Chapter 14
Chapter 14
"Uuwi rin kami ni Cheska bukas. Na-ipublished na raw kasi ang ginawa kong libro sa Pilipinas," ani ni Josh habang kumakain kami sa hapag kainan ng mansyon namin.
Kakauwi lang namin ni Felix at aniya'y successful daw ang misyon namin kanina. Hindi ko alam kung bakit. Umuwi rin siya pagkatapos akong maihatid.
Nabitawan ko ang kutsara na hawak ko at gulat na napatitig kay Josh. He chuckled at my reaction.
"Talaga?! Josh?!" Hindi makapaniwalang ani ko. Ang tuwa ay kumalat na ng tudo sa sistema ko ng tumango-tango siya habang nakangiti.
"That's great! May kasama ako pauwi!" Napapalakpak ako at napangisi.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Daddy. "Kahit naman mag-isa ka iha ay isasama mo naman si Ava at Chariya papunta doon."
Binalingan ko si Daddy at napanguso.
"Dad naman, kaya ko rin naman mag-isa ah? Wala ka bang tiwala sa akin?" I pouted.
"Of course I am. Iyon nga lang ay delikado anak, sobrang delikado," bakas ang pag-aalala sa mukha niya habang nakatingin sa akin.
Napahinga ako ng malalim. "Dad, I don't need a bodyguards..."
Napapikit si Daddy at umupo ng maayos sa kaniyang upuan. Tinitigan niya ako ulit sa paraang nag-aalala.
"Jane, we will never know kung kailan gagalaw ang mga taong pwedeng manakit sa atin, okay? I'm just protecting you." Pumungay ang mga mata niya.
Many people admire our family because of what we had. We have money, luxurious cars, houses and many more. But those people don't know how hard to become part of this family.
Matinding kalaban ang inggit at kompetensya lalo na sa panahon ngayon. Hindi mo alam kung sino ang mga pwedeng pagkatiwalaan.
"But, Daddy pwede naman sigurong mag-disguise ako 'di ba?" I suggested, kahit na alam kong walang pag-asa.
"Jane, we're just protecting you. Hindi tayo dapat pakampante, delikado ang panahon gayong parami na ang gustong pantayan tayo. I already received some threats from our adversaries , ayaw kong mangyari iyon sa'yo," Josh said sincerely.
Napalabi ako dahil sa sinabi niya, at the same time may kaunting takot ring naramdaman. Sa bagay, nakakatakot nga iyon dahil minsan na rin akong makatanggap ng ganoon.
"Anak, please..." Si Daddy na naman ngayon.
This is why I hate being this kind of family. Maraming kalaban at gustong kumalaban.
I take a deep breath and sighed heavily. I don't have any choice. Pinagtutulungan na nila ako. At alam kong nag-aalala lang talaga sila sa akin. Maski ako ay natatakot rin pero minsan hindi ko mapigilang mairita dahil sa palaging may nakasunod.
"Fine," pagsuko ko.
Nagpatuloy na ako sa pagkain ng parehong natawa sina Josh at Daddy. Tila pinapagaan ang atmosphere sa pagitan namin.
"Ang tigas ng ulo," naiiling na sabi ni Josh at ginulo ang buhok ko. Natigilan ako at napalunok.
A sudden feeling twitched within my stomach. Agaran akong may naalala dahil sa paggulo ni Josh sa buhok ko.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Josh sa akin.
Napayuko ako at napatingin sa plato kong tila hindi ko pa nagagalawan.
"I-I'm not hungry..." Sabay pilit ko ng ngiti kay Josh. He looked so confused kaya mas minabuti ko ng tumayo na at magpaalam sa kanila.
"G-goodnight Dad," hinalikan ko si Daddy sa pisngi habang patuloy ito sa pagkain. Napatingala siya sa akin at nangunot ang noo.
"Kumain na ba kayo kanina ni Felix sa labas?" Tanong niya. Tumango ako at tinapik bahagya si Josh sa balikat.
"Goodnight Josh, see you tomorrow..." I kissed his cheeks and bid goodbye again.
"Gumising ka ng maaga," bilin ni Josh.
"Yeah."
Diretso akong umakyat sa kwarto habang nanginginig ang kamay at tuhod. Bumibilis din ang tibok ng puso ko, dahil lang doon.
Hayy, ganito ko na talaga ka-miss si Matheo. I miss his touch, his face, his scent, all of him. Ibang iba ang epekto. Sobrang tagos.
Pagkapasok sa kwarto ay agaran akong sumuong sa kama. Feeling the warmth of my sheets I can't help but to get excited to go home tomorrow. Philippines is my home, because Matheo is there. Oo, siya lang talaga ang laman ng isip ko sa bawat oras at araw na magdaan.
I'm excited, yes. Pero hindi rin maalis sa sistema ko ang takot at pangamba na ilang taon ko ring pinagdudusahan.
Ang lahat ng paano ko, ang mga tanong sa isip ko kung... meron na kaya siyang pamilya? Paano kung kasal na siya? Paano kung... may anak na pala siya? Kaya ko bang maghanap ng iba at palitan siya? Kaya ko bang palitan siya? Kaya ko bang maghanap ng taong pwedeng pantayan siya kung mangyari man ang iniisip ko na kasal na siya at may minamahal na ngang iba?
Ewan ko, pero hindi ko mapigilang maging paranoid pagdating sa kaniya.
Inis akong napasabunot sa sarili ko.
"Dapat mo nang tanggapin Jane! That's the end of the chase! If he already settled then so be it! Pabayaan mo na siya!" Parang baliw kong sermon sa sarili.
Napahinga ako ng malalim at tumihaya. Nakanguso akong napatingala sa ceiling ng aking kwarto.
Wala talaga akong balita sa kaniya. Sa loob ng tatlong taon, wala ni isang nagbigay ng impormasyon sa akin tungkol sa kaniya.
If I asked Dad, he always says na huwag ko ng problemahin pa si Matheo. Ang problemahin ko lang ay ang sarili ko.
I can't find him. I can't do it on my own either, I don't have the power to do it. Parang may naghahatak sa akin na manahimik at pabayaang magdaan ang oras at panahon at hintaying makabalik ako ng Pilipinas para makita siya ng mismong mga mata ko.
Parang... parang nawalan na ako ng tiwala sa ibang tao.
Tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa gilid ng kama at bored na binasa ang message ni Felix.
Felix:
I hired an agent to look for Matheo. He'll send the details to me. Don't worry.
Napakagat labi ako at naexcite dahil sa sinabi ni Felix.
Ako:
Please, sa ating dalawa lang ito, okay?
Felix:
Yeah. Kapag may kailangan ka sabihin mo lang.
Ako:
Aye!
Huminga ako ng malalim at tumayo na mula sa kama. Kumuha ako ng robe sa kabinet at pumunta na sa bathroom. I need to freshen up.
Nakangiti kong binuhusan ng bubble soap ang bathtub habang nag-iisip ng kung ano-ano.
Ano na kaya ang itsura niya? I'm sure he became more manly! 29 na siya at talagang sa mga edad na iyan mas matikas na ang pangangatawan niya. May bigote na rin kaya siya? Thinking about that makes me giggle in anticipation.
How hot and manly of you Matheo. Hahaha.
Hindi pa rin mawala ang ngiti ko sa mukha habang naghuhubad ng damit. I dip my feet in the bathtub, feeling first the warmth of the water. Nang maramdamang tama na ito ay tsaka ko na isinulong ang buong katawan.
"So good..." I said breathily.
I stared at the ceiling and reminisced about the happy time I spent with Matheo three years ago.
My heart suddenly ached. Para na namang ginagarute ito sa loob ng katawan ko.
Sana... sana wala pa siyang iba. Sana hindi pa siya natali sa iba. Dahil kapag ganoon alam kong kayang kaya ko siyang makuha na walang ibang nasasaktan at nasasagasaan.
I'm selfish when it comes to Matheo. And sharing Matheo is not my thing. Never, ever.
Mabilis akong nakatulog pagkatapos kong maligo. Kinaumagahan ay ginising na lamang ako ng mga katulong para maghanda na sa pag-alis.
Wearing a floral dress and a pair of leathery sandals, lumapit ako kay Daddy na busy sa pag-uutos sa mga katulong sa pag-aayos ng gamit ko papasok sa Van. Nang mapansin ako at agaran niya akong nilapitan ng nakangiti.
"Malapit lang ang condo mo kina Josh at Cheska," Dad said and smile worriedly at me.
I chuckled. "Dad, what's with that face?"
Natawa siya at napailing. "Your bithday is coming, I'm sure your Mom will come soon."
Agarang napawi ang ngiti na namutawi sa labi ko. Napalitan ito ng kakaibang pakiramdam. Napayuko ako upang itago ang lungkot kay Daddy. Narinig ko siyang huminga ng malalim at hinila ako para sa mainit na yakap.
"She's busy anak, kakausapin ko siya." Aniya at tinapik-tapik ang balikat ko.
"It's okay Dad, naiintindihan ko naman si Mommy." I said sadly. Parang kinukurot ang puso ko sa tuwing naalalang hindi na kagaya ng dati ang pag-uwi ni Mommy. Ang dating once a month, minsan nagiging isa na lang sa dalawang buwan o tatlo.
Pero kahit na ganoon dumarating naman siya palagi sa birthday ko. She'll never miss it. That's why I'm still happy that she's safe, kahit na minsan lang kami magkita.
Dad always says that she's busy. Kaya kahit mahirap ay iniintindi ko na lang.
I miss my Mom, so much.
"I know," nakangiting aniya. Tumikhim siya at may kinuha sa kaniyang bulsa. Kinuha niya ang kamay ko saka nilapag sa palad ko ang isang susi ng sasakyan.
Napasinghap ako habang pabalik-balik ang tingin sa kaniya at sa susi na hawak hawak ko na ngayon.
Napangisi siya dahil sa naging reaksyon ko. Tumatambol ang puso ko at halos hindi na halos makahinga.
"W-what is this, D-dad?" Hindi makapaniwalang ani ko at inangat ang susi.
"The key of your Red Lamborghini-"
Hindi ko na napigilan pa ang mapahiyaw at mapatalon payakap sa kaniya.
"Thank you Dad! Thank you! Thank you!" Sa sobrang tuwa ay hindi ko na napigilan pa ang luha na lumabas sa mga mata ko.
"Sa birthday mo sana ko iyan ibibigay pero... naeexcite na rin ako e." Natatawang aniya.
Napahagikhik ako habang hindi pa rin kumakawala sa yakap sa kaniya. Ang saya ko lang kasi.
"Ang saya niyo ah?" Sabi ni Josh sa likuran namin.
Kumawala ako kay Papa at hinarap si Josh na nakangisi. He's wearing a neon polo shirt and a faded jeans. Kumikinang ang balat niya dahil sa pang-umagang araw. Pareho kaming mapuputi, siguro ay sa dugo na talaga iyon ng mga Sandilva. Ipinakita ko sa kaniya ang kulay pulang susi ko.
"May lambo na ako!" May panunuyang ani ko sa kaniya. Hindi ko mapigilang inggitin siya.
Napangiwi siya at may kinuha rin sa kaniyang bulsa. Inangat niya iyon at isinayaw sa hangin. Isa rin iyong susi na kulay asul kagaya ng sa akin.
"Tss. Ikaw lang?" He smirked devilishly.
Napanguso ako dahil akala ko ay ako lang ang meron, pero kalaunan ay napangisi rin nang maisip na pwede ko siyang ayain na makipagkarera pagdating ng Pilipinas. This cousin of mine is also cocky!
"Sana all!" Sabay tawa ni Ate Cheska. May bitbit siyang isang bagahe. Siya lang mag-isa at parang wala siyang kasama. I wonder kung asan si Kuya Rack? Minsan ko lang sila makitang magkahiwalay.
Sa pagkakaalam ko ay magkaibigan lang daw sila, pero ako bilang isang dakilang match maker ay hindi naniniwala.
Nakangiti ko siyang nilapitan at may panunuyang kinurot siya sa bewang. Napadaing siya at sinamaan ako ng tingin.
"Ano?!" Taas kilay niyang untag sa akin. Napangisi ako at pasimpleng tinignan ang likod niya.
"Asan si kuya Rack?" Naniningkit ang matang tanong ko.
Nangunot ang noo niya at 'di kalaunan ay napangiwi. Namuo ang mapang-asar na ngiti sa labi ko.
"Sa kaniya ka nga magtanong? Hindi ko alam! Abah 'to?" Asar na sabi niya.
Napahagikhik ako at hinayaan siyang lagpasan ako.
"Huwag mo ngang asarin si Cheska, Jane," sabi ni Daddy, halatang inaasar rin si Ate Cheska.
"Uncle! Pinagtutulungan niyo ko e!" Sigaw ni Ate Cheska. Natawa si Daddy at nilapitan na si Ate Cheska na naasar na ngayon.
"Jane, anong gagawin mo pagdating natin ng Pilipinas?" Biglaang tanong ni Josh sa akin. Tinutulungan niya ang mga kasambahay sa pagkakarga ng mga bagahe namin sa loob ng Van.
Napangiti ako ng maalala kung ano ang mga gagawin ko pagdating ng Pilipinas.
"May hahanapin," I smiled. "Ikaw?" Tanong ko pabalik sa kaniya. Umihip ang malamig na hangin kasabay ng pagsayaw ng buhok ko papunta sa harapan. Hinawi ko iyon at mas tinitigan siya ng maayos.
Nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ng hindi ko mabasang ekspresyon. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at itinuon sa mga gamit namin.
"May hahanapin din sana, pero hindi ko kilala," aniya at sinarado ang likuran ng Van. Naglakad siya papunta sa backseat at binuksan iyon.
Nangunot ang noo ko dahil hindi ko masyadong na-gets ang sinabi niya. Feeling ko may tinatago siya.
May biglaang lungkot ang namutawi sa akin ng makita ng mas klaro ang ekspresyon sa kaniyang mukha. May lungkot akong napansin doon.
Nakasurvive si Josh sa sakit niyang brain cancer. Maayos ang daloy ng operasyon niya noon, iyon nga lang ay nagka-komplikasyon. Na-amnesia siya.
Naalala ko pa iyong araw na kakagising niya lang galing sa operasyon. Hindi niya kami naalala.
"Get in, baka naiinip na ang piloto natin," aniya na may ngiti na sa labi.
Nagpilit ako ng ngiti at tumango. Sinunod ko ang sinabi niya. Nanatili akong nakatitig sa mukha niyang parang may malalim na iniisip.
May hindi pa rin talaga siya naaalala. I wonder kung nasa Pilipinas ba iyon kaya napagplanuhan niyang pumunta doon? Sana maging maayos ang lahat pagdating namin doon.
"I'll see you there, okay?" Sabi ni Daddy ng okay na ang lahat.
Hindi siya makakapunta sa airfield dahil may agarang meeting ang kailangan niyang asikasuhin.
Tumango ako at nginitian na lamang siya. Inilabas ko ang ulo ko sa bintana ng sasakyan at tiningnan ang sasakyan nina Ava.
"Dad? Palagi pa rin ba silang susunod sa akin?" Tanong ko habang ang atensyon ay nasa sasakyan nina Ava.
I miss Ava. But still, hindi ko nakakalimutan ang ginawa niya sa akin noon.
Napahinga ng malalim si Daddy at ginulo ang buhok ko.
"Napag-usap na natin 'to 'di ba? They will never leave your side. Never... ever." Pinal na aniya. May mabigat na bagay ang dumagan sa dibdib ko.
Ayaw ko talaga ng may nakasunod sa akin. Damn!
I sighed and nodded at him.
Escaping is the only way for me to do pagdating ng Pilipinas. Siguro naman ay wala doon ang mga taong naghahabol sa pera namin, at sigurado naman ako na walang nakakakilala sa akin masyado doon. Kailangan ko ring lumabas sa lungga ko.
"Yes, Dad." I smiled.
Ngumiti siya at kumaway na sa akin. I wave at him too, pero ng may naalala ay ibinaba ko ang kamay ko.
"Dad? Nasa airfield na ba sa Pilipinas ang Lambo ko?" I blinked twice while smiling wide looking at him.
"Yes, ipinadala ko na doon. Pero Jane, you will never ride that lambo kung wala ang mga bodyguards mo, okay?" May pagbabanta sa boses niya.
I twitched my lips when a very bright idea flowed within me. I nodded at him.
Nanliit ang mga mata ni Daddy kaya mas lalo kong pinabuti ang masiglang mukha sa kaniya.
"Don't you leave without your bodyguards, Jane." May diing aniya. Tila nababasa ang naiisip ko.
I chuckled and wave my hand in the air. "Yes Dad! I will!"
Dali-dali kong sinarado ang glass window para hindi na ako makita ni Daddy sa loob. This Van is tinted kaya sigurado akong hindi niya ako makikita sa loob.
Sure Dad, I won't.
I smirked.
Hindi rin naman nagtagal ay bumyahe na kami papuntang Sandilva's Airfield. Kung sa Pilipinas ay may sariling airport ang pamilya namin, dito rin sa Australia.
Maraming messages ang nagpop-up sa cellphone ko mula sa mga kaibigan ko dito. Nangangamusta at ang iba naman ay nagpapaalam sa akin. I'm gonna miss them, too.
Pagkatapos kung replayan ang mga iyon ay si Felix ang agad kong tinawagan.
"Ano?" His morning voice welcomed me.
Tumikhim ako at tinitigan ang naka-headphone na si Josh at ang driver naming seryoso sa pagmamaneho.
Si Ate Cheska ay nasa sasakyan nina Ava. Doon siya sumakay dahil masyado daw'ng agaw pansin ang sasakyan namin. Napapagitnaan ang Van namin ng dalawang itim na sasakyan. Kailangan daw iyon para sa proteksyon namin ni Josh. Baka sundan daw kami ng mga sindikato o ano. Tss.
"Saan ko mahahanap si Matheo?" I asked.
I need to see him. And I can't wait for that to happen. Wait for me Matheo.
Pauwi na ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro