Chapter 11
~Moments~
Maaga ako nagising ngayon dahil nag-aya si Xyro na magbike daw kaming dalawa around the village. Pumayag na rin ako kasi matagal na rin kaming hindi nakakapag-bonding. Naghilamos lang ako at nagtoothbrush at nagbihis na. Nagsuot lang ako ng black na sando, pink na jogging pants, yung hoodie jacket ko na itinali ko sa aking bewang at white na converse. 4:30 am palang kaya kumain muna ako ng cereal flakes at milk. Habang kumakain ako ay nagsurf muna ako sa net. Inopen ko muna ang aking Intasgram at nagcheck kung may follow request. Nakaprivate kasi yung account ko eh. Wahaha. And I found out na there's 17 follow requests. ~__~ Eeeeeh~ Feeling artista nuh? Wahaha. Pagkatapos ko kumain ay niligpit ko na ang kinainan ko at nilagay sa lababo. Nagtoothbrush ako ulit at nagpolbo ulit. -_-
"Oh, ang aga mo ata nagising ngayon ah."- sabi ni Mama na kabababa palang ng hagdan.
"Maga-bike po kasi kami ni Xyro. He invited me to roam around the village."- sabi ko habang nagsusuklay sa harap ng salamin.
"Mabuti yan para exercise."- tumango na lang ako sa sinabi ni Mama. Pasensya, hindi kasi kami ganun ka-close eh. Papa's girl ako. :(
"Labas na po ako."- tumango na lang siya habang umiinom ng kape. Pagkalabas ko ay dumiretso ako sa garage para kuhain ang bike ko.
~Saan kaya dito? Ang dami naman kasi.~ sa isip isip ko. Hmm..
"Ay anak, gamitin mo yung bike na may malaking basket sa harap. Magharvest ka muna kahit konti sa garden. Pati, pakidiligan na rin. At tska kung sisipagin ka, may mga seedlings sa may nursery section itanim mo na rin ha, salamat."- naparoll eyes naman ako sa sinabi ni Mama.
Kinuha ko na ang bike ko," Opo."- tapos lumabas na ako ng gate. Nakita ko naman si Xyro sa labas na dala rin ang kanyang mountain bike. Eeeh~ Ba't ba ang cool niya? >__< Hahaha.. He's wearing blue jogging pants, grey sneakers at nakalong sleeves na brown. I walked towards him as I smile.
He smiled.
"Tara? Maga-5 am na."- he said. Gwapo niya tae.. Tumango na lang ako at sumakay na sa bike ko ganun din siya.
Nag start na kaming magpedal. Pagtingin ko sa gilid ni Xyro ay nakita ko sila Patrick at Daryl. Mga pinsan ni Xyro.
"Oy oy oy! Xyro ha! Ano yan? yieeeee!"- asar ni Pat. Psh.. Sabi na nga ba eh. Pati ba naman to bibigyan ng malisya? -___-
Napailing lang si Xyro at tumingin sakin," Huwag mo sila intindihin, Moira ha. Mga supot kasi."- napatawa naman ako sa 'supot' word na yan. Haha. Loko talaga.
Tumango na lang ako at nagpatuloy na kami sa pagbike.
"Oy Xyro! Binata ka na! Wahaha! Moira! Enjoy!"- bumanat naman si Daryl. Tinignan ko lang siya ng masama.
"Nandito pa pala yung mga yun?"- tanong ko. Ang lamiiig~ grabe Haha.. Malapit na kasi ang December eh. :)
"Oo nga eh. Peste! Ang gulo ng buhay ko kapag nandyan ung mga ugok na yun."- tumawa kaming dalawa sa sinabi niya.
"Oo nga pala Moira, ang astig naman ng bike mo. Haha. Ang laki ng basket."- naparoll eyes naman ako sa sinabi niya.
"Eh.. Si Mama kasi, pinapa-harvest ako sa garden. Baka kasi mabulok na yung mga tanim eh. At tsaka magadilig din ako at magatanim."- bored kong sagot.
"Wow! Great. Wala naman akong masyadong gagawin after this so, I'll help you."
Napailing naman ako," Naku, wag na. Ako na lang. Baka sabihin ni Mama na ang laki laki ko na nagpapatulong pa ako."
"No. I insist. Ok lang yan. Si Tita pa!"- napangiti ako sa sinabi ni Xyro. Kahit sa PPCNHS siya nagaaral, hindi pa rin siya nagbabago. Ganun pa rin siya. Hay naku. Sabi sa inyo eh, swerte ng magiging girlfriend neto. :) Tumingin ako sa relo ko at maga-6 am na pala. Malapit na rin yung garden. Malayo layo kasi ung garden sa bahay namin. Mga 10 minutes kung maglalakad ka. Yung garden na yun, si Papa ang naghahandle. Mabait si Papa kaya ung mga kapitbahay namin ay binibigyan namin ng mga gulay at prutas. Nakakatuwa nga kasi hindi sila yung mga kapitbahay na kapag binigyan ng kahit ano, hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Sila yung mga tipong minsan kapag may mga buto sila ng halaman ay ibinibigay nila sa amin at itinatanim doon. :) Maraming alala dito sa village na ito pero mas marami doon sa Sitio Princesa. Doon kami lumaki ng Kuya PJ ko. Si Kuya PJ nandoon siya sa Sitio Princesa nagbakasyon.
"Dito na tayo. Tara, Moira."- bumaba na kami sa bike namin at pumunta na sa garden. Alalay namin ang bike namin papasok. Nilabas ko na ang susi at binigay Kay Xyro. Pagkabukas niya ay ipinasok na namin ang aming mga bike.
"Wow. Ngayon na lang ako ulit nakapunta dito. Maga-graduate na kasi tayo kaya busy na."- sabi niya habang pinagmamasdan ang malagong mga tanim sa garden ni Papa.
Kumuha ako ng seedling sa gilid at nagbungkal ng lupa.
"Kaya nga. Pero tina-try ko talagang pumunta dito para alagaan ang mga tanim."- I smiled.
Kinuha niya na rib ang basket sa may bike ko at nagsimula nang magharvest.
"Ang lalaki na ng talong oh! Ayun pa, yung sitaw ang hahaba!"- napatawa naman ako sa itsura niya. Ang cute lang kasi. Parang first time niya lang.
"Malaki na talaga yan. Lagi kasi akong bumibisita dito after class at weekends. :)"- napatingin siya sa akin at ngumiti and mouthed 'Nice'.
"Xyro, ingat ka dyan banda sa may mga sitaw. May mga alambre kasi paminsan diyan na nakakalat."- tumango na lang siya at nagpatuloy na sa pagharvest. Ako naman, ay nagdilig na ng mga halaman. Mamaya na ako ulit magtatanim ng mga seedlings pagtapos magharvest ni Xyro para sabay sabay.
Xyro's POV
Grabe, nakakatuwa naman dito. Para siguro akong t*nga. Tsk. Ngayon na lang kasi ako ulit nakabisita dito sa garden ni Tito Arco. Busy kasi ako lalo na at graduating. Lilipat na rin pala ako ng school kasi kinuha ako ng East High na varsity player ng basketball at pansamantalang lead vocalist ng Fierce dahil aalis papuntang L.A. ang vocalist ng bandang yun. Matanong nga kay Moira mamaya kung sino yun at ano ang dahilan. Marami rami na rin akong napitas na gulay at prutas kaya bumalik na ako doon sa nursery section kung nasaan si Moira ngayon.
"Wow! Super dami naman yan, Xyro. Halika pahinga ka muna saglit."- kinuha niya sa akin ang basket pero hindi ko ito binigay.
"Moira, kaya ko pa naman eh. Hindi na kailangan magpahinga. Nakakaenjoy kaya."- ngumiti na lang siya at itinabi ko na ung basket sa gilid. Pinagpagan ko din ang mga kamay ko. Madumi eh.
"Talaga?.. Hmm. Ganyan din ako noong first time kong magharvest noong grade 6 ako. Grade 5 kasi nagsimula ipatayo itong garden na ito at hindi kami pinapapunta ni Mama. Si Papa lang pati si Kuya PJ. Kaya ayun, nung naghaharvest ako, ang saya. Parang naga-field trip lang.. Haha.."- napangiti ako sa sinabi niya. Kumuha rin ako ng seedling at pala at nagsimula nang magtanim.
"Oo nga pala Moira. Sa school niyo na ako magaaral."- bigla siyang napatigil sa sinabi ko at napatingin sa akin.
"Ta-ta- Talaga?! Oh my gee! May kasama na ako ulit! Yey! Haha!"- for the first time ulit ay lumabas ang pagiging hyper niya. Nabanggit kasi sa akin ni Tita kanina na puro daw nakasimangot at parang nababagot ang itsura niya these past few days.
"Haha.. Oo, pero bonifacio lang ako. At tsaka, may dahilan kung bakit ako soon magaaral."- sabi ko habang nagtatanim. Inilapag niya muna ang pala sa gilid.
"Oh? Kung wala palang dahilan, hindi ka mag-aaral sa East high? :("
Moira's POV
"Oh? Kung wala palang dahilan, hindi ka mag-aaral sa East high? :("- malungkot kong sabi.
Pinagpagan niya muna ang mga kamay niya bago magsalita.
"Pwede. Pero, iba na ngayon eh. Doon na ako magaaral kasi kinuha ako ng East High ilang varsity player at pansamantalang vocalist ng bandang Fierce."- napako ata ako sa kinatatayuan ko ng mabanggit niya ang bandang Fierce na kung saan si Simoun ang vocalist. Pero, pero bakit? Bakit papalitan pansamantala si Kyle? Hindi naman sa ayaw ko na si Xyro ang vocal ah, curious lang ako kasi parang out of the blue, mawawala si Kyle.
"Oh, ang lalim naman ata ng iniisip mo ha."- sabi ni Xyro kaya nabalik ako sa katinuan.
"Ah. Kasi ano, nagtataka lang ako kung anong nangyari kay Kyle."- syempre, magkaibigan kami at hindi ko na yun crush ha! So ayun nga magkaibigan kami nuh. Hindi na rin nga yun nagpaparamdam eh. Kaya, hindi ko na lang kinukulit.
"Ah. Kyle pala ang pangalan niya. Nakakapagtaka nga rin eh. Pero, swerte ako kasi palagi na kitang makikita at malas lang......."
"Malas lang na ano?"- pabitin siya eh. Haha.
"Na kalaban ng magiging banda ko ang banda mo. :("
Sinapak ko naman siya ng mahina sa braso niya kaya napa'aray naman' siya.
"Ano ka ba, banda lang natin ang rivals, hindi tayo ok? Halika na at baka hinahanap na tayo ni Mother Beybi. Pft. Haha!"- tawa lang kami ng tawa hanggang makabalik kami sa bahay.
Nakahinga na rin ako ng maluwag kasi hindi ako nagiisa, kasama ko pa rin ulit si Xyro. Kaya, nagpapasalamat ako kasi kahit magkaaway kami ni Trace, nandyan pa naman si Xyro na bestfriend ko rin at hindi ako iniiwan.. Sana lang..
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro