Chapter 18
Chapter 18
Biglaang lumamig ang katawan ko dahil sa sinabi niya. Nirerehistro pa rin ang mga salitang binitiwan niya sa akin.
"Umalis ka na..." Pag-uulit niya. Ramdam ko ang diin sa bawat pagbigkas niya ng mga salitang 'yon.
Natuod ako sa kinatatayuan ko. Nanginig ang mga kamay ko. Mabilis ang tibok ng puso ko ngunit hindi na katulad kanina. May halo itong sakit.
Hinayaan ko ang mga luha kong nagbabadya sa paghulog. Dahan dahang akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Kitang-kitang ko kung paano siya nag-iwas ng tingin at napatiim-bagang.
Jane... Dapat lang na ganiyan siya umasta. Iniwan mo siyang hindi man lang nagpapaalam. Intindihin mo siya.
"S-sorry..." Bahagya akong pumiyok. Napakagat labi ako at humakbang ng isang beses papalapit sa kaniya.
Matatalim ang titig ulit siyang napatingin sa akin.
"Umalis ka na sabi!"
Napapikit ako dahil sa sigaw niya at napaatras. Nakaka-miss ang sigaw niya. Sobra.
Kinagat ko ang labi ko ng hindi ko na napigilan pa ang hikbi na umalpas sa labi.
"I-I'm so s-sorry..." Napalunok ako at napayuko. Nanatili ang titig ko sa kaniya, habang siya ay nakapamewang at nakatagilid sa akin.
The way his adams apple moved makes me shiver. The way his jaw clenched, I feel like melting. Kahit galit ka... mahal pa rin kita.
"M-miss na kita..." Napahikbi ulit ako.
Mariin siyang napapikit at tumalikod sa akin. He let out a curse.
Iintindihin kita kung ayaw mong makipag-usap sa akin ngayon.
"B-babalik na lang... a-ako bukas," I smiled to hide away my pain.
Dahan dahan akong tumalikod at hinawakan ang doorknob. Naghintay ako ng ilang segundo, nagbabakasakaling pipigilan niya ako. Pero wala.
Mariin akong napapikit at hinayaang tumulo ang maiinit kong luha galing sa mata.
Hindi niya ba ako na-miss? Hindi man lang ba siya magugulat na bumalik na ako? Ganoon lang ba? Galit agad ang ibubungad niya sa akin?
I secretly nodded.
Okay lang. Iintindihan ko.
Nagkagat labi ako at wala ng pagdadalawang isip na binuksan ang pintuan para makalabas.
Bumungad sa akin ang nagtatakang mukha ni Ava.
Pinalis ko ang luha na nagdantay sa pisngi ko at ngumiti sa kaniya.
"A-asan si Felix?" Nanginig ang boses ko pero ipinagsawalang bahala ko na lang.
Nangunot ang noo niya at pinagmasdan ang itsura ko.
"May emergency daw. Umalis na. Bakit? Anong nangyari sa loob?" Tinitigan niya ng masama ang pintuan na nilabasan ko kanina.
Umiling ako at nanginginig ang kamay na hinawakan siya.
"Uwi na tayo," I smiled. Bahagya ko siyang hinila para sumabay sa paglalakad sa akin.
"Ano?" She scoffed. Napatingin siya sa kamay kong nakahawak rin sa kamay niya.
"Umuwi na tayo, kako!" Sabay hila ko ulit sa kaniya, ngunit sadyang mas malakas siya sa akin kaya ako pa ang nahila niya.
"Ba't nanlalamig ka? Ba't namamaga mata mo? Iyang ilong mo rin oh! Ang pula!" Sabay pisil niya sa ilong ko.
Napadaing ako at napaatras dahil sa ginawa niya. Napanguso ako at pinigilan ang sarili na mapaiyak na naman. Nandito pa rin kami sa hospital at hindi pa rin kami nakakalayo sa opisina ni Matheo. Nakakahiya.
"M-muntik mo nang mahila ang sipon ko," I pouted. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya dahil nagbabadya na naman ang mga luha ko sa mata. Shit!
"Hindi ka nakakatawa," she crossed her arms in her chest. Matatalim ang titig niya sa akin, handa na akong sakmalin.
Mas lalo akong napanguso. Ayaw kong umiyak sa harap niya. Ayaw ko.
"Magsasalita ka o susugurin ko si Matheo sa loob?!" Banta niya na nagpasinghap sa akin.
Nanginig ang labi ko at hindi ko na napigilan pa ang mapahikbi. Ngayon ay para na akong bata na nakatayo sa harap niya habang umiiyak.
"P-pinaalis niya ako e!" I sobbed.
Nangunot ang noo niya. Nagpatuloy ako.
"N-naiintindihan ko naman siya. Kasi iniwan ko siya ng wala man lang paalam! K-kaya okay lang!" Sabay singhot ko at tumango tango.
Mariin siyang napapikit at dismayadong napailing. Huminga siya malalim at hinila ako para sa isang mahigpit na yakap. Hinagod niya ang likod ko na naging dahilan para mas medyo kumalma ang pakiramdam ko.
"Para ka pa ring bata," bulong niya at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin.
Nanatili kami sa ganoong posisyon sa mahigit limang minuto. Kumalas siya sa akin at nakangiwing tinitigan ang mukha ko.
"Nakakatakot na itsura mo," aniya habang hinahawi ang mga buhok na dumampi sa basa kong mukha. She also wipe my face using her hands.
But still, hindi pa rin napapawi ang sakit sa puso ko.
Nang nakita niyang nanginginig na naman ang labi ko ay bumuga siya ng hangin.
"Ang tigas ng ulo mo tapos ngayon ka pa titiklop?" Nakangiwing aniya.
Napanguso ako at pabiro siyang hinampas sa braso.
"Ano?" Seryoso niyang tanong. "Bumalik ka doon sa loob." Utos niya naman.
Nanlaki ang mga mata ko at napaatras. Umangat ang gilid ng labi niya dahil sa ginawa ko.
"Susugurin ko na lang si Math—"
Napasinghap ako at mabilis siyang hinila sa braso. Mangiyak-ngiyak ko na naman siyang nginusuan.
"Papasok na!" I trembled.
"Tigasan mo 'yang ulo mo ah? Huwag kang aalis kapag hindi kayo nagkakausap ng maayos." Hinawakan niya ako at kinaladkad papunta sa harap ng opisina ni Matheo. At dahil sa ginawa niya ay bumalik na naman ang pangangatog ng tuhod ko.
"Putanginang seloso," bulong ni Ava na hindi ko naman masyadong narinig.
Mas pinakiramdaman ko na lang ang katawan ko na nagsisimula na namang sumayaw. Potek talaga!
Mabilis kong pinigilan ang kamay ni Ava na akmang pipihitin na ang pintuan.
Nagkagat labi ako at nagmamakaawang napatitig sa kaniya.
"Ano?" Inis niyang tanong.
"B-bukas na lang kaya natin siya ulit bisi—"
"Ngayon na!"
Napapikit ako dahil sa ma-awtoridad na pagkakabanggit ni Ava no'n. Wala na, bumaliktad na. Siya na ngayon ang boss ko.
Napanguso ako ulit at tinitigan ang pintuan ng opisina ni Matheo.
Tama! Kailangan kong makapag-sorry ng maayos sa kaniya at kailangan ko rin siyang makausap. Susulitin ko ang free time niya ngayon!
Tumikhim ako at hinawakan ang doorknob. Dahan dahan ko iyong binuksan. Bago ako nakapasok ay sinulyapan ko muna si Ava na nagtataas lang ng kilay sa akin at ininguso ang looban.
Pagpasok ko ay nadatnan ko si Matheo na nakapikit ang mga matang nakaupo sa swivel chair habang ang isang kamay ay nakasabunot sa buhok. Ang mature at nakakunot noo niyang mukha ay talaga namang nakakatempt.
"Paki-cancel ng mga appointments ko ngayon, Athan," aniya habang nanatiling nakapikit at nakasandal ang ulo sa upuan. Nakatingala sa ceiling.
Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Para akong tuliro at hindi alam kung ano ang sasabihin.
"May susundan lang ako—ah! shit!" Napatalon siya nang pagkadilat ng mata ay ako ang bumungad sa kaniya. Muntikan pang mahulog ang salamin niya dahil sa pagkakagulat.
Napanguso ako dahil maski ako ay bahagyang napatalon dahil sa mura niya.
Pumula ang pisngi niya habang nanlalaki ang mga mata na napatitig sa akin.
Sino kaya ang susundan niya? Asawa niya? Girlfriend niya? Kaya ba pinapaalis na niya ako? Ganoon ba?
Ba't ang sakit naman ata masyado no'ng mga naiisip ko?
Huli na ba ako? Wala na ba akong pwedeng balikan sa kaniya? Tangina! Ni hindi nga naging kami dati e! Dumb me.
"S-sabi kong umalis ka na 'di ba?!" Nanginig ang boses niya at dali-daling napatayo. Namumutla rin ang mukha niya at hindi mapokus ang tingin sa akin.
Napanguso ako at sinulyapan ang sofa sa harap ng lamesa niya. Nagmartsa ako papunta doon at walang pasubaling umupo.
Sinulyapan ko siya at tumikhim. Inayos ko rin ang palda ko at hindi na siya tinitigan pa.
Dito lang ako! Matigas ang ulo ko noon pa kaya dapat alam na niya iyon.
"M-may lakad ka ba?" Tanong ko at mas umayos ng upo sa sofa. Ang sarap sa pwet ng sofa niya.
"N-none..." Aniya at umupo ulit sa kaniyang upuan at tumikhim.
Ano? Kanina lang sabi niya may susundan siya? Tapos ngayon wala na? Kung may asawa siya o jowa na, hindi na niya pwedeng itago 'no.
Kahit masakit tatanggapin ko naman.
Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin. Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdaman dahil sa katahimikan pero ipinagsawalang bahala ko na lang. Gusto ko rin sana magtanong sa kung sino ang susundan niya pero natatakot ako sa pwedeng isagot niya.
Habang kinokomportable ko ang pwet ko at pinapakiramdaman na rin si Matheo ay may lalaking pasipol-sipol ang pumasok sa opisina at diretso na lumapit kay Matheo. Hindi ako napansin dahil ang titig nito ay nasa mga papeles na dala.
Nakasuot ito ng Doctors gown kagaya ni Matheo.
"Doc! May bago kang kliyente! Sexy!" Nakangising sambit nito na nagpangunot ng noo ko.
Medyo may pagkasingkit ang mga mata niya pero gwapo naman. Mataas rin ito, mga six footer, kagaya rin ni Matheo, pero mas matikas lang ang pangangatawan ni Matheo kesa rito. Medyo payatot.
Napasulyap ako kay Matheo na hindi ko namamalayang nakatitig rin pala sa akin. Nang mahuli ko ay agaran siyang nag-iwas ng tingin.
"Grabe talaga dating mo e 'no? Paturo naman ng tricks diyan oh! Kailangan ko rin ng chicks na makakasama," ani pa nito habang busy sa paglalatag ng mga papel sa harap ni Matheo.
Hindi ko alam pero, kumukulo ang dugo ko sa lalaking ito. Gusto ko siyang sakmalin. Grr.
"Shut up, Athan," malamig na sabi ni Matheo at isa-isang kinuha ang mga papel sa harap.
Humalakhak iyong si Athan. "Ayy oo! Kasal ka na pala!"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
Kung kanina ay nagpipigil lang ako ngayon ay tuluyan nang nanginig ang labi at mga kamay ko. Yumuko ako at napahigpit ang hawak sa palda.
Parang binuhusan ng acido ang puso ko dahil sa narinig. Shit! Kakasabi ko lang na tatanggapin ko 'di ba? Nak nang!
"Tss," tanging sagot naman ni Matheo.
So? Totoo?
Shit! Naiiyak na naman ako. Feeling ko anytime hahagulhol na lang ako kapag hindi ko pagbubutihin ang pagpipigil. Nakakainis naman!
"Ang daya mo Doc!" Halakhak pa ulit noong Athan.
Puta! Hindi ba ako napapansin nito? Hangin lang ba ako? Gaano ba ako kaliit para hindi niya ako mapansin? Sarap tuhugin nito e! Nakakairita!
"Paupo sa—Shit!" Napamura siya ng pagharap ay ako ang nakita.
Napasimangot ako at napangiwi sa kaniya. Gaano ba talaga ako kaganda para kagulatan ng ganoon?
Nakahawak pa siya sa dibdib niya dahil sa gulat sa akin. Pero unti-unti niyang inangat ang kamay niya at tinakpan ang nakangangang bibig.
Para namang tanga?
Sinimangutan ko siya at inismiran. Hindi pa rin humuhupa ang sakit mula sa sinabi niyang kasal na si Matheo. Parang... hindi ko matanggap.
Habang nakatitig sa pintuan at palihim na bumubuga ng hangin para ikalma ang sarili ay may naramdaman agad akong umupo sa tabi ko.
Napabaling ako sa tumabi sa akin. Napasimangot ako ng si Athan iyon na ngising-ngisi at halos ipagtulakan na ang mapuputing ngipin sa akin.
"Hi Miss! I'm so sorry, hindi kita napansin kanina. Baka gusto mong mag-tea muna tayo sa labas?" Nakangising sambit nito. Nakaharap siya sa akin habang nakasandal ang isang kamay niya at nakatuko sa pisngi niya. Ang isa ay nasa gilid niya lang. Kinindatan niya ako na mas lalong nagpa-alab ng galit ko sa katawan.
Ako lang ba? O talagang ang bilis ng galawan ng isang 'to? Halatang Playboy. Mukha pa lang. Oo nga at gwapo may puhunan pero ayaw ko sa masyadong aggressive. Delikado.
Akmang magsasalita na ako at babarahin na itong gwapong aggressive pero naunahan ako ng medyo galit at naiiritang si Matheo.
"Cancel all my appointments today, Athan." Aniya habang naghuhubad ng gown. Naiwan na lang ang kulay asul niyang polo. Isinabit niya ito sa sa isang hanger at nilagay sa isang locker.
Napanguso ako ng bumalik ang titig niya sa akin, ngayon ay madilim at madiin.
"Ha? Bakit Doc bro? May lakad ka? Sige lang, maiwan na muna kami nitong si Miss Suplada dito," sabi naman ni Athan na hindi na natatanggal ang titig sa akin, kinindatan pa ako. Nakakaimbyerna naman 'to!
Matheo frowned and walk fast to my direction. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at gulat sa kaniya. Parang may mabigat na aura akong nafi-feel sa kaniya.
"Let's go."
Nanlaki ang mga mata ko at napaawang labi. Kitang kita ko kung paano pumungay ang mga mata niya pagkatapos sabihin iyon. Pero ng napasulyap siya kay Athan ay bumalik ulit ang galit sa mga mata niya.
"What? Doc bro naman! Dumidiskarte ako e!" Asik nito at napatayo na nagkakamot ng ulo.
"Try. My fist will welcome your fucking face, Yu." Mariing sambit niya na mas lalong nagpahulog ng panga ko.
A-ano? Ano raw?
N-nagseselos ba siya?
Itinikom ko ang mga bibig ko at nagkagat labi.
Shit! Hold yourself, Jane. May asawa na iyan. Pabayaan mo na siya. Last na 'to. Dapat ka ng magmove-on!
Putek! Ang sakit!
"Oy! Easy lang! Mas lalo tayong pumupogi e!" Humalakhak iyong si Athan at napabaling sa akin. Kinindatan niya ako at pabirong binaril-baril at tumalikod na sa amin. Pasipol-sipol pa siya habang lumalabas, iyong tipong parang walang nangyari dito sa loob.
Ngayong wala na siya ay mas naramdaman ko na ng tudo ang lamig mula sa aircon ni Matheo.
"Let's go," sabi niya na mabilisang nagpatayo sa akin.
"S-saan tayo pupunta?"
"We'll talk outside."
Napanguso ako at tumango sa kaniya. Tumalikod na siya at humakbang na papunta sa pintuan kaya sinundan ko na rin siya. Pero hindi pa man niya nabubuksan ang pintuan ay napabaling ulit siya sa akin.
Tumaas ang kilay ko at tinitigan siyang pinasadahan ng tingin ang katawan ko, kalaunan ay napabuga ng hangin.
"Will you stop wearing that kind of dresses? It's too short! Gusto mo masilipan?" Ang gitla sa kaniyang noo ay talagang mas nagpagwapo sa kaniya.
Gusto kong mapangiti pero feeling ko babarahin niya lang ako. Ayaw kong mapahiya. Kaya ngumuso lang ako para itago ang ngiti ko.
"Ito kasi ang trend ngayon..." I trailed off.
Tumaas ang kilay niya at hinarap ako ng tuluyan.
"Iyan na ang reklamo ko sa'yo noon pa. And I don't like it!" Nagtataas baba ang dibdib niya pagkatapos sabihin iyon. Tila naghahabol ng hangin. Damn that massive chest!
"Oh, edi titigil na..." Kinagat ko ang dila ko pagkatapos sabihin iyon.
Damn! Bakit ba ganito siya maka-react? May asawa na siya ah! Pinapaasa na naman ako nito!
"Tigas ng ulo," naiiling niyang saad at tuluyan ng lumabas.
Shit! Bakit ganoon? Kinikilig ako. Feeling ko nagseselos siya. Feeling ko nagiging protective na naman siya sa akin.
Gano'n din kaya siya sa asawa niya?
Hayy! Ano ba namang tanong iyon? Syempre mas grabe pa!
Bumagsak ang mga balikat ko at hindi na naman napigilang malungkot. I need to do something about this shit of me.
Tutuldukan ko na ang lahat ng ito ngayon. I need to set him free. Lalo na ang sarili ko.
He's a married man now.
Fuck! Ang sakit!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro