Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Chapter 7







My parents, friends, cousins knows me for being joyful, happy go lucky and funny.

Pero ang nangyari sa akin kahapon ay binago agad ang araw ko ngayon.

"Parang namatayan ka ah? Kapahapon ka pang ganiyan," Nakangising bulong sa akin ni Ava.

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. I feel so brokenhearted at this moment. I sighed heavily and arranged my books and journals in my table. Our professor in Business Math are keep blabbering infront. His words didn't even get in my mind.

"Alam mo naman siguro iyong word na share?" Ani pa niya. Bakas sa boses ang pang-aasar.

"Wala ako sa mood," sabay tuon ko ng pansin sa professor naming parang noodles ang buhok.

"Ano ba naman kayo! Tingnan niyo nga mga mukha niyo! Mga walang gana! Nakakain ba kayo?!" Sigaw ng prof namin ng siguro ay napansin na ang paghihikab ng karamihan sa mga classmates ko.

"Ang boring..." Dinig kong bulong ng katabi kong si Chariya. Napabaling ako sa kaniya at bahagyang napangisi. She looked at me confused.

Napailing na lang ako at umupo ng maayos sa upuan.

"Next meeting recitation! Isa isa! Dapat may maisagot! Class Dismiss!" Sigaw ni Prof. Sariento. Nauna siyang lumabas sa aming mga estudyante niya at parang naiirita.

Pagkaalis ng prof ay sabay sabay na nag-iinat ang iba kong mga kaklase.

"Sino ba namang teacher ang hindi maasar kung ganiyan ang ipinapakita ng mga estudyante?" Ava said with full of sarcasm.

Tumayo ako at nilagay sa bag ang mga notebook at ballpen na nasa lamesa ko. Binalingan ko si Ava.

"Isa ka rin naman do'n," I smirked at Ava.

"'Di kaya," aniya at naghanda na rin para sa paglabas.

Isinukbit ko na ang bag ko sa balikat at agarang naramdaman ang bigat nito. Kailangan ko na ata itong bawasan.

Binalingan ko ulit si Ava at Chariya. Chariya with her emotionless expression stand beside me like a robot. Sobra na talaga ang pagka-weird nito.

"Punta lang akong locker room, mabigat na kasi." Sabi ko. Tinutukoy ang dalang bag.

"Hindi ka pwedeng mag-isa," sabi ni Chariya.

"Oo nga, baka bumalik na iyong si Tony..." Binulong ni Ava ang pangalan ni Tony. Agaran namang lumipad ang isip ko sa damuhong 'yon. Simula ng bitbitin siya ni Chariya ng walang kahirap-hirap ay hindi ko na siya nakita pa.

"Dinispatya ko na, 'wag mo na 'yong problemahin." Cool na sabi ni Chariya.

Nanlaki ang mga mata ko at napanganga na napatitig sa kaniya.

"Ano?!" Umusbong ang kaba sa akin dahil sa nakakakilabot na ngisi niya. What did she mean about "dinispatya"?

Natawa si Ava at tinapik ang balikat ko. "Buhay pa 'yon. Tayo na..."

Hinila ako ni Ava palabas ng classroom. Nadagdagan pa tuloy ang iniisip ko dahil sa sinabi nila. Tss. Napaka-confidential talaga nila.

Habang hila hila ako ni Ava ay nakatuon lang ang pansin ko sa nilalakaran namin. Chariya is behind us.

"Jane! Liligawan kita!"

Agarang napadpad ang titig ko sa kinaroroonan ng sigaw na iyon. Nakita ko ang batalyon ng basketball players.

Agarang nag-Woah ang mga basketball players habang pabalik balik ang tingin sa akin at doon sa sumigaw. At agaran ko iyong nakilala.

Si Felix Madrigal. Isang MVP player ng basketball team. Anak ng Congressman. Likas na bulgar. Ang pangit naman.

Natigilan si Ava at natatawa na napatitig sa akin. Kinunutan ko siya ng noo.

"'Yan na lang laya patulan mo? Gwapo naman 'yan," suhestyon ni Ava. Napangiwi ako dahil sa sinabi niya.

"Ikaw na lang," I retorted at her. Nagsimula ulit ako sa paglalakad. She just laughed at me.

Hindi pa man ako nakaka-apat na hakbang ay agaran ng napadpad sa harap ko ang nakangising mukha ni Felix. He's holding a ball. His hair is kind of messy. Pawisan rin ang jersey shirts niya pero mabango naman. May pawis rin sa noo niya na tumutulo papuntang leeg. Siguro ay dahil sa paglalaro.

"Seryoso ako, Jane." Aniya. Nakangisi at parang kabado.

Nagsigawan ulit ang mga kalaro niya at tinutukso pa kami.

Ayaw ko sa fuckboy. Sorry not sorry pero may Doctor na ako kahit friendzone pa. Yes, si Matheo lang.

"Ayaw ko," sabi ko at nilagpasan na siya. Pero bago pa man ako makahakbang paalis ay hinawakan niya ako sa braso.

"Bahala ka, basta liligawan kita... mula ngayon," ramdam ko ang pagseseryoso sa boses niya. His dark eyes reminds me of Matheo's.

Huminga ako ng malalim at tiningan sina Chariya at Ava. Chariya immediately came and pulled Felix hands away from me. Si Ava naman ay kalmadong pumunta sa harapan ko para harangan ako mula kay Felix.

Nangunot ang noo ni Felix sa dalawang nasa harapan ko. Walang gana akong naglakad ulit at iniwan na sila doon.

I really hate being in the crowds.

"I'm dead serious, Jane!" Sigaw pa ni Felix sa akin.

Wala akong paki, kahit mamatay ka pa sa pagseseryoso diyan. Naka-reserve na ako. Taken na ang kaluluwa ko kahit gutay gutay na ang puso ko. Fighting pa rin. Malakas kasi ang fighting spirit ko e, kaya kereng kere lang.

Habang naglalakad patungo sa locker room ay hindi ko mapigilang marinig ang nagkahalo-halong bulungan ng paligid. Some are talking about boys, about lessons, chismis, crushes, but there's only one who catch my attention.

A group of freshmens like me are talking about Matheo.

"Gosh! Ang hot hot ni kuya Matheo kapag nakasuot ng Doctors Gown! Nakaka-in love!" Pagil tiling saad ng babae. She have a straight her and morena looks, medyo may pagka-singkit ang mata. Agaran itong sinang-ayunan ng mga kasama niya.

"Sinabi mo pa! Ano kaya ang feeling kapag naging asawa ko siya? Tapos habang buhay matatali na ako sa apelyido niya?" Sabi naman noong may nakasablay na suklay sa buhok. Puno ng make-up ang mukha at... hindi ko maexplain, pangit. She stopped and looked above. Like imagining some stupid things inside her head. "Sancha Matilda Ramos Angeles!" At pagkatapos niyon ay sabay sabay silang nagtilian.

Napangiwi ako at napailing.

Umikot ang mata ko sa ere at nagpatuloy na sa paglalakad. I should've never mind this girls.

With eyes straight mabilis akong naglakad papunta sa locker room. Nang makarating ay agaran kong hinanap ang locker ko. Hindi pa man ako nakakalapit ay bumungad na sa akin ang sangkatutak na love letters at bulaklak sa mini mail box nito.

Huminga ako ng malalim at nilapag ang dalang bag sa taas ng locker at minasahe ang balikat. Akmang kukunin ko na ang mga letters ay tumunog ang cellphone ko hudyat na may mensahe. Lazily, I take my phone off my bag at tiningnan ang may-ari ng message.

Agarang bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang galing kay Matheo iyon. Lumabas ang hindi ko mapigilang ngiti sa labi at binasa ang message niya.

Matheo jagiya:

Are you okay?

Napakagat labi ako dahil sa tanong niya.

To Matheo jagiya:

Yep? Why?

Hindi rin naman nagtagal ay natanggap ko na agad ang text niya.

Matheo jagiya:

Nakita ko kanina na magkausap kayo ni Madrigal. Anong sinabi niya?

Tumambol nang mabilis ang puso ko. Kung ganoon nakita niya? Nawala ang ngiti ko at agarang naasar kay Felix.

To Matheo jagiya:

Wala. Nanghihingi lang ng dog food.

Naghintay ako ng ilang saglit bago natanggap ang mensahe ni Matheo.

Matheo jagiya:

Pagbibigyan mo ba?

Aniya na tila may iba pang pinapahiwatig. Hindi ko napigilan ang matawa dahil sa reply niya. Sineryoso pa ata ang sinabi kong dog food.

To Matheo jagiya:

Hindi 'no.

Kahit na may konting tipak na sa puso ko at nanatili pa rin akong hulog na hulog sa kaniya. Kasalanan ko rin naman kung bakit ako nasasaktan ngayon, kasalanan ko rin naman kasi umaasa ako sa kaniya. Walang ibang dapat sisihin kundi sarili ko lang. Ginusto ko ito kaya titiisin ko.

Matheo jagiya:

Kahit ano pang klaseng dog food pa iyan ay huwag mong pagbibigyan.

Impit akong napatili at mariing napapikit dahil sa tuwa. Iba talaga ang epekto niya sa akin.

"Ang saya ah?"

Halos mapamura pa ako sa gulat dahil biglaang pagsulpot ni Ava sa likuran ko. Nasa likuran niya si Chariya na nakataas ang isang kilay. Parang binabasa ang nasa isip ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at bahagyang tumikhim.

Ewan ko ba? Parang may kakaiba akong naramdaman mula sa pagkakatitig niya sa akin. Iba kay Ava.

"Nakakagulat ka naman!" Singhal ko kay Ava.

Kumurba ang labi niya sa isang nakakalokong ngiti.

"Para kang buang diyan e," aniya.

Inismiran ko na lang siya at ibinulsa na lang ang cellphone. Binuksan ko ang bag ko at pinaglalagay sa loob ng locker ang mga mabibigat na libro na hindi ko naman kakailanganin ngayong araw. Iniwan ko lang iyong notebook ko para sa next subject at mga iba pang kakailanganin.

"Tayo na," aya ko sa kanila at umunang maglakad.

"Teka!" Pagpipigil ni Ava sa akin. Nakatitig siya sa isa sa mga letters na meron  sa mini mailbox ko. Nangunot ang noo ko.

"Hindi ko 'yan kukunin," sabi ko.

"Ahh... O-okay... Sige, mauna na muna kayo. May kukunin lang ako saglit sa locker ko." Sabay ngiti niya ng mapakla sa akin.

Tumango na lang ako at sinenyasan si Chariya na sumunod na sa akin. Habang naglalakad ay panay ang kagat labi ko para itago ang kilig na naramdaman dahil sa mga mensahe ni Matheo.

Yes, it's a bit exaggerated but I just can't help it. Nasaktan ako ng tudo, Oo, pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit parang wala na lamang iyon. Para bang sanay na ako.

I just love him. I fell for someone else who only thinks friendship towards me. I fell so deep at hindi pa ako nakakaahon sa paglipas ng panahon. Pero kahit kaibigan pa lang ngayon, okay lang, nagsisimula sa pagkakaibigan ang lahat.

"Magkakilala pala kayo ni Matheo Angeles, Jane?" Biglaang tanong sa akin ni Chariya.

I twitched my lips and glanced at her. Her side bangs swayed smoothly through her ears. Her straight hair remained, while her brows almost touch each other. Her ebony eyes are asking.

"Oo, bakit?" Sabi ko.

"Wala lang po, natanong ko lang." Ani pa niya at parang binibigyan na nang tuldok ang tanong. Tumango na lang ako at nagpatuloy ulit sa paglalakad.

Napag-isip isip kong pumunta muna ng cafeteria at doon muna tumambay. Katulad kahapon ay mamayang alas dos pa ang klase ko. Alas dose pa ngayon kaya makakapagpahinga muna ako.

"Saan po tayo ngayon?" Tanong ni Chariya.

"Sa cafeteria," malamig na ani ko.

Tumango lang siya at bahagyang pumunta sa harap ko para hindi ako masyadong malapitan ng iba pang mga istudyante.

Hindi naman ganito masyado makapagsilbi si Ava sa akin dati. She's also like Chariya na talagang lahat gagawin para sa akin. Pero hindi naman nagtagal ay naging malapit na agad siya sa akin. We became bestfriends iyong hindi na masyadong bodyguard ang dating. Baka magbago pa itong si Chariya. I smiled.

Nang makapasok kami sa cafeteria ay agaran akong hinanapan ni Chariya ng mauupuan.

"Dito po," pormal na sabi niya at itinuro ang pantatlong lamesa. Tumango ako at inilagay ang bag sa ilalim ng lamesa.

"Ano pong gusto niyo? Ako na po ang pipila," ani pa niya. Her formalities made me uncomfortable, pero pinabayaan ko na.

"Pork cutlets na lang at tsaka pineapple juice."

"Dessert po?"

"Cheese cake na lang."

Tumango siya at naglakad na papuntang counter.

Kumalam ang sikmura ko tanda ng pagkagutom. Nilingon ko ang kinaroroonan ni Chariya at napagtantong may tatlo pang estudyante bago siya para makakuha ng pagkain. I sighed heavily and just shifted on my sit.

Tumunog ang cellphone ko na siyang mabilis kong kinuha sa bag. Another message of Matheo made me smile unconsciously.

Matheo jagiya:

May shift ako ngayon sa hospital. Mag-ingat ka.

Agarang nawala ang gutom sa tiyan ko at napalitan ng nagliliparang paru-paru.

Ano kayang meron at nagpapaalam pa siya sa akin?

To Matheo jagiya:

Okay. Ingat ka.

Habang panay ang ngisi ay pumasok ulit sa isip ko ang napag-usapan namin kahapon.

"Yes... Y-you're a... v-very special friend to me..."

My smile immediately fade away. I felt a sudden bad feeling within my chest that made my mood change.

Kaibigan.

I fakely smile and let a huge sighed. Itinago ko ang cellphone sa bag at hindi na pinakialaman pa.

Saktong pag-angat ko ng tingin ay ang paglapit ni Ava.

"Oh? Si Chariya ba ang um-order?" Tanong niya at nilapag ang bag sa ilalim ng mesa. Umupo siya sa harap ko.

Ngumiti ako at tumango. Tumango rin siya at napasulyap sa katabing lamesa namin. Tiningnan ko ang tinitingnan niya at hindi mapigilang mapa-ikot ang mata sa ere.

There, Nikka and her friends glaring at us.

Kaya pala parang may mga titig na kumakalabit sa akin kanina. Nakakaimbyerna naman.

"Pabayaan mo na, huwag mo nang patulan iyan, Ava," sabay tawa ko.

Napangiwi si Ava at natatawang napatitig sa akin.

"Ako pa talaga?" Aniya. I can't help but to chuckle at her.

"Alam niyo ba girls na nakapag-invest na ang Mommy at Daddy ko sa isang tycoon? Gosh! Makikita niyo at magiging isa na rin kami sa kanila," sabay halakhak ni Nikka.

Umikot ang mata ko sa ere. Tss. Ang yabang.

"Omygosh! Talaga Nikka?! Hindi nga nagkamali sina Mommy at Daddy! Congrats!" Masayang sambit ni Moonshine.

"Yeah. At isasama ko kayo sa pagsikat namin. Maapakan na natin ang pulubi diyan na agawera!" Sabay malademonyong tawa ni Nikka na sinabayan naman nina Sofie at Moonshine.

Ako ba pinaparinggan ng mga asong 'to? Agawera?

"Pulubi daw..." Naiiling na bulong ni Ava sa akin at bahagya na ring natawa.

"Pabayaan mo na, wala 'yang alam." Bulong ko.

Tumango si Ava at pumangalumbaba.

"Omoo! Anong apelyido ng pamilyang iyan Nikka?" Parang kinikilig na sabi ni Sofie.

Bakit ba ang lalaki ng mga bunganga ng tatlong 'to? Nakakairita.

Inabala ko ang sarili ko sa amethyst kong bracelet. Bigay ito ni Mommy sa akin noong 18th birthday ko.

"Seriously, Sofie? Hindi mo ba kilala ang apelyidong may pinakamalaking empire dito sa bansa?" Maarteng tanong ni Nikka kay Sofie.

Napasulyap si Ava sa akin. I put my index finger on my lips. Pinapatahimik siya. Because she knows that the family they're talking about... is my family. Ava just chuckled.

"Hmm... yeah. Because I'm not really interested about it." Ani ni Sofie.

Eavesdropping is really a bad idea, but this people have the biggest mouth. Parang mga bingi, kailangan pang magsigawan. Kaloka. Napailing na lang ako.

"Oh god! It's the Sandilva family!" Sigaw ni Nikka na sinundan naman ng singahapan nina Moonshine at Sofie. And there, agaw pansin sila dahil sa ka-OAhan nila.

Panay na ang tili nila at pagco-congratulate kay Nikka.

Nikka stared at me with a smirk. "Ikaw kaya? Siguro ukay-ukay lang negosyo niyo 'no?" May pangma-maliit na aniya sa akin.

Plastik akong ngumiti kay Nikka at binigyan siya ng nakakaawang tingin. Kung hindi ko lang tinatago ang pagkatao ko ay baka sunod-sunuran ka na sa akin ngayon.

"Oo," I pouted.

Malademonyong tumawa si Nikka at parang kinukutya pa ako. Hayy, ako ang naaawa sa tatlong 'to e.

"Jusko naman..." Bulong ni Ava at naiiling na napatingin sa akin. I smirked secretly at her. She gave me one too.

Paano kaya kung malaman nila na ikalawa ako sa tagapagmana ng Sandilva Family? Nang sinasamba nilang apelyido? I wonder.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro