilay,"At ano naman ang kakantahin mo?"
Napatigil siya sa pagtingin tingin ng mga flowers at napaisip sa sinabi ko.
"Hmm. Hindi pa ako nakakaisip eh. But, I'll try to practice later or maybe tomorrow. Basta ba sasamahan mo ako?"- napairap naman ako sa kawalan.
"As if naman tatanggi ako! Tss. May magagawa pa ba ako?"- humalakhak nalang siya at sabay na kaming lumabas ng store na iyon at umakbay siya sa akin.
"I'm so lucky to have you, Moira."- sabay ngiting aso niya. Kaya napatawa nalang ako sa inasta niya. Napadaan naman kami sa Jollibee at sabay kaming napatingin sa isa't isa.
"Gutom na ako!"- sigaw ko at napatawa siya habang tumatango at sabay kaming pumasok sa Jabee.
***
"Ano sayo Moira?"- tanong ni Xyro habang kumukuha ng 1000 sa wallet niya. Tsk. Dapat nga 1000 din ang baon ko ngayong week eh.
Pupunta daw kasi sila Kuya dito kaya 500 muna.
"N1 nalang at isang large fries."- libre niya daw kaya lulubusin ko na. Hahaha!
Napataas siya ng kilay,"Anything else?"
I smiled sweetly,"Oh, wala na pow kasi pow darating na pow ang mga Kuya kow pow mameyeng gebe. Break it down yow!"- napailing nalang siya sa sinabi ko at natatawang dumiretso sa counter. Napatalon naman ako sa inuupuan ko ng sunud sunod na magvibrate ang phone ko.
_Trace_ Calling....
Napalaki ang mata ko at agad na sinagot ang call.
"Hello?"
[Where the hell on earth are you now?! I've been calling you many times! And yet you didn't answer any of that sh*t!]
Nilayo ko muna sa tenga ko ang phone ko. Grabe! Halatang galit. Pero teka, ba't niya ba ako hinahanap? Eh wala naman kaming napagusapan na may gagawin kami ah!
"Eh... uhm.. Trace.. Diba, sinamahan ko si Xyro? Nagpaalam naman ako diba?"
Napatingin ako kay Xyro na nasa counter pa rin. Haist. Gutom na ako.
[Eh bakit naman ang tagal?! Asan ka ba?!]
"Somewhere over the rainbow. Eh kasi, gutom na kami at saktong napadaan kami sa Jabee at libre raw ni----"
[And so what?! Kaya naman kita ilibre ha! Paniguradong mas mayaman pa ako jan sa pinagyayabang mo!]
Napanganga nalang ako sa sinabi niya. Naku! Buti nalang mahaba ang pila at matatagalan pa si Xyro dun.
"Teka nga lang Trace, ba't ba ang init ng ulo mo ha?! Ba't ka ba jan nagagalit?!"
[Your mom texted me na sabay na tayong umuwi dahil hindi raw sumasagot sa mga tawag niya yang ka-IBIGAN mo!]
"Hoy hoy! Anong ka-IBIGAN ka diyan?! Sino kaya sa ating dalawa ang may ka-IBIGAN ha!"
[Shut up Lara. Asan ka na ba? It's already 5:24 pm and I've been waiting here for minutes!]
"Eh sinabi ko bang hintayin mo ako? Sabihin mo nalang kay Mama na sabay na kami ni Xyro'ng----"
[No. I promised to your Mom na ako ang maghahatid sayo pauwi. Kaya, tara na Panget. Sabay na tayo.]
Napatulala naman ako ng maging malambing ang boses niya. Takang taka ako kung bakit ganito nalang siya umasta. Hindi kasi, kakaiba eh. Hindi naman siya ganito sa akin ah! Kay Alviance alam ko ganito siya umasta. Tsk! Siguro masyado lang siyang over protective kasi bestfriend niya ako.
"Panget... ano kasi.. Sorry, sasabay nalang ako kay Xyro tutal kami ang magkasama ngayon. Magkita nalang tayo sa bahay----"
toot toot toot
Uh-oh. Mukhang I made him mad. Pero, ano bang nangyayari sa kanya? Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa akin kung bakit parang kanina pa may kakaibang nangyayari sa kanya. Una, kung paano niya ako titigan kanina habang kumakanta ako, pangalawa, sa paggawa niya ng issue sa'ming dalawa ni Xyro at pangatlo, eto at galit na galit sa akin at pinipilit na sabay na kaming umuwi.
I don't know what's going on in him but I'm very sure that my hearts beating faster and faster and it feels like I'm gonna have heart attack.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro