Chapter 6
Chapter 6
"Why are you running by the way?" Tanong ni Matheo sabay subo sa kanyang burger steak. I just giggled at him that made him confused.
Nandito kami ngayon sa ARKANA, isang sikat na restaurant sa tapat lang ng school namin. Malapit kami sa bintana kaya natatanaw rin namin ang mga estudyanteng naglalabas masok sa loob ng University.
"Hmm... wala lang," sabay ngisi ko at subo sa vanilla ice cream na nasa harapan. It's 11:30 in the morning so nagkaroon ako ng chance na ayain siyang kumain na kami lang. Pero syempre, libre niya.
Nanatili siyang nakatitig sa akin, kunot noo at parang pinagsususpityahan pa ako.
Napasimangot ako at ibinaba ang kutsara na galing sa bibig.
"Wala nga! Ang sama mo naman makatingin..." I tsked and pouted. Acting childish and witty.
"May rason ka, ayaw mo lang talagang sabihin."
"Bakit mo alam?" I asked attentively.
"I know you so well. Just say it."
I grimaced at him.
Kaya ako nahulog sa isang 'to kasi ang sarap sa feeling ng pagtrato niya sa akin. Mabait rin at matulungin. Kahit na may pagka-playboy. Gossshhh! May chance na ako!
Nag-isip muna ako saglit kung sasabihin ko ba ang dahilan kung bakit ako tuwang tuwa na tumakbo at yumakap sa kaniya. I can still feel the sweat inside my clothes. Wala na ata akong extra na damit sa locker or manghihiram nalang kay Ava. Bahala na.
"Basta?" I said in a slow motion. Nangunot ang noo niya at natawa sa akin. Palihim na umalpas ang ngiti sa aking labi.
Gosh! That toothpaste smile is the best! Ang pula ng labi niya, natural na natural. Tapos ang ngipin niya parang binabad sa chlorine dahil sa puti.
"Bakit nga?!" May bahid ng irita niyang saad.
Ano ba 'yan! Huwag mo nga akong ngitian ng ganiyan, mi loves! Para na akong active volcano dito oh, malapit ng sumabog. Charr.
Haiistt. Kaya ko bang sabihin ang dahilan? Parang nakakahiya naman.
Mas lalo lang akong napanguso at bumagsak ang titig sa unti-unti ng nalulusaw na ice cream sa harapan.
"Stop pouting..." aniya, tila may idudugtong pa pero hindi na masabi.
Kapag sasabihin ko ang dahilan ko sa kaniya? Okay lang kaya? Haiisttt. Baka sabihin niyang weird ako? Pero... Tama namang weird ako... minsan. Hihi.
Ah basta! Just try and try until you succeed. Effective'yun!
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. His brows rose up a bit. He shifted on his seat and stared at me like a powerful businessman with his cute sexy poor little client infont of him, which is me. Of course.
"What's the reason?" Aniya sa malalim na boses. Nakaangat din ang kaliwang kilay niya habang nagtatanong sa akin.
Ang hot niya naman makatingin! Nadidistract ako!
Huminga ako ng malalim at pasimpleng nilaro ang mga daliri sa ilalim ng lamesa, which is my behavior whenever I'm feeling nervous.
"K-kasi... nalaman ko na..." Tinitigan ko siya sa mata na nagbigay ilang sa akin.
"Na? Come on..." Natatawang aniya habang nanatili ang titig sa akin.
"Na... B-break na raw kayo ni Nikka," Nikka's name is almost a murmur.
Agarang nawala ang nakangiting ekspresyon sa mukha niya. Naging seryoso siya at agarang iniwas ang tingin sa akin. Nagdulot iyon ng konting sakit sa puso ko.
Hala... Bakit kaya? Sabi ko na nga ba mali ang ginawa ko! Sana pala hindi ako masyadong naexcite.
"S-sorry..." Nanginig ang boses ko.
Kitang kita ko sa peripheral vision ko ang agarang pagtingin niya sa akin. Pero nanatili lang akong nakatungo. Feeling ko kasi kapag titingnan ko pa siya ay mas sasakit lang ang dibdib ko. Seeing him sad and problematic made me crestfallen.
Ang sama ko. Ang sama sama ko.
"Don't say sorry... Wala ka namang ginawang masama, ah?" He said and chuckle.
"I made you uncomfortable..." I pouted and slightly glanced at him.
"No it's not. Totoo naman 'yon. I'm the one who should say sorry, I make you look so guilty..." He said sincere.
I pouted again. Parang naging habit ko na ang mag-pout ah?!
"Bigla kasing nagbago reaksyon mo e!" I said. Still nadoon pa rin ang guilt.
He laughed. "Ang bilis mo makasagap ng balita ah?"
"Eh, sinugod kasi ako ng mga kaibigan ni Nikka doon sa labas ng cafeteria. They accused me about you and Nikka's broke up! Sinabi nilang ako ang dahilan. Which is... hindi totoo! Syempre! Minsan na nga lang tayong magkita dahil sa schedule mo e, nagpupunta ka pa ng hospital kasi intern ka na. See?"
Huminga siya ng malalim at napailing. "Don't worry I'll talk to them, they won't do that to you again."
"Ano ba ang dahilan ng pagb-break niyo ni Nikka?" My unstoppable mouth said another wrong words again. Eto ang sakit sa taong madaldal.
Para lang akong reporter ngayon.
Natigilan siya at tila nag-iisip pa kung sasabihin ba sa akin o hindi. Kitang kita ko ang pagtataas baba ng adams apple niya tanda ng paglunok.
Ngayon ako na naman ang nakatitig ng mariin sa kaniya, hinihintay ang kaniyang sagot.
Inangat niya ang kaniyang kanang kamay at pasimpleng tinitigan ang kaniyang relo. Nangunot ang noo ko pero ipinagsawalang bahala ko na lang.
"You're next class starts at 2:00pm right?" Tanong niya. May maaliwalas na ngiti sa labi.
Doon ko agarang nakuha na iniiwasan niya ang tanong ko. I felt a sudden sadness but for now I should understand. It's his problem after all. Baka hindi pa siya handa para i-share sa akin iyon.
"Yep!" I said joyfully, hiding the blue feeling inside my chest.
Pero teka? Bakit niya kaya alam na mamaya pang alas-dos ang start ng class ko?
He chuckled and reach for my head. He mess my hair a bit that made me stunned. "Let's go for a walk. I'm free until 3:00pm."
At sa ganoong paraan na naman niya pinalipad ang libo-libong paru-paru sa loob ng tiyan ko. My heartbeat is beating so loud.
With just his smile, kompleto na ang araw ko.
Pagkatapos naming kumain sa ARKANA ay nagyaya ako kay Marco na pumunta sa malapit na plaza. Umupo kami sa bench na kaharap ang playground na may mga naglalarong mga bata.
Nang maalala ko na may bodyguards pala ako ay tinawagan ko agad si Ava. Wala akong number ni Chariya.
"Ava, kasama ko si Matheo ngayon—" hindi ako agarang pinatapos ni Ava sa pagsasalita.
"Yeah, I know. Nakasunod lang ako sa inyo..." Aniya sa kabilang linya.
Gulat man ay pinagsawalang bahala ko na lang. Mabuti na rin iyong malayo siya para solong solo ko si Matheo. Haha.
"Si Chariya?" Tanong ko at sinulyapan si Matheo na nakatagilid ang ulo habang tinitingnan ako, naghihintay na matapos akong kausapin si Ava. I felt so distracted because of him. Natatakot akong baka anytime bigla na lang gagalaw ang katawan ko at kurutin siya. Hell, I won't let that happen... kasi nakakahiya.
"Don't mind her." Sabi ni Ava.
Nangunot ang noo ko. "Bakit? Asan ba siya?"
"Just enjoy your date, enjoy yourself." And after that she ended the call.
Nekening?! Binabaan ako?
"May problema ba?" Tanong ni Matheo. Agaran akong napabaling sa kaniya at ngumiti ng malapad.
"Wala," sabay ngisi ko. "Pahiram ng cellphone mo."
Tumango siya at agarang kinuha ang cellphone sa kaniyang bulsa. My mouth formed an O when he gave me his phone. It's the newest model of iPhone.
"Ang ganda! Bakit hindi ako updated dito?" Namamanghang tanong ko.
Natawa siya. "Kahapon ko lang 'yan nabili. Gusto mo bilhan kita?" Aniya.
Parang may biglaang kumiliti sa puso ko dahil sa sinabi niya.
"Magkano ba 'to?" Kinikilig na usal ko. Hindi ko na kasi napigilan e.
"Ninety thousand..." And then he smirked.
My jaw dropped because of what he said. Ano?! Ang mahal! Kahit may pera ako hindi naman ako gagastos para lang sa cellphone.
"Ang mahal!" Angil ko.
"Just say it, I can buy you one."
"Ang mahal nga e!"
"Tss. Ako naman ang bibili..."
"Huwag na 'no, okay pa naman itong phone ko kaya ito na lang muna..." Nakangusong sambit ko at pasimpleng hinahaplos ang casing ng cellphone niya. Gosshh! Ang ganda talaga! Huhuhu kaso nakakakonsensiya naman ang halaga.
"But you like that?" Tanong niya.
Alinlangan man ay tumango ako. Ang ganda kasi talaga e!
"Okay..." Aniya at ngumiti ng malapad.
"Maganda ba ang camera nito?" Sabi ko at hinanap ang camera app. Nang makita ay agaran akong nagselfie.
"Maganda ba ang kuha?" Aniya at tiningnan ang picture ko.
"Maganda ang kumuha kaya maganda!" Sabay hagikhik ko na siya namang nginiwian niya.
Napanguso ako dahil sa nakitang reaksyon sa mukha niya. "Bakit? Totoo naman ah!"
Natawa siya at binawi niya ang kaniyang cellphone sa akin. May kinalikot siya doon at ibinalik ulit sa akin.
"I just change the wallpaper," sabi niya at ininuguso ang cellphone niya na hawak ko ulit.
"Hala! Bakit picture ko?! E-delete mo 'to!"
"And why would I do that? Ikaw ang nagbinyag ng cellphone ko kaya ikaw ang wallpaper."
"Ano 'yan? Bagong pamahiin?" Nanliit ang mga mata ko habang tinitignan siya. He laughed.
"Sort of."
Tinago ko na lang ang ngiti ko sa pamamagitan ng pagnguso. Ginawa ko na ang talagang plano ko kaya ko hiniram ang phone niya, iyon ay para makuha ang number niya. Hihihi.
"Oh ayan!" Sabay abot ko sa kaniya sa cellphone pagkatapos kopyahin ang number niya. "Thank you!"
"Give me your number too," aniya at agarang hinablot ang cellphone ko. Haisstt. Bakit hablot agad?
Ang swerte naman ng cellphone, mabilis lang niyang hinablot, ang may-ari kaya? Kailan niya mahahablot? Charot!
"Huwag ka ng magchange ng number ah?! Palagi ka na lang nagpapalit, tss." Nagtatampong sabi ko.
"Yeah, hindi na." Sabi niya habang nakatuon ang pansin sa cellphone ko. Panay ang kalikot niya sa cp ko.
Nagawa ko pang tignan ang mga batang naglalaro sa playground na kaharap namin.
Napangiwi ako ng makita kong hinalikan nung batang babae iyong kalaro niyang lalaki at humahalakhak na tumakbo palayo. Iyong batang lalaki naman ay halatang nagulat pero hindi rin nagtagal ay hinabol na rin iyong batang babae na tumakbo palayo.
Ano ba 'yan? Ang babata pa ang lalandi na. Noong kapanahunan ko pa ay hindi naman siguro ako ganiyan ka aggressive. Ngayon lang naman siguro? Haha.
"Here..." Sabay abot ni Matheo sa cellphone ko.
"Ang tagal ah," binalingan ko siya at nginisihan ng nakakaloko. "Minemorize mo pa number ko 'no?"
Napailing siya. "Memorizing your number won't take me a minute, in short hindi lang number mo ang kinuha ko sa phone mo." Sabay ngisi niya. Jusko! Iyang ngiti niya talaga e! Nakakagigil!
Napanguso na lang ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Kapag mas tititigan ko kasi siya ay parang nalulusaw ako.
Pinagmasdan ko ulit ang mga batang naglalaro sa playground. Iyong dalawang bata ulit na naglalandian kanina. Nang-iinggit lang ata sa akin. Psh.
Habang nagmumuni-muni ay may agarang pumasok sa isip ko.
"You're the reason why Nikka and Matheo Broke up!"
"Malandi kasi!"
"Bakit ba lapit ka ng lapit kay Matheo? Pahamak ka e!"
Agarang nanalatay ang kakaibang lamig sa sistema ko dahil sa biglaang pagsulpot ng mga isinumbat sa akin ni Nikka noon at sa mga kaibigan niya.
"Hey... Something wrong?" Tanong ni Matheo.
I just smiled at him at marahang umiling. Hiding the pain from my heart.
I can't just change the mood immediately. Dapat ay masaya kami ngayon. As long as I can hold it... kakayanin ko.
"W-wala..."
Ngunit parang ayaw akong patahimikin ng mga tanong sa isip ko.
Agaran kong inalala ang mga nangyari kanina. Ang gulat ko noong sinugod ako nina Moonshine at Sofie. Ang galit at lungkot sa mga mata nila. Ang tuwa sa puso ko. Ang masayang expression ko habang naiiyak sila sa harapan ko.
Did I really did that?
Parang may karayom na agarang tumusok sa puso ko.
Masyado ba akong nagpadala sa nararamdaman ko? Masyado ba akong naging agresibo? Tama pa ba itong ginagawa ko?
Agarang sumakit ang bandang dibdib ko ng naalala ulit ang mukha nina Moonshine at Sofie.
Dahil doon ay agarang nawala ang mood ko. Parang biglaan ay naging dead bat. Agaran akong nanamlay.
May nalulungkot na tao dahil sa pagiging makasarili ko. Dapat hindi na ako agad lumapit kay Matheo ngayon. Dapat pala ay hinayaan ko munang maghilom ang mga sugat nila. Dapat pala ay hinayaan ko muna siya. Kapag nakita kami nina Nikka ngayon ay talagang iisipin nilang... masyado akong agresibo pagdating kay Matheo. Na nang magkahiwalay sila ni Matheo ay agaran kong sinunggaban ang oportunidad.
It pained me, thinking about it.
"Why are you silent?" Tanong ulit ni Matheo.
His voice made me tremble. It's so good to hear and it's healing my heart. But, the guiltiness I felt won't go away.
I tried my best to see things from Nikka's Point of View. Seeing his ex boyfriend na kasama ng pinagseselosan niya. It hurts... so much. And it's breaking me.
I felt bad about myself. I should've not take this fast. I should've take this slow. But my body did the opposite.
"Sorry..." I muttered teary eyed.
Dapat sana ay nagsasaya kami ngayon. Dapat sana ay nagawa ko na ang plano ko. And that is to get closer to my Matheo. But I felt... I felt so... ridiculous about myself.
Nikka will gonna sue me, again.
"For what? Hey, may problema ba?" Nag-aalalang tanong niya.
Hindi ko na napigilan pa ang pag-alpas ng hikbi sa bibig ko.
Hindi ang pagkakagusto ko kay Matheo ang problema ko dito, kundi ang sarili ko. Ang sarili ko ang problema.
I'm so desperate to have Matheo na wala na akong pakialam sa iba.
"I should've leave you alone in time like this..." I cried. The pain in my heart won't go away. "Nikka might think I'm so desperate to be with you. She might think that I'm getting this opportunity because you two just broke up!"
He looked at me with an sad expression. Kitang kita ko ang sakit at lungkot sa mga mata niya.
Syempre malungkot siya kasi nagbreak sila ni Nikka. It's his ex-girlfriend after all. Tapos kakabreak lang nila at ako itong baliw na baliw kay Matheo mabilis na kumilos at ngayon katabi na siya.
What the hell? Self?
"You're thinking too much. Stop it..." Naiiling na sabi niya sa akin.
"Alam niyang gustong gusto kita mula noon pa kaya siya nagseselos sa akin palagi! Kaya siya galit sa akin! At ngayong w-wala na kayo..." I trailed off. Mariin akong napapikit at hinayaang tumulo ang luha sa mga pisngi.
Huminga siya ng malalim at hinawakan ang magkabilang balikat ko para mas maiharap ako sa kaniya. Iniwas ko ang mukha ko para hindi niya makita pero pilit niyang hinaharap sa kaniya na wala na akong nagawa kundi sundin ang gusto niya.
"Listen..." He lick his lower lips and stared seriously at me. "Don't think bad about yourself. I'm so happy that you're here with me in times like this. You're not desperate or taking an opportunity. Stop thinking crazy things about yourself. Masaya akong nandito ka sa tabi ko kaya huwag na huwag mong iisipin na dapat sana ay mapag-isa muna ako, dahil hindi ko kakayanin. I'm thankful that you're here with me, Jane."
Ang mga mata niya ay parang nagkikislapan. Umihip ang hangin na naging dahilan ng bahagyang pagtuyo ng mga luhang umaapaw sa mga mata ko.
Bakit ka ba ganito sa akin Matheo? Nagiging dahilan ito para mas mahulog pa ako sa'yo.
"Am I... just a f-friend to you?" Sa tanong kong iyon sa kaniya ay parang nahahati ang puso ko sa dalawa.
Sinuklian ko ang seryoso niyang titig sa akin, seryoso na may halong pait at sakit. Hindi nakawala sa paningin ko ang paglunok niya, na tila nahihirapan pa.
"Y-yes... you're a... v-very special friend to me..."
Dahil sa sinabi niya ay agarang gumuho ang mundo ko. Parang unti-unting napuputol ang mga lubid na ginawa ko upang mas kumapit pa sa pagmamahal sa kaniya.
I closed my eyes firmly, feeling the pain inside my chest with a fake smile.
"Even if I'm just a f-friend, it's fine. As long as I could stay by your side..." I smiled painfully.
It's okay, Jane. It's okay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro