Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XXVIII


Chapter 28


Dumating ang araw ng Sabado, birthday ko. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil wala na ako ngayon sa puder ni Alexander, o malulungkot dahil hindi ko pa rin makakasama ang pamilya ko. Mas okay na siguro itong ganito, malalayo sa gulo ang lahat ng mga mahal ko sa buhay.

Mag-da-dalawang linggo na rin noong huli kaming mag-usap ni Keeon sa kitchen niya. Halos hindi ako nakatulog noong araw na iyon at sumunod pang mga araw.

Paano ko naman kasi gagawin 'yon kung hindi na maalis sa isip ko ang mga sinabi niya sa'kin? We just wasted a ten fvcking years because of our misunderstandings.

And now? I'm already married with someone I don't love and a psychopath.

Hindi ko alam kung anong oras na ako nagising, at hanggang ngayon hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto. Mananatili na lang siguro ako dito hanggang sa matapos ang araw na 'to.

Wala rin naman akong gagawin. Bukod sa birthday ko ngayon, hindi na rin importante kung anong mangyayari ngayong araw. Hindi rin naman alam ni Keeon kaya palilipasin ko na lang at maghihintay nang bukas.

“Tria?!” Sunod-sunod na katot at tawag ni Keeon ang namayani sa tahimik kong paligid.

Bumangon ako at tinitigan ang pinto. Should I answer him back?

“Tria?” aniya pa ngunit sa mas mahinang boses.

I sigh. I'm not rude.

Tumayo na lang ako at nagtungo sa pinto. I heave a deep sigh before I open door.

“Bakit?” bungad na tanong ko.

He looks surprised and looked at me from head to toe. And when he's back to his self, he immediately looked away. “Magbihis ka, pupunta tayo kay na Nanay. Bilisan mo,” aniya nang hindi makatingin sa akin ng diretso bago nagmadaling umalis sa harap ko.

Hindi ko na rin nagawang makapagsalita dahil sa pagmamadali niya. Naiwan lang akong tulala at napaisip kung bakit siya ganoon.

Bumaba rin ang tingin ko gaya nang ginawa niya kanina. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nipples kong bumabakat sa suot kong sleeveless.

“Myghad!” I hissed and instantly closed the door. Napayakap ako sa sarili ko bago sumandal sa likod ng pinto.

Nakita niya kaya? Malamang! Kaya nga hindi siya makatingin sa akin kanina. Nakita nga niya!

“Nakakahiya, Tria!” I screamed.

Habang naliligo hindi pa rin mawala sa isip ko ang reaksyon kanina ni Keeon. Para kasi siyang nakakita ng multo, or worst nipples ko!

Hindi kasi ako nagsusuot ng bra kapag natutulog. Nahihirapan kasi akong makahinga. Hindi rin naman sumagi sa isip ko bago ko buksan ang pinto na wala nga pala akong suot kaya pagbukas ko, nipples ko ang sumalubong sa kan'ya.

Nakakahiya ka talaga, Tria, minsan! Nakakainis!

Tapos na akong magbihis. Hindi ko na rin kinalimutang magsuot ng bra. Kaya rin siguro niya nasabing magbihis ako kasi nga wala akong --- argh! Tang*nang bra 'yan!

Birthday ko pa naman ngayon, tapos sa kahihiyan din pala magsisimula ang araw ko.

I took a deep breathe before I set my foot outside my room. Nahihiya na tuloy akong lumabas at magpakita kay Keeon.

Nagbihis lang ako ng simple, at kung anong mayroon ako. Wala namang sinabi si Keeon, basta magbihis lang daw ako. Siguro dahil pinangtulog ko na ang suot ko at wala pang bra.

Pagkababa ko nang hagdan agad na hinanap ng mga mata ko si Keeon. Hindi ko siya nakita sa taas, at mukhang wala rin siya dito sa baba.

My forehead furrowed. “Nasaan kaya 'yon?” I asked myself. Sino pa nga ba ang kakausapin ko?

Nagkibit-balikat na lang ako bago napagpasyahang maupo na lang muna. Naglalakad pa lang ako papunta sa sofa nang nakarinig ako ng sunod-sunod na busina na nanggagaaling sa labas ng bahay.

Natigilan ako at napatingin sa may pinto. Siya na kaya 'yon?

Nagtungo na lang ako sa labas kaysa mag-isip maigi. Wala na namang ibang tao akong hinahanap.

Nagsalubong ang mga mata namin ni Keeon pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay. Nakatayo siya at nakasandal sa tabi ng puting kotse.

Bihis na bihis din siya na parang may importanteng pupuntahan. Gaya kanina, bumaba na naman ang tingin niya sa akin. Ngunit, hindi na katulad kanina ang reaksyon niya.

Nanatili ang tingin ko sa mga mata niyang parang kumikinang. Sa tagal namin sa ganoong posisyon, niyakap ko na lang ang sarili ko at nagbiro.

“May suot na akong bra, ah.”

Napaangat siya nang tingin sa akin at nahihiyang ngumiti. “Mabuti...” aniya bago napakamot sa batok.

Napangiti na lang din ako, tinatago ang kahihiyang dinanas ko kanina. Mabuti na lang hindi masyadong awkward.

Tumalikod na rin siya at pinagbuksan ako ng pinto.  Nanatili siyang nakatayo doon at naghintay sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago naglakad palapit sa kan'ya. Nagpasalamat lang ako bago pumasok ng kotse.

Nahihiya pa rin ako sa kan'ya.

Pagkasarado niya ng pinto, nagtungo siya agad sa may driver's seat. Nagsuot na rin ako ng seat belt bago kami tuluyang umalis. Pupunta lang kami sa Lola niya, siguro dadalaw.

Nasa tapat na kami ng bahay ni Lola Diding, Keeon's Lola. Umaga na pero tahimik pa rin ang bahay. Wala ang mga batang pinsan ni Keeon sa labas na dapat ay naglalaro na sa bakuran nila sa mga oras na 'to. Ganitong oras kasi noong nakipaglaro kami ni Elissha sa kanila, noong umulan.

Naunang bumaba si Keeon. Napatingin naman ako sa may bintana ko nang dito sa gawi ko siya dumiretso. Pinagbuksan niya ako ulit ng pinto.

“Salamat...” I softly said. Hiyang-hiya na talaga ako ngayong araw.

Nilahad ni Keeon ang kan'yang kamay sa harap ko na pinag-iisipan ko pa kung tatanggapin ko. Nag-angat ako nang tingin at nakitang nakangiti siya. Ngumiti na lang ako pabalik bago tinanggap ang kamay niyang hindi pa rin niya inaalis sa harap ko.

Inalalayan niya akong makalabas, at laking gulat ko pa nang hindi niya ako binitawan. Nilagay niya ang kamay ko sa braso niya at inangkla ito doon.

Habang naglalakad hindi mawala ang tingin ko sa kan'ya. Bakit parang ibang tao siya ngayon?

“Happy birthday!”

Natigilan ako sa biglang paglabas ng mga tao sa bahay at sabay-sabay na sumigaw. Tiningnan ko sila isa-isa, at lahat sila may mga dalang lobo.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko pero naiiyak ako.

Tiningnan ko ulit si Keeon. “Alam mo?” I sobbed.

He just nodded and turned his eyes to the person beside me.

“Happy birthday, Hija.”

Kaagad akong tumalikod at nakita si Lola Diding. She's holding a bouquet of flowers.

Nanlaki ang mga mata ko at lilingunin na sana si Keeon nang ilang sandali lang ay nasa tabi na siya ni Lola.

“It's plastic, kaya safe siya sa allergy mo.” Hinawakan pa niya ang red roses na dala ni Lola para ipakita na hindi nga totoo ang mga bulaklak.

Mas lalo akong nagulat sa ideya na alam niyang may allergy ako doon.

“How did you... know?” hindi pa rin makapinawalang tanong ko.

He shrugged his shoulder. “I just know,” tipid niyang sagot.

Pilit akong napangiti at kinuha ang bulaklak na inaabot ni Lola.

“Salamat po, Lola,” ani ko bago niyakap si Lola.

Naguguluhan ako, pero mas lalo akong naguluhan nang makita sina Elissha, Briston at Baby Felix na papalapit sa amin.

Mas lalo akong naiyak habang yakap-yakap si Lola. Bakit ganito? Deserve ko ba maging masaya ng ganito?

Tiningnan ko si Keeon na nasa tabi pa rin namin ni Lola na nakatingin din pala sa akin, nakangiti.

Gusto kong magpasalamat sa surpresa niyang ito, pero hindi ko magawang maisaboses dahil sa sayang nararamdaman ko.

Bumitaw si Lola sa pagkakayakap sa akin. Bumitaw na rin ako at nagpaalam na pupuntahan ko lang sina Elissha. Sinalubong ko sila at niyakap.

“Happy birthday bestfriend!” bati ni Elissha.

“Happy birthday, Tria,” ani naman ni Briston.

Hindi na ako makasagot. Umiiyak na ako sa mga oras na 'to. Hindi ko na alam kung saan ko ilalagay ang umaapaw na sayang nararamdaman ko. Hindi ko masasabing ito ang best birthday gift na natanggap ko, pero sobrang saya ko.

“S-salamat at dumating kayo...” I sniffed.

“Syempre naman. Noong sinabi ni Keeon na may birthday party ka tumakbo na agad kami papunta dito. Actually, kahapon pa kami dito.”

Bumitaw ako sa pagkakayakap. Gusto ko siyang awayin pero iyak lang ang lumalabas sa akin.

I'm still blessed to have a people like them around me. Wala 'man ang pamilya ko, napunan pa rin nila ang sayang nararamdaman ko ngayon.

Kumain lang kami at nagsaya maghapon. Nagkantahan din kami sa videoke na sinasabi nila. Ang saya palang mag-birthday sa probinsya. Salo-salo kaming lahat. Simple pero masaya.

Malayong-malayo ito sa birthday party na nararanasan ko sa bahay namin. Kung doon puro inom ng wine, kan'ya-kan'yang mundo tungkol sa mga business nila, pabonggahan ng regalo, at higit sa lahat pabonggahan ng mga suot na damit, sapatos, accessories, at kotse.

Mas ramdam kong birthday ko ngayon dahil sa sayang pinaparamdam nila sa akin.

Gabi nang maalala kong hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sa taong nagpasimuno nang lahat ng ito. Hinanap ng mga mata ko si Keeon. Huminto naman ang mga mata ko sa lalaking nakatayo lang sa tabi ng bakod, nag-iisa.

It's him.

Kumuha muna ako ng isang bote ng beer bago ko siya nilapitan. Kung hindi dahil sa kan'ya hindi magiging ganito kasaya ang araw ko.

“Shot?” bungad na alok ko sabay abot ng bote.

Napatingin lang siya sa akin at pinakita ang hawak niyang bote. “Meron pa,” aniya.

“E'di reserba,” sagot ko agad bago pinatong ang bote sa mesang nasa harapan namin.

Tumango lang siya bago muling binalik ang tingin sa kung saan.

Tumayo ako sa tabi niya at tiningnan din ang direksyong tinitingnan niya. Napangiti ako nang makitang pinapanood niya pala sina Lola at ng mga pinsan niyang nag-vi-videoke. Hindi ko napansin na nagkakantahan pala sila, busy kasi kami sa loob ni Elissha, nakikipagkwentuhan sa mga Tita ni Keeon.

“Thank you, Keeon.” Nilingon ko siya. Nagkasalubong ang mga mata namin nang lumingon din siya sa akin.

“I'm happy to see you smile like that. Lalo na noong nagkasakit ako, akala ko hindi na kita ulit makikitang ngumiti. Mabuti na lang may awa ang Diyos, hindi niya ako hinayaang mawala agad. Okay na ako, mas okay na ako kaysa noon.” Ngumiti siya bago muling binalik ang atensyon sa mga pinsan at Lola niya.

“Nagkasakit ka?”

Hindi na ako nagulat, ito iyong sinasabi ni Elissha. Hindi niya naman actually na sinabi, nadulas lang siya.

He slowly nodded. “Lung tumor, benign. Naagapan agad kaya nandito pa rin ako sa tabi mo.”

Hindi ko alam kung ano, at paano muling magsasalita. Wala akong naramdamang pag-aalala mula sa sinabi niya. Kalmado lang siya at parang normal lang sa kan'ya ang nangyari.

“I don't usually tell other people how I feel, kaya ganito ako makipag-usap. Pagpasensyahan mo na rin ako kung minsan distant ako sa'yo,” dagdag pa niya. “Minsan dinadaan ko na lang din sa biro lahat para hindi ako mahirapang mag-voice out.”

“Ayos lang, ganoon din naman ako.”

“Kaya nga siguro hindi tayo nagkaintindihan noon, pareho kasi tayong nagtatago.”

Sinang-ayunan ko lang ang sinabi niya. Totoo naman. Kung siguro may lakas siya ng loob noon, at hindi mataas ang pride ko, siguro, baka, may pag-asa na pareho kaming masaya ngayon.

Pagkatapos naming mag-usap, nagpaalam na papasok na ako sa loob. Natigilan ako nang bigla akong salubungin ni Elissha, natataranta at parang nawawala sa sarili.

“Tria!” aniya habang hawak-hawak ang cellphone niya. “Tria... s-si Tita sinugod sa hospital.

I thought everything was fine, until this happen.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro