Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XXIII


Chapter 23


Liwanag ang sumalubong sa akin pagkabukas na pagbukas ng mga mata ko. Am I dead now?

“Tria! Pinag-alala mo ako!” someone shouted that I immediately searched for.

I saw Elissha who is now worriedly standing right next to me. She hold my hand. “Magkasama lang tayo kanina tapos mababalitaan kong nandito ka sa hospital!”

Nasa hospital ako? What happened?

Nilibot ko ang mga mata ko at hinanap si Alexander. Kung hindi ako nagkakamali, nahimatay nga ako dahil sa bulaklak na binigay niya sa akin.

He's really a monster.

Walang ibang tao, si Elissha lang ang nakikita ko.

Magsasalita na sana ako nang naramdaman kong may oxygen palang nakakabit sa akin. Hindi na ito bago sa akin sa tuwing inaabot ako ng allergies ko. Mabuti na lang at naagapan agad ako dahil kung hindi maaari ko itong ikamatay.

Marahan kong ginalaw ang isang kamay ko at maingat na tinanggal ang oxygen. “Anong ginagawa mo? Baliw ka ba?” Pipigilan pa sana ako ni Elissha ngunit bago pa niya ako mahawakan ay natanggal ko na ang oxygen.

“O-okay na ako...” I said softly.

“Anong okay? Muntik ka nang matuluyan, alam mo ba 'yon? At saka ito, oh!” Binitawan niya ako at saka tinaas ang sleeve ng suot kong hospital gown.

Nagulat ako sa ginawa niya, lalo na sa reaksyon niya na galit na galit na parang naiiyak na. Paano niya nalaman?

Ibababa ko na sana ang manggas ng damit ko pero pinigilan niya ako. “Saan ito nanggaling?! Puro ka pasa, Tria!” may pagtaas na boses niyang sabi na bakas pa rin sa kan'ya ang pag-aalala.

Pinanood ko lang siya hanggang sa nanghihina siyang umupo. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin. “Bakit hindi mo sinasabi sa akin na sinasaktan ka niya? Nakakainis ka naman...“ mahinang sabi niya habang unti-unti nang tumutulo ang kan'yang mga luha.

Hindi ko na rin napigilang umiyak habang tinitingnan siya. Hindi ko siya masisisi kung magagalit siya sa akin, lalo na ngayong bakas na sa kan'ya ang pag-aalala.

Lumuwag ang pagkakahawak niya sa damit ko at akmang babagsak na kaya agad ko itong hinawakan. Mahigpit ko itong hinawakan.

“I'm sorry, Eli. Ayaw ko lang kayong mag-alala, at madamay sa problema ko.”

She shook her head. “Gusto naming madamay, Tria, dahil pamilya mo kami. Alam mo ba kung anong magiging epekto nito sa Mommy mo kapag nalaman---”

“Kaya nga hindi ko sinasabi. Kaya nga sinasarili ko, kasi ayaw ko siyang masaktan. Hindi mo kilala si Alexander, Eli. He can do everything just to destroy me once I say something about him.”

Umiling siya na tila nadismaya sa akin. “Akala ko ba matalino at malakas ka? Bakit natatakot ka sa lalaking 'yon?”

Hindi agad ako nagsalita. Pinagmasdan ko muna siya bago napabuntong hininga. “I'm not, Eli. Tao lang din ako, natatakot at nasasaktan.”

Natahimik siya sa sinabi ko. May mga luha pa rin na kumakawala sa mga mata niya. At kung kanina pag-aalala ang nakikita ko, ngayon ay naging awa na ngayon niya lang pinaramdam sa akin.

“I'm sorry, Tria, I didn't protect you. All along, I thought you'll be happy. Sana pala pinigilan kita, baka sakali na hindi nangyayari 'to.” Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit.

Hinawakan ko ng isa kong kamay niya. “It's not your fault. Walang may kasalanan, Eli.”

“Meron,” she insist. “Si Alexander ang dapat sisihin dito! Siya ang nanakit sa'yo kaya dapat siyang makulong!” aniya at saka tatayo na sana na agad kong pinigilan.

“Saan ka pupunta?” I asked.

“Doon sa asawa mong halimaw.”

Umiling-iling ako at mas lalo siyang pinigilan. “No. Huwag, Eli. Kaya ko pa namang magtiis.”

She looked at me, disappointed. “What? Hindi ka magsasampa ng kaso matapos ka niyang saktan?”

“No.” Umiling ako. “Hindi pa ngayon... hindi ko pa kaya...”

“Sa tingin mo ba hahayaan kitang manatili sa lalaking 'yon hanggang sa makita na lang kitang nakaburol dahil sa pananakita niya?! No way! He deserve to rot in jail!” She said out of anger.

Hindi naman talaga ako natatakot mismo kay Alexander, natatakot lang ako sa posible niyang gawin at sa mga posibleng mangyari kapag nalaman na nila ang totoo. Lalo na kay Mommy. Maaari pa niya iyong ikamatay na hindi ko mas kakayaning mangyari.

Kaya hangga't kaya pa ng katawan ko, titiisin ko ang lahat ng pananakit niya sa akin. Bata pa naman ako para makayanan lahat, pero si Mommy... she's too old to take all the pain.

“Nasaan si Alexander?” tanong ko matapos ang ilang oras na pananatili ni Elissha dito sa hospital. Magmula kanina hindi ko pa siya nakikita.

“I don't know. Tinawagan niya lang ako na bantayan ka raw dito. Hindi nga siguro alam ng pamilya mo na nandito ka sa hospital dahil kung alam nila kanina pa sila nandito. Baka kasi natatakot 'yon na malaman nila ang totoo,” aniya bago naiinis na tumingin sa akin. “So, that guy isn't afraid of me kaya ako ang tinawagan niya? Anong klaseng tao ba 'yang asawa mo?! Napupuno na ako, ah!”

Napailing na lang ako at tumingin sa kisame. Tinitigan ko lang ito hanggang sa naalala ko iyong lalaki na nakita ko kanina sa labas ng coffee shop.

Kung si Keeon nga iyon, siguradong nandito lang siya at hindi pa rin umaalis. Hindi lang siya nagpaparamdam at nagpapakita sa amin para sa kabutihan naming lahat.

“So, what's your plan? Kailan mo balak sabihin sa pamilya mo ang nangyayari sa'yo?”

Nanatili sa kisame ang mga mata ko. “I'm not actually planning to tell them.”

“Seryoso ka ba, Tria? Balak mo ba talagang magpakamatay sa mga kamay niya?”

No, actually. Pero kung iyon nga ang mangyayari huwag lang mag-alala ang pamilya ko at masaktan si Mommy, siguro nga mamamatay ako kasama siya.

“I hope not.” I sigh.

Alam na naman siguro ni Elissha at nakukuha na niya kung bakit ko ito ginagawa. Kaya sana lang huwag na itong makalabas, at manatili na lang ito sa amin. I know she's just worried, but I can take care of myself. I'm old enough to decide on my own.

Ilang oras pa ulit ang lumipas bago ko narinig ang usapan sa labas. Naririnig ko na si Alexander na mukhang kinakausap ang mga bodyguard niyang iniwan.

Nagkatinginan muna kami ni Elissha bago siya nagdali-daling umupo nang maayos. Huminga rin ako nang malalim at umayos nang higa. Hindi niya puwedeng malaman na may alam na si Elissha, madadamay lang siya kapag nagkataon and I won't let that happen, especially Baby Felix. He's too young to involve in this kind of situation.

Bumukas ang pinto na sabay naming nilingon ni Elissha. Hindi nga kami nagkamali, it's Alexander.

Alexander glance at Elissha before looking at me, forced a smile. “Hon, how are you?” he acted as concern husband.

Imbis na sagutin siya napatingin ako kay Elissha sa pikod niya na iniirapan at ginagaya siya. Napangiti ako ngunit agad rin na naglaho nang lumapit sa akin si Alexander sabay mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

“Tinatawanan mo ba ako?” he gritted, mumbling.

Hindi ako makasagot at iniinda ang sakit sa pagkakahawak niya sa akin. Matalim niya akong tiningnan hanggang sa mas humihigpit nang humihigpit ang hawak niya sa kamay ko.

“Alexander, masakit.” Mariin akong napapikit at pilit na inaalis ang kamay niya.

“Alexander!” biglang sigaw ni Elissha kaya agad niya akong binitawan.

Napamulat ako at hinawakan ang kamay ko. Wala talaga siyang pinipiling oras at lugar. Halimaw talaga ang lalaking 'to.

Napatingin ako kay Alexander nang nilingon niya si Elissha. Naglakad pa siya palapit sa kaibigan ko na agad nagpaalerto sa akin. Baka pati si Elissha saktan niya, hindi ako papayag.

“Anong sabi ng Doctor, Eli? Kumusta raw ang asawa ko?” ani Alexander pagkalapit kay Elissha.

Tumayo si Elissha nang tuwid at pinag-krus ang kan'ya mga braso. “Bakit hindi ikaw ang magtanong sa Doctor? Ikaw ang asawa hindi ba?” pagmamaldita pa niya. “At saka, saan ka ba nanggaling? Alam mong nandito sa hospital ang asawa mo kung saan-saan ka pa pumupunta.”

Nanlaki ang mga mata ko sa inakto ni Elissha. Mas lalo akong kinabahan sa maaaring gawin ni Alexander sa kan'ya. Maiksi pa naman ang pasenya niya, baka kung anong maisipan niya at saktan na lang si Elissha.

“I'm working. Hindi ba halata?”

Elissha parted her lips. “Oh, really?” she said then glance at me. “So, you're saying na mas importante ang trabaho mo kaysa sa kaibigan ko na asawa mo?”

Natahimik si Alexander. My eyes went down when I noticed that he's clenching his fist. He's mad.

Pilit akong umupo para sana pigilan sila nang muling nagsalita si Elissha. Hindi rin talaga nagpapatalo ang babaeng 'to. We're doomed.

“Kung hindi mo kayang alagaan ang asawa mo, ibalik mo na lang siya sa amin, okay? Mas kaya namin---”

Natigilan si Elissha nang bigla siyang hinawakan ni Alexander sa braso at hinila palapit sa kan'ya. Binalot agad ako ng takot at nababato na makagalaw.

“Kanina pa ako naririndi sa'yo!” Ang isang kamay niya ay nagtungo sa mukhsa ni Elissha at nanggigigil na pinisil ang magkabilang pisngi nito gamit lang ang kan'yang mga daliri. “Kung wala kang magandang sasabihin manahimik ka na lang!” He gritted.

Nagpumiglas si Elissha pero malakas pa rin si Alexander. Kahit natatakot, pinilit kong makabangon at tumayo palapit sa kanila.

“Alexander! Stay away from her! Ako na lang ang saktan mo!” sigaw ko habang pilit na makatayo. “Please! Huwag ang kaibigan ko,” pagmamakaawa ko pa.

“Bullsh*t!” sigaw niya bago marahas na binitawan si Elissha. Natumba si Elissha sa may sofa na agad kong tinakbo para nilapitan. Pero bago pa ako makalapit, hinarangan ako ni Alexander at saka hinawakan sa braso.

“We're going home. Stop you're fvcking drama or I'll tear you apart,” he hissed.

Tiningnan ko lang siya bago bumaba ang tingin ko kay Elissha. Nakatingin din siya sa amin na parang sinasabi na huwag akong sumama kay Alexander.

“Sorry...” I mouthed while Alexander is pulling me.

I sobbed and continue to say sorry to Elissha. This is what I'm afraid to happen... ang masaktan silang lahat dahil sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro