Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XVII


Chapter 17


Two weeks had passed since Mommy woke up from coma and she's slowly recovering from it. She can also talk now bit by bit and eat by herself.

I'm so happy that she's helping herself too kaya hindi kami masyadong nahihirapan. She's really a strong woman and a mother.

Pasalamat din ako na hanggang ngayon hindi pa rin niya nababanggit ang tungkol sa mga nangyari sa amin. Pero napagpasyahan kong mag-sorry ngayong araw bago pumunta dito sa hospital ang pamilya ni Alexander. Ipapaalam na kasi namin kay Mommy ang tungkol sa kasal.

Noong nakaraang linggo dapat sila pupunta dito, nagkaroon lang ng problema sa pamilya nila kaya napagpasyahan nilang sa ibang araw na lang. Hindi ko naman alam kung ano iyon, at wala na akong balak alamin.

Dalawang linggo na rin ang nakakalipas nang huling beses kong makita at makausap si Keeon. Mabuti na siguro iyon para unti-unti na naming makalimutan ang isa't isa. Ikakasal na rin ako anumang oras kaya ayoko na siyang mas masaktan pa.

“Tria, uwi ka na muna. Ako nang bahala dito.” Si Ate Aelin na kararating lang. “Babalik ka rin naman dito mamaya pagdating nila.”

“Sinong darating?”

Sabay kaming napalingon ni Ate kay Mommy. Umiling agad ako at nagkunwaring ngumiti. “Wala po, Mommy. Baka sina Ate at Kuya po kasama si na Pao.” I lied.

Hindi rin namin pinapaalam kay Mommy ang tungkol sa pagpunta nila Alexander dito, balak kasi namin siyang sorpresahin. Matalino si Mommy, baka magkaroon pa siya nang idea.

“Papupuntahin niyo ang mga bata dito? Huwag niyo nang papuntahin, uuwi na rin naman ako sa isang linggo. Baka mahawa pa sila ng kung anong sakit dito sa hospital.”

Napangiti ako. Kahit nahihirapan pa siyang magsalita nagagawa na niyang magsermon. It's actually an improvement.

Nagkatinginan kami ni Ate, she's smiling too. We all now that everything happens to Mommy that she can't do after coma, and she can do now it's quite an improvement.

Ate Aelin nodded and looked back at Mommy. “Opo, hindi na namin papupuntahin. Baka po kasi namimiss niyo na ang mga bata.” Lumapit si Ate kay Mommy na sinundan ko lang nang tingin.

“I missed them so much, but I'll not risk their health just to see them. I can still wait for a few days or week.”

“That's our, Mother. Kaya mahal na mahal ka namin, e.” Hinaplos ni Ate Aelin ang buhok ni Mommy saka hinalikan ang noon nito.

Nakangiti akong pinapanood sila. This family deserve everything, that's why I'm willing to sacrifice myself just to see them happy.

I sacrificed Keeon.

Pagkatapos nang ilang minuto nagpalaam na ako kay na Ate at Mommy na uuwi na muna ako. Sasabay na lang siguro ako mamaya kay na Alexander papunta dito.

Dumiretso ako sa bahay nila Elissha. I want to meet her first before everything might happen later. Ilang araw na rin kasi kaming hindi nagkikita. And I want to ask if she talk or see... Keeon.

“Oh, bakit nandito ka?” salubong sa akin ni Elissha pagkabukas niya ng gate.

Pumasok lang ako sa loob ng bahay nila habang nagtataka siyang nakasunod sa akin. Umupo ako sa sofa nila at tila nanghihinang sumandal doon.

“Akala ko ba gusto mo 'to? Tapos ngayon sisimangutan mo ako.”

“I know.” I sigh and pouted.

“Anong, I know? Lutang ka ba?” She sat beside me and slap me on my face.

Hindi iyon malakas pero para akong nagising sa sampal niyang iyon. Kaagad akong umupo nang tuwid at seryoso siyang tiningnan.

“I'm getting married soon, Eli. I don't know what do...” I mumbled.

“You know, hindi mo lang kaya gawin.” Umayos siya nang upo sa tabi ko sabay sandal at pinag-cross ang kan'yang mga braso. “Alam mo, Tria, noon hangang-hanga ako sa'yo. You have everything, kahit hindi mo gusto mayroon ka, pero bakit ganoon?” Nilingon niya ako at tiningnan sa mga mata. “Hindi ko nakikita na masaya ka...” she gently said.

Nanatili akong nakatingin sa mga mata niya at nakita ang lungkot at pag-aalala doon. Gusto kong sabihin sa kan'ya lahat ng tumatakbo sa isip ko at nararamdaman ko, pero hindi puwede. Ayokong pati siya dalhin lahat ng dinadala ko.

Pilit akong ngumiti at umiwas nang tingin. “I'm happy, I'm just tired.” Sumandal din ako katulad niya.

“Stop lying, Tria. I know you're not, and you regret everything what you did.”

Mula sa peripheral view ko nakita kong nakatingin pa rin siya sa akin, sinusuri kung anong magiging reaksyon ko. Nanatili naman akong tahimik at kalmado para hindi niya malamang totoo lahat ng sinasabi niya. Kaya ilang saglit lang bumalik na rin siya sa pagtitig sa kawalan.

Ilang minuto ang lumipas na katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Hanggang sa napagpasyahan kong magsalita, at ipaalam sa kan'ya ang mangyayari mamaya.

“Pupunta na sa hospital ang pamilya ni Alexander, sasabihin na nila ang tungkol sa kasal,” malumanay na sabi ko.

“And you're not doing anything?” biglang sagot niya at muling humarap sa akin. She's surprised.

I shook my head. “Para saan pa?”

“Baliw ka talaga! Patagalin niyo naman kahit konti. Kilala niyo ang Mommy niyo, kapag nalaman niyang pumayag ka na, baka mag-atubili 'yon na magpakasal na kayo.”

“E'di mabuti, para matapos na,” walang emosyon na sabi ko.

Napahilamos naman si Elissha sa sinabi ko na halatang naiirita na sa pagiging kalmado ko. Totoo namang wala na akong magagawa, kahit patagalin ko, ikakasal at ikakasal pa rin ako sa taong hindi ko gusto.

Magsasalita pa sana si Elissha kaya agad ko siyang pinangunahan.

“Nagkita na ba kayo ni Keeon pagkatapos ng engagement party?”

Nagulat siya sa ginawa ko at sa tanong ko kaya hindi agad siya nakasagot. Nag-isip pa siyang mabuti na parang nagda-dalawang isip sa isasagot. But, after a few seconds, umiling siya na parang hindi sigurado.

“Okay,” tanging sagot ko.

Baka may alam siya na ayaw niyang sabihin, o hindi kaya bawal kong malaman. Hinayaan ko na lang at baka para sa mas makakabuti naming lahat 'yon.

“Where's Baby Felix and Briston?” pagbabago ko na lang ng usapan.

Tumayo siya bigla na kinagulat ko. “Ah, lumabas! Pinapasyal si Baby Felix.” Umiwas pa siya nang tingin na parang may iniiwasan. “Ano nga palang gusto mo? Juice? Coffee?” aniya pa nang hindi tumitingin sa akin.

Napangiti ako sa itsura niyang parang hindi mapakali. Kung makapagsalita ito kanina parang hindi rin marunong magsinungaling. Nagpapahalata pa. Tsk.

Tumayo na lang ako at nagpaalam. Uuwi pa kasi at mag-aasikaso. Mahirap nang mahuli at baka kung ano pa isipin nila.

“Huwag na, uuwi na rin ako. Maliligo pa ako at maghahanda para mamaya.”

“Oo nga pala!” Humarap siya sa akin at saka ako nilapitan. “Handa ka na ba maging Mrs. Castillo?” panunuya pa niya.

“As is naman may choice ako,” I blurted.

“Mas bagay pa rin sa'yo maging Mrs. Jimenez, 'di ba?” she grinned and pinched me.

I sigh and shrugged. “Puwede na.”

Tinawanan niya ako na parang may nakakatawa sa sinabi ko. Baliw talaga ang isang 'to, walang magawang tama. Imbis na makakalimutan ko, pinaalala na naman niya.

“Kung puwede nga lang talaga...”

Natigilan ako at pinanlakihan nang mata si Elissha. Tumatawa pa rin ang baliw na ngayon ay hindi na nakatingin sa akin. She's looking at the back and I know it's him.

Boses pa lang niya alam kong siya 'yon. Kaya pala inaasar ang nang babaeng 'to dahil nandito siya.

Nandito si Keeon.

“Bakit hindi mo sinabi na nandito siya? Humanda ka sa'kin mamaya...” I mouthed at Elissha.

She chuckled. “Hindi ko naman kasi alam na bababa pala siya.” Kinindatan niya lang ako bago ako nilagpasan at nilapitan siya. “Tulog na ba si Baby Felix? Sorry, Keeon, ah, naabala pa kita. Kauuwi ko lang tapos dumating pa 'to si Tria kaya hindi agad ako nakaakyat.”

“Hindi, ayos lang. Tulog pa rin pala si Briston,” I heard Keeon said.

“Thank you talaga, Keeon. Wait lang, ah, paiinumin ko lang ng gamot si Briston.” Si Elissha na naramdaman kong lumapit naman sa akin. “Tria, wait lang. Aakyat muna ako, may sakit kasi si Briston. Diyan ka lang, hintayin mo akong makabalik,” bulong pa niya saka ako tinapik bago umalis.

Hindi na ako nakasagot dahil sa pagmamadali niya. Tumango na lang ako at pinanood siya.

“Keeon, wait lang, samahan mo muna si Tria diyan,” dagdag pa niya bago nagmadaling umakyat at iniwan kaming dalawa ni Keeon.

Sinundan ko lang nang tingin si Elissha bago ako nagdadalawang isip kung lilingon ba ako kay Keeon. Wala rin naman akong sasabihin kaya huwag na lang. Babalik na sana ako sa sofa nang bigla akong nakarinig nang pagtikhim ni Keeon at nagsimulang magsalita.

“Kung nagmamadali ka puwede ka na namang umalis. Hayaan mo 'yon si Elissha, pinagti-tripan ka lang noong kai---”

Hindi ko na siya pinatapos bago ako naglakas loob na harapin siya.

“Okay,” tipid kong sabi habang nakatingin sa sahig. “Alis na ako, pasabi na lang kay Elissha,” ani ko bago nagsimulang maglakad nang hindi pa rin tumitingin sa kan'ya.

Habang naglalakad, hindi ko itatanggi na nanlalamig ako at parang lumulutang. Kinakabahan kasi ako na parang lulundag na ang puso ko anumang oras. Kahit anong mangyari ayokong malaman niyang naaapektuhan ako sa presensya niya. Ayokong umasa siya sa akin... sa amin.

Napapadasal na ako sa isip ko na sana malagpasan ko ang pagsubok kong ito. Hanggang sa hinawakan niya ako sa braso nang malapit ko na sana siyang malagpasan. Natigilan ako at mas lalong nag-huramentado ang puso ko.

Nilingon ko siya at balak ko na sanang bawiin ang braso ko nang hindi ko inaasahang magtama ang mga mata namin. Katulad nang dati, malungkot pa rin ang mga mata niya.

“I know everything, Tria, but I chose to remain silent.” Mas humigpit ang hawak niya sa akin. Bumaba ang tingin ko doon at nakitang nanginginig siya. “Gusto ko lang ipaalala sa'yo na nandito ako para maging choice mo. Handa akong maging option mo, Tria. Kahit masakit tititiisin ko, makita lang kitang masaya.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro