Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

Chapter 12





Matheo's POV

Wearing an eyeglasses, I stared solemnly at my second patient in this afternoon.

"What activities does your condition make difficult to do?" I asked. I mindlessly played the pen in my hands while waiting for her response.

She hummed and stared at the ceiling. Thinking about the answer of my question.

"S-sa tuwing tumatayo po ako agad, nahihilo po ako," aniya habang hindi makatingin ng maayos sa akin. Namumula rin ang pisngi niya at parang nahihiya.

"What makes your symptoms worse?"

Napayuko ako at binasa ang records niya sa akin noong isang buwan.

She hummed again. "K-kapag masyado na po akong pinagpapawisan at pagod."

"Does your head ached after that situation?" I said still not staring at her.

"Opo, tsaka nagdidilim po talaga ang paningin ko, Doc. Hilong-hilo ako at parang mawawalan ako ng lakas."

I nodded and touch my lower lips using my free hand, thinking about the possible treatment for her. Her symptoms is somewhat familiar from those Neurological Symptoms I've treated before. So, I'm confident that this one will gonna be easy.

I took a deep breath and glanced at her. Tila lumiwanag  ang mukha niya habang nakangiti ng sobrang lapad sa akin. Her cheeks blushed.

I remember someone like her. Katulad niyang lumiliwanag ang mukha kapag nakikita ako, ngumingiti ng malapad kapag nakikita ako. At... isisigaw ng tudo ang pangalan ko hanggang sa may makarinig na ibang tao.

"As your physician, I'll suggest you to take physical exam and neurological exam. If we found complexity in your nervous system we will undergo you into further testing, okay?"

Tumango siya habang may nakabakas na excitement sa mukha. Napatulala ako at may naalala ulit. Tumikhim ako at napailing.

"Sige po, Doc." Aniya at tumayo na.

Tiningnan ko ang oras sa kanang palapulsuhan, mag-iisang oras na rin. Her appointment on me is done.

Tumayo ako at pormal na naglahad ng kamay. Tinanggap niya ito ng nakangiti at bahagya pang pinisil. Nangunot ang noo ko at kalaunan ay pinagsawalang bahala na lang.

Ibinalik ko sa bulsa ang mga kamay ko pagkatapos ng kamayang iyon.

"Ms. Carol Agape, I request you to take good care of yourself. Resulta rin iyan ng pagod at pagkakapilit ng sarili sa mga gawaing hirap nang gawin ng katawan. If you feel dizzy, rest. If you feel weak or loss of muscle strength, I suggest you to go in the nearest hospital as soon as possible."

"S-sige po, Doc."

"Meron ka pa bang calling card ko? You should not lost it, kakailanganin mo iyan kung kinakailangan."

"Palagi ko po iyong dala, kahit saan ako magpunta."

"Good. Don't hesitate to call if your not feeling well."

"Sige po, Doc. Thank you po sa time mo. Aalis na po ako."

Tumango ako at kinuha ang clipborad sa lamesa. Hindi ko na siya tiningnan pa hanggang sa makaalis na. Pagkasarado ng pintuan ay huminga ako ng malalim.

Lumapit ako sa swivel chair ko at umupo doon. Problemado kong inihilamos ang mga kamay sa mukha.

At habang nakapikit... ay naalala ko na naman ang mukha niya. Mukha ni Jane Sandilva Arohe.

"Matheo!" She screamed, smiling wide and waving her hands in the air while looking happily at me.

"Fuck!" I groaned. Walang oras na hindi ko siya naalala at namimiss.

I grasped my hair annoyingly. It's been three years and it still hurts as fucked!

"Doc!"

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Athan. My assistant at matalik na kaibigan. Nakangisi siya at may dalang folder. Nangunot ang noo ko at umayos ng upo.

Tumatawa siyang umupo sa sofa na inuupuan ko kanina habang ini-enterview iyong pasyente kong si Ms. Agape.

"Ano?"

Nakangisi siya at parang may nakakalokong balita na gustong sabihin.

"Maraming naiinggit sa'yo!" Aniya at humalakhak.

Nangunot ang noo ko.

"Palagi naman." Ani ko.

Inayos ko ang mga nagkalat na papeles sa lamesa at tinanggal ang eyeglasses.

"Bakit ba kasi ikaw na lang ang palaging nilalapitan ng mga pasyente?" He chuckle.

"Because I'm good at treating them and I'm handsome," seryoso kong saad at hinubad ang gown at isinabit sa likod ng swivel chair. Inayos ko ang aking necktie at bahagyang niluwagan.

Humalakhak ulit si Athan at inabot sa akin ang folder na dala.

"Iyan ang record na pinapahanap mo sa akin. Iyong record ni Mr. Alvarez." Aniya habang natatawa at naiiling.

Kinuha ko ito at ipinalo sa kaniya.

"Doc naman!"

"May mental disorder ka na ata." I tsked.

"Eh ikaw kasi e, habulin ka masyado ng mga babae. Kinikindatan mo ba?" Aniya ng nakanguso.

"Tss." Tumayo ako at kumuha ng polo shirt sa sariling cabinet. Agaran kong pinalitan ang damit ko.

"Uyy? Saan lakad natin? Maghahanap ba tayo ng chikababes? Pasama!"

Sinamaan ko siya ng tingin habang busy ang mga kamay sa pagsasarado ng butones ng damit.

"Magpapahangin lang muna..." Sinarado ko ang kabinet.

"Saan?"

"Sa Bar."

"Sa Bar? Magpapahangin ka sa Bar? Pwede ba 'yon?" Napatingala siya at parang nag-iisip.

"Sama ka?" I asked coldy and pick up my car keys and phone.

"Alas-kwatro pa lang—"

"Malapit na mag-five. May mga bukas na Bar na ngayon."

Napatango siya at tumayo na rin.

"Sure Doc! Sama ako!" Nakangising sabi niya.

Pagdating namin sa mystique, pangalan ng Bar ay hindi pa marami ang mga tao. Madalas mga alas-otso pa dumadami ang tao rito.

May mga nag-aayos ng stage para sa gaganaping banda mamaya. Kapag nandito ako ay parang nare-relax ako at nakakapag-isip ng maayos.

"Vodka please," I said at the bartender. He nodded and stared at Athan na nagtaas ng kamay. Napatingin din ako sa kaniya.

"Libre ko na..." Sabi ko na nagpaliwanag sa mukha nito.

"Talaga—" hindi ko siya pinatapos.

"Isang shot lang."

Tila nawala ang tuwa sa mukha niya pagkasabi ko no'n.

"Kuripot mo pa rin 'tol!" Naiiling na aniya at binalingan ang bartender. "'Yong hard please at 'yong pinakamahal," sabay ngisi niya sa akin.

I didn't mind him and just drink straight to my Vodka. Nagbabakasakaling kahit sandali ay maalis kahit saglit ang imahe ng babaeng ilang taon akong hindi pinapatahimik.

Habang umiinom at nakatulala sa stage ay napansin ko si Athan na may kinakawayan ng babae. Lumapit ito sa kaniya at agaran silang naghalikan.

Nag-iwas ako ng tingin at nilagok ang hawak na Vodka. Ibinaba ko ito at tinawag ulit ang bartender.

"Tatlong beer."

Tumango ang bartender at sinunod ang sinabi ko.

"Doc bro, maglalasing ka ba?" Natatawang sabi niya. Kandong-kandong na niya ngayon ang nabingwit niyang babae. Umiling ako.

"Hindi ako nalalasing sa beer," sabay bukas ko sa isang bote ng beer at walang pagdadalawang isip na nilagok iyon.

"Ahh, oo nga pala." Nagpatuloy siya sa pakikipaglampungan sa chix niya. Habang ako ay nilalabanan na makalimutan kahit sandali ang imahe ni Jane.

Si Jane na ilang taon ko na ring hindi nakikita, hindi ko nakakausap at hindi ko nayayakap. Kung bakit ba kasi ayaw na ayaw ng Ama niya sa akin?

I'm not really a playboy. I'm not into playing games with girls. Talagang sinunod ko lang ang gustong mangyari ng Ama ni Jane. Inutusan niya akong mambabae at ipakitang wala talaga akong interes sa anak niya. Tss.

Nagtagumpay ba siya? Wala! Nasayang ang panahong pwede ko na sanang gamitin para makasama ko si Jane.

Sinusunod ko siya kasi kailangan ko ring makuha ang loob niya bilang Ama ng babaeng pakakasalan ko sa darating na panahon. Ayaw kong ayawan ako ng isa sa pamilya ng babaeng makakasama ko habang buhay.

Jane is my world at napaka-hirap na makipaglampungan sa iba kahit na pareho naming nasasaktan ang isa't isa.

Kung pwede ko lang sanang sabihin ang kasamaan ng ama niya ay gagawin ko. Pero ayaw ko namang kagalitan ni Jane ang ama niya. It's her father, her family after all.

Ni wala akong makalap na impormasyon sa kaniya. Her life is so private. Well, dapat na rin iyon para mas ligtas siya mula sa kamay ng mga masasamang tao na naghahabol sa kayamanan nila. Pero... parang pinagdadamot siya sa akin!

Kaya kong gawin lahat para pumayag siya sa amin ni Jane, kahit ano... kahit ano basta pagkatapos ay pabayaan na niya kami, na pagbibigyan na niya kami.

Kaya pumayag akong ilayo siya akin ng ilang taon, dahil nangako siyang titigilan na niya kami pagkatapos. Kahit na walang kasiguraduhan ang pangakong iyon. Kilala ko si Tito Mike, mabangis siyang tao.

Kaya kong maghintay, kaya kong sumugal. Basta siya ang kapalit ng lahat ng paghihirap ko.

Ilang taon akong nagtiis na hindi sabihin ang nararamdaman sa kaniya. Dahil sa kagustuhan ng Ama niya. Lahat ng kapritsuhan nito ay ginagawa ko para pwede na kaming gumalaw ng mapayapa ni Jane pagkatapos, pwede na niya kaming tanggapin.

Bakit ba kasi hindi niya ako matanggap para sa anak niya?! Bakit ba ayaw na ayaw niya sa akin? Ano ang rason?! Anong klaseng Ama ba siya para ipagkait sa anak ang kasiyahan?!

Kahit na ilang taon na ang lumipas, may tiwala pa rin ako kay Jane na ako pa rin.

Sana... sana ako pa rin hanggang ngayon. I really wish she didn't fall out of love on me, like what her father wants to happen.

I trust her. I trust her so much. And I love her so damn much!

Although miles keeps us apart, just thinking of her brings happiness to my heart. Kahit na minsan nasasaktan, kinakaya ko pa ring lumaban. Lumaban siya para sa amin dati at sana hanggang ngayon pa rin.  Her innocence and joyfulness is priceless, bagay na mas minahal ko sa kaniya dahil wala siyang kapantay sa kahit kanino.

Whenever I think about her playful smile, her eyes, her lips, her warm hands, and her sweet hugs I can't help but smile like an idiot.

I miss her so much.

Kung hindi lang sana dahil sa Ama niya, hahabulin ko siya at mamarkahan kong akin.

Once she came back her in the Philippines. Hindi ko na siya pakakawalan pa. Kahit may iba na siya basta ba hindi pa kasal ay kukunin ko siya! Kahit anong mangyari. Selfish man... nagmahal lang. At ipapangako ko 'yan.

Habang tumutungga sa hawak na beer ay may biglaang magaan na kamay ang humaplos sa balikat ko. Kunot noo ko itong binalingan at napagtantong isa itong babae.

Her seductive smile plastered to her clear white skin.

"Alone? Handsome?"  She said and winked at me. Ibinalik ko ulit ang titig ko sa stage. Wala ako sa mood mag-entertain ng babae ngayon.

Narinig ko ang pagsipol ni Athan at ang pagtawa nito.

Naramdaman ko ang kamay ng babae na unti-unting bumababa sa pantalon ko. I shifted on my seat and stared at her. Lumiwanag ang mukha niya.

"Wanna make out?" She bit her lower lips after saying those.

I arched my brow and smirked at her. Napaka-aggressive.

Inilingan ko siya at nagbukas ng panibagong beer. The womans hand slowly went up to my stomach.

Tumikhim ako at tinitigan siya ulit.

"Miss, get off your hands..." Sabay titig ko sa kamay niyang patuloy na humahaplos sa abs ko. Napangisi lang siya at hindi tumigil.

Unti-unti ng umusbong ang galit at irita sa akin.

Simula ng umalis si Jane, wala na akong nagustuhan at minahal pang iba. Siya lang naman talaga e. Kung hindi lang dahil sa Ama niya noon ay hindi ako matatawag na babaero. Dahil siya lang, wala ng iba.

"Huwag ka ng pakipot—"

I grab her hands and flip it away. Bakas ang gulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko.

"I'm married, Miss. Baka makita ka ng asawa ko at mapatay ka pa niya, lumayo ka na." Naiiling akong uminom ulit sa beer ko.

Napasinghap siya at galit na umalis sa harap ko. Ayaw ko sa masyadong aggressive, nakakawala ng poise.

Narinig ko ang pagtawa ni Athan sa tabi ko.

"Kasal ka na pala? Doc bro? Kanino?"

Hindi ko na lang siya pinansin. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang oras.

Alas-sais na pala. Malapit na ring magsimula ang banda.

Humarap ako sa bartender at nag-order ng mas hard na alak.

"Eto po, Sir," sabi ng bartender.

Tumango ako at tinungga ang alak. I closed my eyes firmly as I feel the hard liquor inside my mouth. It stings in my throat.

"Isa pa..."

Tumango ang bartender sa akin at nagsalin ulit ng panibagong alak sa baso.

Habang hinihintay na matapos ang bartender ay isang malamyos na boses ang narinig ko sa stage.

"Hi!" Sabay hagikhik nito. I look sideways to see who it is.

A girl with a butterfly sunglasses, smiling wide holding the microphone. Her skinny figure suits perfectly with her tight dress. Her white skin reflects the snow and her red lips reflects the red roses.

Nangunot ang noo ko at mas tinitigan pa iyong babae.

"I'm here to sing to all of you..." She giggled. "This is my first time to sing in a bar! Kaya ganito ako ka-excited!"

Naghiyawan ang mga lalaki at babae sa table na malapit sa stage.

Her dark long hair seems so familiar. Even her voice!

Nangunot ang noo ko at wala sa sariling napatayo.

"Para ito sa crush ko!" She said.

Halos mabingi ako dahil sa hiyawan at kantyawan ng mga tao.

"Doc bro! Saan ka pupunta?" Dinig kong sigaw ni Athan.

Hindi ko na siya pinansin pa bagkus ay nagpatuloy sa paglapit sa paanan ng stage, para mas makita ko ng klaro ang pamilyar na babaeng 'to.

I've never been this curious before. I can really feel the trembling of my knees. My heart is beating so loud and fast.

"Sinong crush mo Miss?!" Tanong ng isang lalaki sa kaniya.

Napangiti siya. "Wala siya dito e, hinahanap ko pa..."

I felt a sudden burning feeling within my chest.

How come she have the same voice with the girl I know? How come she have this sweet angelic voice, na sa iisang tao ko lang naririnig?

"Doc Bro? May problema ba?" Kalabit sa akin ni Athan.

Nanatili lang akong nakatayo at nakatitig sa stage.

May isinenyas siya sa pianist. Tumango ang pianist at nagsimula ng tumugtog.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng magsimula na siyang kumanta.

"Ohh yeah
Ohh yeah
Ohhh yeahh~

When the day is said and done
And in the middle of the night when you fast asleep my love.
Stay awake looking at your beauty
Telling myself I'm the luckiest girl in love.
So many times I was certain you was gonna walk out of my life, life
When you take such a hold of me boy
When I'm still trying to get my act right~"

My body immediately stiffened as my mind slowly realizing that this beautiful creature in front of me is true.

"What is the reason~
When you really could have any girl you want
I don't see what I have to offer

I should've the season, guess you could see I had a potential.
Do you know you're my miracle?"

Goosebumps. That's what I'm feeling right now.

Sa bawat pagdama niya sa bawat linya ng kanta ay talagang nakakapag-paalala sa akin sa taong matagal ko ng hindi nakikita.

I gulped.

Is this her? D-did she came back? I-is this really true?

Nervousness and excitement filled me. I tilted my head. I want to see more on her features. I want to look at her clearly and confirm myself if it is her.

"I'm like a statue, stuck staring right at you.
Got me frozen in my tracks
So amaze how you take me back
Each and everytime our love collapsed.
Statue, stuck staring right at you
So when I'm lost in my words
Every time I disappoint you
It's just caused I can't believed that you're so wonderful.
Don't wanna lose you, no~"

"B-bro... ayos ka lang?" Tanong ni Athan sa tabi ko. Napalunok ako at nanatiling nakatitig sa babaeng patuloy na kumakanta sa stage.

Halos manghina ang tuhod ko ng makitang... siya nga ito.

She came back.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro