Chapter 10
~All Alone~
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Basta lumakad lang ako ng lumakad. Maga-5pm na rin pero ayoko pang umuwi. Napahinto ako saglit at napatingin sa paligid. Sheems! Asan na ako? Ang layo na sa school. Hindi ko na alam kung saan pupunta. Napadapad ako sa kung saan to. Ewan ko. May lake sa gilid, tapos may site na pwedeng magbike, sa gilid naman may mga nagtitinda ng mga pagkain. Meron ding ferris wheel na sa gabi lang gumagana kasi may mga lights at fountain daw na maganda tanawin pag nasa taas. Hay. -O- Parang ayaw ko munang umuwi. Gusto ko kasing sumakay ng ferris wheel para may time akong makapagisip isip.
Trace's POV
Naiinis ako. Hindi ko dapat sinabi yun kanina. Putek. Nakokonsensya ako. Bestfriend ko yun. >_< Ano bang nagawa ko? Pero hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko. Matagal ko nang gusto si Alviance. Alam yun ni Lara. Nainis lang ako sa sinabi ni Lara and yet nakokonsensya ako na sinabi ko yun. Totoo naman ang sinabi ko. Siya ang nagsabi sakin na magbago ako para kay Alviance. Siya ang inspiration ko nung panahon na nagbabagong buhay ako. Tae! Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Nakakainis! Pushang gala oh! Hindi ko na nakayanan pa kaya pumunta ako sa bahay nila Lara.
Pagkapasok ko ng gate nila ay dahan dahan akong kumatok sa bahay nila.
knock knock knock
Bigla naman akong nataranta ng makita kong bumubukas na ang pinto.
"Oh Trace, hijo."
Akala ko siya. Tae! Kinabahan ako ah!
I tried to smile,"Eh, Hi po Tita Mira,. Ahmm. Anjan po ba si Lara?"
Napakunot siya ng noo,"Ay, hindi pa nakakauwi, hijo eh. Baka may ginawa lang na mga projects."
Hah? Ano daw? Wala pa siya? Eh asan yun pupunta! Takte.
"Ah eh Tita. Saan po ba madalas magpunta si Lara?"- namamawis na ako dito. Iniisip ko pa lang na wala pa si Lara kinakabahan na ako.
Umiling si Tita,"Masekreto ang batang yun kaya hindi ko alam kung asan yun ngayon. Kapag tinatanong ko kasi, ayaw niya sabihin. Bakit? May kailangan ka ba, Trace?"
"Opo Tita eh. A-ano. Magagawa po kami ng project namin."- tae! Nakapagsinungaling pa ako. Gagawa naman talaga kami ng project eh, SANA.
"Hindi ko talaga alam Hijo. Hindi mo ba siya matawagan?"
Umiling ako,"Naka-off po yung phone niya."
"Pasensya ka na talaga ha. Itatry ko nalang siya mamaya kontakin."
Tumango nalang ako,"Sige po, salamat Tita. Una na po ako."
"Sige."- tapos sinarado niya na ang pinto. Lumabas na ako ng gate nila at sinarado iyon.
I sighed,"Asan ka na ba, Lara?"
Lara's POV
7pm na at bago palang ako sasakay ng ferris wheel. Bente lang naman ang isang oras eh pero nag-dalawang oras ako. Magpapasundo nalang ako kay Xyro. Siya ang childhood bestfriend ko na ka-village ko rin. Super close kami nun at nashe-share namin ang mga secrets ng isa't isa.
Incoming call:
#MamaKo
-_- Psh.. Papauwiin niya na naman ako. Hindi pa nga ako nakakapagmuni-muni eh.
"Ate, pasok na po kayo sa kulay violet."- tumango nalang ako at sumakay na. Still, my phone kept on ringing.
"Ma."- sinagot ko na ito dahil hindi to matatahimik hanggang hindi ko nasasagot ang tawag niya.
[Goodness gracious, ANGELE! Buti naman naisipan mong sumagot nuh!]
Napatakip ako ng tenga,"Aray naman Ma. Kailangan mo PO?"- Angele ang tawag sakin ni Mama kapag galit or naiinis siya sakin. Pronounced as AN-GE-LIE.
[Umuwi ka na nga! Asan ka na ba?]
"Eh, Ma. Hindi ko po alam eh."
[Ha? Anong di mo alam? Hindi ako makakasundo sayo dahil pupunta ako sa Tita Almira mo at susunduin ang mga kapatid mo. Asan ka na ba ha? Umuwi ka na Angele.]
Napakamot ako ng batok. Buti nalang at hindi pa umaandar. Inaantay pa kasing mapuno lahat ng sakayan eh.
"Ma, magpapasundo po ako kay Xyro."
[Eh alam niya ba kung asan ka ngayon?]
"Oo naman po. Osha, kailangan ko nang ibaba. Magaandar na."
[O sige. Magingat ka ha! Wag mag paparape! Ingatan ang Pearl Harbor mo. Bye.]
toot toot toot
Psh. Buti rin sana kung magpapa-rape ako. Aywan talaga! Naitanong ko rin sa mga tao na nandito kung asan ako at sabi nila na nasa Enchanted Garden. Ayoko sabihin kay Mama. Madaldal pa naman yun.
"O MAGAANDAR NA!"- sigaw ng operator sa labas. Nagpabawas nalang ako ng isang oras. Baka kasi hindi ko kayanin at masuka ako kapag nasa taas na eh. Malakas pa naman tuwing gabi ang pressure kapag nasa taas lalo na kapag mahangin. Nung nasa may tuktok na, napa-amaze ako bigla.
^●▽●^ Eeeh~ Ang ganda grabe!
"Wow."
Shemay! Dancing fountain with matching different colors pa! Waaah! Ang ganda!
"Ba't mo naman ginawa yun? Lara, kung tungkol saming dalawa yun, labas ka doon!"
"Argh! Project man o tungkol samin yan, Lara, hindi ka pa rin dapat nakisawsaw! You even called her self-centered!"
"TUMAHIMIK KA! Hindi ka pa rin dapat mangialam, Lara. Kahit ano pa man yan sana pinabayaan mo na kami na kami muna ang magusap! Gumulo lang lalo eh! Nakialam ka pa!"
Bumalik na naman sa isip ko ang nangyari kanina. Pinahid ko ang luha ko na ngayon ko lang napansin na kanina pa tumutulo. Siguro, ang dami nang maiinis sakin sa school. Ang sama sama ko! Siguro, kaya lagi kaming nagaaway kasi ako lagi ang magulo, panira, pakialamera at laging nakikisawsaw sa problema ng iba. Ganito na ba ako? Haay.. Kailangan ko na ngang siguro lumayo sa kanya. Nainis lang naman ako sa ugali ni Alviance eh. Hindi ko nga rin alam kung bakit ko nasabing 'self-centered' siya. Siguro nga ang sama ko na talaga.
"Siguro nga nagbago na ako. Nagbago ako dahil sayo, Lara. Barumbado ako dati at basagulero. Hindi ako nagaaral ng mabuti at hindi ako grade conscious. Nagbago ako dahil sayo, pero hindi para sayo."
Hah. Tanga rin ako eh! Ang tanga ko talaga. Ba't kasi hindi ko naisip yan?!
"Alam mo Trace, kung lagi kang gaganyan-ganyan, eh weak ka pala eh! Paano pala pagnalaman mo na ang ideal man ng crush mo ay matalino, gwapo, matino, hindi basagulero, studies first at grade conscious? Oh. Edi wala ka na agad. Talo na! Boo!"
"Tss. Kung ganun nga, edi humanda silang lahat bukas! Haha. Pero salamat sa advice mo palagi sakin Panget. Ikaw talaga ang pinakabestfriend ko!"
Humihikbi ako habang inaalala ang panahong mahaba pa ang buhok niya, may piercing pa siya, basagulero at hindi nagfo-focus sa pagaaral. Ako laging nagaawat sa kanya kapag may gusto siyang bugbugin. Ako lagi ang naggagamot ng mga sugat at pasa niya kapag galing siya sa bugbugan. At ako ang laging nagsasabi at nagpapaalala sa kanya na 'Hoy! Magbago ka na nga! Wala kang nagagawang matino sa buhay mo!'. Hinilot ko ang sentido ko.
"Tama na. Pagod na ako sa pagiyak. Ayoko na. *sob sob*"
Haay. Forever Alone na nga ba?
Alviance's POV
I hate that girl and I hate the scene she made earlier! Urgh. What is her problem ba? Pasensya naman kasi kung masyado akong HEAD OVER HEELS sa nagiisang Trace Angelo Palero nuh! Simula palang 1st year, I don't want to accept any suitors because I'm patiently waiting for Trace. Then suddenly, nung June naging kami ni Phoenix because of some personal reasons, and now, we're off, we broke up. So, this time, I took the opportunity. Hello! Once in a lifetime opportunity yun so I grabbed it. And that girl, who is she ba? Hindi ba siya nahiya sa ginawa niya? After what she said towards me, I quickly ran to my room and I cried. I don't know. It's just that, she said so many things about me. Malay ko bang gagawa pala sila ng project nila! Kung saan naman kasi na nakaplano na ako, doon pa mage-epic fail. +_+ But, there's one thing I'm going to find out. I'm not sure what it is but I'm gonna findi it out all by myself.
Lara's POV
Pinunasan ko na ang mukha ko gamit lang ang palad ko. Pasensya, hindi kasi ako nakadala ng panyo kanina eh. Lumabas na ako doon sa sinakyan ko at bumaba na. Tumawag na kasi si Xyro at sabi niya na nandito sa daw siya sa E.G. Nagmadali na ako palabas kasi 8 pm na at baka magputak na naman ng putak si Mama. Agad ko namang nakita si Xyro na naka-black hoodie, white t-shirt, black faded pants at sneakers na gray at nakasandal sa kotse. In short, M-A-Y-A-M-A-N. Haha. Lol.
"Xy!"- close kami so he said na ako lang daw ang tatawag sa kanya ng 'XY' na nickname niya. Parang 'say' kung bigkasin. Hindi 'sey' ha. 'Say' .. Haha.
Lumapit naman siya sakin at binigyan ako ng paper bag. Napakunot naman agad ang noo ko.
"Oh, ano naman to?"- sabi ko habang isa isang tinatangal ang mga nakastaple na bala ng staplers.
"Open it."- sabi niya with cool voice. And I was surprised sa nakita ko. Matagal ko na kasing gusto to bilhin sa Rob kaso, ung ATM card ko, hindi ibigay ni Mama. Medyo shoppaholic kasi ako. ~^O^~ Mehehe.
"Waaah! Thanks Xy! Oh em geee! Ang cute talaga nito! Salamat!"- and then I hugged him. Waah! Pink na hoodie jacket! Matagal na kitang inaasam asam ano ba! Pasensya. Ganito talaga ako, I appreciate lahat kahit maliliit na bagay.
Bumitaw na kami sa isa't isa and I can't help na amuy amuyin yung jacket na yun. Eh kasi, ang bango talaga! Ngayon ko nga lang napansin na magkaparehas pala kami ng hoodie ni Xyro. Black lang yung kanya. Oh well.
"Akin na, isusuot ko sayo."- napangiti nalang ako habang sinusuot niya sakin ang hoodie na yun. Eeeh~ Ang sweet niya pa rin pala hanggang ngayon. Ang swerte ng magiging girlfriend nito balang araw.
"Let's go?"- bago pa kami makapasok sa kotse ay kiniss ko muna siya sa cheecks niya.
I mouthed, 'Thank you'. And he nodded and lead me papasok ng car niya.
Mawala man ang atensyon sakin ni Trace, siguro ok lang kasi andyan naman si Xyro at alam kong hinding hindi niya ako pababayaan.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro