Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XIX


Chapter 19


Habang nakaharap sa salamin, hindi ko maiwasang isipin ang mga kwento sa akin ni Mireya. She said that when they're still together, Alexander was a manipulative fvckboy and psychopath. Magkaibigan lang daw sila dati, at hindi raw ganoon si Alexander noon. Nagbago na lang daw ito bigla, at naging ibang tao.

Kaya kailangan ko raw na pag-isipan ang pinasok ko. At kung may pagkakataon pa raw akong tumakas, dapat umalis na ako agad bago pa ako tuluyang magapos sa impyerno.

But, how? I'm already wearing this wedding dress, and after a few hours I'm already his wife.

My eyes went down to see my whole body. As Alexander said, he took care of everything. Even from the smallest details of the wedding up to the big one.

As my surprised, I'm impressed with this wedding dress I'm wearing. He reached my expectation.

I turned around when I heard a series of knock outside. I let her or him in. I expect someone from our wedding staff, but it was Kuya Dione, who is now wearing his tuxedo.

“Nica, are you ready?” he smiled and walk towards me.

I look at him like I was needed some help. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ito, o kakalimutan na lang lahat ang mga narinig ko kay Mireya.

I don't know.

Kuya Dione hold my hand and look at me in the eye. “Are you scared?”

I nodded. “I don't know what will going to happen pagkatapos nito. Natatakot ako, Kuya Dione. Hindi ko kaya na mawala si Mommy.”

I can't tell him everything, especially the stories I've got from his ex. They'll just worry about me, and I don't want that to happen.

“Shhh...” Kuya shake his head like he was telling me to stop thinking too much. “Walang mangyayari kay Mommy, okay?” He added and pat my head. “And please, tell me kung may kailangan ka. I won't hesitate to help you. You know how much I love you, right?”

I just smiled and nodded. Hindi na ako nakapagsalita at sumama na lang sa kan'ya palabas ng kwarto.

Nandoon na raw lahat sa simbahan, kami na lang ni Kuya Dione ang naiwan at ilang staff na kinuha ni Alexander. May videographer din kasi at kung ano pa na hindi ko na pinapakialaman. Wala naman talaga akong interes sa kasal na 'to, napilitan lang ako dahil kay Mommy.

Inalalayan ako ni Kuya Dione na makababa ng hagdan bago ako kinuhaan ng ilang mga litrato. I just forced a smile in front of them para hindi halata na kinakabahan at natatakot na talaga ako.

Si Kuya Dione ang nag-drive ng wedding car na sinasakyan ko. Mabuti na lang talaga at siya ang naiwan kasama ko, dahil kung hindi baka hindi rin nabawasan kahit konti ang nararamdaman ko.

I took a deep breathe before I glance outside. We're now in front of the church, which is the last place I will stand as a single.

Noon, akala ko magiging single na lang ako habang buhay. Sa dinami-dami ng lalaking pinalagpas ko, doon din pala ako sa taong hindi ko rin gusto babagsak. Sabagay, wala rin naman akong nagustuhan sa kanilang lahat.

Hindi rin naman kasi nagparamdam iyong nag-iisang tao na gusto ko. Nawala na lang siya nang parang bula, at bumalik kung kelan huli na ang lahat.

Habang naglalakad sa aisle kasama si Kuya Dione, hindi ko mapigilang mapatingin sa mga tao. I admit, I'm still hoping to see him right now.

I don't know why I expect him to be here, but I really want to see him before I tie myself to someone I don't love.

I want to see him one last time before I say those two words to someone I don't care about.

I really wanna see him... but who am I to ask for his presence if I'll just gonna hurt him again.

Mahigpit na hinawakan ni Kuya Dione ang kamay ko dahilan para mapunta sa kan'ya ang aking atensyon. Napansin niya sigurong tila nawawala ako sa sarili.

“Are you okay?” mahinang tanong pa niya.

Pilit akong ngumiti at tumango bago ako tumingin sa harap. Hindi niya na dapat malaman.

Habang nasa harap ang buong atensyon ko, napunta ang mga mata ko kay Mommy. Naka-wheel chair pa rin siya at naghihintay sa amin doon sa harap. Kung nakakapaglakad lang siguro siya, siguradong siya ang nasa tabi ko ngayon. It doesn't matter anymore, as long as I see her happy.

Nang nasa harap na kami ng altar, si Mommy ang unang nilapitan ko. I bowed down to see her closer.

I smiled and control myself not to cry. “Mommy, ikakasal na po ako...” bulong ko sa kan'ya.

Kanina pa umiiyak si Mommy, pero ngayong malapit na ako kitang-kita ko kung paano siya umiyak sa sobrang saya.

Niyakap niya ako gamit ang isang kamay niya. “Sobrang masaya ako para sa'yo, Anak. Alam kong hindi ka pababayaan ni Alexander, kaya panatag na akong iiwan ka kasama niya.”

Hindi ko na napigilang lumuha dahil sa huli niyang mga sinabi. Gusto ko siyang kontrahin pero hindi ko magawang makapagsalita. Naiisip ko ang sinabi ng mga Doctor, wala na raw kaming magagawa kapag tuluyan na siyang kinuha sa amin.

Pagkatapos kong yakapin si Mommy, niyakap ko naman ang mga Ate ko. Pakiramdam ko'y malalayo na ako sa kanila. Hindi na ako 'yong bunso na tatawagan nila kapag kailangan nang mag-aalaga sa mga anak nila. Pero sana magawa ko pa rin 'yon pagkatapos nito.

Huli kong niyakap si Kuya Dione at nagpasalamat sa ginawa niya kanina. Kung hindi dahil sa kan'ya baka hanggang ngayon pinangungunahan pa rin ako nang takot.

“Thank you so much, Kuya. Mahal na mahal ko kayo...” I sobbed.

Kuya Dione rubbed my back. “Mahal ka rin namin, Nica,” he whispered.

Pinalakas pa ni Kuya Dione nang loob ko bago niya ako hinatid kay Alexander.

“Ingatan mo itong kapatid ko, Alexander. Hindi 'yan basta babae lang... prinsesa namin 'yan sa bahay kaya ituring mo 'yan nang mas higit pa,” rinig kong sabi ni Kuya habang nakikipagkamay kay Alexander.

Ngumiti si Alexander at tumingin sa akin. “Of course, she'll be wife. Kung hari ako, siya ang reyna.”

Nakita kong tumango si Kuya, pero ang atensyon ko ay nasa mga mata ni Alexander na parang may ibang ibig sabihin. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon, o talagang may iba siyang pinararating.

Umiwas agad ako nang tingin bago pa ako makapag-isip ng kung anu-ano. Huminto naman ang mga mata ko sa lalaking nakatayo sa may pinto sa gilid ng altar.

He's not one of our guest dahil hindi naman siya nakabihis na naaayon sa motif ng kasal. He's also wearing a cap that why I can't see his face clearly. Medyo madilim pa sa bahaging 'yon.

Kinutuban agad ako na baka siya na iyong kanina ko pa hinahanap.

“Nica...”

Mabilis akong napalingon sa pagtawag sa akin ni Kuya. Naghihintay na pala sila sa akin. Bago ko binigay ang kamay ko kay Alexander, sumulyap pa ako ng isang beses sa lalaking 'yon ngunit wala na siya doon.

Alam kong siya iyon, hindi ako puwedeng magkamali.

Sa buong oras nang seremonya ng kasal namin, nasa lalaking 'yon ang isip ko. Gumagala rin ang mga mata ko at nagbabakasakali na makita ko siya ulit.

“Do you Alexander Sivan Castillo take Veronica Dimittria Solidad to be your lawfully wedded wife? To have and to hold, in sickness and in health, in good times and not so good times, for richer or poorer, keeping yourself unto her for as long as you both shall live?”

Para akong biglang nagising sa tanong ni Father. Napatingin ako kay Alexander at naabutang nakatingin din pala siya sa akin.

Ngumisi siya bago humarap kay Father. “I do,” sagot niya.

Nanatili ang mga mata ko kay Alexander hanggang sa muli ko siyang nakita, nakatayo sa gilid ng simbahan. Kasabay nang pagtulo ng aking mga luha ang pag-alis niya ng kan'yang suot na sombrero.

It's him...

“Do you Veronica Dimittria Solidad take Alexander Sivan Castillo to be your lawfully wedded husband? To have and to hold, in sickness and in health, in good times and not so good times, for richer or poorer, keeping yourself unto him for as long as you both shall live?” rinig kong tanong ni Father.

Hindi ko inalis ang mga mata ko kay Keeon at nanatili siyang pinagmasdan. Umiiyak na ako sa mga oras na ito, hanggang sa nakita kong unti-unti siyang ngumiti at tumango.

“I'm fine...” he mouthed.

Hindi ko magawang maniwala dahil nakikita kong kasalungat nito ang tunay niyang nararamdaman.

Hindi pa rin ako sumasagot nang biglang nag-thumbs up si Keeon gamit ang dalawang niyang kamay habang  nag-uunahan na sa pagbagsak ang kan'yang mga luha.

“Go...” ani pa niya bago ko nakita ang paghikbi niya at nagmamadaling umalis.

Hinabol lang siya ng mga mata ko hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Sumisikip ang dibdib ko na parang gusto ko na lang tumakbo at magpakalayo-layo, nang biglang nag-flashback sa akin ang mga ngiti ni Mommy at ang sinabi ng mga Doctor.

“I repeat...” biglang sabi ni Father dahilan para matauhan ako. “Do you Veronica Dimittria Solidad take Alexander Sivan Castillo to be your lawfully wedded husband? To have and to hold, in sickness and in health, in good times and not so good times, for richer or poorer, keeping yourself unto him for as long as you both shall live?”

Saglit ko munang tiningnan si Alexander, papunta sa kinatatayuan kanina ni Keeon bago ko nilingon si Mommy.

She's smiling like she's the happiest person in the world.

Ngumiti ako pabalik bago ko muling tiningnan si Father. “I do...” sagot ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro