Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XXI


Chapter 21


Namumugto ang mga mata ko kinabukasan. Magdamag lang naman akong iyak nang iyak habang iniisip ang lahat ng mga nangyari sa akin.

Hindi ko alam kung masasabi ko bang worth it lahat ng sakripisyo ko para mapasaya si Mommy, ngayong habang buhay ko namang paghihirapan ang mga bugbog at pagpapahirap sa akin ni Alexander. He used my body whenever he wants and whatever he wanted.

I'm not just tired physically, I'm also emotionally damaged.

“Nasaan na ang breakfast ko?!”

Sunod-sunod at malalakas na katok sa labas ng cr ang naririnig ko. Simula pagkagising ko, twenty minutes ago, dito na ako sa loob nanatili. Natatakot na akong makita siya, o marinig 'man lang. He's a monster, just like Mireya said.

“Hindi ka ba talaga lalabas diyan?! Baka gusto mong bilangan na naman---”

I cut him off. “Stay away from me! Please!” I begged, almost crying.

“Lumabas ka na lang kasi, Tria! Palagi mo na lang talaga ako pinapahirapan!” Hinampas pa niya nang mas malakas ang pinto dahilan para mahigpit akong mapayakap sa mga tuhod ko.

Nakaupo ako ngayon sa sahig ng shower area kung saan medyo malayo sa pinto. Sa sobrang lakas niya, hindi na ako magugulat kung masisira niya ang pinto anumang oras.

“Tria! Isa!”

Mas lalo akong natakot nang magsimula na nga siyang magbilang. Iyan kasi ang madalas niyang ginagawa kapag napipikon na siya at siguradong mananakit na lang pagkatapos.

Mariin akong pumikit at tahimik na humagulgol nang iyak. Hindi ito ang buhay na gusto ko... gusto ko lang naman pasayahin si Mommy.

Tinakpan ko ang aking magkabilang tenga gamit ang mga kamay ko at nagpipigil na gumawa ng ingay. Tahimik akong umiiyak at natatakot sa mga posibleng mangyari.

“Tria! Dalawa!”

Nagulat ako nang hinampas niyang muli ang pinto gamit ang kung anong bagay at gumawa ito ng mas malakas na ingay. My whole body was trembling in fear as I slowly open my eyes.

I think, he can break the door any moment. Mas mabuting buksan na lang iyon kaysa hintayin pa siyang makapasok at saktan ako dito sa loob ng cr.

I tried to get up even my knees were still shaking. I lean on the wall and support myself from walking towards the door.

“L-lalabas na ako...” I said in a low voice. Even my voice were shaking.

Biglang tumahimik sa labas pagkatapos kong sabihin iyon. Bumaba ang tingin ko sa door knob at nagdadalawang isip na hawakan iyon. Lumabas 'man ako o hindi, siguradong masasaktan at masasaktan ako. Maiksi lang ang pasensya ni Alexander, kaya kahit anong gawin ko hindi na magbabago ang isip niya.

Huminga muna ako nang malalim bago ko marahang pinihit ang door knob at maingat na binuksan ang pinto. Sisilip pa lang sana ako sa maliit na kawang na ginawa ko nang biglang may tumulak sa pinto. Bumukas ito at niluwa si Alexander na galit na galit.

Tatakbo na sana ako palayo sa kan'ya nang nahawakan niya naman ang buhok ko at hinila ako pabalik sa kan'ya. Napadaing na lang ako sa sakit at naiiyak na napaluhod.

“Umagang-umaga, Tria, ginigigil mo 'ko!” iritableng sabi niya at saka ako hinila palabas ng cr.

Napahiga na lang ako sa sahig at saka ko pilit na inaabot ang kamay niyang mahigpit na hinahawakan ang buhok ko. Wala akong magawa kun'di umiyak na lang sa sakit at nagmamakaawa na tigilan niya na ako.

“Alexander! Parang awa mo na! Let me go...” I screamed in pain.

Kahit sakit na sakit na ako sa ginagawa niya, napansin ko pa rin ang kalat sa kwarto namin. Sira na ang upuan siyang ginamit niya siguro kanina. At ang mga litrato at lampshade na nakakalat na rin sa sahig.

Hinayaan ko na lang iyon at muling pinagtuonan nang pansin kung paano ako makakaalis sa impyernong lugar na ito. He's a horrible demon!

“Why would I do that? Magsusumbong ka na ba sa mga kapatid mo at sa baldado mong Nanay? O, baka naman sa lalaki mo? Ano nga ulit ang pangalan no'n?” aniya na walang bakas kahit konting awa. Naririnig ko pa siyang tumatawa sa sinabi niya.

I didn't answer him. I still tried to persuade him to let me go. Masyado nang masakit ang anit ko at ang ulo ko sa ginagawa niya, pakiramdam ko nga ay hihiwalay na lang iyon maya-maya.

Palabas na kami ng kwarto pero hila-hila pa rin niya ako. Gumawa ako ng paraan para kahit konti mabawasan ang sakit sa ginagawa niya. Pinilit kong makabangon at ginamit ang mga paa ko na sumunod sa direksyon na pinupuntahan niya para kahit papaanon nalo-loose ang pagkakahila niya sa buhok ko.

“Alexander! Please! It's fvcking hurt!” I begged.

“So, it's my fault now? I'm talking to you nicely, but you choose to be stubborn like you always did. Tama lang sa'yo 'yan para magtanda ka.”

Nagsimula na akong magtaka sa direksyon na tinatahak namin. Unti-unti na rin akong kinakabahan at mas lalong nagpumiglas sa pagkakahawak niya sa buhok ko.

“Anong gagawin mo, Alexander?! Let me go! Please!” sigaw ko nang nakikita ko na ang hagdan hindi kalayuan sa amin.

Pilit akong tumayo at inaabot ang buhok ko.  Papatayin niya na ba ako? Kung oo, huwag naman sana dito. Ayokong mamatay na siya pa rin ang kasama ko.

“Alexander! Parang awa mo na, bitawan mo na ako! Hindi na mauulit. Please!” I sobbed.

Bigla siyang huminto sa paglalakad kaya nagkaroon agad ako ng pag-asa. Napahinto naman ako sa pag-iyak nang binitawan pa niya ang buhok ko. Umayos ako sa pag-upo at bahagyang napaurong nang naglakad siya papunta sa harap ko.

Anong gagawin niya?

Napayuko na lang ako nang huminto siya sa harap ko at marahang lumuhod para pantayan ako. Mariin pa akong pumikit pero agad rin akong napamulat nang hinawakan niya sa baba ko at pinatingin sa kan'ya.

“Promise?” mariing sabi niya.

Nagtaka ako sa sinabi niya hanggang sa naalala ko iyong huli kong mga sinabi. Ayokong sanang sumagot nang unti-unting humihigpit ang pagkakahawak niya sa baba ko.

Tumango na lang ako bilang sagot. Lumawag ang pagkakahawak niya sa baba ko at ngumiti.

“You promise to love me until death do us part?” aniya pa.

I didn't love him, and I never will. Ni minsan hindi na sumagi sa isip ko na mahalin pa siya matapos niya akong saktan. Hinding-hindi ako magmamahal nang baliw at demonyo.

Muli na namang humihigpit ang pagkakahawak niya sa baba ko kaya tumango na lang ako para matapos na ito. Hindi niya naman mabubuksan at makikita sa puso ko kung totoong mahal ko ba siya o kung mamahalin ko ba siya. Dahil hinding-hindi mangyayari 'yon.

Binitawan niya na ako at mas malapad na ngumiti. “Mahal na mahal kita, Tria. Handa akong pumatay para lang sa'yo...” he said straight to my eyes and move closer to me.

He kissed me on lips that I didn't respond. Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya habang unti-unti na namang umaagos ang mga luha ko. I admit, I made the most terrible decision, that's why I'm here doing all the consequences, alone.

Pagkatapos niya akong halikan ay agad siyang tumayo at pinilit akong makatayo. “Gumawa ka na nang breakfast, kanina pa ako nagugutom,” utos niya.

Tumango na lang ulit at nagmadaling bumaba nang hagdan. Kahit gusto ko siyang takasan at magpakalayo-kalayo hindi ko pa rin magawa dahil sa takot na maaari niyang gawin. Papasok pa rin naman ako sa trabaho, pero hindi pa sa ngayon dahil pinag-leave niya ako ng isang taon.

Hindi naman ako makapagreklamo dahil hawak-hawak niya ako sa leeg. Pumayag na lang ako nanatili dito sa bahay naming impyerno.

Mabuti na lang din at palagi siyang umaalis para magtrabaho, kaya kahit konting oras nawawala siya sa paningin ko. Pero sa tuwing nandito naman siya para na naman akong alila na kailangan sumunod sa lahat ng utos niya.

Ayaw niya ng katulong dahil ano pa raw ang silbi ko kung magkakatulong kami. Pumayag na lang din ulit ako pinagsilbihan siya kahit hindi ko naman ito ginagawa noon. Marunong ako sa gawaing bahay, Mommy trained us, pero ang maging totoong alila, it's a big no.

Habang naghihiwa ng sibuyas, hindi ko mapigilang titigan ang kutsilyo at nag-iisip nang maaari kong gawin dito. But, I'm not like him. I'm not a monster or a criminal even if I hate him.

“Hon, maliligo na ako. Paki-ready na rin nang susuotin ko.”

Nag-angat ako nang tingin at nakita siya sa hallway na naglalakad na pabalik ng kwarto. Minsan okay siya, pero mas madalas hindi. Lalo na kapag nag-ti-trigger siyang magalit.

I know that there's something wrong with him, hindi lang siya demonyo, may sira na rin siya sa pag-iisip.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro