Chapter 12
~Surprise~
"Ang sarap ng manggang hilaw!. Buti na lang pumitas ako ng tatlo."- sabi ko habang isinasawsaw ang manggang hilaw sa toyo na may asukal. Tumango lang si Xyro sa sinabi ko. Pangatlong mangga na nga ito eh. Ang sarap talaga! >__^ Kanina pa kami kain ng kain ng prutas dito ni Xyro. Eh pano, ang dami dami niyang kinuha. Loko talaga.
"Lara!"- napalingon ako kay Mama na kapapasok palang. Tinaas ko lang ang kilay ko kasi tinatamad akong magsalita." May naghahanap sayo."- kinabahan ako bigla.
"Si-sino?"- tapos napatingin na din si Xyro kay Mama.
"Si Trace."
O_______O SERYOSO?! Napalunok ako ng ilang beses sa sinabi ni Mama. Napatingin ako kay Xyro. *facepalm* Hindi nga pala kilala ni Xyro si Trace.
"Ah.. Eh.. M-ma. Pakisabi namang----"
"Saglit lang Trace hijo ha.. Ano yun Lara?"- pakshet. Ano ba to! Kinakabahan ako bigla. Ayoko siyang makita. Hindi pa ngayon.
Tumingin ako kay Xyro,"Saglit lang Xy ha."- nagthumbs up lang si Xyro. Tumayo na ako at inayos ang damit. Tinignan naman ako ni Mama ng bilisan-mo-nga look. Paglabas ko ay nakita ko..siya.
Tae. Kinakabahan ako. Lamunin mo na ako lupa please!
I tried to act na hindi na ako affected sa kanya.
"May kailangan ka?"- napasinghap ako ng hilahin niya ako papasok sa kotse niya." Aray naman ha!"- sabay irap ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin at nag drive na lang palabas ng village. Nanlaki naman ang mga mata ko.
"H-hoy! Te-teka lang san tayo papunta?!"- pero hindi niya pa rin ako sinasagot. I sighed in frustration. "Maka-hila ka naman sa akin parang hindi tayo magkaaway ha!"- sarcastic kong sabi.
*screaaaaaaaaack*
Bigla siyang napa-preno sa sinabi ko at itinabi niya muna sa gilid nf kalsada ang kotse. Napa-crossarms na lang ako sa mga kilos niya. It's 2:00 pm in the afternoon at ang suot ko lang ay white na sando with blazers at maong na pants. Paminsan kasi kahit nasa bahay lang ako nagsusuot ako ng pants. Trip lang.
"Sorry."- napairap na lang ako sa sinabi niya.
I flipped my bangs,"Sorry saan? Sa pagkaladkad mo sa akin o sa mga isinumbat mo sa akin?"- kunot noong sabi ko. Naiinis na ako eh. Hindi siya straight to the point.
"Both. Pero look, kaya nga kita isinama sa akin coz I want to make it up to you. Ok. I will go to the point. Sorry. Pasensya na kung nasabihan kita ng kung anu-ano. Naipit lang ako eh at tsaka dala na rin ng init ng ulo sa sumbatan niyong dalawa. I know, I'm wrong yes. I just want to say na dapat hinayaan mo akong magsabi nung bagay na yun kay Vian. Pero, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko nang sabihin mo yung bagay na 'yun'. Alam kong mali, na sabihin yun sayo nang harap harapan lalo na sa maraming tao. I hope you understand and forgive me."- pagkatapos niyang sabihin yun ay yumuko siya. I hold his chin para makatingin siya sa akin.
"Halika nga. Look at me. *sigh* I'm sorry din. Tama ka. Hindi dapat talaga ako nakialam. Nainis lang ako sa pagiging brat ni Alviance eh. I overheard your conversation kaya hindi ko napigilang naiinis. Please forgive me din ha? Hindi ko kaya na kahit isang araw hindi kita makita, makausap at makasama."- then niyakap niya ako bigla.
"Kung hindi mo kaya, mas lalo naman ako nuh! Takte! Isang oras pa nga lang matapos tayong magaway parang kinokonsensya na ako tapos namimiss na kita."- bumitaw na kami sa isa't isa .
SILENCE
Napaiwas ako ng tingin ng magtama ang tingin namin. Grabe! Ang awkward. Oh wait sh*t! Nakalimutan ko si Xyro! My golly! Hindi ko pa dala ang phone ko!.. *cries*
Tutal, bati na rin kami, kakapalan ko na ang aking mukha.
"Oy, Panget."- napansin ko na may paper bag sa lap niya at kumakain pa siya. Inirapan ko siya nang makita kong kumakain siya ng chips. Psh.
"Hmm?"- sabi niya habang ngumunguya ng potato chips.
"May load ka? Pa-call naman oh!"
Tumawa naman siya ng bahagya at ibinagay na sa akin ang phone niyang Samsung na touch screen. Inirapan ko naman siya.
"Tawa ka dyan?"- taas kilay kong sabi. Umiling lang siya at sumubo naman habang patuloy pa rin sa pagtawa." Ang saya mo ha!" - sabi ko at idinial na ang number ni Xyro. Buti nalang pala saulo ko. :D
Calling.....
In call..
[Hello who's this?]
"Xyro!"- napatingin naman sakin si Trace na naka-kunot ang noo.
[Moira?]
"Yow. Ano kasi, sorry ha! Naiwan kita dyan. Ok ka lang ba?"
[*chuckles* I'm fine. Don't worry. Ang saya nga kasama ni Tita Mira eh. Haha! Madaldal din katulad mo. Oo nga pala, where are you?]
"Ah. Pauwi na rin kami, Xyro."
Bigla namang tumingin sa akin si Trace ng uuwi-na-tayo-agad? look. Tumango na lang ako at nagsimula naman siyang mag-drive.
[Oh. Okay. Ingat ka. Hintay kita ha?]
Eeeeeeh~ Enebe. Haha.. Kinikilig ako. Mga lima lang. :)
"Okay. Bye."
toot toot toot
"Sino yun?"- tanong ni Trace habang naga drive. Kinuha ko naman yung chips na nasa lap niya.
I smiled teasingly,"Hulaan mo! Haha!"
Inirapan niya lang ako," Sino nga?"
Inirapan ko rin siya," Si Xyro."
"Tss.. Pinalitan mo na ba ako?"
"O___O Makasabi namang pinalitan ka parang 'boypren' lang ah!"
SILENCE
Napalunok ako. Eh, may mali ba sa sinabi ko?
"Eh.. Ah.. uhmm. Si Xyro ano, boyfriend--- ay este! Ano ba yan! Childhood friend ko."- napakamot ako ng ulo sa sinabi ko. Gaga ko kasi! Napunta kasi sa boypren boypren na yan kaya ayan! Kagagahan talaga.
"Ah. Boyfriend-- ay este childhood friend pala."
Bigla na namang may namuong silence sa pagitan namin. Alam niyo yung super awkward? Kami yun. Nakita ko naman na nasa may village na kami. Pagkatapat sa bahay ay bumaba na ako agad. Ang awkward talaga sobra. Bumaba na rin siya.
"Ah Lara----
"Moira!"- napalingon ako sa tumawag sakin. Ano ba yan! Ilang oras palang ang nakalipas namiss ni na agad ang presence neto.
I smiled," Xyro."- napatingin naman ako kay Trace."Ah. Xyro si Trace. Trace si Xyro."
Tumango lang silang dalawa at nagshake hands. Nagsabi pa sila ng 'dude' at 'pare'. Napangiti naman ako sa inasal nilang dalawa.
"Sige Panget. Una na ako."- sabi ni Trace. Bigla naman akong napairap sa sinabi niya.
"Maka-una naman to parang ke layo layo ng bahay neto. Yan lang po ang bahay mo oh!" - sabi ni habang nakaturo sa bahay na katabi lang ng bahay namin.
Ginulo niya naman ang buhok ko," Pansin ko na kanina mo pa ako binabara ha! Sige una na ako. Pare, nice meeting you. Hang out tayo minsan."- automatic naman akong napangiti ng malaki.
Tinapik naman ni Xyro ang balikat ni Trace," Anytime pre. Jan lang bahay ko."- sabay turo niya sa bahay na kaharap lang ng bahay namin.
"Sige. Bye."- nagwave na lang ako kay Trace.
"Una na rin ako Moira. Good nyt. Tomorrow na lang. Kita na lang sa school."- napatalon naman ako nang maalala ko yun.
"Waaaaah! Oo nga! Sige sige. Goodnyt!"- nagwave na lang kami sa isa't isa at pumasok na ako sa loob. Pagdating ko doon ay nakita ko si Mama na naghihiwa ng gulay.
"Ma, si Gold at Silver pala?"
"Nakila Auntie Jade mo. Birthday kasi ni Paris."- lumaki agad ang mata ko sa sinabi ni Mama.
"Waaah! Ba't di mo sinabi?!"- mangiyak ngiyak kong sabi. Si Paris ay ang cousin ko na kagagaling lang ng Hongkong. Hindi na lang sa Paris, France nagaral nuh? Bobitang babae.
"Umalis kayo ni Trace eh. At tsaka dadaan na lang daw siya dito mamaya."- padabog naman akong napaupo sa sofa.
"Eeeeeeeh~ Mama naman eh! Kahit na! Miss na miss ko na yung bobitang babae na yun! Waaaah!"
Binato naman ako ni Mama nang sibuyas,"Ang drama mo naman! Parang hindi natin sila ka-village. Gaga mo."- alam niyo na siguro kung kanino ako nagmana nuh? Pero Papa's girl pa rin ako. *smirk*
"Pero Maaaaaa! Tinatamad pa rin ako magpunta!"
"Pupunta yun dito mamaya. Eto, parang binagsakan ng lupa eh!"
"Ma! Langit hindi lupa!"
"Aywan ko sayo! Maka-langit naman to parang Angel ha!" - told ya! Parang ako ang batang version ni Mira Angela Paz.
"Totoo naman ha! Angele Moira nga ang pangalan ko eh!"
Naghugas na siya ng kamay niya. Ako naman ay nanunuod ng TV.
"Pangalan lang hindi ugali."
OUCH. </3 Parang Mang Inasal lang ang sinabi ni Mama. Tagos hanggang buto.
"Fine fine fine. Kung ganun, EDI nagmana talaga ako sayo!"- and then I smirked.
"Ewan ko sayo."- napapout na lang ako sa sinabi niya. Psh. Minsan lang kami magusap ng ganito ni Mama. I'm thankful kasi kahit hindi kami ganun ka-close, binigay pa rin siya sa akin ni Papa God. :)
Papa God, thank you ha! Ang daming nangyari na maganda ngayong araw and lalo na sa surprise na nandito na ulit si Paris.
Can't wait na dumating si Paris. :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro