Chapter 26
Chapter 26
Tatlong linggo na ang lumipas simula ng masinsinan naming pag uusap ni Zin.
Naging busy rin siya sa mga linggong nagdaan dahil sa paparating na Acquaintance Party sa byernes, pero hindi rin naman siya pumalya sa kakatext at pangangamusta. May mga beses din na di ko sinubukang magreply dahil sa naging busy din ako sa inutos sa akin ni Uncle na aasikasuhin sa labas ng eskwelahan.
Busy din si Uncle sa pagtulong sa Acquaintance Party maging ang SAP at buong academia dahil sa paparating na mga bisita sa nasabing celebrasyon.
Si Stacey ang naging kasa-kasama ko sa labas ng Academia.
Naging maingat naman kami sa bawat kilos na aming isinasagawa. Inatas kasi ako ni Uncle sa isinagawa niyang training sa paghandle ng mga ari-arian ng mga namayapa kong mga magulang.
Since, kabisado at marunong naman si Stacey ay siya ang naging gabay ko sa mga usapin sa kompaniya.
Pero maliban sa inutos sa akin ni Uncle ay nagawa ko ring pasukin ang organisyon ng Underground Boss.
Naipasok ko si Detective Corpus bilang isang intel sa loob ng organisasyon.
Unang beses palang akong nagmamatyag kung paano pasukin ang organisasyon ng makilala ko si Detective Corpus.
Isa siyang Secret Agent na matagal ng namamatyag sa kalakaran ng organisasyon.
Na huli ko siyang nasa akto ng pagmamasid ng magtuos kami ngunit ng malaman kong isa siyang agent ay naisipan kong palihim na ipasok Siya sa organisasyon bilang intel at bilang agent ng kanilang Agency.
Pumayag siya sa kagustuhan kong ipasok siya gamit ang impluwensiya ng aming pamilya kapalit ng pagkokomunikasyon niya sa mga nalalaman sa ilegal na gawain at plano ng organisasyon.
Kung impluwensiya lang ang pag uusapan, nalaman ko rin na hindi lang ako nanggaling sa Clan ng mga Saavedra kundi sa Mafia Alcantar na lihim na pinamamahalaanan ng aking namayapang ama.
Ang Mafia Alcantar ay minana ng aking ama sa aking namayapang lola. Nalaman ko ring ito ang lihim na promopotekta sa Academia.
Naging matuso at magaling na intel si Detective Corpus. Kahit sa maikling panahon. Naging mausig siya sa pangangalap ng mga ebedensiya at impormasyon.
Nalaman ko na rin kung sino ang utak ng mga nangyayari sa Academia. Ang traydor sa Academia.
Kung ano ang ekspirementong palaisipan sa amin ni Zin.
Ang ekspirementong maging hudyat sa pagtupad ng kanilang plano. Ginagamit nila ang mga tulad namin ni Zin na binayayaan ng katalinuhan para maisakatuparan ang pagiging makapangyarihang Mafia sa buong Asya.
Alam ko na ang lahat.
Maging ang posibleng maging rason ni Luke kung bakit niya akong magawang iwan noon.
Ang tanging malabo lang sa akin ay ang rason kung bakit balak niyang sirain at saktan si Javier.
Malapit ko na ring malaman ang lahat at bago nila maisakatuparan lahat ng plano nila, gagawa ako ng patibong para mawasak at mapigilan ang mga ito.
Kung buhay ng mga magulang ko ang inutang mo.
Buhay mo ang kabayaran nito.
Hindi kayo mananalo..
"Dean Michaelangelo Mizcalez Alvarez"
💞💞💞💞💞💞💞💞💞💕💕💕💞💞💞💞💞💞💞💕💕💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💕💞💞💞💞💞
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro