Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Chapter 1

Warning: Language and sexual words. (Hindi naman masyado pero basta warning pa rin. Hihi.)





"Jane!" Sabay natatarantang kalabit sa akin ni Ava.

"Ano?" Saad ko. Nakapukos ako sa panonood ng video sa cellphone.

"Ahhh..." Ungol ng babae sa pinapanood kong video. Nagkagat labi ako at mahinang napahagikhik.

"Jane!" Singhal niya ulit sa akin.

"Ano ba?! Look out ka lang diyan! Malapit na ako sa gitna!" Sabay simangot ko at balik ulit sa cellphone.

Rinig na rinig ko ang pagtatadyak at pag-iingos niya. Pero wapakels sa akin. Em bezy.

Napahagikhik ako ulit ng makitang may milagro na nga sa pinapanood ko.

"Papalapit na ang librarian! Hinaan mo naman ang volume! Tangina ka!" Nangigigil na aniya.

"Shhhh! Pinapasok na!" Sabay hagikhik ko ulit.

Hindi ko mapigilang matawa habang pinapakiramdaman din si Ava na natatarantang sinusundan ng tingin ang librarian.

"Ohhh... Ahhh..." Shet! Hahaha grabe talaga 'to.

"Jane! Ano ba!" Kung kanina ay natataranta pa siya ngayon ay malapit nang umiyak.

"Konti na lang Ava! Ano ka ba?"

"Kasama ng librarian si Matheo!"

Tila nagpanting ang tenga ko ng narinig ko ang pangalang 'Matheo'. Saktong pag-angat ko ng tingin ay ang pagsulpot ni Matheo sa harap ko. Agarang nanunuot sa ilong ko ang bangong siya lang ang may taglay.

Halos maubusan ako ng hininga kakapindot sa cellphone para mamatay ito. Pero bago ko pa mamatay umungol pa iyong babae at lalaki sa video.

Nanlaki ang mga mata ni Matheo dahil doon. Shit! Siguradong narinig niya! Kaasar!

Napasulyap ako kay Ava na parang dumidistansya sa akin ng konti habang tinatabunan ng libro ang mukha.

"Anong boses 'yon?" Takang aniya at akmang sisilipin pa ang cellphone ko. Natataranta kong inilagay sa ilalim ng mesa ang cellphone at nagngiting aso sa kaniya.

"H-ha? M-may nagsalita ba kanina? W-wala akong narinig!"

He twitched his lips while looking intently at me. Sa mga tingin niya ay para akong nakagawa ng krimen na habang buhay talaga akong makukulong.

"May nag-moan..." Mariing bulong niya habang sobra-sobra ang kunot sa noo.

Nanlaki ang mga mata ko at nagpatay malisya. Sa halos isang buwan kong nanonood ng ganun dito sa library tanging si Ava lang ang may alam. Ngayon may isa na, love life ko pa. Kainis!

"H-hala! Grabe ka naman! Marami na sigurong tutuli tenga mo 'no?! Tss. Ang arte kasi ng jowa mo kaya napapabayaan ka na. Kung ako sana 'yon..." Ibinulong ko na ang huling mga salita ko. Napanguso ako at hindi na makatingin ng maayos sa kaniya.

Patay! Kinakabahan na ako ng tudo! Baka malaman niya na nanonood ako ng porn dito sa library! Pakshet.

"Tss."

Hindi ko na talaga siya matignan ngayon.

"Give me your phone..." Matigas na sabi ni Matheo at nag-abot ng kamay sa akin.

Napasinghap ako at dali-daling nilagay ang cellphone sa bag. Napatingin ako kay Ava na tumitikhim na ngayon. Tangina! Tulungan mo naman ako!

Mabilis ang tibok ng puso ko habang tinitingnan si Matheo na galit na ang ekspresyon.

Self! Mag-isip ka ng paraan!

"Ayaw! M-may project akong g-ginagawa... B-baka madelete mo!"

Kahit gustong-gusto kita Matheo pero ang kahihiyang ginawa ko ngayon ay ayaw kong malaman mo. Natatakot akong layuan mo ako at ikahiya mo ang kalapastanganan aking nagawa.

Ang manood ng porno sa loob ng library ay isang KALAPASTANGANAN.

"Project? Umuungol project?" Natawa siya at sinamaan ulit ako ng tingin. Napapikit ako at nagkagat labi.

Bakit ba kasi nakalimutan ko yung headset ko? Ang tanga ko talaga.

"A-anong pinagsasabi mo?!" Asik ko sa kaniya.

Palihim kong sinipa sa paa si Ava. Napadaing siya at dali-daling tumayo.

"Ayy! Hala! Biology na natin Jane! T-tayo na," sabay hila sa akin ni Ava.

Save by Ava!

Mapakla akong napangisi kay Matheo habang sinusundan niya ako ng masamang tingin. Para naman tumaas ang points ko sa kaniya ay kinindatan ko siya at gumawa ng maliit na heart sa mga daliri bago siya nawala sa paningin ko. Sa wakas ay nakalabas na kami ng library! Maaliwalas na panahon agad ang bumungad sa amin!

Yiiieee! Kahit hindi ko nakita ang reaksyon niya alam kong kinikilig na talaga siya ngayon! Hihihi.

Habang nag-iimagine sa makinis, maputi, may dalawang cute na dimples, brown eyes, makapal na kilay at kissable lips ni Matheo ay may agarang bumangga sa akin.

"Pota!/Arahay!" Sabay kaming napadaing ni Ava. Hindi lang pala ako.

Napangiwi ako ng sumakit ang palad na pinangsangga ko sa sahig at ang mismong pwet.

Marahas akong huminga ng malalim at nag-angat ng tingin sa tatlong babae na parang mga kadena na magkahawak kamay. Halatang sinadya para banggain kami.

"Nagpapapansin na naman kay Matheo?" Taas kilay na ani ni Nikka.

Tss. Napakaselosa. Siya si Nikka Arazon, current girlfriend ni Matheo. Puro naman paint ang ginagamit sa mukha! Mukha pang marami na ang nakatira!

Sa sobrang kababaero talaga ni Matheo kung sino-sino na lang ang pinapatulan. Tsk. Tsk.

Mas maganda naman ako dito pero ewan ko ba at hindi talaga ako mapansin-pansin ng love life ko. Kairita!

Umikot ang mga mata ko sa ere at itinayo ang sarili. Nang makatayo ay humarap ako kay Ava at nag-abot ako ng kamay sa kaniya para makatayo na rin siya.

"Okay ka lang?" Tanong ko kay Ava na siya namang tinanguan niya habang nagpapagpag ng damit.

"Tara-" hindi ko natapos ang sasabihin.

"Hoy! Kinakausap ka ni Nikka!" Sigaw ng nasa kaliwa ni Nikka. Si Moonshine Sarabal. Ang panget ng pangalan. Ang panget pa ng meaning. Tunog pang-alien. Kaloka.

"Wala bang nasira sa gamit mo Ava?" Tanong ko ulit kay Ava. Tinulungan ko siya sa pagdadala ng apat na folders at inayos ang gusot sa kaniyang damit. Dedma ang tatlong animal.

"Aba! Hoy! Bingi ka ba?!" Sigaw ni Nikka. Alam kong galit na siya. Kahit nakatalikod ako alam ko ng nagmumukha na namang pwet ang mukha niya. Ganyan siya magalit, pumapanget.

"Wala naman siguro, Jane." Aniya at nginitian ako.

Amoy na amoy ko na ang pagkakairita ng tatlo sa likuran ko. Panay ang paghangos nila na parang mga toro. Mwahahaha.

"Mga bingi!" Sigaw ni Sofie Nikata. Ang pinakahilaw sa kanila, hapon e. Maputi siya, wala nga lang mukha. Well, parehas naman silang tatlo. Invisible mga mukha nila sa akin. Napakahirap idescribe, ang hirap i-drawing! Kaloka!

"Nagusot tuloy ang dress mo Ava. Iyong akin rin ata," malungkot na ani ko na nagpipigil lang ng tawa.

"Ano ba! Nakakainis!" Nanggagalaiting sigaw ni Nikka.

"Mabuti na lang talaga at hindi nasira ang heels ko," sabay pout ko. Mwahahaha! Dedma kayo! Napapahiya na kayo! Bheee laaattt!

Napasigaw si Nikka sa inis. Napaharap ako sa kaniya at inosente na napatingin sa kanila.

Acting time.

Napasinghap ako at napatingin sa kanilang tatlo.

"Omygosh! Kayo ba ang bumangga sa amin?" Gulat kong ani habang maarteng nakalagay sa bibig ang kamay.

"Ha! Oo kami!" Taas noong saad ni Moonshine. Pwe! Ang panget talaga ng pangalan.

"Oh? Talaga ba? Akala ko sa pader kami nabangga eh," sabay sad face ko.

"Aba't 'tong! Hoy! Halatang mas malaki naman ang boobs namin sa'yo!" Galit na sabat ni Sofie.

Um-acting akong nalulungkot at naiiyak.

"Omy... Kawawa naman pala iyong pader?" Kumuha ako ng tissue sa handbag ko at nagpanggap na pinupunasan ang imaginary tears ko.

"Napagbintangan ko pa..." Sabay ingos ko.

Kitang-kita ko kung paano umusok ang ilong ni Nikka. Para na siyang toro ngayon, handang sunggaban ang magandang si AKO.

Pinamewangan ko siya at handa na sa ibubuga niyang pampatay na baho ng bibig ng marinig ko ang tila kumakanta sa ganda at cool na boses ni Matheo.

"Nikka..." Malamig iyon pero para na akong dinadala sa langit.

Napabaling ako sa kaniya kahit na hindi ako ang kaniyang tinawag. Pangarap ko talagang ako ang tawagin niya tapos aakbayan niya ako tapos hahalikan pa. Hayy, sa panaginip ko lang ata magagawa.

Napadaing pa ako ng binangga ni Nikka ang braso ko. Halatang sinadya na naman dahil napangisi pa sa akin. Babangasan ko na sana talaga iyan e, kung wala lang ang love life ko.

"Babe!" Ani niya at parang butiki na kumapit kay Matheo.

I rolled my eyes again and twitched my lips in annoyance.

Hayy, saan bang basura napulot ni Matheo ang gurang na 'to? Hamak na mas maganda pa sa kaniya si 'mahal' e.

I-untog ko kaya mukha niya sa graba para maka-feel naman siya ng heaven? Feeling ko kasi hindi pa niya natitikman ang totoong heaven. Nakakabwisit.

"Jane..."

Agarang dumirekta ang titig ko sa mukha ni Matheo. Hindi ko mabasa ang reaksyon niya. May awa at galit akong nakita do'n, na nagpainis sa akin.

"Hindi ko inano 'yang halimaw mo ah!" Sabi ko.

Hindi ko naman talaga ginalaw 'yan e? Kung nagalaw ko 'yan, baka nasa hospital na nakahandusay iyan ngayon. Aba! Akala niya papatusin ko siya? Baka hindi niya alam, umabot na sa libo ang napatay kong lamok? Handa na akong makapatay ng animal. Imbyerna.

"What?! Matheo!" Nakangusong angil ni Nikka at itinuro pa ako. Isa ka na lang talaga! Isang pitik mo lang! Lalabas na utot mo!

Ginaya ko ang pagsasalita niya sa paraang mas maiirita siya. Mwehehe, magsumbong ka pa! Sige pa!

Huminga ng malalim si Matheo na siyang nagpatigil sa akin.

"Jane," sabi niya.

Napatuwid ako ng tayo at nakangiti na siyang hinarap.

"Malapit na klase mo, baka ma-late ka na." Aniya at tumalikod na sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko do'n ah. Palagi naman siyang nagca-care sa akin, pero nakakainis kapag naalala ko kung ano ang dahilan niya kung bakit ganoon niya ako tratuhin. It's because pinsan ko si Josh na Best Bud niya.

Hindi niya na inalintana ang bahagyang pagkahila kay Nikka. Natawa ako ng muntik ng matapilok si Nikka dahil doon. Tatanga-tanga kasi e. Pwe!

Kahit na nasa malayo na sila ay naririnig ko pa rin ang panenermon ni Nikka kay Matheo kung bakit daw 'di siya niligtas, nye! nye!

Para ko naman siyang nilapa sa ka-OA-han niya. Bwisit. Isa pa iyong mga alipores niyang mga bantot!

"Hindi nakakamatay ang killer looks niyo! Try niyo sa sarili niyo siguradong diretso tigok kayo!" Sigaw ko na sinabayan ko ng tawa. Simangot na simangot sina Sofie at Moonshine, pwe! Moonshine? Napapangitan talaga ako sa pangalang 'yan. Sorry na sorry talaga.

"Wala ka pa ring kupas!" Proud na sabi ni Ava.

Nag-pose ako sa harap niya. Iyong pose na maarteng nakahawak sa ulo ang mga kamay habang nakataas ang ulo at labas ang pwetan. Public pose ko. Nakakamatay ng tigyawat.

"Ako pa! Pinanganak ako para... para..." Pabitin effect ko.

Kitang kita ko ang tuwa sa mukha ni Ava sa paghihintay ng isasagot ko.

"Ano? Ano? Bilis! Malapit na tayo ma-late!"

"Excited ka?"

"Oo! Baka bago na naman iyan-" hindi ko na siya pinatapos.

"Pinanganak ako para kay Matheo! Syempre!" At sa salita ko lang iyon ay nabuo na ang araw ko! Yes!

Pero sa gitna ng pagsasaya ko ay ang pagsimangot at pagngiwi ni Ava.

"Adik!" Napailing siya at padabog na iniwan ako.

Hayyy, naiintindihan ko talaga ang friend ko. Pero wala siyang magagawa dahil adik na adik ako kay Matheo.

May tiwala naman talaga ako sa ganda ko e. Lalapit at lalapit si Matheo sa akin. Not now, but very soon.




Yey! Please po🙏

DON'T FORGET TO:

FOLLOW

VOTE

COMMENT

FOR MORE STORY UPDATE😉

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro