Chapter 17
Chapter 17
"Jane! Alam mo ba kung ano ang ginawa mo?!" Sigaw ni Josh sa akin.
Nakanguso kong tinitigan ang mga paang parehong naglalaro sa isa't isa. Ang kamay ko ay pinagpapawisan na dahil kanina pa akong nakakapit sa magkabilang gilid ng palda ko habang nakaupo sa sofa ng sala ng condominium ni Josh.
Hindi ko siya matignan, dahil alam kong nag-aalburuto na siya sa galit.
"Do you want me to tell Tito about this?! Ha?!" May pagbabantang aniya. Andoon pa rin ang galit at pag-aalala sa kaniyang boses.
Sa bawat bigkas niya ng salita ay napapaatras ang ulo ko at mariing napapapikit.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya na bahagyang nanlaki ang mga mata. Happiness filled my system at what he just said.
"Y-you didn't tell dad about my escape—" he immediately cut my words off.
"I'm not dumb! Ibabalik ka lang no'n sa Australia!" He clenched his jaw after saying those words. Magulo ang kulay krema niyang buhok at parang stress na stress ang mukha.
Napanguso ako para itago ang ngiti sa labi. I really thought that they told Daddy about my pathetic breakout. Ngayon ay tila mas lumuwag na ang pakiramdam ko kahit na nasa harapan ko ang nakapamewang at galit na si Josh Sandilva.
"Thank you." Ani ko at hindi na napigilan ang ngiti na umalpas sa labi.
Nangunot ang noo niya at napabuga ng hangin.
"Anong thank you?!" Sigaw niya ulit. Napayuko ako ulit at itinago ang ngiti sa pamamagitan ng pagnguso. "You're not allowed to go out tomorrow!"
Agarang nawala tuwa sa sistema ko at napalitan ng gulat. Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap dahil sa pinal na pagkakasabi niya no'n. Dad and Josh have the same personality. Iyon nga lang mas natatakot ako kay Josh minsan.
"May lakad ako bukas!" Naiiyak kong saad sa kaniya.
What the?! Hahanapin namin ni Felix si Matheo bukas! Ayaw kong ma-miss ang opportunity na iyon! Mahalaga ang oras at panahon sa akin kapag si Matheo na ang pag-uusapan.
"At saan ka naman pupunta?" He crossed his arms and stared solemnly at me.
Ako naman ay tila tuliro at hindi na makatingin ng maayos sa kaniya. I should do something!
"M-may lakad kami ni Felix bukas!"
"Saan nga?!"
Shit! Naiiyak ako! Sasabihin ko ba? Sasabihin ko ba na hahanapin namin si Matheo?
Lumalakas na rin ang tibok ng puso ko sa kaba. At hindi ko alam kung bakit. Pwedeng pwede ko namang sabihin ang reason pero parang may nag-uudyok sa akin na 'wag na munang sabihin.
"Basta," I pouted and gave him a puppy look.
Mas lalong nangunot ang noo niya at bahagya pang pinilig ang ulo para matingnan ako.
"Hindi 'yan lugar," obvious na sabi niya.
I gasped.
"Josh naman e! Importante kasi e!" I said half-crying. Sinabayan ko iyon ng pagpadyak sa mga paa. Para lang akong bata na nagta-tantrums dahil ayaw bigyan ng kendi.
"Kung aalis ka man lang kasi bakit kailangan pang tumakas?!" Sabat naman ni Ate Cheska sa kabilang sofa habang ngumunguya ng mani.
Hindi ko na napigilan pa ang mapaluha dahil sa irita at frustration. Parang may init na namumuo sa dibdib ko at ang paraan para maipalabas ay ang umiyak at ngumawa.
Kailangan kong lumabas bukas! Kailangan ko! Matheo!
"Josh please!" Pagmamakaawa ko. Halos hindi ko na siya makita dahil sa luha sa mga mata ko. Pero ang chunggo, inirapan lang ako.
At doon na ako napaiyak at napahagulhol. Kinuha ko ang throw pillow sa gilid ko at pasalampak na nilagay sa mukha at niyakap ng mahigpit.
Ano ba ang gagawin ko?! I already planned this! Hindi pwedeng madido ang plano ko at makulilat. Ayaw ko no'n!
Matheo, kung ako na lang sana ang hanapin mo e! Nakakainis!
Nanginig ang balikat ko dahil sa pag-iyak habang iniisip ang bulilyaso kong plano bukas. Shit talaga!
Habang nasa kalagitnaan ng pag-iyak ay boses naman ni Ava ang narinig ko sa may bandang likod ko.
"Sasamahan ko na lang siya sa lakad niya bukas," ani nito sa seryoso na tono.
Napatigil ako sa pag-iyak habang patuloy pa rin sa pagsinghot sa sipon.
Ava help me! Papansinin na kita ng maayos ngayon! Hindi na kita susungitan! Hindi na rin ako tatakas! Sayo na ang isang kahon ng toblerone ko!
Nanatili ang mukha ko sa ilalim ng unan at palihim na nakiramdam sa paligid.
"Tuso 'yan Ava!" Ani ni Josh. Sarap mong sapakin! Kainis! Pinaiyak mo 'ko.
"Sisiguraduhin ko namang hindi siya mawawala sa mga kamay ko. Hindi na mauulit pa iyong nangyari kanina," banayad na sabi pa ni Ava.
Unti-unti kong tinanggal ang pillow sa mukha at nag-angat ng tingin sa kay Ava. Napatingin naman siya sa akin gamit ang blangkong ekspresyon.
Napanguso ako. Paano naman siya papayagan ni Josh kung ganiyan ang ekspresyon niya?!
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Josh. Napasinghot ako at sinilip siya ng bahagya sa taas ng pillow na hawak hawak ko pa rin.
Josh is massaging his nose bridge. Problemadong-problemado siya.
Tumayo si Ate Cheska at lumapit kay Josh.
"Hoy, okay ka lang?" Sabi nito habang ngumunguya ng mani. May pag-aalala sa mga mata niya habang nakatitig kay Josh. Tumango si Josh at nagbuntong-hininga ulit.
Napanguso ako at ibinaba ang pillow at tinapon sa kabilang sofa. Tumayo ako at dahan dahang lumapit kay Josh.
Nakapikit siya at patuloy pa rin sa paghilot sa noo. Nag-aalala na rin kasi ako. Natatakot ako na baka bumalik iyong sakit niya. Lord huwag naman sana! Ayaw kong mapahamak siya ng dahil sa akin.
"O-okay ka lang? Josh?" Nag-aalalang ani ko. Nangunot ang noo niya at nagbukas ng mata sa akin. Tinitigan niya ako ng masama.
Ayan na naman!
"Josh..." I said in a pleading tone. I also blinked three times.
Huminga ulit siya ng malalim at binalingan si Ava.
"Come here, Ava," utos niya kay Ava.
Tumango si Ava at tumabi sa akin.
"Papayag akong lumabas ka bukas," Josh paused. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang ngiti. "Basta ba hinding hindi ka na tatakas at lalayo maski isang metro kay Ava." Puno ng diing aniya.
Mabilis akong tumango-tango. Pigil ang ngisi akong napatingin kay Ava na nagtaas lang ng kilay sa akin.
"Ava," si Josh.
"Sir," pormal na saad ni Ava.
"Tawagan mo ako kapag nagloloko 'yan," sabay turo sa akin ni Josh. Napaatras ako ng konti dahil sa pagturo ni Josh sa akin. Para ko talaga siyang tatay.
Tumango lang si Ava. Naiiling namang tumalikod si Josh at pumunta na sa kaniyang kwarto. Si Ate Cheska naman ay nagkibit-balikat lang at umupo ulit sa sofa at ipinokus ang tingin sa TV.
I can't help but to smile wide at Ava. She stared at me with her blank expression again. Akmang tatalikod na siya ng kumapit ako sa braso niya.
"Ano?" Mahinang tanong niya.
Napangisi ako at buong lakas siyang hinila papunta sa kwarto ko. Nang makarating sa kwarto ay agaran kong ini-lock ang pinto at tumili. Hinila ko ulit siya pahiga sa kama.
"Aray!" Daing niya ng pareho kaming nahiga sa kama at umalog ang ulo niya.
"Thank you!" Patili kong saad at niyakap siya ng mahigpit. I put my head near her chest. Pinakiramdaman ko lang siya dahil tahimik siya at hindi nagsasalita.
I smile wide and just hug her tightly. I miss hugging her.
I closed my eyes as I think for the possible things with Matheo tomorrow. I'm sure magugulat at matutuwa siya.
"Thank you... Ava," My final words at her. Dahil talagang hinihila na ako ng antok. Dahil na rin siguro ito sa pagod na ginawa ko ngayong araw.
I felt her hands caressing my hair and her whisper. "Sweet dreams, Jane."
"Ohh?" Tumaas ang gilid ng labi ni Felix habang pabalik-balik ang tingin sa akin at kay Ava.
Ramdam na ramdam ko sa aking katawan ang lamig ng pang-umagang simoy ng hangin. Maaga akong nagising at maaga ko ring binulabog sina Ava at Felix para lang sa lakad na ito.
Nasa labas na kami ngayon ng condo ni Josh at naghahanda na para sa pag-alis at paghahanap kay Matheo.
Napangisi ako at binuksan na ang aming SUV na siyang sasakyan namin para sa pagbyahe papunta sa A.M Canigo Hospital.
"Sasama siya," nakangising ani ko.
Tumaas ang isang kilay ni Felix sa akin at tinitigan na lang si Ava na pumapasok na rin sa drivers seat.
"Ava!" Tawag ni Felix kay Ava. Napabaling sa kaniya si Ava at hindi na natuloy ang pagpasok sa sasakyan. Nagkibit balikat ako at pumasok na sa backseat.
"Ako na ang magmamaneho," sabay abot ni Felix ng kamay niya kay Ava. Tumango si Ava at inilagay ang susi sa kamay nito at umikot na para pumasok sa front seat.
Tahimik ang buong byahe namin papuntang hospital. Pangiti-ngiti lamang ako habang tinitingnan ang mga nagbago sa siyudad ng Makati. Marami akong nakikitang mga bagong buildings na tila nakikipagpaligsaan sa taas.
Ang sarap sigurong masaksihan ang pagbabago ng buong siyudad na ito ng mismong mga mata. Kung hindi lang sana ako nawala ng ilang taon, siguro pati si Matheo nakita ko kung paano naging doktor at successful.
I'm so proud of him.
"Nandito na tayo," sabi ni Felix at ipinarada na ang sasakyan sa parking lot ng hospital. I placed my hand in the glass window as I stared happily at this wonderful hospital infront of us.
Binuksan ko ang pinto at dali-daling bumaba ng sasakyan. Umingay ang ankle high heeled boots ko sa semento pagkababa ng sasakyan. Agarang niyakap ng mabangong simoy ng hangin ang aking katawan at bahagya na ring nilipad ang palda ng Sweet off shoulder Light Blue Long sleeve dress ko.
"Jane..." Saad ng tila kabadong si Ava. Kitang kita ko iyon sa mukha niya.
Nginitian ko siya at tinanguan.
"I really miss him, Ava. I want to see him." Masayang ani ko.
May pagdadalawang isip sa mga mata niya pero kalaunan ay tumango na rin.
"Let's go," ani ko.
Nauna akong naglakad papasok sa loob ng hospital. Hindi nawala sa paningin ko ang paninitig ng mga tao sa akin lalo na sa dalawang tao na nasa likuran ko. Pero ipinagsawalang bahala ko na lang. Ang importante sa akin ngayon ay ang makita si Matheo.
Naghalf-run ako papuntang frontdesk na siya namang sinita ni Ava.
"Jane, huwag kang tumakbo!" Aniya. Pero hindi ko na masyadong pinansin.
Kinatok ko ang frontdesk. Isang chinitang nurse ang komompronta sa akin.
"Yes? Ma'am?" Nakangiting aniya.
"Ahmm..." I trailed off. Napasulyap ako kay Felix at Ava na nakahalukipkip sa likuran ko. Nagtaas lamang ng kilay si Felix sa akin. Ibinalik ko ulit ang titig ko doon sa nurse.
"I-is Dr. Matheo Angeles... here?" Kabado kong saad.
Ngumuso siya at may tinignan sa computer. Hindi rin naman nagtagal ay nag-angat siya ng tingin sa akin na nakangiti.
"Nasa office niya po siya ngayon," she trailed off. "May appointment ka po ba?"
Natigilan ako dahil sa tanong niya. Kailangan ba no'n? I glanced back at Ava and Felix. Tumikhim si Ava at lumapit sa akin. Nginitian niya iyong nurse.
"Kaibigan niya kami, bibisitahin lang sana namin," sabi niya.
Napanguso ako ng makitang nakangiti siya sa nurse. Nakaka-miss ang ngiti niya.
Tumango ang nurse at may tinawagan. Maya maya ay ibinaba niya na ang tawag at nakangiti ulit na tinitigan kami.
"Free time po niya ngayon, pwede niyo na po siyang bisitahin," aniya.
Tila nawala ang kaba at pagluluksa sa puso ko ng marinig ko ang sinabi niya. Dumagundong ang tibok ng puso ko dahil sa tuwa.
I jumped merrily because of excitement. "Thank you!" Ani ko at hindi na hinintay ang sinabi niya. Pero natigilan at bumalik ulit sa frontdesk. "Asan ang opisina niya?"
Napakurap ang babaeng nurse dahil sa sinabi ko. Sina Ava naman at Felix ay parehong napailing.
"N-nasa west wing po. May makikita po kayo roong pharmacy, kaharap po noon ay ang opisina ni Dr. Angeles," tila nahihiyang aniya.
"Okiee!"
Whew! Ano kaya 'yun? May nasabi ba akong mali? Hayy! Bahala na nga!
Hindi na magkamayaw ang kaba ng puso ko habang papalapit sa nasabing opisina ni Matheo. Nafifeel ko ang aura niya dito! Shit!
Nang nasa harap na ako ng opisina niya ay agarang nangatog ang tuhod ko dahil sa kaba. Feeling ko matutumba ako ano mang oras mula ngayon.
"Dito lang kami," sabi ni Felix na siya namang tinanguan ni Ava.
"Okay!" Sabi ko. Pinapatatag ang sarili. Huminga ako ng malalim at nanginginig na hinawakan ang doorknob.
Kaya mo 'yan Jane. Makikita mo na rin si Matheo. For three years! Magkikita na ulit kayo. First thing to do is to say sorry to him, sa pag-iwan mo sa kaniya ng walang paalam. Dapat hindi mo na sayangin ang pagkakataong ito!
"Thrilled?" Natatawang ani ni Felix. Napabaling ako sa kaniya at sinimangutan siya. Pinipikon pa ata ako nito e!
Imbes na mas pansinin siya ay binuksan ko na ang pinto ng opisina ni Matheo. Agarang nanuot sa ilong ko ang magkahalong bango niya at ng aircon. Nagtindigan ang balahibo ko sa batok ng tumambad sa akin ang mas nag-mature niyang katawan.
Nakayuko siya at parang may isinusulat sa isang clipboard. Seryoso ang tila maabo niyang mga mata kahit na may suot na eyeglasses. Ang gitla ng kaniyang noo ay tila mas nagpapakita ng kakisigan at kagwapuhan ng kaniyang mukha. Ang tila naka-gel niyang clean cut na buhok ay kumikinang dahil sa reflection ng ilaw sa itaas. Ang linya sa kaniyang pang-ibabang labi ay napakalambot tignan, it's reddish and kissable.
"Close the door," aniya na mas lalong nagpatalon ng puso at ng iba't ibang organs sa katawan ko. His voice are cold and mesmerizing.
Nanubig ang mata ko at nakangiting tumango. Isinarado ko ang pintuan habang hindi pa rin iniwawala ang titig sa kaniya. He tilted his head. I saw how he clenched his jaw while he swipe the pages of his clipboard.
Parang sinusuntok ang dibdib ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Sobrang lakas at sobrang sarap din sa feeling.
Namimiss ko na siya, sobra sobra. Tumulo ang luha ko sa mata habang may ngiti sa labi. Hindi ko alam na mas cool at mas guwapo pala siyang tignan kapag naka-glasses. Mas naging hot. Sabayan pa ng medyo mas lumaki at lumapad niyang balikat. Ang maugat niyang mga kamay at ang medyo manipis na balahibo sa kaniyang braso. Kitang-kita ko iyon mula sa 1/4 sleeve polo niya.
Gusto kong tumili! Shit!
"Hmmm?" He hummed at ngayon ay nag-angat na ng tingin sa akin.
Halos mapasinghap ako dahil sa tuwa at gulat. I miss that stare!
"M-Matheo..." My lips quivered.
Na-iimagine ko na ang gagawin niya! Siguradong magugulat siya, manlalaki ang mga mata niya at dahan dahang tatayo mula sa swivel chair niya habang nakanganga. Tutulo ang luha niya at tatakbo sa akin at yayakapin ako ng mahigpit! Tapos babanggitin niya ng paulit-ulit ang "I miss you". Arruuuu! Ayoko na! 'Di ko na kere!
Pero... parang hindi ata mangyayari ang imagination ko.
"Do you have an appointment to me today? Ms. Arohe?" He asked coldly at me.
Tila umurong ang nagsasayang mga insekto sa tiyan ko at napalitan ng tila mabigat na bato.
Ms... Ms. Arohe?
"M-Matheo?" I trembled.
Dahan dahang siyang tumayo mula sa pagkakaupo habang madilim ang titig sa akin. Napalunok ako ng mariin.
"Kung wala... umalis ka na."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro