Chapter 5
Chapter 5
"How's your new bodyguard?" Tanong ni Papa sa kabilang linya.
Habang hawak ang cellphone sa kabilang tenga ay nagawa ko pang ayusin ang mga libro na nagkalat sa study table ko. Kakauwi ko lang galing school.
I feel so tired and sad at the same time. Pagkatapos ko kasing magbihis sa infirmary ay hindi ko na nakita pa si Matheo. I thought he waited for me outside the infirmary, pero pagbukas ko ng pinto ay sina Chariya at Ava lang ang bumungad sa akin.
"She's jolly... She's talkative... She's so funny..." I rolled my eyes. Chariya is so damn the opposite!
"Oh boy..." Dad's laughter echoed through the phone. "She's not like that, iha."
Napanguso ako at napahinga ng malalim. Dad is still laughing.
"Can I teach her to laugh? Dad?" I said hopeless.
I really want to have a funny kalog kind of bodyguard! Wala bang ganoon? Chariya is so effin serious! Ilang ulit na akong nagtry na patawanin siya pero hilaw na tawa lang ang ibinibigay niya sa akin.
"She won't let you," he chuckled.
Napahinga ako ng malalim at tumayo. Nang mapadaan sa kama ay kumuha ako ng hotdog pillow. I sat near my window and look up the night sky. The full moon and it's stars are so evident.
"Hey... Are you still there? Anak?" Dad asked worriedly.
"Yeah, Dad. How's Mommy?" Wala sa sarili kong tanong. Itinuko ko ang kaliwa kong kamay sa hamba ng bintana at nanatiling nakatitig sa maliwanag na buwan.
I suddenly felt... sadness, whenever I stared at the moon.
"She's fine. She's busy with her social life. You know her naman, iha." He stopped but seconds after he spoked again, with the same worried voice. "Is there something wrong? Jane?"
Nilipad ng malamig na hangin ang buhok ko papunta sa aking likuran. Ang lamig niyon ay yumakap sa balat ko. Ngunit hindi niyon natabunan ang init ng nararamdaman ko ng may naalalang tao. Taong ilang taon akong hindi pinatahimik.
"Dad?" I murmured.
He hummed.
Kung papipiliin ako sa kung sino ang pinakagusto ko sa mga magulang ko, I prefer to say the truth and that is my Dad. I prefer him than my Mom. Mom is so busy with her social life. Since I was just a kid, miminsan ko lang maramdaman ang presensya niya sa akin.
"I... miss you... and Mommy..."
Natahimik sa kabilang linya. May unti-unti akong naramdamang sakit sa puso ko.
Malayo ako sa kanila. Nanatili si Daddy sa Australia para sa business namin while my Mom is in Italy. Mommy is a top Icon, marami rin siyang business doon na pinapamahalaan kaya minsan lang kami magkita. Dad always visit me here in the Philippines, every month, twice or once. It's okay that way. Atleast mas madalas siya kesa kay Mommy.
Sa isa't kalahati kong taong pagtira dito sa pinas at pagtatago ay dalawang beses niya lang akong binisita. It's sad though I prefer to understand her.
Whenever I see my Mom in the TV, magazines and other network sites... I always end up being envious. Why? It's because, mas mahal niya ang kasikatan niya kesa sa pamilya niya.
"Iha? You can be honest to me... What's wrong?"
My Daddy is the best father in the world. Lumaki akong spoiled but well discipline. Lumaki akong mas nakasama siya kesa sa Mommy ko kaya siya ang pinakamalapit sa akin.
Alam niya lahat lahat sa akin. Mga crush ko, ang first love ko... ang nag-iisang tao na kayang paikotin ang mundo ko. Na sana ay sa Mommy ko dapat sinasabi. It's kinda funny but my Dad is really good in cheering me up. Sinusuportahan niya ako sa lahat. Oo nga at lahat ng gusto ko ay binibigay niya, he will immediately give all my whims but when we talk about Matheo. He will let me go. Hahayaan niya ako sa gusto kong gawin. That's why I love my father so much! He's unique.
"I still... love him, Dad." Nagkagat labi ako at nanatili lamang na nakatitig sa buwan. Whenever I stare at the moon... Si Matheo ang nakikita ko. Si Matheo lang agad ang naiisip ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Kapag nagsasabi ako kay Daddy ng tungkol kay Matheo ay gumagaan ang pakiramdam ko.
"Are you still happy with it?" Tanong niya sa malalim na boses. Tila nag-aalala sa maaaring nararamdaman ko.
Wala sa sarili akong napatango. At um-oo sa kaniya. He take a deep breath.
Kaya ko pa bang magmahal ng iba? Gayong sa mahigit labing-isang taon siya pa rin talaga? I wonder.
"Iha, I never said this to you before but... you're still young. You can find someone like him at your age. Someone better than that Angeles."
Isinandal ko ang ulo ko sa gilid ng bintana. Tila nawalan ako ng lakas dahil sa sinabi ni Daddy.
"If only I could teach my heart, Dad."
"You can't expect someone to like you back, iha. You should learn to socialize with the other boys. Find someone that will make you happy. Don't waste your time waiting for a miracle..." He retorted.
Natawa ako dahil sa huling sinabi ni Daddy. A miracle? I don't think so.
"Dad... Naniniwala akong may hangganan ang lahat. Darating at darating ang panahon na... magugustuhan rin ako ni Matheo..." I smiled secretly.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang inaalala ang naiirita at galit na mukha ni Matheo. Kahit na parang may kakaiba sa kinikilos niya ay ramdam na ramdam kong... nag-aalala talaga siya sa akin. Palagi naman siyang ganito mula noon pa man pero... ibang iba iyong kanina. Sabihin niyo nang assuming ako pero may nakita rin ako selos sa kaniya.
I treasure every single detail about Matheo. Dahil iyon ang nagpapasaya sa akin. Paano na kaya kapag maging kami na? I don't know if I can take it.
Bigong huminga ng malalim si Papa. Habang hinhintay siyang magsalita ay inaaliw ko muna ang sarili ko sa mga nagkikislapang bituin sa kalawakan.
Ang ganda talagang pagmasdan ng gabi lalo na't sumasabay ito sa'yo. May mga ulap mang dadaan, pero hindi naman iyon nagtatagal.
"Jane, all I want for you is to be happy. Wala na akong ibang hihilingin pa. Just promise me... that you won't let your guard down just because of love. I'll hang up for now. Just call me when you need anything. Tatlo na kayo diyan sa condo, kung gusto mong lumipat sa mas malaki sabihin mo lang sa akin, okay?" Sabi ni Daddy.
"Yes, Dad. Thank you for your time. I love you..."
"Me too, honey. Do you want me to call your Mom just so she can call you too?"
Agaran akong napailing. "No Dad. Let her call me and miss me."
Dad chuckle. "Yeah, that's my daughter. Be careful. Don't talk to strangers when you're alone. Don't tell anyone about your identity, okay?"
"Yes, Dad. I'll take care of myself. You too, be careful..."
"Hmm-mm. I'll hang up now. Bye, anak..."
I hummed and waited for him to end the call. After he ended our conversation, I made a loud sighed at lazily throw my phone in the bed.
"Saan ka ba nagpunta, Matheo?" I asked, looking at the moon.
Suddenly an image of him and me holding hands made me smile immediately.
Mariin akong napapikit at wala sa sariling tumakbo at tumalon pahiga sa kama. Mahigpit kong niyakap ang unan ko habang hindi na matanggal tanggal ang ngiti sa mukha.
I wonder kung kailan mo kaya ako sasaluhin? Matheo? I'm willing to wait though.
"Bakit habang patagal humihirap ang Calculus! Bowshet!" Sigaw ko at ginulo ang sariling buhok. Natapon pa ang ballpen ko na siya namang pinulot ni Ava.
Nandito kami ngayon sa labas ng cafeteria ng school. Kakatapos lang ng panghuling subject namin sa umaga. May mini waiting area dito kaya dito muna kami tumambay. Mahangin kasi dito at kitang kita ang field na may mga naglalarong soccer players.
"Madali lang kaya. Ikalawang beses ko na itong punta ng school pero ang dali dali pa rin ng lahat, tsk." Sabi ni Ava.
Umikot ang mata ko sa ere at pinagtuunan siya ng pansin. "Eh bakit ayaw mo akong turuan kong ganoon!" Naiirita kong saad.
Napahinga siya ng malalim at nag-iwas ng tingin sa akin. Haiisttt. Magyayabang pa kasi e wala namang proweba. I pouted.
Ava is older than me. Limang taon ang agwat niya sa akin.
Nakasimangot kong binalingan si Chariya na parang robot na palinga-linga sa paligid. May alam kaya 'to sa calculus? I can still try.
Wala sa sarili kong kinuha ang ballpen ko kay Ava at ang nakalatag kong notebook sa mesa. Lumipat ako ng upo sa tabi ni Chariya at tumikhim.
She looked at me with confused expression. I smiled sweetly at her.
"May alam ka sa—"
"Bobo ako sa Math..."
Napakurap kurap ako dahil sa biglaang pag-interrupt niya sa akin. Agarang nawala ang ngiti ko sa labi ko, offended dahil sa narinig.
Bakit ang harsh! Hindi ako pinatapos sa pagsasalita! I hate them!
Padabog akong bumalik sa pwesto ko kanina, which is sa tabi ni Ava. Sinipatan ko si Ava habang nakanguso. Natawa siya dahil sa itsura ko.
"Hi-nire kami para bantayan ka, hindi para turuan ka. Wala 'yan sa sweldo namin," Sabi pa niya.
Waahhh! Ano na ang gagawin ko dito sa assignment ko? Ayaw naman nilang pakopya! Ang sama nila! Ang sama sama!
"Hoy!" May biglaang kumalabit sa likod ko na naging dahilan ng pagsama lalo ng mood ko.
Nilingon ko iyon at hindi na ako nagulat. Ang dalawang kampon ni Nikka ang nandito ngayon. Moonshine and Sofie with a very mad expression. Ano na namang kayang meron?
Mas lalo pang nadagdagan ang inis ko dahil sa dalawang 'to. I rolled my eyes and stared back on my notebook with so many numbers in it. Huminga ako ng malalim.
"Hindi naman ako mukhang aso pero bakit nilalapitan na ako ng mga garapata?" I murmured lazily. Enough for them to hear.
Rinig na rinig ko ang pagsinghap ng isa sa kanila. Pwe! Ang OA!
"How dare you!" Sigaw ni Moonshine.
Kitang kita ko ang mabilisang pagtayo nina Ava at Chariya papunta sa likuran ko. Sinulyapan ko sila at nakitang hawak ni Chariya ang kamay ni Moonshine na siguro ay muntik ng humampas sa akin.
Gulat na gulat na ekspresyon sa parehong mukha nina Moonshine at Sofie. I just smirked at them.
"Huwag mo akong hawakan! New bitch!" Sigaw ni Moonshine habang nagpupumiglas sa hawak ni Chariya. Padarag namang binitawan ni Chariya si Moonshine na naging dahilan ng pagdaing nito. Mabilisang dinaluhan ni Sofie ang naiiyak na kaibigan.
I wonder kung asan kaya ang Amo ng mga 'to? Sticking to Matheo? Again? Hayyy! Nakakairita.
"You're evil!" Sabay duro sa akin ni Sofie. Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
Kailan pa ako naging anghel? Joke.
"Ano na naman? Ha?" I asked boredly at them. May napapansin na rin akong mga nakikiusyoso sa amin ngayon. Buhay nga naman, maraming chismosa.
Wala na bang katapusan itong pang-aaway nila sa akin? Halata namang sila ang nangunguna!
"You're the reason why Nikka and Matheo broke up!" Nangangalaiting sigaw ni Moonshine.
Natawa ako dahil sa sinabi niya. 'Yon lang? Ano ba 'yan?!
"Broke up lang pala e," naiiling kong sabi. Nagawa ko pang basahin ang x at y sa notebook ko. Pero ng umalingawngaw ulit sa usip ko ang sinabi niya ay doon na ako agarang kinabahan.
What?!!!
Nanlalaki ang mga mata akong napabaling ulit sa dalawang naiiyak sa harapan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Parang konti na lang ay lalabas na talaga ito sa ribcage ko.
A sudden change of feeling gushed through my whole body. Nasapawan na nang gulat at tuwa ang katawan ko.
"Break up?!" I asked to them, wide smile.
Natawa si Ava at naiiling na umupo ulit sa upuan niya. Parang alam niya na unti unti ng nagsasaya ang sistema ko.
"Yes! And Nikka is crying—" hindi ko na pinatapos pa si Sofie dahil sa tingin ko ay hindi ko na mapipigilan pa ang nararamdaman ko.
"Waahhh! Talaga?! Anong oras sila naghiwalay?! Sinong nakipaghiwalay?! Omygosshh!" Halos maghisterical na ako kakasigaw.
I can't barely explain every single detail of my happiness right now! All I could say is just...I'm so damn happy! Matheo is now SINGLE! May chance na ako! Sound so ridiculous but I born this way, hahaha.
"What the hell?" Hindi makapaniwalang saad ni Moonshine habang nandoon pa rin ang inis niya sa akin. All I could respond to her is to giggle.
Dahil sa masayang balita na narinig ko ay wala na akong iba pang naisip kundi ang puntahan si Matheo sa classroom niya. Siguradong nasa laboratory siya ngayon!
Hindi na magkamayaw ang kaba at saya na nararamdaman ko ngayon. All I could think is to go to Matheo.
Mabilis kong hinila ang bag ko sa mesa at walang pasabing tumakbo papalayo sa kanila. Narinig ko pa ngang sumigaw si Ava at Chariya pero hindi ko na sila pinansin pa.
A smile has been plastered through my face while running the whole field just so I can go to Matheo's classroom immediately.
Ang makita siya at mayakap ko ng mahigpit ngayon na wala ng ibang magagalit ang tanging nasa isip ko.
"Jane! Ingat!" Dinig kong sigaw ng isa sa mga soccer players. I just wave my hand to him and run fast as I could.
Ang classroom kasi ng mga Medical Students ay nasa kabila pa.
Hindi ko na pinansin ang bahagyang pag-angat ng t-shirt ko dahil sa pagtakbo. I am wearing the shirt Matheo gave to me yesterday, same with jeans. Komportable kasi ako at napakasarap suotin.
My mad dash for running left me gaspin for air, but I didn't mind. Maraming napapatingin sa direksyon ko dahil para lang akong nakikipagkarerahan and again, I didn't mind. Ang saya ko ngayon ay tila hindi matutumbasan.
Saktong pagliko ko papuntang classroom ni Matheo ay nakita ko siyang kakalabas lang ng Laboratory.
Hinihingal man ay nagawa ko pang ngumiti ng malapad at tawagin siya.
"Matheo!" Umalingawngaw ang sigaw ko sa bawat dulo ng pasilyo.
Agaran siyang napabaling sa akin. His messy hair makes him look so hot and cooler. Ang makinis at maputi niyang balat ay kumikinang sa paningin ko. All I could do is to smile widely at him.
Nangunot ang noo niya pero unti-unti ay may namumuong ngiti sa labi. His bright expression rose up immediately.
Tumakbo ako papunta sa kaniya habang nakabuka ang mga kamay. Excited na mayakap siya.
"Bakit pawisan ka—oyyy!" Daing niya ngunit agaran ding napalitan ng mahinang tawa. Agaran ko kasi siyang sinunggaban ng yakap. Iyong mahigpit at mainit na yakap.
"Your still wearing the shirt I gave you?" Tanong niya pero hindi ko na pinansin. I hugged him even tighter. I can't even hide my smile through my face while hugging him.
Ang init ng katawan niya ay talagang ramdam na ramdam ko na ngayon. This is my first time... hugging Matheo. And it feels so good. Nakaka-adik.
Para lang akong nanalo sa loto! Ang sarap sa pakiramdam!
Naramdaman ko ang paglapat ng mainit na kamay ni Matheo sa likod ko. Sinuklian din niya ang mainit na yakap na ibinigay ko sa kaniya.
Ang kaninang bilis ng tibok ng puso ko ay mas dumoble pa ngayon. The butterflies in my stomach are now partying!
"Matheo?" Malambing kong tanong sa kaniya sa kalagitnaan ng pagsasaya.
"Hmm?" He hummed.
Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kaniya. At ganoon din siya sa akin. I smiled.
"Am I... Different?" Hindi ko alam pero basta nalamang iyong lumabas sa bibig ko.
I felt his chin on top of my head. It sent shivers down to my spine. Parang gusto ko na lang tumili at sumigaw dahil sa ginawa niyang iyon. Gosshh! Wala ng mapaglagyan ang kilig ko!
He chuckled.
"Yes... I've always noticed."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro