Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Bihag

BIHAG (TULA)

|04•13•2020|

Ang pag-ulan ng todo noong Hunyo
Ay hudyat na pala ng aking pagkabihag,
At nang kinaumagahan, ako'y napaiyak
Nang nalamang ang puso ko'y hawak mo na.

Hindi ko na mabilang ang mga araw
Kung saan ang puso ko'y hindi malinaw:
Pinipilit akong ang mahalin ay ikaw
At nanaig din sa huli dahil ang mahal na nga'y ikaw.

Ikaw na ang naging laman ng isipan ko
At ang puso ko'y tanging sa iyo.
Kahit ang damdamin ay nahihirapan na,
Nakaluhod parin ako sa harapan mo, sinta.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro