Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33

Chapter 33

We just waiting for a time for them to move.

Ngunit dalawang linggo na ang lumilipas ay hindi parin sila kumikilos.

They must be planning something big or waiting for a right time to come.

Napukaw ang aking iniisip ng mag ring ang cellphone ko.

"Detective Corpus calling!"

I said to Zin while he was reading my  favorite book of Maxinejiji "He's Into Her". Sabi niya kasi dapat alam niya lahat ng favorite book, music at hobby ko.

"Answer it. Put it on loud speaker"

.he said

Agad ko namang sinunod.

"Hello"

"Hello!"

Ulit ko.

"Cassy"

Napakunot nuo ko.

Tiningnan ko si Zin. Mukhang pareho kami ng iniisip.

Bat nasa kaniya ang cellphone ni Detective




"Luke"

Sagot ko ng mahinahon.

"So you are his boss huh"

He said sarcastically.

"I'm not. Im his friend"

"Your friend? Dont make me laugh Cassy. Wala kang naging kaibigan maliban sa akin"

"Meron Luke. Baka nakakalimutan mo.
Nandiyan si Mier. "

"Oh. Yes si Mier!"

He said in a monotone.

" Oo Luke, Si Mier. Si Mier na pumoprotekta sa akin imbis na ikaw na nangako. Si Mier na kahit sa gitna ng klase ay mas inuna na puntahan ako.

Si Mier na pinasaya ako at palaging sinasabi na babalik kapa kahit malabo na. Si Mier na tumulong saakin na bumangon at magsimula.

Si Mier na hindi ako  kayang iwan kasi baka umiyak na naman ako sa lintik na ginawa mo. Si Mier na kaibigan mo Luke. Si Mier na kahit isang beses na hindi ako tinalikuran. Ngayong sinabi ko na kaibign ko si Mier. Sa ilang taon kang nawala, wala kang alam sa mga naging kaibigan ko at naranasan ko. Kung mas may isang taong mas nakakilala sa akin at nagtagal nun si Mier yun Luke. Hindi ikaw! At isa pa Luke, naging kaibigan nga ba kita?"

"Cassy I'm S-....."

"Ano? Mag sosorry ka nanaman? At bakit mo hawak ang cellphone ni Detective?"

"Hawak na siya ni Papa. Naging traydor siya sa samahan kaya kailangan siyang maparusahan. Im sorry Cassy kung ano man ang plano niyo kay Papa wag niyo ng ituloy. At hindi ko hahayaan na pigilan at saktan niyo siya!
Pasensiya na Cassy ngunit si Papa ang pipiliin ko kung sakali mang kailangan kong pumili sa inyong dalawa. Siya nalang ang natitira sa akin Cassy."

"Nababaliw kana ba Luke? Alam mo ba ang ginawa ng pamilya mo sa pamilya ko. Marami ng kasalanan ang pamilya mo Luke. Marami na kayong pinatay, dinamay at sinaktan. Inutang ng ama mo ang buhay ng mga magulang ko.

Isang pinaka malaking kasalanan ang ginawa ng ama mo sa akin Luke. Alam mo yan! Dama mo lahat ng paghihinagpis ko. Alam mo kung paano naging miserable ang buhay ko. Isa ka sa nakasaksi nun, Luke."

"Pasensiya na Cassy pero hindi magbabago ang pasiya ko."

"Nangako ka na bubuo-in mo ang piraso kong buhay dahil sa pagkamatay ng mga magulang ko. Hanggang pangako kanalang ba Luke?
Hanggang ngayon ba papakuin mo parin ang mga pangako mo.?"

"......"

"Magaling kang mangako Luke pero hindi ka marunong manindigan. Sa pagka kilala ko sayo isa ka sa may panindigang tao.
Ang unang taong nagturo sa akin na akuin ang sariling kasalanan para naging malaya. Ang taong pinagkatiwalaan ko ng lubos. Marami ng utang na kasalanan ang ginawa ng ama mo... 

Marami ka naring naging kasalanan sa akin Luke, sa amin ni Zin. Si Zin na minsan kana ring tinuring na kapatid.
Please lang. Wag mo ng dagdagan ang kasalanan niyo. Ang kasalanan mo sa akin at sa pamilya ko. Minsan na kitang minahal Luke.
Minsan ko na ring pinahalagahan ang meron tayo, ang pagkakaibigan natin. Pero Bakit? Bakit kailangan dumating sa punto na kailangan mo rin akong saktan ng ganito...."

Narinig ko siyang humikbi..
It tear me apart..

"Luke bakit? ... Bakit..? Sabihin mo sakin.. bakit kailangang mangyari sa atin t0?"

"Im so sorry Cassy. Mag ingat ka nalang"

Then he end his call

Nanghina ako sa lahat ng nangyayari.

Nanghina ako kung bakit humantong ang pagkakaibigan namin.

Zin envelope me in his arms.

Humagol gol ako sa sama ng loob at awa sa sarili ko.

"Bakit humantong kami sa ganito Zin? Bakit kailangan na isuko ang pagkakaibigan namin? Ang sakit Zin. Galit na galit ako, pero hindi ko magawang magalit sa kaniya. "

.
"Shh. Hindi ko rin alam ang gagawin ko. What you feel is what i feel. We feel love of friendship.
Shh.. everything will be alright. All we have to do is to save your intel. Kailangan natin siyang iligtas. Kailangan na rin nating tuldukan lahat ng Ito. "

"Hindi ko alam. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang magpahamak ng kaibigan Zin. Hindi ko kayang saktan.si Luke. Hindi ko kaya"

"Magpakatatag ka. Nandito lang ako. Shhh.. tahan na baby please. Please be okay"




Hikbi nalang ang isinagot ko kay Zin.

💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💞💞💞💞💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro