Chapter 8
Chapter 8
"Ava, ako na muna ang magmamaneho ngayon," sabi ni Chariya habang kinukuha ang susi sa kaniyang bag.
Paalis na kami ng school. Alas-singko na rin ng hapon kaya nagsisiuwian na ang ibang mga freshmen's na katulad namin. Well, ako lang pala. This two bodyguards beside me are just acting for my sake. Ang ibang mga estudyante naman ay nagpaiwan pa para sa susunod na klase.
"Okay sige," sabi ni Ava at pabaling-baling ang tingin sa paligid.
"May problema ba, Ava?" Tanong ko sa kaniya. Napapansin ko rin kasi ang bahagyang pagkunot ng noo niya.
Agaran siyang napabaling sa akin at umiling. "Wala naman... Bakit?"
"You look bothered."
She chortled. "Don't mind me..."
Napanguso ako pero hindi kalaunan ay tumango na lang.
I shrugged and started walking fast like Chariya. Nang malapit na kami sa gate ay agarang may humarang sa akin. Natigilan ako at pinangunutan ng noo ang kaharap na ngising-ngisi at may dalang isang tangkay ng tulips.
"Hi!" Masayang bati ni Felix. His chestnut hair seems so spick-and-span. Amoy na amoy ko rin ang panglalaki niyang pabango.
Totohanan ba talaga iyong sinabi niyang panliligaw? Ha!
Huminga ako ng malalim at tamad na tinitigan siya. "Hmm? Bakit?"
"Para sa'yo..." Sabay abot niya sa akin ng bulaklak. I stared at the flower in front of me and back at him. Ang ngipin niya ay kumakaway na rin sa akin.
Ano ba ang gusto ng isang 'to?
"Aanhin ko 'yan?" Mataray kong saad.
Hindi ko na pinansin pa ang mga kaibigan siguro niyang panay ang tuksuhan sa amin. Chariya and Ava are just a few meters away from us. Tsaka lang sila gagalaw kapag mag-go signal na ako.
"Amoyin mo lang. Para maalala mo ako palagi," sabay taas baba kilay niya habang nakangisi.
Napangiwi ako at kinuha ang bulaklak. Kailangan ko ng makauwi para hindi ko na makita ang isang 'to sa harapan ko.
"May gayuma 'to 'no?" I accused at him.
"Sana nga meron, para main-love ka na talaga sa akin..." Sabay kindat niya.
"Ayowwn!" Naghiyawan ang mga kaibigan niya dahil sa sinabi niya. Blankong ekspresyon lamang ang binigay ko sa kaniya at nilagpasan na siya.
Ang landi talaga. Kung wala lang tao nabigwasan ko na 'to e.
"Tayo na, Ava," I said boredly at Ava. Tumango si Ava at si Chariya naman ay dumiretso sa likuran ko.
"Oyy! Jane! Wala man lang thank you?" Rinig kong sigaw ni Felix.
Umikot ang mata ko sa ere. "You're welcome!"
Natawa si Ava dahil sa sinagot ko kay Felix na hindi ko na lang pinansin. Nakakabadtrip talaga ang Felix na 'yon! Myghad!
Habang papalabas ng gate ay hindi nakawala sa paningin ko ang mga tingin ng mga tao sa akin. Ang iba ay nakakunot ang noo at may ibinubulong sa katabi habang nakatingin sa akin, ang iba naman ay walang hiya na nakatutok sa akin na parang isa akong kriminal.
Tangina. Dito sa school na ito ko napatunayan na totoo iyong sa mga pocketbooks at mga drama sa TV na mga chismosa sa school.
Nang makarating kami sa parking lot ay hindi na natanggal sa mukha ko ang simangot. Pinagbuksan ako ng pintuan ni Ava sa backseat, tinapon ko ang bulaklak na bigay ni Felix sa akin sa loob ng sasakyan. Pero hindi pa man ako nakakapasok ay may tumawag sa pangalan ko.
Just hearing his voice, parang kumukulay na agad ang paligid ko.
Hindi irita ang namutawi sa akin kundi tuwa. My mood suddenly change! Oo na, ganiyan ako karupok.
"Jane!" Malalim ang boses at parang galing sa takbo ang bumungad sa tainga ko.
My sweet smile crept within my mouth. Hindi na napigilan.
"M-Matheo!" Masayang ani ko at napabaling sa kaniya.
His manly scent made my nose sniff fast secretly. His dark polo shirt and his faded jeans always fits perfectly at him. Tinagilid niya ang ulo niya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Napatingin din ako sa suot ko at napanguso.
I am wearing a Chiffon Flare dress. Hindi na masyadong revealing noong dati. Ang damit kasi na bigay niya ay pinalabhan ko pa at plano ko na namang suotin bukas.
Huminga siya ng malalim at nilagay sa bawat bulsa ang mga kamay. Nakangiti ko siyang tinitigan at hindi nakawala sa paningin ko ang nakahalukipkip na si Nikka, together with her alipores. Nakataas ang kilay nito sa akin at parang nanghahamon. I did the same too.
Akala niyo kayo lang marunong manghamon? Ha!
"Bakit?" I asked innocently.
Narinig ko ang bahagyang pagtikhim ni Ava at pumasok na sa SUV namin. Chariya did the same too.
"Nagkausap na ba kayo ng Daddy mo tungkol kay Josh?" Aniya.
Ang Daddy ko at ang Daddy ni Matheo na si Tito Macias ay matalik na magkaibigan. Kaya medyo napapalapit na rin si Matheo kay Daddy. Magandang bagay iyon sa akin dahil sa darating na panahon kung sakali mang maging kami ni Matheo ay hindi na ako mahihirapan.
Napakurap ako at naalala ang pinsan kong nandito rin pala sa Pinas.
Josh Sandilva is my cousin. Nandito siya sa Pinas dahil kailangan niyang operahan. My cousin is suffering from a brain cancer. Sa tuwing naaalala ko ang mga pinagdadaanan niya noong nasa Australia pa kami ay talagang nakakabasag ng puso.
Dito napili ni Tita Angeline na ipagamot si Josh dahil sa kakilalang doktor na magaling sa paggagamot sa sakit na iyon. Though, sa mahigit isa't kalahating taon ko dito sa Pinas para sa sariling rason ay sampung buwan ko na rin siyang hindi nakikita.
Both our parents are just too protective dahil na rin sa mga nangyari sa amin sa Australia. Josh and I both experience being kidnapped. Nagdulot iyon ng matinding trauma sa akin lalo na sa kaniya, his brain cancer gotten worse because of that. Kaya pareho kaming nilipat dito dahil sa marami namang mga kakilalang matataas na opisyal ang lolo namin para sa aming kaligtasan.
Whenever I remember my cousin, I always miss him. I always wonder if he's fine? Or if he's doing well?
"Bakit? Ano ba ang sinabi ni Daddy?"
Natahimik siya. May nakita akong pangamba at takot sa mga mata niya na nagpangunot ng noo ko.
But before I could protest, he smile. I suddenly forgot about my plans to talk to him. Naging dahilan na naman iyon para lumukso ang puso ko ng mabilis at marahas.
"I guess he didn't tell you about it. Baka ngayon pa niya sasabihin pag-uwi mo..." Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng mukha ko. "Sundin mo lahat ng sasabihin niya ah? Be a good girl."
After those magic words of him, he reach for my head and slightly mess my hair. Para akong bata na nakatingala sa kaniya. His height is unreachable, for me.
Dahil sa ginawa niya ay mas grumabe pa ang nararamdaman ko. Nag-iinit ang pisngi ko at agaran na namang namuo ang matamis na ngiti sa labi.
The way he stared at me, and smile at me, always made a tickling feeling inside my stomach and chest. Parang gumagaan ang paligid namin at nakalutang. Iyong tipong parang tumigil sa paggalaw ang lahat ng nasa paligid namin. Sobrang... sobrang nakakamangha.
Sa halos labing isang taon kung pagmamahal sa kaniya ay hindi ko pa rin masabi ang mga bagay sa kung bakit siya lang ang kayang magpabagal ng mundo ko. I never experience this other guys! Sa simpleng sulyap, ngiti, pagsusungit at iba pa niyang ginagawa ay talagang mas pinapagrabe pa niya nararamdaman ko.
I feel so different when I'm with him. I feel so alive and everything! Iyong tipong ilang ulit man niya akong saktan, tatayo at tatayo pa rin ako para sa kaniya.
May tao bang ganito? O ako lang? Iyong tipong hindi na kayang magmahal ng iba kahit ilang dekada pa ang dumaan? Dahil siya lang, siya lang.
Matheo and I both came from Australia. His Mom is half filipino and Australian. His Dad is half American and Filipino also. Noong eight pa lang ako ay palagi na kaming nagkikita, dahil nga sa magkaibigan parehas ang mga magulang namin. Nang mag- fifteen naman ang edad ko ay lumipat na siya ng Pinas para magpatuloy sa pag-aaral ng medicina. Nagkahiwalay kami ng ilang taon, Oo, pero hindi pa rin nawawala ang nararamdaman ko sa kaniya. Nagpapatuloy pa rin iyon.
Pero kahit na ganito ako kabaliw sa kaniya ay itinatatak ko na talaga sa sarili ko na kapag may mahalin siyang iba at ikasal man.... Bibitaw ako. I still know my limitations.
I feel so damn sad thinking about it to happen, dahil lumaki akong siya ang mahal at gusto. Pero dahil wala pa naman siguro siyang napupusuan ng tudo dahil nga sa fling fling pa lang naman, ay hindi ako mawawalan ng pag-asa. Nandito lang ako palagi para sa kaniya. He's my strength and happiness.
"Sige," naningkit ang mata ko dahil sa pagngiti sa kaniya. He gave me a sad smile that made my heart twitch in an uneasy feeling.
"I have work to do, be careful." Aniya.
Tumango ako at hinawakan ang pintuan ng nakabukas na SUV. He held for it too.
Hindi pa rin nawawala ang tingin ko sa kaniya hanggang sa kumaway siya. Inangat ko ang katawan ko para makapasok sa loob habang hindi natatanggal ang titig sa kaniya.
It's like I'm afraid I might forget his face... all about him.
"Ano ba?" Natatawang aniya. "We will still see each other tommorrow. You should go home now and rest."
I pouted. "May kakaiba sa'yo."
Umangat ang gilid ng labi niya at nagtataka na napatitig sa akin.
"Araw araw namang may kakaiba sa akin pagdating sa'yo." He chuckled. Nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.
Hinila niya ang pintuan para magkaroon ng harang sa pagitan namin. Mas lalo lang akong napanguso. Dahil open pa naman ang bintana ay naabot niya ang noo ko at pinitik.
"Aww!" Napadaing ako at nakangusong hinaplos ang noo.
"Para kang Aso na nakadungaw diyan. Baka makita ka pa ng admirer mong si... Madrigal." Nakangiwing usal niya at natatawang lumayo sa sasakyan namin.
"Hala! Hindi ko 'yon admirer!" Sigaw ko pa bago ko siya nakitang tinapik ang gilid ng sasakyan namin at sinenyasan si Chariya na bumyahe na.
"Tss..." Naiiling na aniya na nakangiwi pa rin. Napanguso na naman ako at pinagmasdan siyang naglalakad palayo.
"Matheo!" I pouted.
"Aalis na tayo~" pakantang saad ni Ava.
"Matheo!" Sigaw ko ulit sa pangalan niya. Nakita ko siyang naiiling at natawa. Itinaas niya ang kamay niya at kumaway sa akin.
"Para namang timang..." Sabay hagikhik ni Ava. Mabilis akong napabaling sa kaniya at inabot para mapalo. Ngunit bago ko pa man magawa ay mabilis siyang napayakap sa dash board at tumawa. Panira!
Pinaandar na ni Chariya ang makina ng sasakyan at naghanda na para sa pag-alis.
Binalik ko ulit ang tingin ko kay Matheo na nandoon pa rin sa kinaroroonan niya. Nang makita niya ako ay agaran din siyang ngumiti ng malapad.
Ako naman ngayon ang kumaway at nag-finger heart sa kaniya. He laughed because of that. He nodded and did the same too.
Hindi na mawala ang ngiti sa labi ko. Dali dali kong sinarado ang bintana ng kotse tsaka napatili. My ghadd! Hindi ko napigilan!
"Hoy!" Sigaw ni Ava sa akin habang nakatakip ang mga kamay sa magkabilang tenga. Naitikom ko ang bibig ng pilit. Nakita ko rin si Chariya na mariing nakapikit at parang may pinipigilan. Wala akong ibang magawa kundi ang tawanan sila.
Hindi na ako makapaghintay na makauwi sa bahay at doon na tumili ng tudo hanggang sa mapaos ako.
Habang nasa kalagitnaan ng byahe pauwi ng bahay ay wala akong ibang naisip kundi ang masayang oras na nakausap ko si Matheo. Parang pinapasalamatan ko pa ang traffic dahil nakapagpahinga at nakapag-isip ako ng maayos.
"Kahit na friendzone na, gura pa rin." Ani ni Ava na hindi ko na lang pinansin. Si Chariya naman ay tahimik lang.
No one can take away my happiness right now! Mwahahaha
"Ako na ang magluluto ngayon. Ano ang gusto niyong kainin?" Tanong ni Chariya ng makarating na kami sa bahay.
Dahil pa rin sa nangyari kanina ay hindi agad ako nakaramdam ng pagod.
Nakangiti kong binalingan si Chariya.
"Kahit ano, basta masarap!"
"Lutuin mo raw si Matheo..." May panunuyang sabi ni Ava kay Chariya.
Imbes na mainis ay parang may tuwa pa na namutawi sa akin dahil sa sinabi niya. At least tungkol kay Matheo! Ahahaha.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras para pumunta sa kwarto ko. Wala sa sarili kong tinapon ang bag ko sa gilid at agaran ng tumalon sa kama.
I stared at the ceiling and I remember his sunshiny smile towards me.
Makausap lang siya... buo na ang araw ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro